"Tahimik nga! Hindi tayo magkaintindihan dahil sabay-sabay kung magsalita!" sigaw ng President ng klase kung kaya't nagsitahimik ang lahat.
Pinaupo niya rin ang mga kaklase kong parang mga Supervisor kung makalibot sa klase, isa na rito si Erald na tatawa-tawa na naman habang pinapagalitan ni Ara, ang president ng Archimedes.
"August 19 na ngayon, bukas na ang pasahan ng official list ng mga sasali sa contest para sa Buwan ng Wika. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin tayong maipasa dahil ang iingay niyong lahat!" sigaw muli nito.
"Oo nga, ang iingay niyo kasi!"
"Huwag kasi kayong magulo! Baka tumaas ang dugo ni Lola Ara!" nang-aasar na sigaw pa ni Erald na naging dahilan ng pagtawa ng buong klase.
"Tigilan na nga ang kalokohan, simulan na natin ang meeting na---" napatigil si Ara at sinundan ng tingin ang isang naming kaklase na bigla na lamang tumayo. "—saan ka pupunta, Ales?"
"I'm going home!" said Ales, the rich transferee of the class.
Si Alessandria Frondozo ay isa ring anak ng businessman dito sa Veles, dati siyang nag-aaral sa International School na pinanggalingan namin ni Io noong elementary. Walang nakakaalam kung bakit bigla na lang siyang nag-transfer sa huling taon ng highschool, ang sabi ng ilan ay baka raw may ginawa itong kalokohan sa dati niyang school.
"Hindi pa tapos ang meeting ng klase!"
Umirap naman ito kay Ara na halatang naiinis na sa asal ni Ales, "I'm not joining any contest, and besides…uwian na so you can't stop me."
"Hoy Kalesa! Cleaners tayo ngayon, tumatakas ka na naman!" sigaw ni Erald. Gustong-gusto talaga ni Erald na inaasar itong si Ales, madali kasi itong mainis at masyadong sosyal.
"It's Alessa, Hernandez. And who cares about that damn cleaners thing?" pagtataray pa nito. After sending a death glare to Erald, she immediately exited the classroom.
Bumalik naman sa unahan si Ara at bumuntong-hininga. Being the president of the class is really stressful and draining, kaya nga kahit masakit sa tainga ang boses ni Ara ay tinitiis ko na lamang. "Anyway, back to business na Archimedes! Sino sa inyo ang gustong sumali sa Sabayang Pagbigkas? Sa Poster Making? Sa Quiz Bee? At sa Talumpati?"
Nagtaasan naman ng kamay ang mga kaklase ko. Nanahimik lamang ako dahil wala naman akong balak sumali, I need to allot my spare time to focus on basketball since I am now the captain.
Erald, on the other hand said he would join Sabayang Pagbigkas. Maloko lang ang isang 'yon pero lagi itong nasa top ng klase kaya active din sa mga ganitong aktibidad. Si Io naman ay hindi na nakakagulat na nag-sign up sa Poster Making, may pagka-artistic din kasi ang isang 'yan.
Napalingon naman ako kay Castel, tahimik lang itong nagsasagot ng assignment para bukas. It's like she has her own world, she doesn't seem to hear the loud bickering of our classmates.
We've been seatmates for almost three months now, naging permanent seat na kasi ito sa lahat ng subject. At sa tatlong buwan na iyon ay bilang na bilang ko pa rin sa aking dalawang kamay kung ilang beses itong nagsalita. Minsan nga pakiramdam ko ay wala akong katabi, paminsan-minsan ay tinitignan ko siya kung humihinga pa ba.
I do not know how she does it, how she survives without talking to anyone, without having someone by her side. Ako kasi ay sanay na napapaligiran ng maraming tao, hindi lang dito sa eskwelahan ngunit pati na rin sa labas.
"Sa Quiz Bee naman! I need one representative from the class, magtaas ng kamay ang gustong sumali," anunsyo ni Ara. Nagsi-ilingan naman ang mga kaklase ko, halatang mga ayaw sumali.
"Si Jan na lang para sure win na!" suggestion ng isa.
"Tama, si Castel na agad! Reyna ng quiz bee 'yan!"
Ara nodded at our classmates suggestions. Maya maya ay sumigaw ito, "Jan! Okay lang ba na ikaw na representative ng klase sa Filipino Quiz Bee?"
Mukhang hindi narinig ni Castel ang sigaw ni Ara kaya kinalabit ko ito. Lumingon naman siya sa akin ngunit hindi nagsalita. Bakas sa mata nito na hindi niya alam ang nangyayari sa klase. Napailing na lang ako at inulit ang sinabi ni Ara.
"Ano, Jan? Okay lang?" tanong muli ni Ara.
Isang simpleng tango lang ang isinagot ni Castel kay Ara. Tila ba tinitipid nito ang boses niya at ayaw iparinig sa mga tao.
Narinig ko namang nagpaalam na si Io kay Ara dahil didiretso na raw kami sa practice. 4PM na at uwian na nga, isa hanggang dalawang oras na practice pa bago ako makauwi.
"Tara na, Als!"
***
Kinabukasan ay nagkaroon ng early meeting ang team para sa nalalapit na game in two weeks. The game will be against the Jocson High School and it will be held here in Veles High on the 5th of September. Nakita ko naman ang pagseseryoso ng mga teammates ko nang marinig nila na magaganap na ang first game ng taon.
Coach dismissed us after the short meeting. Bumalik naman kami sa klase dahil malapit nang mag-umpisa ang second class namin. The day almost passed by like any other day. Natapos ang recess at lunch break na parang wala lang. Bukod sa normal na asaran namin nina Erald ay wala namang iba. Last two subjects na lang at haharap na kami sa practice para sa nalalapit na laban.
Nag-iinat ako nang bumukas ang pinto at pumasok ang isa sa mga tropa ni Dragona, si Miss Sarosa. Like Miss Hizon, she's also strict with no husband or child. Si Miss Sarosa ang teacher namin sa Calculus, mahusay itong magturo iyon nga lang ay masyadong masungit. She has a slender built with long black hair and round eyeglasses.
"Good afternoon, Miss Sarosa," the whole class greeted.
Lumapit ito sa teacher's table at inilapag na ang kaniyang mga gamit. "Take your seats now." Inilabas nito ang kaniyang chalk box at nagsimula nang magsulat sa blackboard. Matapos ang thirty minutes na discussion, na hindi ko naman pinakinggan dahil inaantok ako, nagsulat ulit ito ng exercises sa board.
"Everybody get a one whole sheet of paper and answer the following problems, I'm giving you twenty minutes to do so."
Napatingin naman ako sa board, I scanned the problems and tsk-ed. Ito ang napapala ng hindi nakikinig, hindi familiar sa akin ang mga problems at paniguradong hindi ko 'to masasagutan. Napalingon ako kay Castel at nakitang nasa number 9 na ito, iba talaga kapag matalino.
"Last five minutes, finalize your answers now."
Fuck. Napatingin ako sa papel ko na hanggang ngayon ay blanko pa rin, tanging pangalan at section ko lang ang nakasulat dito. Nakakahiya namang mangopya rito kay Castel at baka isumbong pa ako. Tinawag ko si Io na nasa bandang unahan ngayon, lumipat pa ito ng upuan para lang mangopya ng sagot kay Belleza. Buti nga at hindi siya napansin ni Miss Sarosa.
"Io! Pst!" makailang tawag na ako pero hindi pa rin ito lumilingon. He's too busy copying Belleza's answers. Itong mga kaklase ko naman ay masyadong seryoso lahat sa pagsasagot.
Napatingin ako sa sahig nang may makapang papel ang paa ko. . .tss, no choice. I don't want to be kicked out of the varisty team because of a failing grade, at saka ngayon lang naman 'to.
I picked up the paper and crumpled it. Nang masiyahan na ako sa ayos nito ay mabilis ko itong binato patungo sa direksyon ni Io.
Pero kung tinamaan ka nga naman ng malas, biglang umihip ang hangin at imbis na sa second row ito maglanding ay napasobra. The crumpled paper hit the left shoulder of Miss Sarosa before it fell to the floor.
Napa-facepalm ako nang makitang kumunot ang noo ni Miss Sarosa. Pinulot niya ang papel at dahan-dahang binuksan. Agad-agad akong yumuko at nagpanggap na nagsasagot.
It's just a blank paper, right? Kaya siguro naman ay hindi niya malalamang ako ang nagbato.
Samantalang ang buong klase naman ay walang alam at abala pa rin sa pagsasagot. Kaya gayon na lang ang pagkagulantang ng klase sa biglaang pagsigaw ni Miss Sarosa. But instead of shouting my name, she yelled the name I never expected she'll call…
"Miss January Faith Castel! One week detention after class!"
The whole class is beyond surprised. Kahit nga ako mismo ay napatulala sa gulat. Napaangat naman ng ulo si Castel at napatingin kay Miss Sarosa na ngayon ay galit na galit.
I do not know if Castel is shocked or scared because it's not evident on her face. She remained expressionless as she stood up and asked, "What did I do, Miss Sarosa?"
Tahimik pa rin ang buong klase kaya rinig na rinig ang maliit na tinig ni Castel. And that's right, her real name is January Castel. Ngunit ayaw niyang tinatawag siya sa kaniyang buong pangalan, I remember her pleading the class during the 7th grade to call her "Jan" or "Castel" and not January nor Faith. She did not tell the reason, though.
"At talagang nagtatanong ka pa? I thought you have the proper attitude, Miss Castel! I am so disappointed in you!" sigaw muli ng aming guro.
Hindi ko alam kung bakit sa kaniya nagagalit si Miss Sarosa gayong ako naman ang may kasalanan, pero baka ibang bagay ang tinutukoy niya kaya ayoko munang makialam.
"With all due respect, Ma'am, I am asking because I am not aware of the violation I did. Kilala niyo ho ako, Miss, alam ko ho kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin," matapang na sagot ni Castel. Nagulat ang buong klase sa kaniyang pananalita, it's very unlikely of her.
Tila mas lalo lamang nainis si Miss Sarosa sa isinagot ni Castel. Natulala na lamang ako nang bigla niyang ipinakita sa klase ang isang papel, iyong papel na binato ko kani-kanina lamang. "Well, I would like to inform you that you just threw this crumpled piece of paper at your teacher. Your name is written in here. Itatanggi mo pa rin ba? O gusto mong maging dalawang linggo na ang detention mo?"
Tangina.
I sighed as I realized what happened. Ang tanga mo, Alston! Ang tanga-tanga mo at ni hindi mo man lang tinignan yung papel bago mo binato! Akala ko blanko lang 'yun!
"But Ma'am, I swear I did not throw that paper on you."
"Don't try to getaway with this, Miss Castel."
"I am not lyi---" pinutol ko ang sasabihin ni Castel sa biglang pagtayo ko. Ako naman talaga ang may kasalanan, I can't let her suffer the consequences.
"—I did it, Miss Sarosa. I'm the one who threw that crumpled paper at you." I confessed.
Napatingin sa akin ang buong klase dahil sa sinabi ko. Even Castel's eyes were on me, I can feel her heated stare. "I will receive the punishment, Ma'am. Miss Castel has nothing to do with it, I just used her scratch paper without her knowing."
Miss Sarosa raised her brow, "And you think you can fool me, Mr. Buenavista? Hindi ako tanga, huwag niyo kong paglolokohin."
"But I am telling the truth, Ma'am."
"Ha! I've been teaching for 30 years now, alam na alam ko na ang mga kalokohan ng estudyante ko. Don't try to save her, Mr. Buenavista," she said as she shook her head at us.
Miss Sarosa turned her back on us and erased the blackboard. Nag-umpisa namang kolektahin ng President ang mga papel namin dahil si Miss ang magche-check nito.
Nang matapos magbura ng blackboard ay muli itong humarap sa klase, "Class dismissed. And you two, Mr. Buenavista and Ms. Castel, report to the detention office for your one week punishment."
"This is not fair, Miss Sarosa! I did not do anything wrong!" Castel's raging voice suddenly filled the whole classroom. Natahimik ang lahat, ultimo ang pangongolekta ng papel ay natigil. Tanging ang tunog ng electric fan at wall clock lamang ang naririnig namin.
Ngumiti si Miss Sarosa, "The world is unfair, Miss Castel."
To be continued…