Chereads / Twenty Firsts of January / Chapter 4 - Chapter 4

Chapter 4 - Chapter 4

Tahimik pa rin si Castel. And that is normal, except today that her silence surely means something. Hindi ko alam kung bakit ako ginugulo ng katahimikan niya, siguro nga ay nagu-guilty ako sa nangyari.

Isang oras bago mag-uwian at bago namin harapin ang detention, heto kami at nagbabasa ng isang story sa Literature.

Ni hindi ako makapag-focus sa pagbabasa dahil patingin-tingin ako kay Castel. Ganoon pa rin naman siya, tahimik na binabasa ang kaniyang photocopy ng A Letter To God.

Argh! Tangina ano bang nangyayari sa akin?

Pinilit kong ituon ang isip ko sa pagbabasa. Kulang na lang ay mapunit na itong photocopy dahil sa sobrang higpit ng hawak ko.

Nang matapos ang limang minuto ay tumayo na ang aming guro sa harapan at nagsimulang magtanong tungkol sa story na aming binasa. Hinihintay kong magtaas ng kamay si Castel dahil graded recitation ito, pero wala…wala siguro siyang gana?

"Okay class, that's all for today. Tomorrow, you shall pass your reflection paper regarding the story that we have read today. Class dismissed."

Agad namang nagsitayuan ang mga kaklase ko na excited umuwi. Halos kalahati na lang ang natitira sa classroom nang nilapitan ako nina Io at Erald. Sukbit sukbit na ng mga ito ang kanilang bag at mukhang pupunta na sila sa gym.

"Punta na kaming gym, pre. Kami na bahalang mag-explain kay Coach," sabay tapik ni Erald sa balikat ko.

Tinanguan ko naman silang dalawa at sinabing susunod ako matapos ang isang oras. Hanggang 6PM naman ang practice ngayon at 5PM lang ay tapos na ang detention.

Tahimik namang inaayos ni Castel ang gamit niya. Pinanood ko siyang mag-ayos at nang matapos siya ay kinuha ko na rin ang aking bag. Kinuha na rin ni Castel ang kaniyang kulay itim na backpack at isinukbit ito sa kaniyang likod.

"Castel---" magsasalita pa lang sana ako upang ayain itong sumabay na sa akin papunta sa Detention Room ay nilagpasan na niya ako.

Ni hindi ito lumingon sa akin at nagdire-diretso na lang palabas ng classroom. Wala naman akong nagawa kundi sundan na lamang siya.

Sobrang bilis nitong maglakad. Hindi ko alam kung galit ba siya o nagmamadali lang pero parang sinasadya niyang bilisan para hindi ako makasabay. Sa kabilang building pa kasi ang detention at sa ikalawang palapag ito.

Nang marating namin ito ay agad pumasok si Castel dito. Sumunod naman ako sa kaniya at naupo sa isa mga armchair sa loob. Like the typical Castel, she sat at the back row of the room.

Samantalang ako naman ay sa pangalawang row lang. Ilang estudyante pa ang dumating bago pumasok sa loob si Miss Robles, ang Guidance Councilor ng Veles High.

"Mukhang marami-rami yata kayo ngayon ah," she said with a smile on her face. Kumuha ito ng isang yellow pad at nagpa-attendance. She scanned the room while waiting for us to finish signing, "I can see new faces, mukhang mga first timers yata kayo."

Hindi na bago sa akin ang detention. Halata naman siguro na hindi ako iyong model student na palaging sumusunod sa rules and regulations ng school. Ilang beses na rin akong napadala rito, minsan dahil sa sobrang ingay sa klase o 'di kaya'y sa pagiging late.

"So anyway, para sa mga hindi nakakakilala…I am Miss Ferlie Robles, ang guidance councilor ng Veles High. Ako rin ang in-charge sa pagbibigay ng detention sa mga mababait na estudyanteng kagaya ninyo. I hope not to see you again kaya iwas-iwasan na ang mga kalokohan ha," pabirong sambit nito.

Kinuha nito ang attendance matapos makapirma ang lahat.

"Katulad ng dati ay ganoon pa rin naman ang patakaran dito sa detention. I will assign you in groups, and each group will be given tasks like cleaning, photocopying, checking and other similar tasks," ngumiti ito.

"Okay so, I'll announce your tasks…"

***

As usual, magkakasama sa grupo ang mga magkakaklase at parehas ng grade level. Lima kami sa grupo, ako, si Castel at 'yung tatlong fourth years din.

Mabuti na lang at sa canteen cleaning kami napunta, worst case talaga dito ay iyong bathroom cleaning. Isang beses pa lang akong na-assign doon pero ayaw ko nang ulitin pa. Sino ba namang gustong maglinis ng mga cubicle na mapanghe at iyong iba ay mayroon pang mga waste?

Isang oras ang nakalaan para sa detention, pero kung mas maaga kayong matatapos ay pwede na rin namang umuwi as long as approved na ni Ma'am Robles. Tatlong lalaki iyong kasama namin na medyo familiar na rin sa akin, suki ang mga ito ng detention if I am not mistaken.

Pagkarating namin sa first canteen, na siyang pinakamalaki, ay paalis na iyong mga nagtitinda. Alam na kasi nilang may maglilinis ng mga kalat sa hapon.

"O, mga tsong, alam niyo na. Dating gawi para mabilis tayong matapos," pag-uumpisa ng lalaking may piercing sa tainga. "Magkaklase naman kayong dalawa at dahil babae siya, kayo na bahala sa kitchen. Tapos kami nitong dalawang ugok ang bahala dito sa mga tables and chairs. Ayos ba?"

Tinignan ko muna si Castel bago sumagot, nakita ko namang tumango ito kaya sinabi kong ayos lang din sa akin. Nag-umpisa nang kumuha ng cleaning materials iyong tatlo at naglakad na rin papasok si Castel sa kitchen kaya sumunod na ako. Hindi naman ganoon kagulo sa loob ng kitchen, well, except sa tambak na mga ligpitin sa sink.

Tumalikod si Castel sa akin at humarap na sa lababo, kinuha nito ang ponytail niya at itinali ang buhok. Then she wore a red apron and tied its strings on her back. May kinuha rin siyang pair of gloves with the same color at isinuot iyon sa kaniyang kamay. Hindi ko namalayang nanatili pala ang tingin ko sa kaniya so I was caught off guard when she threw a red apron at me. Hindi ko ito nasalo kaya nahulog ito sa sahig.

Pinulot ko naman iyon at agad na sinuot. Kumuha na rin ako ng gloves sa cabinet sa taas ng sink at isinuot ito. Habang ginagawa ko iyon ay nagsimula nang kumilos si Castel. Napatitig ako sandali sa kaniyang ginagawa, I don't know if its just me pero ang smooth ng galaw niya. Na para bang sanay na sanay ito sa ganoong gawain. 

"Ako na bahalang magsabon, you do the rinsing."

Dalawa naman iyong sink kaya sinunod ko na lang ang sinabi niya. Matapos niyang sabunan ang mga baso ay inilalagay niya na iyon sa kabila. Pumwesto ako sa harap niyon, at dahil magkadugtong lamang iyong sink, nasa kanan ko lang si Castel at halos ilang inches lang ang pagitan naming dalawa.

Sinimulan ko na rin ang pagbabanlaw, hindi naman dahil may kaya kami sa buhay ay hindi na ako marunong sa mga ganitong gawain. I'm actually pretty good at it, I think? Wala kaming imikan ni Castel hanggang sa lumipas ang sampung minuto at natapos kami sa pagliligpit.

We scanned the whole kitchen to check kung ano pa ang mga dapat gawin. We decided to clean the tables too kaya kumuha kami ng mga basahan at nilagyan iyon ng dishwashing liquid.

It's too quiet, usually ay sanay naman akong ganito si Castel. Sa tatlong buwan ba naman kaming magkatabi, siguro guilty lang ako dahil alam kong may kasalanan ako sa kaniya.

I was too preoccupied with my thoughts na hindi ko napansing I keep on cleaning the same spot. Nang matauhan ako ay napansin kong nagwawalis na pala ng sahig si Castel.

I know that I have to say sorry to her dahil kasalanan ko and it's the most rational thing to do. Alam ko naman iyon, at marunong akong tumanggap ng pagkakamali ko. Pero hindi ko alam kung bakit ganito…bakit…putek, nahihiya ba ako?

Tangina, nakakabakla! Kung malalaman lang nina Erald itong naiisip ko ngayon ay siguradong walang tigil na pang-aasar na naman ang aabutin ko. I sighed as I continued cleaning, bahala na kung anong mangyayari.

Nang matapos kaming maglinis sa kitchen ay saktong tapos na rin iyong tatlo. Halos si Castel lang naman ang kumilos because half of the time I was staring into nothingness. Another addition sa mga dapat kong ipag-sorry, dapat nga ay ako lang ang naglilinis dito ngayon and not her.

Isinara na namin iyong canteen pagkatapos matignan ni Ma'am Robles. May sampung minuto pa bago matapos ang detention time pero pinayagan na rin kaming umuwi. Nauna na iyong tatlo at mabilis na tumakbo palabas ng gate. Ako naman ay mananatili muna dahil may practice pa akong kailangang puntahan.

Inaayos ni Castel iyong bag niya habang ako naman ay nakatingin lang sa kaniya. Nakatalikod ito sa akin at papaalis na rin. Nang nagsimula na itong maglakad ay tila ba nagulo ang buong sistema ko dahil hindi ko malaman ang gagawin.

Kailangan kong mag-sorry, iyon ang alam ko. At kung aalis na siya ay hindi ko alam kung kaya ko pa bang sabihin ito bukas.

Tumakbo ako para maabutan siya. Hindi pa naman siya nakakalayo pero malalaki ang hakbang niya kaya malapit-lapit na rin sa gate noong naabutan ko ito. Tumigil ako sa pagtakbo, hindi niya alam na sinundan ko siya kaya dire-diretso pa rin ito. Hindi ko alam ang gagawin, hindi ko alam kung anong dapat sabihin kaya nagulat na lang ako nang…

"Jan!" tawag ko.

Tumigil siya sa paglalakad. Putek, kalian ko pa tinawag na Jan si Castel? Nakatalikod pa rin ito sa akin kaya hindi ko alam kung ano bang reaksyon nito.

Huminga ako nang malalim bago muling nagsalita, "Sorry, dinamay pa kita sa kalokohan ko."

Hinintay kong humarap siya sa akin. Hinintay kong magsalita siya, sumigaw o 'di kaya'y magalit sa akin. Pero makalipas ang ilang segundo ay nagsimula na ulit itong maglakad palabas. Naglakad na parang walang narinig, na parang walang nangyari.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makasakay na siya ng jeep. Unang beses ko siyang tinawag sa pangalan niya, ni hindi man lang siya nagsalita.  

To be continued…

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag