December 2013
"See you next year Your Highness!" Masayang paalam ng mga estudyanteng nakakasalubong ko habang tinatahak ko ang daan papuntang council room na sinasagot ko naman ng isang tipid na ngiti.
I feel exhausted for the past weeks and I'm just thankful that today is our last day. Saglit akong natigilan ng mapansin na bukas ang music room na katabi lang ng council's room. Halos pauwi na kasi lahat ng estudyante at narito na lang ako para kunin ang gamit ko kaya nakakapagtaka na may estudyante pang nasa Main hall ng ganitong oras. Kunot ang noong sumilip ako doon ng makarinig ako ng mahinang pagtipa ng gitara. And there I saw none other than Elites' drummer, sitting beside the open window, watching the sunset while strumming her guitar with a lonely beat.
Bago sa paningin ko ang makita sya sa ganoong sitwasyon. Madalas kasi ay may nakapaskil na malawak na ngiti sa mga labi nya para sa lahat. Na tila kailanman ay hindi sya nakaranas ng kalungkutan. But today, while looking at her, all this time she's wearing a mask just to hide the fact that she's lonely as the melody she's playing.
"It's almost time for us to go. Hindi ka pa ba uuwi?" Doon ko lang napansin na hindi sya nag-iisa. Shiro is with her, hindi ko lang napansin dahil nasa likod ng piano ang kapatid ko
Mukhang hindi naman ako napansin ni Shiro nang lapitan nya si Marcielle at gaya nito ay binuksan din ang isa pang sliding window para tanawin ang kulay kahel na ulap na hatid ng papalubog na araw.
"Wala naman akong uuwian. What's the point of going home so early? Ikaw ba wala ka pang balak na umuwi? Baka gabihin ka na naman ulit sa pag punta mo kay Elijah nyan. Hindi ka pa ba aalis?" Balik tanong nya kay Shiro na umagaw ng pansin ko.
Though Shiro and I became civil to each other while visiting Elijah before in the hospital, hindi ko pa din sya kayang tanggapin ng buo. Lalo na ng tuluyan na ngang kunin samin si Elijah, dahil hindi ko man lang sya nakitang umiyak sa pagkawala ng dalaga. Hindi rin sya nagpakita man lang ng mailibing na si Eli. Kaya mas lalong lumaki ang galit na meron ako para sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay tinanggap nya lang ang nararamdaman ni Elijah dahil alam nyang may taning na ang buhay nito. But now, upon hearing their conversation, it seems like I'm wrong all along. Kaya naman kahit alam kong mali ay nanatili ako sa pwesto para pakinggan pa ang pag-uusap nila. If it's because Elijah's name was mentioned or if it's because I wanted to know more about those two, I don't know anymore.
"You'll feel lonely if I leave you now. Maiintindihan naman ni Eli kung ma-late ako ng punta sa kanya eh." Bakas ang lungkot sa tinig na sagot ni Shiro sa dalaga. With that kind of voice, I know that he misses her as much as I missed my best friend and first love.
"Don't patronize me. My life is lonely already. Wala ng espasyo pa ang lungkot na mararamdaman ko kung iwan mo man ako mag-isa." Wika ni Marcielle na sinabayan pa ng isang pagak na tawa.
Narinig ko ang kapatid na tumawa pero gaya ng kausap ay tila walang kasiyahan man lang sa tawang pinakawalan nya. "Sa tingin mo ba naka move on na si Hiro sa pagkawala ni Eli?" Tanong ng kapatid ko sa dalaga.
"Sa inyong dalawa, tingin ko mas maswerte sya dahil hindi sa kanya iniwan ni Elijah ang puso nya. So I think sooner or later he'll get over with her." Sagot ni Marcielle na ikinakunot ng noo ko.
How could you be so sure about it? Nawalan ka na ba ng taong minahal mo ng napakatagal na panahon? Did you ever love someone like how I loved Elijah? Nais ko sanang itanong pero tila narinig nya ang tanong sa isip ko dahil sa mga sumunod nyang sinabi.
"Alam mo ba ang pagkakaiba ng taong hindi pinalad sa taong napili nyang mahalin at sa taong pinalad nga sa taong mahal nya pero kailangan maiwan dahil iyon ang nakatadhana?" Shiro kept quiet as if he is also waiting for an answer on what is the difference between my love and his love for Elijah.
"Oo nga at nabasag ang puso nya dahil hindi sya ang pinili ni Eli, pero darating ang panahon na muling mabubuo ang puso nya na walang kulang, na parang bago pa din iyon. Pero ang puso mo? May dumating man na tamang tao sa tamang panahon at pagkakataon, hindi na iyan mabubuo ng gaya ng dati. Mayroon na yang puwang na walang sino man ang makakapag-punan, aminin mo man sa sarili mo o hindi." I chuckled on her words of wisdom.
Sino ka ba talaga Marcielle Anne? Of all people that I've met, it's only you who could lift the heavy feeling in this heart of mine and make me feel guilty for thinking differently about Shiro at the same time? How could you do this to me? How could you stir me up? Bulong ko sa isip.
"But still, I'm wishing for your happiness Shiro. Alam ko naman na nahihirapan ka pa din tanggapin na wala na sya pero hindi mo dapat itinatali ang sarili mo sa pusong iniwan nya sayo." Seryosong sabi nya.
Saglit na bumalot ang katahimikan sa kanilang dalawa. Hanggang sa tuluyan na iyong basagin ni Shiro. And his words made me feel how much he loves Elijah, more than I do.
"When she confessed that night, everything seems surreal. Para akong nasa loob ng isang fairy tale book nung mga panahon na kasama ko sya, yung mga panahon na sinusubukan namin labanan ang isinulat ng tadhana. Kasi nga diba sa fairy tale lang may happy ever after? Pero nung nawala sya, pakiramdam ko naiwan na lang akong mag-isa sa loob ng libro. All that left was her heart and memories. Ngayon sabihin mo paano ba? Paano ba ibabalik ang puso ng taong hindi mo na kailanman makikita pa. Kung may paraan lang para ibalik yung pusong iniwan nya sakin edi sana hindi ako nakakaramdam ng sobrang sakit at lungkot ngayon." Madamdaming wika ni Shiro na kahit hindi ko nakikita ang ekspresyon na meron sya, alam kong mas malalim ang sugat na iniwan sa kanya ni Elijah.
"But originally, hindi naman talaga happy ending ang fairy tales hindi ba? Parang ganun lang din yung sa inyo ni Elijah. You're her prince and her dream, was to dance with you but when the clock strikes twelve, she has to go back to reality and you should be left behind with nothing but her glass slippers. Ang twist nga lang, hindi mo na kailanman mahahanap ang Cinderella mo na syang tunay na nagmamay-ari ng sapatos na naiwan sayo, mahahanap mo ang tamang tao na may kaparehong sukat ng paa, pero hindi ang orihinal na may ari." A smile escaped my lips on Marcielle's words.
Sinong nga bang mag-aakala na sa likod ng maskarang ipinapakita nya, nagtatago ang isang babaeng napakahirap basahin. And it scares me big time. Because every passing days, I'm becoming aware of her existence.
"Madilim na, hindi ka pa ba uuwi Cielle?" Putol ni Shiro sa mahabang katahimikan na namagitan sa kanila at sya din nagpabalik sa diwa ko.
"Let's give the night a light first." Tanging sagot nito bago nagsimulang tumugtog. I heard Shiro chuckled before he walked back to play the piano.
Shiro's long fingers gently tap the piano keys in a very slow and lonely way as Marcielle strums her guitar in the same manner, playing one of Green day's songs.
"I walk a lonely road, the only one that I have ever known…Don't know where it goes, but it's only me, and I walk alone." Tila karayom na tumutusok sa puso ko ang awitin na napili nya. Hindi ko alam kung dahil sa katulad nya ay dama ko ang pag-iisa o dahil sa lungkot na nakalarawan sa mukha nya habang umaawit.
"My shadow's the only one that walks beside me. My shallow heart's the only thing that's beating. Sometimes I wish someone out there will find me… Till then I walk alone…" It was like the first time I heard her sing. Napakalamyos ng tinig nya na kahit sinong makakarinig ay siguradong maaakit at madadama ang lungkot ng kanyang pag-awit.
"I'm walking down the line, that divides me somewhere in my mind. On the border line of the edge and where I walk alone…" Shiro sings along with her and they really blend perfectly even though this is the first time that I heard them sing together.
Hindi ko magawang alisin ang pagkakatitig kay Marcielle sa hindi ko malaman na dahilan. There's no reason for me to stand outside and keep on watching her, but my feet won't move and my eyes won't let a single expression of hers slip.
You scare my whole being Marcielle. Bulong ko sa isip ng muli kong maramdaman ang paninikip ng dibdib dahil sa samu't saring emosyon na nararamdaman ko habang pinagmamasdan sya.
Saglit na dumapo ang tingin ko kay Shiro na ngayon ay matamang nakatingin sakin na may pagtataka sa mukha. Ngunit patuloy pa din sya sa pagtugtog kaya't sumenyas ako na magpatuloy lang sa ginagawa. Napapailing na ngumiti lang sya sakin kaya't muli kong ibinaling ang tingin sa dalaga.
There's no turning point for me now as I found myself entering Marcielle's fairy tale book. Wishing that in her wonderland, there's nothing but happiness. That I will find there the happy ever after I was looking for.
Magaan ang mga paang pumasok na ako sa council room kahit hindi pa man sila natatapos sa mini concert na ginagawa nilang dalawa.
While entering her wonderland I am...
Wondering what's next...
Waiting for a miracle...
Searching for courage...
Because her choice of song tonight made me realize that...
I'm already enticed by her unconsciously since that first encounter of us.