Chereads / Forget me Not / Chapter 19 - Prelude - 2

Chapter 19 - Prelude - 2

They say, a man would only fall deeply in love once.

They will never fall as deep as their first downfall.

But…

There's always an exceptional person who could surpass every man's first love.

And when that person unconsciously infiltrates a man's system who once experienced his unbearable downfall…

He, who swore to never fall in love again…

Will once again, helplessly surrender to Cupid's cruel arrow.

But this time…

Hard.

And…

Deep-rooted.

--

January 2018

"Hindi ka pa ba napapagod?" Kusang tumigil ang mga paa ko sa paghakbang nang marinig ko ang tanong na iyon

Hinanap ko ang pinanggalingan ng tinig at sa gilid ko, naroon ay dalawang estudyanteng halata ang pagod sa paghahakot ng mga gagamiting sound system para sa gaganaping concert mamayang gabi ng bandang nabuo sa ADA at isa na ngayon sa mga kilalang bandang lumilibot na sa buong Asya para magtanghal sa nakalipas na dalawang taon.

"I'm more excited than tired. It's Elites dude! Who wouldn't be excited seeing them in person? I've been a fan since their debut. Sobrang inggit nga nung mga classmates ko nung high school nung nalaman nila na may free concert sa ADA ang Elites. Who would have thought that those monstrous talented people graduated here?" Malawak ang ngiting sagot ng binatilyong tinanong bago muling inaya ng kasama nito para siguro ay tapusin na ang ginagawang paghahakot ng mga gamit at nang matapos na din ang pag-aayos sa stage na gagamitin ng nasabing banda mamaya.

Habol ang tingin na tinanaw ko ang dalawa, na dala pa din sa isip ang tanong na narinig kanina.

It's the same for me. Hindi ko magawang mapagod sa kakahintay ng matagal sa taong iyon. Hindi ko magawang mapagod sa kakahintay na ibaling nya sa akin ang tingin. Hindi ko magawang mapagod kahit alam kong walang patutunguhan ang paghihintay ko. Just like how excited those kids to see their favorite band and have each members of that band to set their gaze or even take a quick glance on them, I am too has been waiting for that band's drummer to look at me. For a long time now.

"Welcome back Mr. Yuga. I'm so glad that you accepted my invitation. For sure everyone will be hyped for this year's festival. After all this is the first time that all the former kings will gather in the banquet that I prepared after the concert." Naiiling na nilingon ko ang lalaking nagpabalik sakin mula sa aking pagmumuni-muni. I smiled and shook hand with the current King of ADA and one of my closest cousins, Sky Equinox Yuga.

"Drop the formality Quinn. I'm glad that you invited me. It's been so long since my last visit and I could see that there's a lot of changes that happened in two years." Nakangiti kong sabi na ipinagkibit balikat nya lang.

"You too. You changed a lot." Muli akong napailing sa sinabi nya.

"I didn't. I'm still the same."

Kunot ang noong tumingin sya sakin. "Don't tell me you're still waiting for that person to look at you?" He asked unbelievably that I didn't find need to answer.

"Hindi ka pa ba napapagod?" Muling tanong nya. Napangiti ako ng bahagya ng marinig kong muli ang tanong na iyon ngunit sa pagkakataong ito ay sa akin na iyon patungkol.

"I tried. Kaya lang mahal ko eh." Tipid kong sagot na ikinailing nya lang at ikinabuntong-hininga ko na lang. Maging ako ay hindi ko alam kung bakit nga ba hindi ako makaramdam ng pagod kahit alam kong wala naman kasiguraduhan ang lahat.

Marahang tapik sa balikat ang nagpabalik sakin sa kamalayan. "I won't ask you to stop since I know what you've been going through. Pero dapat mo din isipin na panahon para huminto. You're engaged already, Hiro. And she…still chose to be with him." Seryoso nyang wika bago tumingin sa direksyon ng dalawang taong nagpapaalala sakin ng katotohanan.

She's with him, walking to where we are. But just like me, she's walking behind him like how I am walking behind her for years now that I got tired of counting. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib na nagmumula sa malupit na palaso ni kupidong nakatarak dito. I know that the pain I feel is not because she's with him, but because she still chose to chase the man who didn't take her hand.

Just like how she didn't take yours. Napailing na lamang ako sa pagsagi ng katotohanan sa isip ko.

"You better approach them. Nagsisimula nang umulan. Take this umbrella with you." Utos nya nang mamagitan ang mahabang katahimikan sa amin dalawa dahil sa panonood naming sa dalawang taong iyon na piniling huminto sa gitnang bahagi ng track.

Inabot nya sakin ang payong na ngayon ko lang napansin na hawak nya. He left me after, as if telling me that it's time to face the inevitable end. The painful truth. I walked as fast as I could towards them when the rain starts pouring heavily, but my feet automatically stop on their own when I heard those painful words again.

"Mahal kita Vaughn Carlo Alcantara III." Wika nya sa pilit pinapatatag na tinig ngunit bakas doon ang lambing na nalalakipan ng pagmamahal. Na kahit hindi ko kita ang ekspresyon nya dahil nakaharang si Vaughn sa pagitan naming dalawa, ay alam kong bakas doon ang sinseridad.

I know she's smiling while saying those words. She's always like that. Pilit nyang isinusuot ang maskarang magtatago sa lahat ng sakit, pagkabigo, at lungkot na nararamdaman nya para lang hindi sya kaawaan ng ibang tao. Para lang hindi nila makita ang kahinaan nya. But aside from that, I know that she's wearing masks to avoid being a burden, specifically to Vaughn. That's what made her remarkable. That's what made me notice her.

"Mahal kita pero ititigil ko na." Pamamaalam nya bago humakbang para lagpasan ang taong ilang taon na din nyang iningatan sa puso nya. Kasabay nun ay ang muling pag lakas ng ulan na tuluyang tumakip sa mga luhang nag-uunahang bumagsak sa mga mata nya.

Bahagya syang nagulat ng makita ako sa likod ni Vaughn ngunit isang praktisadong ngiti pa din ang umalpas sa mga labi nyang iyon bago nya tinahak ang daan pabalik sa main hall na pinaggalingan ko. My grip tightened while holding the umbrella when she walked past me. Pero bago man sya makalagpas sa akin ay muli ko syang hinawakan sa braso na gaya nung unang beses kong aminin sa kanya ang nararamdaman.

This time I didn't look at her but locked my gaze to the man who chose to let her go after I keep on reminding him not to take her hand. I could see through Vaughn's eyes that he still loves her as much as I do, that he is also in pain just like Cielle and I. That's why I hate him. Because he can't take the responsibility of his own emotions, his feelings for Cielle. Mas pipiliin nya pa din na itago ang katotohanan hanggang sa huli. Katotohanang matagal ng alam ng dalagang pinili nyang bitawan.

"I warned you before. Kung hindi mo sya kayang hawakan ng mahigpit na gaya ng pagkakahawak ko, hindi mo na sana inabot pa ang kamay nya. Ikaw ang laging nagsasabi na hindi sya gaya ng iba pero Vaughn, ikaw din ang nagtrato sa kanya na parang basura. Why? Because you're a coward! You're the most selfish coward bastard I knew." Hindi ko na nagawang itago ang galit sa tinig kahit pa hinawakan ni Cielle ang kamay ko para awatin.

"Hiro stop it." Pag-awat nya habang nakabalatay sa mukha ang takot na ibunyag ko ang lihim nilang dalawa sa isa't isa. Ang lihim na pilit nilang tinatago sa isa't isa. Lihim na pumipigil sa aking bumitaw sa pagkakahawak sa dalaga.

"No, Cielle. If you want to really end all of this, then let me in. I'm involved in this anyway." Seryoso kong sabi na sunud-sunod nyang ikina-iling na may pagmamakaawa sa mukha. And seeing her like that is so painful.

"It's really over. Wala syang kasalanan. I'm the one who's in fault…my existence is." Bulong nya sa huling mga salita na mas lalong dumagdag sa galit na nararamdaman ko para sa karibal. This is what he's trying to avoid, yet it still happens.

I looked at her painfully. "Ikaw ang may sabi sakin noon, kailanman ay hindi kasalanan ang magmahal. Nagmahal ka lang naman eh. Nagmahal ka at pinanindigan mo lang yang nararamdaman mo kaya hindi iyon pagkakamali. Alam mo kung san ka nagkamali? Nagmahal ka ng taong hindi ka kayang ipaglaban. Nagmahal ka ng taong hindi kayang hawakan ang kamay mo ng mahigpit. Yun ang pagkakamali mo at pagkakamali ko dahil hanggang ngayon mahal pa din kita gaya ng mahal mo pa din sya." Napa-singhap sya sa narinig. I know it's shocking when she's the first person that I told about my engagement.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti ng mapakla sa nakikita kong ekspresyon nya. Gaya noon ay hindi nya pa din alam ang isasagot o mas tamang sabihin na hindi nya pa din alam kung paano ako irereject na hindi nya ako masasaktan.

"I'm sorry Hiro but…we can't be." Mahina nyang putol sa saglit na katahimikan na namagitan sa amin at tuluyang nagpalalim sa sugat na nakaukit sa puso ko. Ngunit hindi gaya noon, tanggap ko na.

Masuyong hinila ko sya para yakapin sa huling pagkakataon. I'm thankful that she didn't push me away. I let her go before handing her the umbrella that Quinn gave me. "Your friends are waiting for you. Take a quick shower so you won't get sick. Go ahead and don't look back." Masuyo kong wika bulong bago sya marahang itinulak sa likod.

"Thank you, Akihiro." Wika nya na hindi tumitingin sa akin bago nagsimulang maglakad palayo. Leaving the man who she chose but let her go, and the man who willingly chose to let her go because they can never be.

I turned around and face Vaughn when Cielle is far enough. "Hindi ka pa ba napapagod?"

He smiled bitterly. "I do."

"Ako din pagod na. Pagod na akong magkunwari. Pagod na akong pumagitna sa inyong dalawa. Pagod na akong lokohin ang sarili ko at umasang mananalo pa ko sa laban na sa umpisa pa lang ay alam kong may nanalo na." Mapaklang wika ko.

Nanatili naman syang tahimik kaya nagpatuloy ako. "You know what? I think this is the best though. For her. She deserves someone much better than the both of us. I wish her to find that person she will love next unconditionally and selflessly just like how she loved you. At sana yung taong yun ay kaya syang pahalagahan na gaya ng pagpapahalaga ko. And I wish that when she met that person, you will feel miserable when you see her happy. You will feel miserable for not taking the risk, for not fighting for her. And you will never ever fall in love again as deep as your love for her."

I smiled a little when I saw his wounded expression. If he still insists to be so damn stubborn, I don't care anymore. I turn around and walk back to the main hall with a light heart yet the pain is still dominating, infiltrating my whole system.

Unti-unti na din na tumitila ang ulan na tila dumaan lang upang makiramay sa pagluluksa ng puso kong pinana ng walang awang palaso ni kupido sa ikalawang pagkakataon.

Habang tinatahak ko ang daan pabalik ay unti-unti ko na din pilit na tinatanggal ang palasong nakatarak sa puso ko. Habang unti-unti din na bumabalik sa isipan ko ang lahat ng pangyayaring naghatid sa akin sa destinasyong ito.