Zeus Pov
Nakasimangot akong nagtatrabaho ngayon sa opisina ko. Paano kanina ko pa hindi nakikita si Lala tapos dagdagan mo pa ng maingay kong pinsan.
"Ano ba insan, pwede bang huwag kang sumimangot dyan. Nakakairita eh. Ano bang problema mo?" tanong ni kuya Briggs.
"Wala, naiirita lang ako sa mukha mo." sabi ko.
"Ikaw naman, sobra mo naman akong namiss. Hayaan mo matagal pa ulit ang laban ko kaya hindi muna kita iiwan." sabi nya. Isa kasi itong racer at lumalaban sa ibat ibang bansa.
"Asa ka pa." sagot ko.
"Asan nga pala ang dalawang aso mo?" tanong nya.
"Bwisit ka kuya! Hindi aso sina Tom at Wilson." sabi ko.
"Eh di ba ang aso sunod ng sunod? Eh sunod sila ng sunod sayo eh. Asan na nga sila at may ipapabili ako." tanong nito.
"Wala! Pinababantayan ko ang mag ina ko." sabi ko.
"Mag ina!" sigaw nya. Tumango ako.
"Wow! Kelan ka pa nagkaroon ng mag ina? Kelan ka pa nag asawa? Sayo ba talaga ang anak na yun kasi ang bilis naman yata?" sunod sunod na tanong ni kuya.
"Pwede ba hinay hinay sa kakatanong. Hindi ko pa sya asawa, papakasalan ko pa lang kaso ayaw pang pumayag. Isa pa sakin ang anak na yun at sigurado ako." sagot ko sa kanya.
"Ang bilis kasi. Paano mo nakilala ito?" tanong nya.
"Naalala mo nung nag inuman tayo sa bar? Di ba nawala akong bigla? Sya yung babaeng kasama ko nun." paliwanag ko.
"Wow! You mean sya yung babaeng nag iisang nakaakit sayo? Tingnan mo nga naman oh, ang lalaking walang kahilig hilig sa babae ngayon magkakaanak na. Ang galing sharp shooter ka pala kasi nabuntis mo agad." sabi ni kuya.
"Ikaw kasi kaya hindi ka siniseryoso ni Dahlia eh masyado ka kasing palabiro at isa pa babaero ka. Hahaha!" sabi ko sa kanya. Si Dahlia ang matagal nya nang nililigawang doktora.
"Hindi ako babaero, lapit lang sila ng lapit sakin." paliwanag nito.
"Sabi mo eh." sabi ko.
"Sya nga pala may pupuntahan akong birthday. Samahan mo naman ako oh. Kahit tanggap ako ng pamilya ni Dahlia eh nahihiya pa din ako." sabi ni kuya.
Matagal na itong tanggap ng pamilya ng nililigawan nya. Dapat nga ay sasagutin na ito ni Dahlia kaso naset up si kuya ng isang babaeng obssess sa kanya. Kaya nagalit si Dalhia. Kahit napatunayan ni kuya na inosente sya ay nahirapan pa ding tanggapin ito ng nililigawan nya.
"Sige, saan ba at sino? Magpapaalam na din ako kay sweetie ko." sabi ko.
"Mommy ni Dahlia." sabi nya.
"Anong oras ba? Ganyan na bihis mo?" tanong ko.
"Hindi, may dala akong damit nasa kotse ko. Makikiligo na lang ako sa bathroom mo dito sa opisina mo. Hassle pa kung uuwi ako. Tambay na lang ako dito para pagtapos mo magtrabaho alis na tayo." sabi nya. Tumango na lang ako.
Makalipas ang 2 oras ay subsob pa din ako sa trabaho. Biglang bumukas ang pinto ng opisina ko. Hindi ko ito pinansin sa pag aakalang ang sekretarya ko lang.
"Andito na pala ang mga alaga mong aso. Nabalik na sa amo nila." sabi ni kuya. Napatingin naman ako sa kanila.
"Iniwan nyo ang mag ina ko? Paano pag napahamak iyon." tanong ko.
"Wait boss, huwag kang magalit. Sinundo ng daddy nya si boss ganda. Sinabihan kami ng daddy nya na sila na daw ang bahala kay boss ganda sa araw na ito. May pupuntahan ata sila ng pamilya nya." paliwanag ni Tom.
"Isa pa boss, may mga bodyguard din na nakasunod sa kanila kaya huwag ka nang mag alala." sabi naman ni Wilson.
"Aba bigatin pala ang girlfriend mo." sabi ni kuya.
"Naku sir Briggs, sobrang bigatin. Kung alam nyo lang." sabi ni Wilson.
Tinawagan ko si Lala para magpaalam na din sa kanya na may pupuntahan ako.
"Hello?" sagot nito.
"Hello sweetie, sinundo ka daw ng daddy mo?" tanong ko.
"Oo eh, nakalimutan ko kasi na may party pala kaming pupuntahan ng pamilya ko. Kung hindi pa ako sinundo ni daddy ay hindi ko maaalala." sabi nya.
"Ayos ka lang ba? Kumain ka na ba?" tanong ko.
"Huwag kang mag alala, mas mahigpit ang security ng daddy ko. Kung alam mo lang at dun sa tanong mo kung kumain na ba ako? Eto nakain kami ni daddy sa restaurant. Natakam kasi akong kumain ng korean foods. Sige na nagagalit na si daddy, istorbo ka daw sa date namin hahaha." sabi nito na tawa ng tawa.
"Sige, pakikamusta na lang ako sa daddy mo. Bye sweetie." sabi ko.
"Bye Zeus." sabi nito bago patayin ang tawag.
"Syete nakakainggit ang sweet nyo ng girlfriend mo. Sana ganyan din si Dahlia." sabi ni kuya.
"Demanding yang si boss. Di naman sya sinasagot pa ni boss ganda, i claim ba naman na girlfriend nya ito." sabi ni Tom.
"Napagod na lang si boss ganda na magkipagtalo kaya hinayaan nya na lang si boss na tawagin sya girlfriend nito." sabi Wilson.
"Ang galing ng the moves mo. Dapat ata paturo ako sayo. Para kang expert." sabi ni kuya.
"Wag na kayong magulo at maingay para matapos ko ng maaga ang trabaho ko. Mga istorbo!" sabi ko sa kanila.
Tinapos ko ang trabaho ko at nagpahinga bago naligo at nagbihis ng panibagong suit. Nakarating kami sa venue at pumasok sa pinagdadausan ng party.
"Kuya Briggs andito ka na pala, nandun si ate Dahlia kausap yung kaibigan namin. Sino tong kasama mo?" tanong nung isang lalaki.
"Siya nga pala Zeus, siya si Chrys kapatid ni Dahlia. Chrys ito naman si Zeus, pinsan ko." pagpapakilala ni kuya sakin.
"Nice to meet you Zeus, pare." sabi ni Chrys.
"Nice meeting you too." sagot ko.
"Ayan na pala si ate eh. Papakilala ko kayo sa kaibigan namin." sabi ni Chrys. Lumingon ako sa likod at nagulat sa nakita ko.
"Sweetie!" gulat na sabi ko.
"Oh Zeus, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Lala.
"Magkakilala kayo ate Lala?" tanong ni Chrys.
"Oo, siya yung ama ng baby ko." sabi ni Lala.
"Wow! Pinsan pala ni Briggs ang ama ng pinagbubuntis mo. Good for you sis." sabi ni Dahlia.
"Sya nga pala sweetie, si kuya Briggs pinsan ko. Kuya Briggs sya si Lala ang babaeng papakasalan ko." sabi ko. Hinampas naman ako ni Lala sa braso.
"Magtigil ka nga." sabi ni Lala.
"Paano kayo nagkakilala ng girlfriend ni Zeus? Bakit hindi ko sya nakikitang kasama mo?" tanong ni kuya kay Dahlia.
"Si ate Lala kasi ay masyadong busy makipagkita sa amin kaya madalas sa mga hideout lang namin sya nakakasama. Si ate Lala ay ang isa sa kambal na anak anakan ni daddy na inalagaan nya nung magkasakit ang kaibigan ni mommy at daddy. Parang kapatid na ang turing namin sa kanila." paliwanag ni Chrys.
"Kaya nga tatlo ang daddy ni Lala at Leo eh. Hahaha." natawang sabi ni Dahlia.
"Tatlo?" tanong ni kuya Briggs.
"Oo yung daddy ko, daddy nila at si tito V. Anak na kasi ang turing nila sa amin ng kambal ko dahil halos sa kanila din kami lumaki at sila halos ang nag aalaga sa amin." sabi ni Lala.
"Speaking of kambal? Asan si Leo?" tanong ni Dahlia.
"Kakaalis lang papuntang Netherlands. Bibisitahin nila ang pamilya ni Blessy." sabi ni Lala.
"Ah kaya pala nde ko sila nakikita. Sige Lala dyan ka muna. Kakausapin ko lang si Jessica para sa ipapagawa kong mga libro." sabi ni Dahlia bago tumalikod at umalis.
"Babe, antayin mo ako." sabi ni kuya habang hinahabol nya si Dahlia.
"Ako din dun muna ako kina alien Vincent. Namimiss kong kulitin sya eh hahaha." natatawang sabi ni Chrys.
"Siraulo, may pamiss miss ka pa dyan eh para kayong mag asawa laging magkasama." sabi naman ni Lala. Umalis ng tawa ng tawa si Chrys.
"Ang galing noh, small world. Kaibigan mo ang nililigawan ng pinsan ko." sabi ko.
"Oo nga hanggang dito kasama pa din kita." sabi nya.
"Baka talagang destiny tayong dalawa. Sige na pakasal ka na sakin." sabi ko.
"Instant boyfriend na nga kita at hindi ka paawat eh ngaun gusto mo instant asawa pa din. Asa ka! Maghintay ka kaya." sabi nya.
Napangiti naman ako kasi ibig sabihin may pag asa dahil sinabi nyang mag antay ako.