Chereads / Forget me Not / Chapter 15 - Fading - 1

Chapter 15 - Fading - 1

February 2016

Samu't sari ang emosyon na mababanaag sa mukha ng bawat estudyanteng naroroon sa Royal Ball na dinadaos tuwing Valentine's Day. Mayroon walang kasing kinang ang ngiting nakapaskil sa mga labi, mayroon din naman na malalamlam ang mga matang nakatanaw sa mga taong nais sana nilang maging kapareho ngunit hindi binigyan ng pagkakataon at meron din naman na walang pakialam kung may kapareha silang kasama o wala.

This year's Valentine's Theme is Gothic. Kaya naman dark colors lang nang ngingibabaw na kulay sa venue pero gayun pa man ay napakakulay ng gabing ito para sa lahat dahil sa mga kapareha nila o kaya naman ay sa mga kaibigan nilang kasama. Dapat ay katulad ng karamihan masaya din ang nararamdaman ko pero kabaliktaran iyon ng nararamdaman ko ngayon. My expectation is that this Royal Ball will be one of the Highlights in my college life now that I'm dating the King of ADA, but in reality, I can't feel even a bit of happiness not because we will perform for tonight and I won't be with Vaughn, but because of the truth that I'm keeping to myself for the past weeks.

"Good Evening Chean." Bati ng mga kapwa estudyanteng nadaanan ko na may nakalarawan na paghanga sa mga matang nakatingin sa akin.

"Good Evening din." Balik-bati ko naman habang tinatahak ko ang daan patungo sa backstage kung saan naghihintay ang mga kabanda ko.

"You're late!" Nakasimangot na wika ni Rei bago inabot sa akin ang pinakamamahal kong drumstick. "I love your outfit. You looked stunning. Siguradong luluwa na naman ang mata nun ni Alcantara." I just smiled on her compliment.

I'm wearing a goth halter neck high-low little black dress. A gorgeously flared asymmetrical strap dress that plays up a romantically feminine charm to the traditional little black dress I am wearing. Stockings is a must in Gothic Themed events that's why I wear a really sexy pair of floral stocking and instead of my usually black converse, I bought a goth boots for this special event. I don't usually wear accessories but Kristine insist that I should, so she lend me her black long earrings and also did my make-up.

Kunot ang noo na tumingin ako kay Shiro ng mag-flash ang camera ng phone nya. He just sticks his tongue out at me like a kid and turn around to go back on his seat while scrolling his phone. Naiiling na tinignan ko na lang sya. For sure he will send it to Akihiro to tease him for not being there.

"Asan si Jupiter? Hindi ko sya nakita sa labas." Tanong ko ng mapansin kong wala ang babaero naming kaibigan. Ngumuso lang si Kristine sa direksyon ni Rei na umirap lang bilang sagot.

"Nagaway na naman yata yang dalawa. Nung dumating kami walang imik yung isa na lumabas eh. Probably he went outside to smoke. Alam mo naman yung isang yun, kapag magkaaway, sigarilyo ang kaulayaw." Paliwanag ni Kristine na ikinailing ko na lang bago pumunta sa backdoor ng auditorium para tawagin si Jupiter dahil sinabihan na ako nang emcee na malapit nang magsimula ang party.

"She's probably here. Nandito na sila Kristine eh. Bakit hindi ka na lang pumasok sa loob? Don't tell me nag-away din kayo? Madalang ko na kayong makitang magkasama ah. Lagi din wala sa wisyo yung isa."

Napahinto ako sa akmang pagtulak ng nakaawang na pinto ng backstage exit nang marinig ko ang boses ni Jupiter.

"We didn't. I'm just busy. Alam mo na, council stuffs. Saka hindi naman kailangan na lagi kaming magkasama. Besides, if this will make our relationship fail, then maybe we're not meant for each other." May lungkot sa boses na wika ni Vaughn.

Pakiramdam ko ay unti-unting dinudurog ang puso ko sa mga binibitawan nyang salita. When I'm still thinking of making things work between us even after I get to know about his secret, he's already on the verge of giving up. Kahit pa hindi nya naman alam na alam ko na ang totoo.

I know that he knew who I am. Dad confirmed it for me when I asked if his new family saw me. Alam ko din na marahil iyon ang rason kung bakit pinipigilan nyang mahalin ako ng higit sa dapat. He knew how hurt I am after my parent's separation. But the truth didn't even faze my feelings for him. I'm afraid, Yes. But it doesn't mean that I want to give up on us. I'm afraid what will our parents will say if they happen to knew our relationship. But what I'm afraid of the most is if they will ask us to break up. Kaya nga nasasaktan ako dahil sa kalamigan na ipinaparamdam nya sa akin ng mga nagdaang araw.

"Why do I have this feeling that there's something wrong with you two?" Seryosong tanong ni Jupiter kaya naman pinaramdam ko na ang presensya ko.

"With us? What's wrong?" Inosente kong tanong sa kanilang dalawa. They both looked at me and tried to hide the shock on their faces so I faked my expression.

"Bakit mo kasama ang boyfriend ko? Don't tell me sawa ka na sa babae kaya lalaki naman kursunada mo?" Kunwari ay mataray kong tanong kay Jupiter bago lumapit kay Vaughn na may matamis na ngiti sa mga labi at kumapit sa braso nya. "How do I look?"

Matamis na ngiti lang ang iginawad ni Vaughn sa akin pero kapansin-pansin na hindi ko na maaninag ang kinang sa mga mata nya na gaya noon.

"You looked stunning as usual." He said that made me smile sweetly. Kahit pa nga puno na nang agam-agam ang puso ko.

"Hoy Jupiter! Makipagbati ka na sa best friend mong topakin kung ayaw mong mapurnada ang pambabae mo ngayong gabi." Nakapameywang kong baling kay Jupiter na agad naman sumimangot sa sinabi ko.

"I'll go ahead." Paalam ni Jupiter bago kami iniwan na dalawa.

Marahan na inalis ni Vaughn ang pagkakakapit ko sa braso nya ng makaalis ang kaibigan. He has bags under his eyes but he still looked gorgeous on his goth outfit. He's wearing a velvet Victorian gothic inspired tailcoat. To be honest he looks like a gorgeous vampire that will make you ask him to drink your blood. If only not because of his stiff expression, malamang ay biniro ko na sya na kagatin ako.

"You should go back to your friends." Utos nya pagkaraan ng saglit na katahimikan na bumalot sa aming dalawa.

I'm close to tears and God knows how hard I'm trying just not to burst into tears. Nararamdaman ko na ang unti-unti nyang paglayo sa akin sa hindi ko malaman na dahilan. Alam kong hindi dahilan na anak ako ng step-dad nya. He knew about it but he still chose to be with me. But now, why do I have this feeling that he regrets taking my hand. Gustuhin ko man syang komprontahin ay hindi ko magawa dahil alam kong magiging dahilan iyon ng paglayo nya. Kaya nga nanatili akong tahimik. Cause I don't want to lose him after giving up the family that I still wanted to build for the sake of his mom's happiness.

"Hoy Ikatlo." I called him when he's about to leave when I didn't utter a single word.

"What?"

Huminto sya pero nanatili syang nakatalikod sa akin na ipinagpasalamat ko na din. Ayokong makita nya ang samu't saring emosyon sa mga mata ko na pinangingibabawan ng lungkot.

"I'll make sure to make your heart race just like the first time. I love you." I said before walking past him trying to stop my tears from falling.

We're still together. I won't give up.

Iyon ang mga salitang paulit-ulit kong sinasabi sa isip habang tinatahak ko ang daan pabalik sa backstage kahit na bawat hakbang ko palayo sa kanya ay ang pagpira-piraso ng puso ko sa hindi nya pagsagot sa huling tatlong katagang binitawan ko.