Chereads / Twenty Firsts of January / Chapter 5 - Chapter 5

Chapter 5 - Chapter 5

Napagalitan ako ni Coach Fred dahil sa detention na nakuha ko noong Monday. Ni hindi ko na raw inisip ang team at ang nalalapit na game.

I get the point and I am aware of it, kaya nga dahil dito ay ako ang palaging naglilinis sa gym after practice bilang parusa. Hindi naman marumi dahil nililinis na ito tuwing umaga, ang tanging ginagawa ko lang ay magbalik ng mga bola at mag-ayos ng mga trails.

Apat na araw na detention na rin naman ang nagawa namin ni Castel. Noong Tuesday ay na-assign kami sa paglilinis ng grounds, nag-photocopy kami ng mga school records ng first years noong Wenesday at kahapon ay sa library kami naka-assign. Ganoon pa rin siya, tahimik pa rin at hindi niya binanggit ang ginawa kong pagso-sorry noong Monday.

Sa klase, napapansin kong ginagawa niya na agad ang mga projects o assignments na ibinibigay sa amin tuwing free time. She's always like that, pero napansin ko lang na mas marami iyong ginagawa niya ngayon. Ni hindi ko nga alam kung kumakain ba siya tuwing lunch dahil hindi ito umaalis sa classroom, aalis kaming nagsusulat ito at pagbalik ko ay ganoon pa rin.

"Ano? Sasama ka ba?" tanong ni Io habang kumakain kami sa canteen. Lunch time kasi ngayon, as usual ay nandito kami at nagpaparamihan ng extra rice.

Napakamot ako sa batok ko. "Ano nga ulit iyon?"

"Tangina talaga nito," iiling-iling na sabi ni Erald bago uminom ng tubig.

"Kanina pa namin binabanggit iyong inuman kila Sebastian. Biyernes ngayon pare kaya nagkayayaan, sagot niyo raw ni Io iyong mga Jose Kulubot, Jack Bobot, Red Horse tsaka ano nga iyon? Smirf ba 'yun?" tatawa-tawang usal pa nito.

"Jose Cuervo. Jack Daniels. Smirnoff." pagtatama naman ni Io sa kaniya.

Umismid si Erald. "Gago ganon din 'yun! Jack Bobot pa rin, pinasosyal mo lang."

Kumain na lang ulit ako hanggang sa matapos iyong pagtatalo nilang dalawa sa mga brand ng alak. Ito naman kasing si Io, gustong-gusto ring pinapatulan si Erald na halata namang nanloloko lang. Maya maya ay napansin kong nakatingin na silang dalawa sa akin.

"Mga pare hindi ko kayo type, tigilan niyo 'yan." biro ko sa dalawa na sabay akong sinipa sa paa. Sinamaan ko nga ng tingin, aba, masakit din iyon!

"Tanga! Hinihintay namin sagot mo, lamon ka nang lamon dyan!"

Umiling-iling ako habang pinupunasan ang bibig ko. Katatapos ko lang kasi kumain, habang iyong dalawa ay wala pa sa kalahati ng pagkain nila. "Pucha, pinasagot niyo na nga agad sa akin iyong drinks tapos itatanong mo kung sasama ba ako sa inuman? Do I have a choice?"

"Wala! Kaya sasama ka talaga! Kailangan ko ng kahati sa gastos," kikindat-kindat na sabi ni Io sa akin. Akmang tutusukin ko siya ng tinidor kaya mabilis itong umilag sa akin, tinawanan ko naman siya habang nagtatago ito sa likod ni Erald.

Nagpatuloy sila sa pagkain hanggang sa tumunog na naman ang cellphone ko. Nasa lamesa lamang iyon kaya kinuha agad ito ni Erald at binuksan. I don't put password on my phone since I don't have anything to hide, anyway.

Chismoso talaga 'tong si Erald kahit kailan.

"Sino 'yan?" tanong ko.

Io moved closer to Erald and took a peak at my phone. "Who else? Si Kaira, pare."

"Dami mong unread messages mula dito kay chikababes ah," komento ni Erald. "Oh, ito, kaka-text lang niya ngayon at nag-aayang kumain sa labas. Ililibre ka raw niya."

Napailing ako sa narinig. "Kahapon pa 'yan nag-aaya. I already told her I have no plans of hanging out with her pero ang kulit pa rin."

"How many times do you have to reject her until she gets it?" asked Io.

"I don't know," I shrugged. "Delete mo na lang messages niya, Rald."

"Sigurado ka, Als?" tanong ni Erald. "Sayang naman ang libre tsaka chicks din 'to."

I nodded.

---

Nang matapos ang huling klase sa hapon ay dumiretso na kami ni Castel sa detention. Buti na lang talaga at sa library pa rin kami naka-assign ngayon. Malas nga iyong mga napunta sa bathroom kaya iyon at paulit-ulit silang nakikiusap na ibahin ang assignment nila.

"Simple lang naman ang gagawin niyo, ibalik niyo lang iyang mga nagkalat na libro sa tamang shelf nila," itinuro ng Librarian iyong mga libro sa bawat mesa. "Idamay niyo na rin iyong pag-aayos ng mga mesa at upuan."

"Sige po, Ma'am."

Hindi na ako hinintay ni Castel at lumakad na siya patungo sa unang table. She's sorting out the books according to subjects, lumapit naman ako at tinulungan siya sa ginagawa. Katulad ng mga nakaraang araw ay tahimik na naman ito. Wala nang bago roon.

Kung galit pa rin siya sa akin, naiintindihan ko naman. But maybe it's just because…it's the first time a girl is being mad at me. I'm no saint, I've done awful things before. Pero ewan, hindi ko alam kung bakit iba itong ngayon. Humingi na ako ng sorry…ano pa bang dapat kong gawin? 

Hay, Alston. Kumilos ka na lang.

Pinagpatong-patong ko iyong mga science books na nakakalat sa isang mesa. Ano ba naman itong mga schoolmates ko, makikigamit na nga lang ng libro ay hindi pa maibalik nang maayos. After gathering all the science books, I went to the designated shelf for that subject to return them.

Nang makita kong marami-raming libro ang inaayos ni Castel sa ikatlong lamesa ay agad akong lumapit. Ilang araw na kaming magkasama tuwing uwian dahil sa detention pero parang wala pa rin itong balak na makipag-usap sa akin.

But come to think of it…she's not really fond of talking.

"Puro ba English books ang inaayos mo?" panimulang tanong ko.

Isa. Dalawa. Tatlo. Apat…umabot na sa sampu ang pagbibilang ko sa utak ko pero ni hindi man lang niya sinagot ang tanong ko. Ni hindi ito natinag at patuloy lamang sa pag-aayos.

Baka hindi niya lang ako narinig? Siguro nga.

Sinalansan naming ang mga libro depende sa may-akda. Pare-pareho itong mga English pero iba-iba naman ang mga author. Then my eyes accidentally landed on one of the books, unlike the others, its back cover faces us. My forehead creased in confusion when I saw the picture of the author on upper left side.

Kulay pula ang mga mata nito na halatang dahil sa tinta ng ballpen. Ang mga ngipin naman ng lalaking author ay itim na itim. Ang butas ng ilong nito ay lumaki dahil sa dinagdag na drawing at ang maikling buhok ng lalaki ay naging kulot na mahaba.

Bigla ay tumawa ako nang bumalik sa akin ang isang alaala. Tinignan ko rin tuloy ang ibang back covers ng mga libro at karamihan ay ginuhitan din ang mukha ng may-akda. I continued chuckling until I felt her looking at me.

Walang emosyon itong nakatingin sa akin. Siguro'y iniisip niya kung bakit ako tumatawa.

"Naaalala mo pa ba ito?" turo ko sa drawing sabay tawa. "Loko-loko kasing Io iyon at sinimulang drawingan ang mukha ni Lucas S. Garcia. Malay ba naming gagaya ang buong klase sa trip ng barkada…" tumawa ulit ako. "…pulang-pula ang mukha ni Miss Lopez noon sa galit kaya ayun ang ending pinagpulot tayo ng basura sa buong campus noong grade eight."

"Tapos habang nagpupulot tayo biglang umulan nang malakas. Imbis na sumilong mas pinili pa nating maglaro sa ulan, nagbatuhan pa nga tayo noon ng mga plastic bottles," napangiti ako sa naalala. "Tapos…pfft…tangina biglang dumating adviser natin tas may dalang pamalo! Nagtakbuhan tuloy tayo kasi literal tayong hinabol ng pamalo niya…"

Hinintay ko siyang makisabay sa pagtawa ko pero hindi nangyari. Kaya tumigil na ako at nginitian na lamang siya. Napailing-iling ako habang iniisip kung bakit hindi siya natawa. Ang alam ko ay hindi naman siya absent noong araw na iyon kaya alam niya iyong nangyari.

Nakakatawa naman iyon ah! Isa kaya iyon sa mga memorable experiences ng klase namin.

Ganoon lamang ang ginawa namin sa loob ng halos tatlumpung minuto. Pabalik-balik kami sa mga nagtataasang book shelves upang isauli ang mga librong ginamit ngayong araw.

When we're done arranging the books, we started sweeping the floor. Without saying a word to me, Castel cleaned the other half of the library. Magtatanong sana ako sa kaniya kaso naisip ko na hindi na naman siya sasagot kaya huwag na lang.

"O, dalian niyo na diyan at isasara ko na itong library."

Napalingon kami sa pinagmulan ng boses at nakitang nakatayo ang librarian sa may pinto at hawak na nito ang padlock. Dahil tapos na kaming dalawa ay kinuha na naming ang aming backpack at naghanda na sa paglabas.

"Sandali hijo at hija," pagpapatigil niya sa amin. Ngumuso siya sa dulong bahagi ng kwarto. "May mga librong nagkalat pa doon sa dulong lamesa, iayos niyo muna ang mga iyon bago kayo umuwi."

Without removing the bag on my back, I started walking towards the table. Castel did the same. Hindi naman ganoon karami ang mga libro pero dahil sa librarian ay nagmamadali ang aming mga kilos.

"Bilisan niyo! Kanina pa naghihintay ang asawa ko sa labas."

Walang imik pa rin kaming nagsasalansan doon hanggang sa napatigil kaming dalawa. Hindi inaasahang nagkasabay naming kinuha ang parehong libro, pero mukhang iba yata ang kinukuha ko.

"Alston."

Gulat ang agad na rumehistro sa aking mukha nang marinig ang mahinang boses ni Castel na tinatawag ang pangalan ko. Tumingin ako sa kaniya gamit ang mga nagtatanong na mata. "Bakit?"

Nalaglag ang tingin niya sa aming mga kamay. "Bitaw."

At noon ko lamang napansin na ang kanang kamay niya pala ang kinukuha ko. When I realized what I have done, I immediately pulled back my hand. Damn.

"S-sorry," pagkasabi ko niyon ay mabilis akong nag-iwas ng tingin.

Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi at ang pagpapawis ng aking mga palad. I doubled my speed at arranging the books and immediately exited the door after I'm done. I did not bother waiting for Castel because I don't want her to see my face so red.

Tangina. Hindi naman ako babae pero bakit ako nagblu-blush?

To be continued…