Chereads / Lala's Possesive Bad Boy / Chapter 14 - The Suspect

Chapter 14 - The Suspect

Zeus Pov

Tatlong araw na ang lumipas at ito na ang araw kung saan ililibing na ang taong nagligtas kay Lala. Sobrang pasasalamat ko sa kanya kasi niligtas nya ang mag ina ko. Alam kong napakabuti nyang tao kahit isang beses ko palang syang makilala nuong dinala ako dito ni Lala nuon para gamutin.

Nitong mga nakalipas na araw ay halos wala akong tulog dahil sa pag alalay ko kay Lala. Ilang beses din ayang umiyak sa akin dahil naaawa sya sa mga bata dahil nawalan ng ina ang foundation. Madali lang ang financial support na pwedeng ibigay sa mga bata pero ang pagmamahal ng isang ina hindi kayang palitan.

Panay ang pag alalay ko kay Lala kasi halos hindi na ito matulog. Yung ibang maysakit na bata ay patuloy nyang inaalagaan gaya ng isang batang may diabetes. Although may inaalagaan ito ni teacher Abby na isa ding diabetic, pero yung depression ng bata ang kailangang bantayan. Sobrang depressed ang bata sa pagkakawala ni sister dahil ito ang palaging nagbibigay ng encourage sa bata.

"Okay ka lang ba? Gusto mo munang umidlip? Gigisingin na lang kita pagmag uumpisa na ang misa para kay sister." tanong ko kay Lala.

"Hindi na sapat na sakin yung tulog ko kanina. Ikaw ba nakatulog ka na ba?" tanong nya sakin.

"Oo sinabayan na kita kanina. Magpahinga ka na lang at maupo baka mapaano pa kayo ng baby natin. Iutos mo na lang ang mga gagawin sakin." sabi ko sa kanya.

"Lala!" tawag ni Dahlia na kakarating lang. Nagmamadaling lumapit ito kay Lala pagkatapos ay yumakap ito sa kanya.

"Kamusta ka baby girl?" tanong ni Dahlia.

"Ate, hindi ako okay. Nadedepress na naman ako. Sinisisi ko sarili ko at sobrang galit ang tumatakbo sa utak ko. Natutuwa ako at naligtas ang anak ko pero sobrang lungkot ang nararamdaman ko sa pagkawala ni sister. Anong gagawin ko?" sabi ni Lala.

Di na ako nagtaka kung ganyan ang nararamdaman nya. Kahit anong sabihin ko o ipayo parang hindi nya matatanggap dahil hindi pa sya ganung katiwala sakin. Maige na si Dahlia ang magbigay ng payo sa kanya bilang isang kaibigan at isang psychologist.

"Mabuti pa pagkatapos nito magbakasyon ka ulit. Lumayo ka muna at mas makakaganda sa iyo na magbakasyon at magrelax. Umuulit na naman ang depression mo Lala. Mas mapapanatag ako pagmay kasama kang magbabakasyon. Gusto mo bang samahan kita?" tanong ni Dahlia.

"Hindi na ate, di ba nakapirma ka na ng kontrata ng mga gagawin nyong medical mission. Isa pa mas kailangan ka ng mga pasyenteng may mas matindi pa ang problema sakin." sabi ni Lala.

"Kung gusto mo ako na lang ang sasama sa iyo. Hindi din ako mapapanatag ng wala ka sa tabi ko." sabi ko.

"Paano ang mga negosyo mo kapag wala ka?" tanong ni Lala.

"Kaya kong magtrabaho kahit nasaan ako nandun. Kelan mo gustong magbakasyon?" tanong ko.

"Kapag nahuli na nila kambal ang gumawa nito kay sister." sabi ni Lala. Tumayo ito at pinuntahan ang bata na nakita nyang umiiyak malapit sa opisina ni sister Micah.

"Bantayan mo maige si Lala. Shes depress right now pero hindi nyo makita sa kanya yun di ba? Pakibantayan maige si Lala dahil ayaw kong mangyari sa kanya ulit ang nangyari noon." sabi ni Dahlia sa akin.

"What do you mean?" tanong ko.

"Its not my story to tell. If Lala tells you about that thing, its a good start because she will open up to you and it means she will finally trust you. But please pakibantayan sya maige baka kasi maulit ang nangyari nuon." sabi ni Dahlia.

"Hindi kita maintindihan. Ano bang nangyari nuon?" tanong ko kanya. Hindi nya ako sinagot ulit at umalis sya papunta kay Lala.

Natapos nang ilibing si sister Micah at isa isa nang nag uwian ang mga dumalong bisita. Nagpaiwan muna kami ni Lala kasi tutulong muna daw sya sa kapatid nyang si Lily at Liam bago ito iwan sa kanila ang pamamahala ng foundation.

Habang ibinibilin ni Lala kina Lily at Liam ang mga kailangan sa foundation ay tumunog ang cp nito. Kinausap nya ito at narinig ko sa kanya ang salitang kambal pero bakit ang itsura ni Lala ay galit na galit at halos parang gustong pumatay. Hindi nagsalita muli si Lala at sa halip ay umupo ito sa bench na malapit sa gate ng foundation. Panay tingin nya sa labas. Naupo lang ako kasama sya at maya maya ay dumating si Chrys.

"Tara na ate Lala, hinihintay ka na ng kambal mo." sabi ni Chrys.

"Saan kayo pupunta?" tanong ko sa kanila.

"Pupunta kami sa lugar kung saan naruon ang maysala sa lahat. Kailangan nandun si ate Lala." paliwanag ni Chrys.

"Sama ako. Gusto ko din malaman kung sino ang gustong pumatay sa mag ina ko." pagpupumilit ko. Tumingin si Chrys kay Lala at tumango ito.

"Sige papayag kami pero kailangan piringan muna namin ikaw kasi sikreto ang lugar na pupuntahan namin." sabi ni Chrys.

"Naintindihan ko." sabi ko.

Nang makarating kami sa sinasabi nilang lugar ay pumasok kami sa isang kwarto at tinanggalan ako ng piring. Agad na nilapitan ni Lala ang ex nya. 

"Sabi ko na nga at hindi mo ako matitiis." sabi ng ex nya. Bigla itong sinampal ng malakas ni Lala. Napahawak ito ng pisnge nya sa lakas ng pagkakasampal ni Lala.

"Wala kang kasing sama! Hindi ko alam kung bakit kailangang mabuhay ang mga taong katulad mo!" sigaw ni Lala. Agad na pinuntahan ni Blessy si Lala at niyakap ito.

"Huminahon ka, baka mapahamak ang anak mo." sabi ni Blessy.

"Anong gusto mong gawin sa kanya Lala?" tanong ni Leo.

"Buhay ang kinuha nya kaya buhay din dapat ang kapalit. Wala nang natitirang awa akong nararamdaman sa kanya. Gawin mo ang nararapat sa kanya kambal." sabi ni Lala na ikinagulat ko. Hindi ko inaasahan ang ganitong ugali ni Lala. Nakikita ko sa mata nya na kahit patayin ang ex nya ay wala itong pakialam. 

"Sige dalhin na yan sa basement! Lala magpahinga na kayo ni Blessy sa kwarto ko. Babalikan ko na lang kayo mamaya." sabi ni Leo Tumango ito at lalabas na sana ng mapalingon sakin. Hindi kasi ako umaalis sa kinatatayuan ko.

"Ano Zeus, bakit nakatayo ka pa din dyan. Tara na!" aya ni Lala.

"Leo pwede ba akong sumama sayo? Gusto ko ring gumanti sa kanya. Hindi lang si Lala ang gusto nyang patayin, pati na rin ang anak ko." sabi ko kay Leo.

"Sige na Lala magpahinga na kayo at ako nang bahala kay Zeus." tumango ito at lumabas kasama si Blessy.

Nagpunta na rin kami sa basement nila Leo. Nadatnan namin sina Vincent at Chrys na itinatali ang mga kamay at paa nito. Pagkatapos ay binaril ito sa hita ni Leo.

"Aaaaahhhhh!" sigaw ng hayop. Binaril pa ni Leo ang isa pang hita nito.

"Aaaaahhhh! Patayin nyo na lang ako." sabi nito.

"Huwag kang mag alala papatayin naman talaga kita pero paunti unti. Gusto ko maranasan mo kung gaano kasakit ang ginawa mo!" sigaw ni Leo.

"Putulan natin ng dila, ang ingay nya." kalmadong sabi ko pero sa loob loob ko galit na galit ako. Lumapit ako dito at walang pag aalinlangan na putulan ito ng dila.

"Langya akala ko si Leo lang kakatakutan natin pagnagalit. Mukhang sumapi na si tigre kay leon." rinig kong sabi ni Vincent.

"Remind me not to anger those two. Nakakatakot hahaha." sabi naman ni Chrys.

Lumabas si Leo at naiwan kaming tatlo nila Chrys at Vincent. Sigaw ng sigaw si Edward na ex ni Lala.

"Sinabi ko na sayo nung huli tayong magkita. Binalaan kita pero ano, gusto mo pang patayin si Lala pati na ang anak ko!" sigaw ko.

Unti unti kong hinihiwa ang lugar kung saan sya binaril ni Leo. Idiniin ko pa ang bala na tumama dito. Panay sigaw nito at sa totoo lang nag eenjoy ako sa ginagawa ko.

"Pare, halika na. Bilin ni boss Leo wag muna nating patayin yan. Darating pa ang tatlong daddies nila at malamang mas malala pa ang ginagawa mo sa gagawin nila." sabi ni Vincent.

"Tara na, hinihintay ka na ni ate Lala." sabi naman ni Chrys.

Lumabas kami nung tinatawag nilang detention room at lumakad sa hallway. Kumatok kami sa isang kwarto ang sabi ni Chrys ay opisina daw ito ni Leo.

"Oh ayan na pala kayo, tinapos nyo na ba yung laruan nyo? Buhay pa ba?" tanong ni tito V.

"Buhay pa daddy alien" sabi ni Vincent.

"Tara na para mapaglaruan din ang bago nating laruan." sabi ni tito Jimin.

Inakbayan nila tito V si daddy Jk. Napansin kong nanlilisik ang mga mata nito at kung ordinaryong tao ka lang ay siguradong matatakot ka sa mga tingin nito.

"Patay kang bata ka. Kung kanina Leon at tigre ang nakilala ng ex ni ate Lala, malamang mga dragon na ang makikilala nya mamaya. Naku lalo na si tito Jk, nakita mo Chrys ang tingin nito? Nakakakilabot. Alam mo Zeus may mas dapat kang katakutan bukod kay tito Jk." sabi ni Vincent.

"May taong mas matindi pa magalit kay tito Jk? Sino?" tanong ko.

"Si tita Lisa!" sabay na sigaw ng dalawa.

Lalong napakunot ang noo ko sa pagtataka. Ang bait bait ni tita Lisa at parang napakahinhin. Imposible talaga.