Chereads / My Clumsy Girl / Chapter 18 - The Real Blessy

Chapter 18 - The Real Blessy

Leo's Pov

Galit na galit ako sa nangyari kay Blessy sa kompanya ko. Akala ko pagnandun sya mapoproteksyunan ko sya. Kaso mali pala ako. Nakalabas na sya kahapon ng ospital.

Dito ako natulog sa opisina ko dahil gusto kong makasigurado. Pinanuod ko ang cctv simula ng dumating si Blessy sa kompanya ko.

Hindi alam ng mga tauhan ko na may kinabit akong mga cctv sa buong building maliban sa cr. Ako lang ang may access dun. Pinanonood ko lang yun pag kinakailangan. Nakakulong na yung nanamantala kay Blessy kaso hindi ako kumbinsido na walang nag udyok dito.

Natapos ako na manuod ng cctv at nahanap ko na ang kailangan ko. Hinintay ko lang ang mga tauhan ko sa kompanya na magsipasok. Tinawagan ko ang lobby na pag pumasok ang sekretarya ko papuntahin sakin.

Bumukas ang pinto at pumasok ang sekretarya ko. Pinagmasdan ko itong mabuti lalo na ang bagay na nasa leeg nya.

"Sir Leo, pinapatawag nyo daw po ako. May kailangan po kayo?" sabi ng  sekretarya ko na halata mong nang aakit.

"Ms. Diaz saan mo nabili ang kwintas mo na yan? Ang ganda kasi." tanong ko.

"Ah ito ba sir bigay lang ito sakin. Ang ganda noh sir, bagay na bagay sakin." sabi nya.

"Oo maganda. Pero hindi bagay sayo. Magsabi ka na ng totoo kung hindi, may kakalagyan ka sakin. Sa iyo ba talaga yan?" sabi ko.

"Pero sir bigay nga sakin to. Kaya akin ito." sabi nya. Bumukas nama ang pinto at pumasok si Lucas kasama si Blessy.

"Kuya nagawa ko na ang lahat ng pinapagawa mo. Nagkita pala kami ni Blessy sa lobby. Isinabay ko na kasi sa kabilang elevator sasakay." sabi ni Lucas. Lalabas sana yung sekretarya ko nang pigilan ko ito.

"Ms. Diaz manatili ka lang dyan sa kinatatayuan mo." maotoridad kong sabi ko. Tinignan naman ito ni Blessy at Lucas.

"Huh! Wait lang kwintas ko ba yan?" tanong ni Blessy kay Ms. Diaz.

"Paano mo nasabi, ikaw lang ba pwedeng magkaroon nito? Bigay sakin to ng magulang ko!" sabi ni Ms. Diaz

"Patignan nga. Yung sakin may nakaengrave sa likod na B." sabi ni Blessy.

"Kuya." sabi ni Lucas at tumango ako. Lumapit si Lucas kay Ms. Diaz para tignan ang pendant. Nang makumpirma hinubad ito ni Lucas sa kanya at ibinigay sa akin. Tama ako all along.

"Alam mo sa susunod na gagawa ka ng  kwento galing galingan mo. Alam mo ba na dalawa lang ang may ganyang kwintas sa mundo? Alam mo ba kung magkano yan para masabi mong bigay sayo ng magulang mo? Im sorry to you parents but i bet hindi afford ng parents mo yan." sabi ko.

Tinawagan ko si Lala at tamang tama na nasa lobby na sya. Nang pumasok na si Lala ay nagsalita ulit ako.

"Dala mo ba ang sinasabi ko Lala?" tanong ko.

"Yes. Eto oh." sagot ni Lala at pinakita sa amin ang kwintas na nasa leeg nya.

Nanlaki ang mga mata ni Ms. Diaz at ni Blessy.

"Totoo ba na sau yan? Pero bakit pareho ng kwintas ko?"

"Wag ka mag alala Blessy, totoong sayo yan." isinuot ko sa kanya ang kwintas.

"Kasi nung 16years old pa lang ako ay binigay ko sayo yan. Sinabi ko sayo na hindi ako nakapagprepare na aalis ka agad. Wala akong maibigay na bagay na magpapaalala sayo na gusto kita. Kaya ibinigay ko sayo ang kwintas na pares ng kay Lala. Dalawa lang kaming may ganyan at bigay ni Mommy at Daddy yan. Kay Lala may G sa likod at sakin ay B. It means boy ang girl. Kaya imposible na magkaroon si Ms. Diaz nyan." sabi ko.

"Pero bakit hindi ko nakikita yan kay Lala?" tanong nya.

"Kasi sabi ko susuotin ko lang to pag nakita na ni kambal ang kapareho." sabi ni Lala.

"Oh by the way Ms. Diaz you're fired!" sabi ni Lala.

"Hindi pwede wala naman akong ginawang kasalanan ah." sabi ng sekretarya ko.

"Naghihintay na sayo ang kulungan. Ikaw ang nagsabi sa finance manager na galawin si Blessy" sabi ko.

"Wala akong ginagawang ganon." sabi ni Ms. Diaz.

"Wala ba? Baka gusto mong tignan ang monitor ko." sabi ko.

Hinarap ko sa kanila ang monitor at nilakasan ang sound. Sinabi ni Ms. Diaz na galawin si Blessy. At nung time na makikipagsex si Ms. Diaz dun sa manager saka ko pinatay ang monitor.

"So ano wala kang kasalanan? Sige na Lucas dalhin na yan sa presinto." sabi ko. Lumabas si Lucas kasama si Ms. Diaz.

Niyakap nama ni Lala si Blessy at umiyak ang kambal ko.

"Alam ko hindi mo pa kami naaalala. Pero napakasaya ko na ikaw talaga ang Blessy namin. Ang kaibigan namin na si Blessy. Ibabalita ko ito kina Lily at Liam. Kuya mag dinner tayo sa labas kasama si Blessy ha. Una na ako, alam ko may pag uusapan pa kayo. Cge Blessy, Kuya love you two!" nagflying kiss pa si Lala at lumabas ng office.

Natahimik naman ang paligid at kami na lang ni Blessy. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinalikan ko sya. Nanlaki ang mga mata nya pero kalaunan ay gumanti na rin ito ng halik.

"Alam ko hindi mo pa maalala ang lahat pero ipinapangako ko na tutulungan kitang makaalaala. Uunti untiin lang natin kasi baka maospital ka pa ulit. Pero Blessy hayaan mo ako na maipadama ko sayo ang pagmamahal ko simula nung 16 years old pa lang ako. Sana Blessy papasukin mo ako sa puso mo." sabi ko.

"Hindi man kita maalala ngayon pero nararamdaman ko na malapit ako sayo. Magaang ang pakiramdam ko sayo eh. Sana lang maalala ko na lahat." sabi ni Blessy.

"Hindi naman kailangan bumalik agad ang alaala mo para mahalin mo din ako. Liligawan kita at kahit hindi mo na maalala ang lahat gagawa ako ng paraan para mahalin mo ako." sabi ko habang nakayakap pa din sa kanya.

"So ano payag ka bang makipagdate sakin sa sunday?" tanong ko. Ngumiti sya sa akin at tumango. Yes!!!!

Napakasaya ng araw na ito sakin. Tama ako. Mula pa lang ng unang makita ko sya sa Baguio eh nararamdaman ko na sya talaga.

Pero sa totoo lang nagtataka ako bakit sya lumayas sa palasyo nila? At isa pang gumugulo sa akin ay ang sabi ni Denver na may nagbayad sa kanya na itago si Blessy. Sino? Sinong gustong manakit kay Blessy?

Pinagmamasdan ko si Blessy habang nagtatrabaho ito. Tinawagan ko agad si Vincent sa cellphone.

"Vincent sino ang pinakamagaling na hacker natin?" tanong ko sa kanya.

"Ikaw. Ikaw si ba?" sabi ni Vincent nailing na lang ako sa alien na ito. Like father like son talaga. Well ano pang aasahan mo sa pamilya ni tito alien.

"Siraulo ka! Sino pa maliban sakin at sayo?" sabi ko.

"Si Agent Ash." sabi nya.

"Well work with him at give me all the info about Lady Blessy Emery Visser and her father, Count Thomas Julian Visser. The Count of Limburg in Netherlands." sabi ko.

"Woohhh! Thats a Royalty! Alam mong mahirap yang pinapagawa mo. Sino ba sila? Sabihin mo sakin para malaman ko kung gagawin ko o hindi." sabi nya.

"Lady Blessy Emery Visser is my Blessy." sabi ko.

"Wow A Royal Blood. Fine give me at least a week. Got to go bud." sabi ni Vincent. They are also part of the agency.

I will protect you Blessy. I will.