Chereads / Forget me Not / Chapter 26 - The Promise - 2

Chapter 26 - The Promise - 2

July 2015

"I love Marcielle."

Parang kutsilyong tumarak sa dibdib ko ang mga katagang binitawan ni Vaughn mula sa kabilang linya. It's almost midnight when I receive a call from him and I have a gist that it's about Cielle. Wala naman kasi kaming ibang dahilan para mag-usap pa. We did talk before in ADA but it's all about the council. At ang nangyari noong graduation ko ang huling pagkakataon na nagtalo kaming dalawa dahil sa dalaga.

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang sya naman ay nanatiling tahimik pagkatapos nyang sabihin ang tatlong salita na iyon. I put down my reading glass and stopped checking the documents that I've been reading before he called. This will take long for sure.

"I know. So, what's the point of telling me this thing? Hindi ba dapat na sabihin mo sa kanya yang nararamdaman mo?" Walang bahid ng emosyon na tanong ko sa kanya. I feel so exhausted. It's been a month since I stopped calling Cielle and even though I miss her so damn much, I hold back.

Why? Because of those words too. Nang araw na sabihin sakin ni Cielle ang feelings nya para kay Vaughn ay tinanggap ko na ang pagkatalo. There's no way I can still win her over him, especially now that Vaughn admitted that he loves her.

"You love her too. That's why I'm telling you this."

Napailing ako sa sinabi nya. "You don't need to. Alam ko naman darating ka sa point na hindi mo na kayang pigilan ang nararamdaman mo sa kanya eh. I know you love her as much as I do. If I'm not mistaken, you loved her first even before I do." Pagak akong natawa nang matahimik sya sa kabilang linya dahil sa sinabi ko patunay na may katotohanan ang mga binitawan kong salita.

When did I notice that he has feelings for her? It's the night of my first encounter with Cielle, the night of my first heartbreak. I saw how he gazed at her longingly just like how I did with Elijah before. Noon pa man ay kapansin-pansin na ang paraan nya ng pagtingin kay Cielle sa tuwing dumadaan ito. He noticed her first and not the other way around. Pero mas napatunayan ko ang hinala noong minsan na makita ko syang nakikinig sa naging pag-uusap ni Cielle at Shiro mula sa council's room, isang buwan matapos pumanaw ni Eli. Mataman lang syang nakatayo sa harap ng bukas na bintana ng council habang nakikinig sa malungkot na awit ni Cielle at nang maramdaman nya ang presensya ko, isang malungkot na ngiti lang ang namutawi sa labi nya kasunod ang mga katgang hindi ko agad nakuha ang kahulugan.

"If I weren't me, do you think we could be?" Ulit ko sa mga katagang binitawan nya dalawang taon na ang nakakaraan.

Vaughn laughed at the other line as if he remembered now when he first admitted that he loves Cielle.

"To be honest, I really don't like you." Pag-amin ni Vaughn ngunit taliwas sa binitawang salita ang tinig nya.

"I'd be worried if you like me." Biro ko na ikinahalakhak nya sa kabilang linya. Napapailing na lamang ako sa nagiging takbo ng usapan namin dalawa. But the funny thing is, I don't feel the same heavy feeling in my heart after the last time I talked to Cielle. It was like the burden within that I have for the past weeks has lifted.

"But seriously, I hate you for pointing out what I'm afraid of. I admit. Hanggang ngayon takot pa din akong sabihin ang nararamdaman ko sa kanya. But you know what? I realized that I'm more scared of letting her hand go than holding her tight even knowing that there will be a day that she will come to hate me." Seryoso nyang wika.

Malalim na buntong-hininga na lang ang pinakawalan ko.

"You'll never know until you get to that part. Bakit ba hindi mo na lang kasi aminin sa kanya ang totoo? Then let her decide if she will still date you or not?" Tukoy ko sa sikreto nyang hindi ko sinasadyang matuklasan.

He sighed.

"Sana madali lang sabihin ang totoo na hindi ko sya masasaktan. Ilang beses ko na din sinubukan sabihin sa kanya ang totoo pero hindi ko kayang makita pa syang nasasaktan. She suffered enough. Napakawalang puso ko naman kung dadagdagan ko pa diba?" Napailing na lang ako sa sinabi nya.

People have different ways of showing their love. And people love in different ways. Hindi ko pwedeng ipilit sa kanya ang alam kong tama, kung iba ang tingin nyang tama. Isa lang naman kasi ang gusto namin dalawa, ang makitang masaya si Cielle. We both know how unhappy her life after her family fell apart. She's been lonely. At kung si Vaughn ang sagot para lang mapunan ang kakulangan nya, magpapaubaya ako kung maipapangako ng karibal na hindi masasayang ang pagatras ko sa laban.

"What's your plan now? Will you admit defeat or continue deceiving yourself for what your heart wants?" Tanong ko pagkaraan ng mahabang sandali ng katahimikan.

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nya. "I love her. I really do. Pero natatakot akong masaktan sya kapag tinuloy ko to." Inis na minasahe ko ang sintido sa sagot nya.

"Bakit sa tingin mo ba hindi pa sya nasasaktan sa ginagawa mo? This is why I hate you. Nagmamahal ka lang pero hindi mo naman pinapanindigan. Kung mahal mo, mahal mo! Wala ng pero-pero! Kung masaktan man sya kapag nalaman nya ang sikreto mo, hindi ba mas okay kung mangingibabaw yung masasayang alaala nyo? And for Pete's sake! She loves you so much that it'll be hard for her to hate you, bastard!" Inis na sermon ko na tila ba hindi ang babaeng mahal ko ang pinag-uusapan namin dalawa.

"Thank you."

"Damn you! I promise to beat you to death if you ever hurt her just because you got scared again." Seryosong banta ko na ikinatawa nya lang ng pagak.

"Yes, please do. Keep that promise of yours if ever that time comes happened to remind me my stupidity alright?"

I sighed. "I will. And Vaughn..."

"What?"

"Please make her the happiest person on earth." I said before I ended the call.

My tears fell for the first time. Nakakatawang isipin na hindi man lang ako umiyak noong huling beses na mag-usap kami ni Cielle. Ngayon ay halos ayaw nang tumigil sa pagpatak ang mga luha sa mata ko na tila ba sa paguusap namin na iyon ni Vaughn ay kailangan ko ng tanggapin ang pagkatalo.

At sa ikalawang pagkakataon...

Nagpaubaya na naman ako.