Chereads / Twenty Firsts of January / Chapter 2 - Chapter 2

Chapter 2 - Chapter 2

"Pre, check mo nga kung bad breath na si Alston!" tatawa-tawang sabi ni Erald.

Inilapit naman ni Io iyong ilong niya sa may bibig ko at pilit inaamoy ito. Inilayo ko naman ang mukha niya gamit ang palad ko. Tawa naman nang tawa iyong dalawa dahil sa pagkaasar ko.

"Ano, mabaho na ba?" usisa pa ni Erald.

"Tigil-tigilan niyo nga ako," naaasar na sabi ko sabay higop sa softdrinks ko.

Inumpisahan ko na ulit sumubo ng kanin, sa sobrang sarap ng menudo ni Nanay Fe ay pangalawang rice ko na ito. Recess na at full-packed na naman ang canteen, lalo pa't first day of class ngayon.

Inagaw ni Erald ang bagong bukas na Piattos ni Io at saka kumuha nang marami, "Kasi naman pre, concern lang kami sa hininga mo. Katabi mo lang naman kasi ang title holder ng Most Behave sa klase."

"Tangina pre, baka mamaya candidate ka na rin sa Most Behave," dagdag pa ni Io.

Lumipat ng upuan si Erald at naupo sa tabi ko. Hindi pa ito nakuntento at inakbayan pa ako, "Huwag kang mag-aalala pare, suportado ka pa rin namin diyan! Kami na ang bahala sa starter pack mong mouthwash, toothpaste at toothbrush!"

"Ako na bahala sa dentist fee, pre!" pahabol pa ni Io at saka sila nag-apir na parang mga ugok. Ibang klase talaga mang-asar 'tong dalawa, hindi titigil hangga't hindi ako napipikon.

Nanahimik ang dalawa nang magsimula na silang kumain ng kanin. If there's one thing that can shut us up—that's gonna be food. Bukod sa basketball ay isa rin ang pagkain sa dahilan kung bakit magkakasunod kaming tatlo.

In the middle of eating, my phone buzzed from my pocket. Agad ko iyong inilabas sa aking bulsa upang tignan kung sino ang tumatawag. I automatically frowned when I saw the name of the caller.

Nagtatakang tumingin si Erald. "O? Ba't mukha kang nalugi diyan?"

Bigla namang napatingin sa akin si Io at sa cellphone kong nag-vivibrate pa rin sa lamesa. Unti-unting pumorma sa labi niya ang mapang-asar na ngiti. "Dude, I bet you a hundred bucks that's Kaira calling!"

Damn right, Io.

"Pre, nasa Pinas tayo kaya walang "bucks" dito. Piso lang meron!" sabi ni Erald kay Io. Tsaka naman ito humarap sa akin. "Sinong Kaira ba 'yan? Bagong chikababes mo na naman?"

"Si Hensley 'to, pare," sagot ko na lang. "Nangungulit na naman."

Kumunot ang noo ni Erald sa pagkalito. "Kanina Kaira tapos ngayon may Hensley naman. Mamigay ka naman dyan Als!"

Io and I looked at each other and shook our heads.

"Ugok!" binatukan siya ni Io. "It's just one person! Are you sure you're part of top ten in our class? It's Kaira Hensley, the one with long black hair and Chanel bag."

"Ah! 'Yung chicks na stalker ni Als?"

"Nadale mo rin!"

Erald looked at my phone. "Ba't di mo kasi sagutin 'yung tawag para tigilan ka na? Pagbigyan mo ng isang date para hindi na mangulit."

I sighed. "If only it was that easy, matagal ko na sanang ginawa."

"Yeah, Kaira's no longer just an admirer," Io agreed with me. "She's obsessed! Simula pa lang noong elementary kami nitong si Als sunod na nang sunod 'yun."

"Pakilala niyo kasi sa akin mga pare," sabat ni Erald. "Sigurado kapag nasilayan ni Kaira Hensley ang gwapo kong mukha ay mag-aaya na 'yan ng kasal."

Inayos-ayos pa ni Erald ang kaniyang buhok at nginitian kaming dalawa ni Io. Hindi pa nakuntento at nag-flex pa ito ng non-existent muscles niya. Sapak tuloy ang inabot niya sa amin.

Nang tumunog ang bell ay nagtayuan na kami at bumalik sa classroom. Si Miss Hizon na naman ang teacher sa harap, mukhang buong araw ay puro orientation lang ang magaganap. Sa sobrang boring niyang magsalita ay pinili ko na lang matulog. Habang itong katabi ko naman ay ganadong-ganado pa ring making at mag-take down notes.

---

"Congratulations, Buenavista! Aasahan kong magiging mas maganda pa ang performance ng team sa mga darating na laro. Huwag mong kalimutan na goal ng team na makapasok sa Regional at dumiretso hanggang Palaro," bilin ni Coach Fred sa akin habang kinakamayan ako.

Ngumiti naman ako at tumango sa kaniya. "Oo naman, Coach. I won't waste this chance, I'll lead the team towards the championship."

"Magandang attitude iyan, Buenavista. But do not be overconfident, alam mong magle-level up din ang mga kalaban ninyo kaya huwag makampante," tinapik ni Coach ang likod ko. "Sige na, wala munang practice ngayon."

Nang makaalis si Coach sa gym ay naglapitan na ang mga teammates ko. Kaniya-kaniyang hampas sila sa'kin habang binabati ako sa pagiging Captain ng team. Hindi ko naman mapigilan ang pagtawa sa mga kung anu-anong kalokohan na pinagsasasabi nila.

"Pucha, nakalaya na rin tayo sa mga Kastila!" tatawa-tawang sigaw ni Sebastian habang nakataas pa ang dalawang kamay.

"Sa wakas! Ang tagal kong hinintay na mawala na 'yung mga mayayabang na senior na 'yon!" dagdag pa ni Fernandez na sinang-ayunan naman ng lahat.

Lumapit naman si Erald na nagdi-dribol pa ng bola, "Tangina e puro yabang naman sila, puro si Als nga itong umi-iskor noong finals!"

Nagtawanan pa ang lahat sa sunod-sunod na kwento ni Erald. Hindi kasi talaga magagaling ang mga seniors last year kung ikukumpara sa mga naunang batch. Puro pagyayabang pa ang ginagawa nila at panay takas tuwing may practice. Bukod dito ay inaabuso pa nila ang position nila sa team at kung makautos ay akala mo kung sinong mga hari. Kaya nga siguro hindi nakapasok sa unang pagkakataon ang team ng Veles High sa Regionals last year.

"Pero siyempre, may bago na tayong Captain!" sigaw ni Io na sinundan din ng iba. "Papayag ba tayo na wala man lang celebration?" 

"Syempre hindi 'di ba?" pangunguna ni Erald.

"HINDEEE!"

"Cheeseburger! Cheeseburger! Cheeseburger! Cheeseburger!" paulit-ulit na kantiyaw ng mga teammates ko sa'kin. Napakamot naman ako sa ulo ko at saka tinignan nang masama sina Erald at Io. Mabuti na lang talaga dinala ko 'yung allowance ko ngayon.

Nagkayayaan na kumain sa The Picha House na isang sikat na pizza store dito sa Veles. Kaya kaniya-kaniya kaming sakay sa tricycle dahil may kalayuan iyon sa Veles High. Pagkarating dito ay kumuha na agad sila ng pwesto. At dahil ako raw ang magbabayad, ako na rin ang namili ng flavor ng pizza na bibilhin.

Matapos ang kainan at walang humpay na tawanan at kwentuhan ay kaniya-kaniyang uwi na rin kami. Nag-aaya pa ngang mag-inuman sina Fernandez pero may maagang practice bukas ng umaga kaya agad akong tumanggi. Sa umaga kasi naka-schedule ang practice namin sa loob ng dalawang linggo.

Sumakay kami ni Io ng jeep na dadaan ng Mountain View Village, habang si Erald naman ay lumakad na lang dahil sa Agatha Street lang naman ito nakatira. Ilang kanto lang ang layo nito mula sa Armando's. Nang makarating ako sa bahay ay nagpalit lang ako ng damit at dumiretso na ako sa dining.

I was not surprised to see the table filled with my favorite dishes. Masyadong magarbo kung maghanda rito sa bahay, tulad ngayon ay aakalain mong may fiesta kahit wala naman. The school probably called my parents and told them the good news.

"Alston, you're finally here!"

Lumabas si mom mula sa kitchen namin na mayroong malaking ngiti, sa kanang kamay niya ay isang bowl na may lamang macaroni salad. Kasunod niya rin si Manang Lisa, isa sa mga househelps, at may dala naman itong pitsel.

"Hey, mom." I said as I kissed her on the cheek.

Hindi na ako nagulat noong bigla itong yumakap sa akin. My mom is really affectionate and I guess I kind of got that trait of her.

She let go of me after a minute. "I'm so proud of you, anak! For sure you will do great as your team's captain."

"Where's dad?" I asked.

Medyo busog pa ako dahil marami-raming slices din ng pizza ang kinain ko kanina. But Mom cooked so I want to eat even a few servings. I seated on one of the chairs as mom busied herself putting dishes on my plate.

Mom smiled. "Your dad is still in the hospital, anak. May operation pa kasi siya but don't worry he says he will buy you a new Nike shoes."

Everyone knew that my family is well-off. Mom's family owns the GMC—Guerrero Medical Center while Dad is one of their surgeons. My parents are busy persons but they do their best to take care of me in their own ways.

Hindi tulad ng ibang anak-mayaman, hindi nagkukulang ang aking mga magulang sa atensyong ibinibigay nila sa akin. Kung iisipin ay sobra-sobra pa nga ang natatanggap ko dahil nag-iisang anak lamang ako.

Sometimes I wish I have a sister or a brother to share the attention with. 

---

Matapos ang 30 laps ay hingal na hingal na ang buong team. Lahat kami ay halos mahiga na sa sahig ng gym sa sobrang pagod. Today is the start of the morning runs, naka-schedule na ang bawat activity na gagawin ng team para sa pagpapalakas ng stamina at endurance, as well as the trainings appropriate for enhancing our skills. 

Makikiinom pa lang sana ako ng tubig dahil nakalimutan ko ang water jug ko nang biglang tumunog ang first bell. Nagkatinginan kami nila Erald at dali-dali kaming nagtatakbo palabas ng gym dahil five minutes na lang before 8:00 AM. Kung hindi lang si Dragona ang first subject namin ngayon, mag-iiskip talaga kami sa sobrang pagod. 

Pagkarating sa classroom ay mas nadoble pa ang hingal ko kanina. Buti na lang at t-shirt na puti ang naisipan kong suotin kaya kahit papaano ay hindi ganoon kainit. Pag-upo ko sa aking upuan ay naabutan kong nagso-solve ng kung anong math problem si Castel.

I forgot to mention that Castel is also running for Valedictorian. Wala atang ibang alam gawin 'to kundi mag-aral nang mag-aral. Kaya kahit tahimik ito madalas ay hindi siya pinapakialaman ng buong klase, palagi kasi nitong dahilan na busy siya sa pag-aaral. She doesn't even have friends to spend the recess and lunch break with, she's all alone for the past three years. Sa tuwing inaaya kasi itong kumain ay isang iling ang palagi nitong sagot.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpunas na ako ng pawis. Kapag nakita ni Dragona ang pawisan kong mukha ay siguradong magtatatalak na naman iyon. Ilang minuto lang ay dumating na sa klase si Miss Hizon, agad nitong sinimulan ang lesson 1 at hindi na nakapagreklamo pa ang buong klase.

Miss Hizon is in the middle of explaining the history of Periodic Table when I felt thirsty. Fuck, I forgot my water jug!

Lumingon ako sa side nina Io at mahinang tinawag ang mga ito, "Io! Erald!" Ilang ulit ko pa itong sinabi pero hindi man lang nila narinig. Sinubukan kong kalabitin ang mga nasa unahan ko pero umiling lang ito at wala rin silang tubig.

Tatawagin ko sana ulit sina Erald nang biglang may naglapag ng itim na tumbler sa armrest ko. Napatingin ako kay Castel dahil siya lang naman ang katabi ko. Dalawang upuan lang kami rito sa likod at imposibleng ang mga nasa unahan ko ang naglagay nito dahil inisa-isa ko na sila at wala raw silang tubig. 

Iniangat ko ang tumbler niya at binuksan ito. It's full, seems like I'll be the one who'll make the first sip. Si Castel ba talaga nagbigay nito? The thought of Castel giving me her water never crossed my mind. Nakakapagtaka lang.

"Psst," tawag ko rito. "Are you sure you're giving me your water? Baka maubos ko 'to." dugtong ko pa.

"Ang ingay mo," mahinang bulong nito.

Ano raw? Ang layo naman ng sagot niya.

Ininom ko na lang ang tubig na binigay niya dahil hindi ko na talaga kaya ang uhaw. Pinigil ko ang sarili kong ubusin ito pero sa huli ay ibinalik ko pa rin ito kay Castel nang walang laman.

To be continued…