Lala's Pov
Kinabukasan sinundo ako ni Zeus sa bahay namin. Papunta kami ng reunion ng dancing club na sinalihan ko dati. Simple lang ang suot ko. White na blouse na 3/4 sleeve tapos palda na navy blue na may floral design. Huwag daw akong magdaring ng suot sabi ni Zeus baka daw mapaaway sya. Baliw din ang loko.

Nakarating kami sa Golden Hotel kung saan napili nilang ganapin ang reunion. Habang naglalakad kami ay nakatanggap si Zeus ng text.
"Sweetie, dito lang muna ako. Tatawagan ko muna sila Tom at Wilson. May importante kasing kailangang idiscuss sa office. Saglit lang ako sa phone para utusan ang mga tauhan ko." paliwanag ni Zeus. Sweetie nga pala ang gustong itawag sakin ni Zues kagabi pa.
"Sige mauuna muna ako sa loob. Sunod ka na lang." sabi ko.
Pumasok ako sa loob at napansin ko na madami dami din ang tao. Halos wala naman akong kaclose dito dahil sa puro plastic at payabangan lang ang mga miyembro dito. Kung nde lang dahil kay Edward ay hindi ako sasali dito.
"Oh nandito na pala si Lala eh." sabi ni Nica. Nginitian ko lang sila.
"Sya nga pala Lala, wala kang ka date? Halos lahat kami dito may kadate. Nakita mo yung guy na medyo singkit? Anak sya ng isang senator." pagmamalaki ni Nica.
"Yung katabi naman nya, boyfriend ko naman. Isa syang doktor at mayaman ang pamilya nila na puro doktor." sabi Alice isa sa miyembro ng grupo.
"Ako naman suitor ko naman ay anak ng isang businessman." sabi naman ni Gladdys.
"Di ba nakita natin si Edward kanina. Kausap nya si Sandra yung kaibigan nyo." sabi ni Nica.
"Well well well, nandito pala ang malandi nating ka grupo. Alam nyo ba guys, buntis si Lala. Akala mo kung sinong mabait, malandi pala." sabi ni Sandra.
"Lala!" sigaw ng bagong dating na si Edward.
"Ang kapal ng mukha mo din ano. Nagpakita ka pa sa amin. Nagpapakipot ka pa nuon sa akin pero nagpabuntis ka sa iba. Bakit? Kaya pala hindi mo ako mapagbigyan." panunumbat ni Edward.
"Mabuti na lang noh hindi ako sayo nagpagalaw. Masama kasi ugali mo. Bagay kayong dalawa ni Sandra, parehas kayong makati. Atleast ako hindi sinasadya eh kayo? Ilang taon na kayong nagtutuhugan? Di mo ba alam Sandra, parausan ka lang ni Edward?" sabi ko.
"Hayop kang babae ka!" sigaw ni Sandra. Akmang sasampalin ako ni Sandra pero may pumigil dito.
"Subukan mong saktan ang girlfriend ko at ako ang makakalaban mo." sabi ni Zeus habang hawak hawak ang pulsuhan ni Sandra.
"Ikaw na naman? Anong ginagawa mo dito? Hindi ka imbitado dito." sabi ni Edward.
"Sinong maysabing hindi? Di ba sabi sakin magdala ako ng partner ko? Oh e di dinala ko ang boyfriend ko na ama ng dinadala ko." sabi ko.
"Kung hindi ka rin malandi ano sa iba ka pa nagpabuntis at hindi sa boyfriend mo." sabi ni Sandra.
"Atleast nde ako nakikisawsaw sa boyfriend ng may boyfriend. Isa pa buti na lang at hindi ako pumayag na magpagalaw kay Edward. Ayokong basura ang maging ama ng anak ko." sabi ko.
"Akala mo kung sinong malinis to. Mapanghusga ka pala Lala." sabi ni Nica.
"Bakit hindi ba? Kayong lahat dito, wala naman sa inyong malinis eh. Nagpapagalaw kayo sa mga boyfriend nyo dahil sa pera at mga materyal na bagay. Tama ba ako?" sabi ko.
"Bakit ikaw hindi ba? Sino ka ba sa akala mo?" sabi nung isa pang miyembro.
"Hindi mo pala ako kilala. Well, hindi ko kailangang magpagalaw para magkapera. Isa akong Jeon at anak ng may ari ng ibat ibang kompanya sa bansa. Saan lupalop ka galing at hindi mo kilala ang pamilya ko?" tanong ko dito.
"Akala mo kung sino ka. Pera naman ng pamilya mo yun at hindi sayo." sabi ni Sandra.
"Well tama ka nga. Pero bitch hindi mo ba alam kung sino ako ngayon? Kaya kitang pabagsakin sa putikan kunv gugustuhin ko. Siya nga pala bayad na ba kayo sa venue nyo? Medyo mahal magpavenue dito ah." tanong ko sa kanila.
"Anong akala mo samin mahihirap?" tanong ni Nica.
"Hindi naman, nagtatanong lang. Baka kasi gusto nyo ng discount eh. Ililibre ko na nga sana ang bayad sa venue ninyo, kaya lang ginalit nyo ako." sabi ko.
"Makapagsalita ka kala mo ikaw ang may ari ng hotel." sabi ni Gladdys.
"Pamilya ko nga. Sa kakambal ko ang hotel na ito. Kung gusto nyong makahingi ng discount sa mga ospital hanapin nyo lang ako. Pwede ko kayong bigyan ng magandang discount sa SDR Hospital at Golden Hospital. By the way hanapin nyo lang si Dra. Lady Lavinia Jeon o Lala for short. Ako kasi ang namamahala dun eh. Sige una na kami ng boyfriend ko." sabi ko na ikinanganga nila.
Tumalikod kami ni Zeus at narinig namin ang bulong bulungan nila. Sa totoo lang hindi nila alam na mayaman ang pamilya ko. Iilan lang ang nakakaalam. Hindi ko kasi ito pinapakita at pinapaalam. Simple lang akong manamit nuon. Isa pa ayaw kong makaagaw ng pansin dahil sa yaman ng pamilya ko.
Bago kami nakalabas ng pinto ni Zeus ay may humablot ng kamay braso ko.
"Saan ka pupunta. Hindi pa tayo tapos Lala." sabi ni Edward.
"Ano pang problema mo Edward?" tanong ko.
"Kailangan mong makipag usap sakin Lala. Pwede nating ipalaglag ang bata. Pwede pa tayong magsimula ulit. Bumalik ka na sakin Lala." sabi ni Edward. Agad naman itong sinuntok ni Zeus.
"Edward!" sigaw ni Sandra.
"Pinalampas na kita nuon, pero ngayon hindi na. Gusto mo talagang makalaban ako?" tanong ni Zeus kay Edward.
"Tanggapin mo na Edward na kahit kelan ay hindi na ako babalik sayo." sabi ko.
"Ikaw ang bwisit sa buhay namin ni Edward! Hanggang ngayon ginugulo mo pa din kami?" sigaw ni Sandra habang sinasabunutan ako. Di namin inaasahan na makakalapit sya sakin. Agad namang tinanggal ito ni Zeus.
"Sinaktan mo ako pwes, antayin mo ang galit ko!" sigaw ko.
Tinawagan ko si attorney Justin. Ang kaibigan naming abogado.
"Hello Justin, may papagawa ako sayo. May mga tao lang akong gustong makulong." sabi ko.
"Sige, tell me all the details." sabi ni Justin.
Binaba ko ang tawag at binalingan ko si Zeus na busy din sa cellphone nya. Nang matapos ito ay humarap ito kina Sandra. Pumasok sina Tom at Wilson at lumapit sa amin.
"Alamin nyo lahat ng impormasyon sa lalaki na yan at pati na din sa babaeng yan." utos ni Zeus kina Tom.
"Yes boss!" sigaw ng dalawa.
"Teka, diba ikaw ang anak ni Manager Nestor?" tanong ni Wilson.
"Manager Nestor ng Saavedra Bank of the Philippines?" tanong ni Tom.
"Oo, nakita ko na kasi sya sa Christmas party ng mga employees ng bangko." paliwanag ni Wilson.
"Pati sya ay tauhan ng bangko." turo nito kay Gladdys.
"Ganun ba? Sige ngayon palang sabihin mo sa ama mo na wag na syang papasok sa trabaho." sabi ni Zeus.
"Pati ba sya boss?" tanong ni Tom habang tinuturo si Gladdy.
"Teka bakit pati ako? At isa pa sino ba sya." sabi ni Gladdys.
"Tanga lang te. Maganda ka nga, tanga naman. Hindi mo kilala ang may ari ng bangko? Si Mr. Zeus Saavedra ang may ari ng bangko na pinagtatrabahuhan mo." sabi ni Wilson kay Gladdys.
"Teka, tatanggalin nyo sa trabaho ang daddy ko? Paano na kami?" tanong ni Sandra.
"Sinabi ko na sayo pagsinaktan mo ang girlfriend ay ako ang makakalaban mo! Malas nyo lang at sa bangko ko pa kayo nagtatrabaho. Wala akong pakialam kahit maghirap pa kayo!" sigaw ni Zeus.
"Hala ginalit mo kasi si boss badboy." sabi ni Wilson. Nakita kong umiiyak na si Gladdys at si Sandra ay nanggagalaiti.
"Tara na sweetie. Kaya pala ayaw mong pumunta dito, ganito pala ang mangyayari. Date na lang tayo, sweetie." sabi ni Zeus.
"Sige, kain tayo ng ramen." sabi ko.
"Ramen na naman, sweetie?" tanong ni Zeus at tumango ako.
"Sige na nga. Tara na alis na tayo. Bahala na kayong dalawa sa mga yan." bilin ni Zeus kina Tom at Wilson.
"Yes boss!" sigaw nung dalawa.
Umalis kami sa hotel ni Zeus. Sayang ang bihis ko at ang oras ko sa mga yun. Mabuti na lang at naisipan ni Zeus na magdate kami. Naaawa man ako sa pamilya nya pero wala akong magagawa. Atleast tinanggal lang sila ni Zeus. Eh kung sina daddy at mga tito namin ang nagparusa sa kanila eh baka nakakulong na sila at naghihirap ng sobra. Iba pa naman magalit ang mga yun.
Nakakatakot din pala magalit si Zeus. Badboy na badboy ang dating nya. Nakakakilig sya habang pinagtatanggol ako sa kanila. Teka nga, humahanga na ba ako sa kanya? Well wala namang masama.