Chereads / My Clumsy Girl / Chapter 17 - Hospital

Chapter 17 - Hospital

Blessy's Pov

Umuwi kami kagabi ni Leo sa bahay nila. Naabutan ko lang dun ang mga kapatid nya. Nasa bakasyon pa daw ang Mom and Dad nila. Nung una nag aalangan ako ako kasi mayayaman sila kala ko matapobre sila pero hindi ang babait nila. Kung makipag usap nga sakin kala mo matagal na nila akong kakilala.

Naalala ko pa kagabi na ipinakita sakin ni Liam, ang bunso nila ang mga larawan na kasama si Blessy. Sumakit ang ulo ko kaya pinatulog nila ako ng maaga.

Pumasok kami ng maaga sa opisina ni Leo. 7am palang nasa opisina na kami. May importanteng meeting kasi sya. Naisipan ko na pumunta ng cafeteria para bumili ng pagkain. Pagbalik ko sa office nandun na ang sekretarya ni Leo. Papasok na sana ako ng office ng may humatak sakin.

"Oh may kailangan ka ba Ms. Diaz?" tanong ko sa kanya.

"Ang tagal ko na nagtatrabaho bilang sekretarya nya pero bakit ikaw ang napili na sumama sa kanya!" sigaw nya.

"Huh? Hindi ko alam. Bakit hindi mo kausapin si Leo." sabi ko.

"Mr Jeon. Wala ka bang galang? Ito ang tatandaan mo. Papahirapan kita para mawalan ka sa kinalalagyan mo. Sakin lang si Sir! Naintindihan mo?" sigaw pa nya. Umiling iling na lang ako ayokong mag aksaya ng panahon sa kanya.

Binilinan ako ni Leo ng mga gagawin. Natapos ko nang iprint ang papeles na pipirmahan ng nasa finance. Ibigay ko daw kay Ms. Diaz tapos sya ang pupunta kaso ayaw naman nya.

Ako na lang ang pumunta. Naglakad ako papuntang finance department nang makarinig ako ng usap usapan na nilalandi ko si Leo, siguro nakikipagsex ako dahil nasa office ni Leo ako nakapwesto. Grabe ang kikitid naman ng mga utak nito.

Nakarating ako sa finance department, pinapasok ako sa loob.

"Sir, magpapapirma lang po ako ng documents." sabi ko. Nakatitig aya sakin.

"Lumapit ka sakin." sabi nya. Lumapit naman ako. Kaso hinaplos haplos nya ang braso ko.

"Sir babalikan ko na lang po. May gagawin pa po kasi ako." sabi ko. Bigla sya lumapit sakin at niyakap ako.

"Ikaw naman pakipot ka pa. Ilang beses nyo ginagawa yun ni sir Leo. Pwede nating gawin dito yan." sabi nya. Nakahawak na sya sa hita ko. Pinilit ko na itulak sya pero malakas ito. Nag iiyak na ako. Sumasakit ang ulo ko.

"Sir pwede ba tumigil kayo. Itigil nyo na ito!" pagmamakaawa ko.

Bago nya maitaas ang blouse ko may humatak sa kanya. Nakita ko si Leo na pinagsusuntok ang manager. Iyak ako ng iyak. Nakayakap sa akin si Lily. Inaawat naman ni Liam ang kuya nya.

"Aaaahhhhh! Ang sakit ng ulo ko!" sigaw ko.

"Kuya Leo si ate Blessy!" narinig kong sabi ni Lily.

Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari. Nawalan kasi ako ng malay nung sumakit ang ulo ko.

Nagising ako na puro puti ang nakikita ko. Nasisigurado akong nasa ospital ako. Pinilit kong umupo. Nakita ko na natutulog si Liam sa sofa ng ospital. Si Lily naman ay nasa gilid ng kama ko na nakahiga ang ulo. Bumukas ang pinto at pumasok si Leo.

"Gising ka na pala. Kaya mo na bang magkwento sakin kung ano ang nangyari?" sabi ni Leo. Tumango ako. Umupo sya sa silya sa kabilang side ng higaan ko.

"Sinunod ko yung pinagagawa mo sa akin. Nung natapos ko iyon sinabi ko kay Ms. Diaz ang inutos mo. Kaso sabi nya madami syang ginagawa ako na lang ang pumunta sa finance department para magpapirma. Tapos ayun sinimulan na ng manager na hipuan ako." paliwanag ko. Napansin ko na nanggagalaiti sya.

"Leo kailangan ba na sa office mo ako magtrabaho. Pwede bang sa labas na lang tulad ng kay Ms. Diaz." sabi ko.

"Ayoko! Wag ka nang magsalita pa." sabi nya. Naku galit na nga sya.

"Sorry wag kang magalit." sabi ko tapos yumuko ako. Hinalikan nya ang noo ko at nagsalita.

"Sorry din nagalit din ako. Labas muna ako. Bibilhan ko muna kayo ng pagkain. Papunta na si Lala dito." sabi nya. Tapos lumabas na sya ng kwarto.

Namula ang pisnge ko dahil sa paghalik nya sa pisnge ko. Nag angat naman ng ulo si Lily.

"Kanina ka pa gising? Salamat Lily. Salamat sa pagtulong nyo sa akin." sabi ko.

"Alam mo ba na sobra kaming nag alala sayo lalo na ang kuya ko? Nung hindi ka nya makita sa office nya nagalit si kuya. Pinilit nyanb tanungin yung malandi nyang sekretarya. Nung nalaman namin na nasa finance ka nagmadali si kuya puntahan ka. Buti na lang at nakarating kami ng maaga. Ano na nararamdaman mo? Masakit pa ba ulo mo?" tanong ni Lily.

"Medyo. Sumasakit ang ulo ko pag may larawan na pumapasok sa ulo ko. Gaya kanina feeling ko nangyari na sakin dati ito eh." sabi ko.

"Lagi bang nangyayari sayo yang ganyan?" tanong ni Lily.

"Oo kaso malabo at hindi ganun kasakit. Lalo na pag nagtuturo ako sa mga bata. Sabi ni Denver epekto lang daw yun ng naospital ako at inoperahan sa ulo." kwento ko.

"Nangyari na ba na nahimatay ka dati? Yung nakakita ka ng picture na malinaw?" tanong nya.

"Meron. Naospital din ako nung binigyan ako ni Denver ng kwintas. May nakita akong picture na may nagbigay sakin ng kwintas at ang saya saya ko daw nun. Malabo yung imahe ng lalaking nagbigay sakin eh. Tapos yung kwintas letter yung pendant." sabi ko.

"Nasaan ang kwintas?" tanong nya.

"Hinahanap ko nga eh. Alam ko suot ko yun kanina." sabi ko.

Tumango lang si Lily at tumahimik. Dumating si Lala na may dalang madaming pagkain. Napangiti ako sa nakikita ko. Ang saya pagmasdan ng magkakapatid na ito. Nagbabangayan, nag aasaran at naglalambingan. Bigla naman na may pumasok sa ulo ko habang nakirot ito.

"Nakasama ko na ba kayo dati?" tanong ko.

"Nung dinala ka ni kuya. Di ba pinatira ka ni kuya sa bahay?" sabi ni Lala.

"Hindi bukod pa dun. Para kasing nakita ko kayo nung bata pa ako." tanong ko. Pinipilit kong alalahanin kaso nasakit ang ulo ko.

"Wag mo madaliin. Dahan dahan lang baka hindi kayanin ng utak mo. Pero alam mo kung ikaw man talaga ang Blessy namin lalo akong magiging masaya." sabi ni Lala.

"Alam mo ate Blessy dadating na sila Mommy at Daddy kasi malapit na ang anniversary nila." sabi ni Liam.

Nag alala tuloy ako. Makikita ko na ang parents ni Leo. Mababait ba sila? Teka nga lang feeling ko tuloy girlfriend ako ni Leo kung makapag alala hahaha! Ang feelingera ko.

Nagkwentuhan kami habang nakain. Napapangiti ako pag naglalambing si Liam sa mga ate nya. Nagpapasubo pa ito sa mga yun. Binibaby naman sya ng mga ito. Pagkatapos kumain nagpaalam na sila na uuwi na. Tutal nasa baba na daw ang kuya nila ag nag iintay na si Lucas na magdadrive sa kanila.

Makalipas ng ilang minuto pumasok si Leo sa kwarto ko. Hinalikan ulit ako sa noo. Nagtataka man ako pero pinabayaan ko na lang. Nagsabi ako sa kanya na tutulog na ako kasi talagang inaantok na ako. Maya maya din ay nakatulog na din ako.