Chereads / My Clumsy Girl / Chapter 22 - Jealous

Chapter 22 - Jealous

Blessy's Pov

Papasok ako ng opisina mag isa. Ibinilin ako ni Leo kay Lucas na ihatid sa kompanya nya. Pumasok ako ng kompanya at binati ko ang guard. Pagpasok ko pa lang naririnig ko ang mga bulung bulungan nila. Pumasok ako sa elevator na pang empleyado. Nasa likuran ako at natatabunan ng mga matatangkad na lalaking empoeyado nang may nagsalita.

"Narinig nyo ba girlfriend na daw ni sir yang babaeng yun?" sabi nung isang babae.

"Sino yung bagong empleyado na nagpatanggal sa sekretary ng boss natin?" sabi ng isa pang babae.

"Malamang nilandi nya si Boss. Kala mo napakaganda." sabi pa nung isang babae.

"Bakit maganda naman talaga ah. Sabi nga ni Ms. Diaz, yung sekretarya dati ni Boss na magaling sa kama yung babaeng yun." sabi nung lalaki

"Kaya siguro pinag uupisina ni boss sa loob. Malay natin kung ano ano na ang ginagawa nila." sabi nung ikalawang babae.

Hay naku buhay nga naman. Minsan talaga makakakita ka ng mga taong mapanghusga. Tumigil na sa 15th floor ang elevator. Lalabas ako para pumunta at kausapin ang HR at iinform ito na may ipapasok na tao si Leo.

Nag excuse ako sa kanila. Nanlaki ang mga mata nila nang makita ako.

"Next time lumingon lingon kayo bago kayo magsalita. Hindi nyo pa ako kilala kaya wag kayong manghusga. Naghire ba ai Boss ng mga taong iresponsable? Binabayaran ba kayo para manghusga ng tao. Hahaha malamang pag nalaman nyo kung sino ako ay baka nerbyosin kayo." sabi ko.

Lumabas ako ng elevator at nagtungo sa HR. Natatawa ako pag naaalala ko yung sabi nung isang babae sa elevator.

"Hala narinig tayo. Ayokong matanggal. Pano na yan?" sabi nung babae.

Umiiling iling na ako ay naglakad patungo sa HR. Bakit may mga taong mapanghusga tapos pa nahuli parang maamong tupa. Ano mapapala nila sa kakatsismis nila.

Pagkatapos kong pumunta ng HR, nagtungo ako sa opisina ni Leo.

"Good Morning Mam Blessy." sabi nung sekretarya ni Leo.

"Good morning Bill." bati ko sa sekretarya na lalaki ni Leo bago ako pumasok ng opisina. Ito ang pumalit kay Ms. Diaz.

Kakaunti lang naman ang binibigay na trabaho sakin ni Leo. Ayaw nya daw akong mapagod. Pero nagpiprisinta akong gumawa ng mga gawain ni Leo pagkaya ko. Para konti na lang ang gagawin nya. Hindi naman ako pabigat o walang ginagawa gaya ng sinasabi nila. Kaya kahit anong gawin nilang pagdadaldal eh taas noo pa din akong haharap sa kanila.

Napapaikot ikot lang ako sa upuan ko. Nililibang ko lang ang sarili ko. Ang tagal naman ni Leo. Maya maya lang bumukas ang pinto at pumasok si Leo kasama ang isang magandang babae.

"Hi love! Pasensya na natagalan ako sa kabilang opisina ko. May emergency kasi. Dont worry naayos ko na naman." sabi ni Leo at humalik sa pisnge ko.

"Sino sya Leo?" tanong nung babae.

"Si Blessy ang girlfriend ko. Blessy sya si Claire classmate ko nung collage." pakilala sa amin ni Leo.

Nag usap ang dalawa sa sofa ng office ni Leo. Pumunta ako sa mini pantry sa loob din ng office para ipagtimpla sila ng coffee at kumuha ng cake.

Inilapag ko ang coffee at cake sa table nila. Pumunta naman ako sa table ko para maglaro na lang ng games sa phone ko. Ayoko kasing makaharap ang babae. Halata mo naman kasi na may something kay Leo.

Lalo pa akong nainis nung subuan ng cake si Leo ng babaeng yun. Parang timang naman si Leo tinanggap naman at ngumiti pa sya.

"Sya nga pala Leo bukas ang reunion ng batch natin. Aasahan ka namin ha at mag iispeech ka dun. Ikaw pa naman ang summa cum laude kaya dapat wag kang mawawala." sabi nung babae. Tinitigan ko si Leo na nakatingin sa babae. Wag kang papayag.

"Sure! What time ba?" sagot nya. Bwisit namang Leo to oh may kasal kaming pupuntahan at usapan namin na dadalaw kami kay Lolo at Lola.

Bumuntong hininga na lang ako at kinalikot ko ang phone ko. Naisipan kong ichat si Angel.

Me: Angel may ginagawa ka?

Angel: Wala naman bakit?

Me: Naiinis ako. May kasamang babae si Leo, classmate nya daw.

Angel: Ano naman ngayon kung kaklase nya.

Me: May something sya kay Leo nararamdaman ko.

Angel: Ooooohhh!!!!!

Me: Ang nakakainis pa pumayag si Leo na pumunta sa reunion nila bukas.

Angel: OMG! Di ba aalis kayo bukas papuntang Baguio?

Me: Yun na nga kinaiinis ko. Tapos nagsusubuan pa ng cake sa harap ko.

Angel: Alam mo Blessy kilala ko si Leo. Malamang hindi nya naalala. Hindi magloloko yan. Di nya lang alam na nasasaktan ka na sa ginagawa nya.

Me: Alam ko naman yun eh. Pero gusto ko malaman nya na mali na ang ginagawa nya.

Angel: Anong plano mo?

Me: Magkita tayo ngayon.

Angel: Sige kita tayo.

Natapos ang usapan namin ni Angel at nakita ko na tumabi pa ang babae kay Leo. Panay haplos naman ng babae kay Leo. Kinuha ko ang bag ko at umalis nang di nagpapaalam kay Leo.

Nasa harap na ako ng elevator ng may humawak sa braso ko.

"Saan ka pupunta Blessy?" tanong ni Leo. Wow Blessy na lang ngaun dati loves ang tawag nya sakin. Napansin ko na kasunod ni Leo ang babae.

"Kakain siguro naman alam mo na lagpas na ng lunch. Malamang gutom na ako." sabi ko.

"Bakit hindi ka nagsasabi sakin na hindi ka pa nakain Blessy. Ano ka ba naman nalipasan ka na ng gutom." naiinis na sabi nya.

"As far as i know 11:30 ka dumating sa office. Busy ka kasi kaya hindi mo namalayan na lunch na kaya naisipan ko nang tumayo kasi parang hindi pa kayo tapos mag usap." naiinis na sabi ko.

"Eh di sana nagsabi ka. Di ba ikaw naman ang reremind ng schedule ko!"  galit na sabi nya.

"Oh im sorry nalimutan ko na personal secretary pala ako. Sorry Boss! Bitawan mo na ako para makakain ako." sabi ko habang nakatitig sa kanya ng matalim.

"Tara na sumabay ka na sa amin. Maglulunch din kami." malumanay na sabi nya.

"Wow Leo, naalala mong maglunch kasama sya kaysa sakin?" galit tanong ko.

"Ano bang ikinagagalit mo? Simpleng bagay lang nagagalit ka agad." sabi nya. Umiling ako. Nakita ko na nakangiti ang babaeng haliparot.

"Maglulunch ako mag isa. Wag mo muna akong kausapin hanggang hindi mo alam ang ikinagagalit ko." sabi ko sa kanya.

Nagbukas ang elevator na pang employee, tumakbo ako at duon ako sumakay. Hindi na ako nahabol ni Leo kasi nagsara na ang elevator. Pero bago sumara iyon naririnig kong sumigaw si Leo.

Nang makarating ako sa baba dali dali akong sumakay ng taxi papunta sa cafe na sinabi ni Angel. Dumating ako agad sa cafe at nandun si Angel at Lucas. Naupo ako sa harap nila.

"Oh Blessy wala pa ba si kuya sa office at mag isa kang maglulunch?" tanong ni Lucas.

"Busy yun sa lunch nila ng Claire na yun." sabi ko.

"What? Si Claire? Matagal nang nagpapapansin kay kuya yung babae na yun. Kahit ang mga kapatid ko napapansin yun kaya galit sila dun." sabi ni Lucas.

"Kumain ka na lang at nang matanggal na yang pagseselos mo." sabi ni Angel.

Kinuwento ko sa kanila ang nangyari simula pa nung dumating ang Claire na yun.

"Wag kang mag alala Blessy may plano ako para sayo." sabi ni Lucas.

Sinabi nya sa amin ni Angel ang mga gagawin ko. Tama daw na tiisin ko munang wag kausapin ang kuya nya para daw magtanda.

Nagkwentuhan na lang kami nila Angel hanggang di namin namamalayan na gabi na. Ipinagpaalam naman ako ni Lucas kanina kaya nde na ako bumalik ng office. Umuwi ako sa bahay kasama si Angel at Lucas.

Magkasama kaming matutulog ni Angel ngayong gabi. Bumukas nag pinto at pumasok si Lala.

"Lucas told me everything. And yes im willing to accompany you to Baguio." sabi ni Lala.

"Wala ka bang trabaho bukas?" tanong ko.

"Well i need a break. Gusto kong makapagrelax." sabi ni Lala at tumango ako.

Nagbilin sya kung anong oras kami aalis bago sya umalis. Matutulog na ako ng maaga para bukas.

"Goodluck na lang kay kuya Leo. Goodnight Blessy." sabi ni Angel.

"Goodnight din Angel!" sagot ko.