Chereads / Lala's Possesive Bad Boy / Chapter 12 - Meet the Three Daddies

Chapter 12 - Meet the Three Daddies

Zeus Pov

Buong party ay nakasunod lang ako kay Lala. Si kuya Briggs kasi ay laginv nakasunod kay ate Dahlia kaya tuloy si Lala ang kasama ko. Hindi naman ako na out of place kasi pinakilala nya ako sa mga kaibigan nyang mga lalaki.Β  Madalas nakikipag usap sakin sina Vincent at Chrys.

"Nag eenjoy ka ba sa party kuya Zeus? Sana hindi ka nabobored." sabi ni Chrys.

"Ang saya nga eh. Ganyan ba kayo magparty palagi? Mas magugulo pa ang mga magulang nyo. Akala ko mga istrikto ang mga parents nyo. Kasi si daddy ni Lala parang sobrang istrikto." sabi ko.

"Naku ganun lang talaga si tito Jk pero pagnakilala mo yun naku napakabait nya. Akala mo wala syang pakialam sa mga kaibigan nya pero sya yung unang gagawa ng paraan sa mga problema nila. Lagi nya lang binabara si daddy kasi nakasanayan lang na nila ito na asarin si daddy." paliwanag ni Vincent.

"Dyan ka muna Zeus pupunta lang ako kina Vanna." paalam ni Lala. Pumunta ito dun sa table ng mga babaeng kaibigan nila.

"Sya nga pala ano nga pala angΒ  pinagkakaabalahan mo? Si kuya Briggs racer, ikaw?" tanong ni Chrys.

"Racer din ako pero hindi ako nalaban sa mga competition. Hobby ko lang ito at paggusto lang ng kalaro ni kuya saka ako nakikipaglaban." paliwanag ko.

"Eh ano naman trabaho mo?" tanong ni Lucas na kapatid ni Lala.

"May jewelry and weapon business ako specially guns and knives." sabi ko.

"Oh baka naman illegal yan. Ayaw pa naman namin ng mga illegal na gawain." sabi ni Lucas.

"Hindi legal ang business ko at isa pa ang sinusuplayan ko ay ang mga nasa gobyerno. Bago pa makakuha ang ibang sibilyan ng baril ay hinihingian ko muna ito ng mga requirements." paliwanag ko.

"Kuya Zeus, tawag ka nila daddy dun sa table nila." sabi sakin ng bunsong kapatid ni Lala na si Liam.

"Naku patay ka gigisahin ka ng mga yan." sabi ni Vincent.

"Sige puntahan ko muna sila duon." paalam ko sa kanila.

"Relax ka lang mababait yang mga yan." sabi ni Lucas.

"Salamat." sabi ko tapos tumayo ako at naglakad papunta sa table ng daddy ni Lala.

"Good evening po." bati ko sa kanila.

"Oh iho maupo ka at ipapakilala kita sa kanila. Mga kumag ito nga pala si Zeus ang nakabuntis kay Lala. Iho ito nga pala si alien V at ito naman si torpeng Jimin." pagpapakilala sa amin ng daddy ni Lala.

"Sakit mo naman magsalita talaga Jk. Kaya naman labs na labs kita eh." sabi nung tinawag ni daddy ni Lala na alien V.

"Iho ako nga pala si Jimin ang isa sa mga daddy ni Lala." pagpapakilala nya.

"Po? Isa sa mga daddy? Di po ba si sir Jk po ang daddy ni Lala?" tanong ko sa kanila. Naguguluhan ako sa sinasabi nila.

"Ganito kasi yan, kami kasi ni Jimin ang nag alaga sa kambal simula nuon pa. Parang anak na rin ang turing namin sa kanila. Kaya naman daddy na rin kami nila Lala at Leo." sabi ni sir V.

"Ugok! Ako lang ang daddy nila. Nang aangkin lang kayo." sabi ni sir Jk.

"Ikaw talaga ang damot mo. Pinagkakait mo pa samin ang kambal." sabi ni sir V.

"Arte mo alien." sabi pa ni sir Jk.

"Maiba tayo iho, ano nga palang trabaho mo?" tanong ni sir Jimin.

"May jewelry and weapon business po ako. Specially mga guns and knives po ang binebenta ko at legal po ito. Kadalasan po ang mga katransaction ko po ay mga nagtatrabaho sa gobyerno. Yung mga ginagamit sa mga trainings ng mga sundalo sa akin po nila kinukuha." sabi ko.

"Maganda pala ang katayuan mo sa buhay. Mabubuhay mo ang mag ina mo. Matanong kita ano ang plano mo sa Lala namin?" tanong ni sir V.

"Sir gusto ko pong panagutan talaga si Lala. Sa totoo lang po gusto ko syang pakasalan kaya lang po hindi po sya naniniwala na gusto ko sya. Ang nasa isip nya palagi ay kaya ko sya papanagutan ay dahil sa bata which is not true po. Unang kita ko pa lang sa kanya attracted na po ako sa kanya. Gusto ko po na lalo pa syang makilala." sabi ko.

"Well hindi mo masisisi si Lala dahil buntis sya at talagang aakalain nya na dahil lang sa bata. Pero masaya ako na gusto mo syang panagutan at hindi takbuhan ang obligasyon mo." sabi ni sir Jimin.

"Siguraduhin mo lang na hindi mo lolokohin ang prinsesa namin dahil kung hindi ay mananagot ka saming tatlo. Hindi mo gugustuhing magalit kami." banta ni sir V.

"Sir V, seryoso po ako kay Lala. Kahit ano po gagawin ko para lang makapasok ako sa puso nya. Hindi ko po sinasabi ito para magpaimpress sa inyo. Sinasabi ko po ito para magpaalam sa inyo na gagawa po ako ng paraan para mahalin ako ni Lala." sabi ko.

"Maige naman, yan lang ang gusto kong marinig sa iyo. Pero pag umiyak ang anak ko nang dahil sayo sisiguraduhin kong may kakalagyan ka." sabi ni sir Jk.

"Oo nga siguraduhin mo na aalagaan mo ang anak ko." sabi ni sir V.

"Anak natin alien." sabi ni sir Jimin.

"Mga ugok kayo nang angkin na naman kayo ng anak ng may anak. Hala tawagan nyo na ang iba at late na sila." sabi ni sir Jk.

"Ang damot mo talaga Jk. Basta anak natin ang kambal." sabi ni sir V.

"Whatever." sagot ni sir Jk. Ang kukulit pala ng mga ito gaya ng sabi nila Vincent.

Masaya siguro na magkaroon ng ganitong mga kaibigan. Si kuya Briggs lang kasi ang palagi kong nakakasama maliban sa mga tauhan ko. Kaya naman pamilya na ang turing ko sa mga tauhan ko kasi sila ang palaging nandyan sa tabi ko.

"Mamaya ka na umuwi iho para maipakilala ka pa namin sa iba pa naming mga kaibigan. Sa totoo lang gusto na kita para sa prinsesa namin. Galingan mo sa panliligaw sa kanya." sabi ni sir V.

"Salamat po sir V." sabi ko.

"Pwede ba tito na lang din tawag mo samin. Napakapormal naman ng tawag mo samin. Feeling ko teacher ako sa pagtawag mo saming sir." sabi ni sir Jimin.

"Sige po sir, i mean tito Jimin." sabi ko. Ang saya ko kasi kahit papaano tanggap nila ako. Magandang simula ito. Si Lala lang talaga ang problema ko pa.

"Oh ayan na pala ang presidente eh kasama si matakaw na Jin hahaha." sabi ni tito V.

"Matakaw man ako ikaw naman ay alien." sabi nung tinatawag nilang Jin.

"Tito Jimin, bakit po alien ang tawag nyo kay tito V?" bulong ko sa kanya.

"Kasi naman out of this world kung nag isip yang si V." bulong din na sagot nya sa akin.

"Buti po hindi naooffend sa inyo si tito V." tanong ko.

"Dont worry hindi maooffend yan kasi nakasanayan na namin may tawag kami sa isat isa. Lambing na lang namin yan." sabi pa nya.

"Kaya po pala pati mga anak nyo ganyan din magtawagan nakuha po pala sa inyo." sabi ko.

"Tama ka dun hahaha." sagot nya.

Pinakilala nila ako sa iba pa nilang kaibigan. Grabe sila mag asaran nakakaaliw. Pero napakatibay ng pagkakaibigan nila naikwento kasi ni tito Jhope ang pagkakaibigan nila. Hindi ako na out of place sa party na to. Lalo ko tuloy gustong maging parte ng buhay nila. Naiinggit ako kasi si kuya Briggs lang ang nagwelcome sa akin sa pamilya ko.

"Okay ka lang ba dito?" tanong ni Lala na kakalapit lang. Hindi ko napansin na lumapit sya samin.

"Okay lang ako." sagot ko sa kanya.

"Ikaw naman baby girl, hindi naman namin kakainin yang boyfriend mo." sabi ni tito Jin.

"Malay ko naman tito Jin, ang takaw mo kaya." sabi ni Lala.

"Boom panes!" sabi ni tito Jhope.

"Manang mana ka talaga sa mommy at daddy mo." sabi ni tito Jin.

"Syempre anak namin yan!" sagot ni tito V.

"Bakit ikaw ba ang sinasabing daddy nyan?" tanong ni tito Namjoon.

"Bakit daddy naman talaga nya kami ah." sagot ni tito V.

"Nang angkin na naman si alien." sabi ulit ni tito Namjoon.

Lumapit si Lala kay tito V at umupo sa lap nito tapos yumakap.

"Wag mo silang pansinin daddy alien, kahit ano pa sabihin nila daddy pa din kita." sabi ni Lala.

"Kaya naman mahal na mahal ko tong baby girl namin eh, naiintindihan ako." sabi ni tito V.

"Paano naman ako?" tanong ni tito Jimin.

"Syempre ikaw din daddy torpe." sabi ni Lala.

"Baby girl okay na sana kaso bakit daddy torpe pa din tawag mo sakin?" tanong ni tito Jimin kay Lala.

"Sabi sakin ni daddy yun eh hahaha." tawang sagot ni Lala.

"Bwisit ka Jk!" sigaw ni tito Jimin.

"Hahaha!" sabay sabay silang nagtawanan.

Umalis sa pagkakaupo si Lala kay tito V at lumapit sakin. Ngumiti ito sakin at nagsalita.

"Meet my three daddies."