Chereads / Forget me Not / Chapter 21 - The Beginning - 2.5

Chapter 21 - The Beginning - 2.5

October 2013

Napakaliwanag ng buong ground at halos mapuno na ng tao dahil ito na ang pinaka-highlight ng school festival. Lahat ng estudyante ay may kanya-kanyang inaabangan pero usap-usapan ang bandang unang sasalang sa entablado para sa opisyal na pagsisimula ng ADA Jam Session, ang Elites na binubuo ng limang freshies na galing sa Arts department. Base sa naririnig kong usap-usapan, tila napakarami nilang taga-hanga kahit na hindi pa man sila napapanood ng lahat na mag-perform. Ang dahilan? Ang walang kasing angas na mga miyembro nito na sa audition pa lang ay kakikitaan na ng potensyal. I never saw them perform since I was at the hospital when they held the audition. I was only informed that aside from the school directors, the famous Ezrael Llanares of the band Double Rule were the judges of the audition.

Limitado ang mga estudyanteng nakapanood ngunit mabilis kumalat ang balita na sobrang pinaboran ng nasabing bokalista ang banda ng Elites. Kaya naman hindi pa man opisyal ang nasabing banda, madami na agad taga-hanga ang mga miyembro nito. Patunay nun ay ang malakas na hiyawan ng tawagin na ang bandang kinabibilangan ng kapatid ko at ng babaeng tumulong sakin upang imulat ang mga mata ko sa naging pagkukulang ko.

"Good evening ADA! We're the Elites and we are here to color your world! I'm Chean and this is my family." Masiglang wika ng drummer at tumatayong leader ng Elites na si Marcielle Anne Arciega habang ipinapakilala isa-isa ang mga kabanda nito.

"This flashy guy on my left with his bass guitar is Jupiter and that lady on my right with her guitar is Rei, Ju's best friend." Pakilala nya sa unang dalawang kabanda na bahagya lang kumaway dahil sa pag-tono ng instrument na gagamitin nila. "That half-japanese, half filipino keyboardist, is Shiro and the woman who will be playing the drums first is Kristine." Pagtatapos nya sa pagpapakilala sa bawat miyembro.

I found myself in a daze while looking at her. Sa totoo lang ay hindi ko alam ang iisipin o mararamdaman habang pinagmamasdan ang bawat galaw nya sa itaas ng entablado. Kung titignan kasi ay napaka-normal lang ng dating nya. Itim na lipstick at may hindi kakapalang eye-liner lamang ang kolorete sa mukha nya na bumagay sa mala-rakista nyang kasuotan.Wala syang kahit na anong burloloy sa katawan. Napaka-simple ngunit sa ilalim ng simpleng itsura na iyon, nagtatago ang isang napakalalim na tao na tila napakadaming lungkot na pinagdaanan. Kahit na isang beses ko pa lamang syang nakausap, alam kong hindi sya pangkaraniwan. Paulit-ulit din na tumatakbo sa isip ko ay ang mga iniwanan nyang salita kanina.

"Are you ready to get wild ADA!" Malakas na tanong ni Marcielle na sinagot naman ng mas malakas pa na sigaw ng crowd.

She smiled sincerely that takes my breath away. I never knew she could smile like that or maybe she only smiles when she's onstage.

"I really love playing my drums but for the first time tonight, I wanted to offer you a song. Don't worry, Kristine will be singing for us but for the first song, she'll be taking over my place." Seryoso nyang sabi na mas lalong nagustuhan ng crowd. Though we know that all of them can sing and play different instruments. It's a rare chance to hear Elites' drummer sing, because I heard that she doesn't like singing in front of a huge crowd but I guess that info is wrong.

"Ang awiting ito, inaalay ko sa lahat ng nagmahal ngunit hindi pinalad. Sa mga nagmahal ngunit sa bandang huli ay iniwan. At sa mga nagmahal lang pero hindi pinanindigan." May pagsuyo sa tinig na wika nya habang nakatanaw sa kawalan.

Hindi ko alam kung para sakin ba ang huling sinabi nya pero hindi ko maiwasang matawa. If it's her way of making me feel regret on what I did earlier, then I want to hear it. I challenge her to make me feel like saying what I really feel even though I knew that I already lost the fight.

Let me feel the regret if I don't tell Elijah my feelings for her. Bulong ko sa isip bago saglit na ibinaling ang tingin sa dalagang kasama ko.

"Feel free to sing with us here on stage if you know the song." Muling wika nya na tila may partikular na taong sinasabihan bago sila nagsimulang tugtugin ang isang pamilyar na awitin dahil madalas ko iyong patugtugin noon.

"When you try your best, but you don't succeed…when you get what you want, but not what you need…when you feel so tired, but you can't sleep… stuck in reverse" Her sweet soft voice lingered in my ears when she starts singing a Coldplay song. She may be not looking at me but I know she's talking to me through this song.

"And the tears come streaming down your face… when you lose something you can't replace… when you love someone, but it goes to waste…Could it be worse?" She looked at my way as if that question was meant for me.

"Lights will guide you home… and ignite your bones… and I will try to fix you… And high up above or down below…when you're too in love to let it go…but if you never try, you'll never know… just what you're worth" She sings with a genuine smile on her face.

Unti-unti ay naglalaho ang bigat sa dibdib ko habang pinapakinggan ko sya. Na tila ba sa awitin na iyon ay sinasabi nyang ano pa nga bang mawawala pa kung susubukan kong gawin ang dinidikta ng puso ko. Na meron akong babaunin sa muli kong pagbangon mula sa kabiguan habang tinatahak ko ang daan palayo sa taong minsan ko ng nakuha ang puso ngunit pinalagpas ko ang pagkakataon. Na kahit hindi pa man naghihilom ang sugat sa puso ko, alam kong makakaya ko. Makakaya kong buuin muli ang puso ko habang naglalakbay na mag-isa upang sakali man na makasabay ko na ang tamang tao, sa tamang pagkakataon, at sa tamang panahon ay maibibigay ko ulit ito ng buo. Kung kukunin ko ang huling pagkakataon na to para aminin ang totoong nararamdaman ko.

"Tears stream down your face…When you lose something you cannot replace…"

I smiled like crazy when I realized that I'm crying. For nineteen years of keeping every painful memory in my heart, finally I learned to let it all out. I let myself express the pain I've been keeping to myself because of her. I don't know if the reason is her sweet soft voice, or her warm gaze, or maybe it's because of her encouraging smile as if saying, it isn't too late.

Love should be felt and heard. I recall my own words as I make my way up to the stage right before the song ends and she welcomed me with a bright smile.

Kahit na napakalakas ng hiyawan at napakaraming tao sa ground ay agad kong nakita ang nag-iisang babaeng nakapasok sa puso ko. At buong tapang na sumabay sa pag-awit ni Marcielle ng huling verse.

"Tears stream down your face and I… I promise you I will learn from my mistakes… Lights will guide you home… and ignite your bones… and I will try to fix you…" Marcielle looked at me and smiled.

"Hindi mo man nagawang panindigan noon ang nararamdaman mo. Tama lang sigurong makarating ang nilalaman ng puso mo sa taong pinag-alayan mo nito, hindi ba?" Mahinang wika nya ng matapos ang kanta na tila nagmulat sa mga mata ko kung ano ang dapat kong gawin.

I took all my courage and called the attention of the woman I love.

"Elijah..." I called her name that made everyone look at her. Kahit na nahihiya ay ngumiti lang sya ng matamis sakin na tila sinasabing ituloy ko ang sinasabi.

"Mahal kita." The crowd gets wild on my confession but I ignore them. Dahil tuluyan nang nawala ang bigat sa dibdib ko ng masabi ko ang dalawang salita na iyon. Pero hindi gaya ng ikinakatakot ko, hindi man lang nawala ang tamis ng ngiti sa mga labi nya. Sa halip ay tinignan nya ko ng may pag-uunawa kaya tinaggap ko na.

Tinanggap ko na ng buong puso ang pagkatalo. I smiled at her as brightly as she could remember and bid my final farewell to my first love.

"Mahal kita pero ititigil ko na." I said that silenced the crowd.

Isang totoong ngiti ang umalpas sa mga labi ko ng mag-thumbs up si Elijah kasunod nun ay ang malakas na palakpakan ng crowd. I won't regret everything now. Dahil naiparating ko sa kanya ang tunay na nilalaman ng puso ko. At dahil iyon sa tulong ng babaeng nasa tabi ko na ngayon ay may pagsuyong nakatingin sakin.

What makes you different among the other girls? What makes you remarkable? How can you lift this heavy feeling in my heart so easily?

Those questions clouded my mind but I can't find the answers until she asked me,

"Gusto mo bang samahan akong kulayan ang mundo ngayong gabi?"

And with those dazzling smile and bewitching set of brown eyes, I found the answer I was looking for. And the beginning of something inevitable.