Blessy's Pov
Makalipas ng isang linggo, anniversary na ng mga magulang ni Leo. Naghahanda kami ngaun sa pag alis papuntang Errol Foundation. Nauna na sina Lala at Lucas kasi may dadaanan pa daw sila. Magkita kita na lang daw kami sa foundation. Si Lily at Liam lang ang kasabay namin. Kinakabahan ako kasi dun ko unang makikita ang mga magulang nila Leo. Pagdating ko sa labas nandun na sina Leo at Lily. Inaantay na lang si Liam.
"Ate Blessy tabi tayo sa likod ha." sabi ni Lily.
"Oo naman. Hindi ba tayo magbibigay ng kahit anong regalo sa parents nyo?" tanong ko.
"Hindi magagalit si Mommy pagginawa mo yun. Katwiran kasi ni Mommy na they got everything na daw so ayun." sabi ni Lily.
"Ah okay. Nakakahiya kasi eh. Paano pagnalaman ng parents nyo na dito ako nakatira." sabi ko.
"Dont worry ate alam na nila. For sure matutuwa si Mommy. Close din kasi kayo nun. Di ba kuya?" sabi pa ni Lily.
"Blessy wag kang mag isip ng mag isip ng kung ano ano. Welcome ka lagi sa family namin." sabi ni Leo.
Dumating si Liam at umalis agad kami. Marami kaming napag usapan nila Lily at Liam. Ang sweet lagi ng dalawang iyon sakin. Para bang ang tagal tagal na naming magkakakilala. Si Lily at Lucas pala naging classmates ko. Ang galing nga ni Lily kahit na mas bata ito sa amin ng 2 taon ay kaklase na namin at first honor daw kwento dati sakin ni Lala.
Nakarating kami ng foundation ng 8am. Buti na lang maaga kami umalis. Tinuro sa akin ni Leo yung mga regalo nya na nakadisplay. Talagang tinotoo nya na ang bawat sizes may tag iilang piraso. Lumapit kami sa isang madre.
"Sister Micah kamusta po. Nandyan na po ba sila Mommy?" tanong ni Liam.
"Oo Liam nasa opisina ko nagpapahinga. Sige pumunta na kayo dun. Teka ikaw na ba yan Blessy? Ang tagal mo nang hindi nakakapunta dito. Matutuwa sila Abby, Nene at Totoy kapag nakita ka. Mga binata't dalaga na sila." sabi ni Sister Micah. Napalingon ako kay Leo at tumango ito. Nagguguluhan man ako pero ngumiti ako sa madre.
Pumasok kami ng opisina ng madre. Malaki ito at mayroong sala kung saan nakaupo ang mga magulang nina Leo.
"Mommy! Daddy!" sigaw ng magkakapatid. Yumakap naman sina Lily at Liam. Samantalang si Leo humalik sa pisnge ng mga magulang nya.
"Kamusta Blessy. Masaya akong makita ka ulit." sabi nung Daddy nila.
"Blessy!" sabi ng Mommy nila. Lumapit ito sa akin at niyakap nya ako.
"Natutuwa ako kasi nakita ka na ulit namin. Alam mo bang namiss kita. Sabi ko sayo pag may problema ka andito lang si Mommy sayo eh." sabi ng Mommy nila.
"Pasensya na po kasi hindi ko kayo maalala. Salamat din po pala sa pagtanggal nyo. Mam at Sir Jeon." sabi ko. Di ko namamalayan na naiyak na pala ako.
"Ikaw talaga Mam at Sir pa din. Siya nga pala Mommy Lisa na lang ang itawag mo sakin at sa asawa ko Daddy Jk. Ayoko ng mam at sir." sabi pa nya.
Bigla naman akong napaluhod sa sakit ng ulo ko. May mga larawan akong nakikita. Masayang nakikipaglaro sa pamilya ni Leo at si Mommy Lisa. Tapos nawalan ako ng malay.
Nagising ako sa isang kwarto na mukhang clinic. Nandun ang buong pamilya nila Leo.
"Kamusta ka na Blessy may masakit pa ba sayo?" tanong ni Leo na nasa tabi ko. Umupo ko at inalalayan ako ni Leo.
"Pasensya na po. Bigla po kasing sumakit ang ulo ko." sabi ko.
"May naaalala ka na ba?" tanong ni Daddy Jk.
"May imahe lang po na nakikipaglaro ako sa inyong pamilya." sagot ko.
"Mukhang unti unti nang bumabalik ang alaala mo." sabi naman ni Mommy Lisa.
Mahigit isang oras kaming nagkwentuhan bago lumabas ang pamilya nila maliban kay Leo.
"Gusto mo bang magpahinga muna? Tutulong kasi ako sa kanila sa labas. Nag uumpisa na ang programa." sabi ni Leo.
"Hindi! Gusto kong makita yun. Sama na ako sayo." sabi ko.
"Cge. Pero kapag napagod ka balik tayo dito ha." sabi nya at tumango ako.
Lumabas kami ng clinic at nagpunta sa party. Marami pang taong ipinakilala sa akin si Leo. Mga kaibigan ng pamilya nila. Kasalukuyan akong natulong sa pagpapakain sa mga bata. tumayo ako at kukuha sana ako nga maiinom nang biglang may yumakap sa akin.
"Ate Blessy namiss ka namin." sabi nung isang babae.
Napasigaw ako sa sakit ng ulo ko. Niyakap ako ni Leo. Nag iiiyak ako habang titig na titig sa tatlong tao na nasa harap ko. Malinaw na ang nakikita kong imahe.
"Angel. Kamusta ka na?" iyak na sabi ko sa kanya.
"Naaalala mo na sya Blessy. May naaalala ka na ba?" sabi ni Leo. Tumango ako.
"Hindi pa lahat eh. Naalala ko lang nung nag aaral pa ako kasama kayo. Si Angel at ang foundation. Ang pamilya mo Leo. Pero hindi ko pa maalala kung sino ako." sabi ko.
"Wag mong pilitin. Maaalala mo rin yun." sabi pa ni Leo.
Niyakap ko ng mahigpit si Angel. Ipinakilala nya sakin ang mga batang natulungan ko na. Si Abby na isang guro sa foundation. Si Totoy nag aaral sa college at si Nene na senior high. Masaya kaming nagkwentuhan ni Angel tungkol sa mga bagay bagay nung highschool pa lang kami.
Naglakad lakad ako sa foundation. Inaalala ko lahat ng mga nangyari sa akin dito sa lugar na ito. Unti unting bumabalik ang mga alaala ko. Nagawi ako sa isang hagdanan. Nanlaki ang mata ko at napatakip sa bibig nang maalala ko ang nangyari sa akin dito sa hagdan na ito. Napalingon ako sa taong yumakap sakin mula sa likuran.
"Naalala mo na ba? Dito tayo unang nag usap at dito din kita sinalo mula sa pagkakahulog mo dahil sa pagiging clumsy mo." sabi ni Leo.
Namula naman ang pisnge ko nang mapansin ko na magkalapit na ang aming mukha. Nag iwaa na lang ako nang tingin at humarap ulit sa hagdanan.
"Oo naalala ko na. Galing ako nun sa kwarto ni Abby. Akalain mo noh na magiging teacher ngaun si Abby. Mabuti naman at lumaban sya sa sakit nyang diabetis." sabi ko.
Aalis na sana ako mula sa pagkakayakap nya kaso pinigilan nya ako.
"Wag ka munang umalis sa pagkakayakap ko. Pabayaan mo muna akong yakapin ka kahit ilang minuto lang. Namiss lang talaga kita Blessy. Pakiusap." sabi ni Leo.
Tumahimik ako at hindi gumalaw sa pagkakayakap nya. Makalipas ang ilang minuto at humarap ako sa kanya.
"Ang tagal kitang hinanap. Ang tagal kong naghintay. Buti na lang sa Baguio ako napadpad. Salamat kay Lala at pinilit nya ako." sabi ni Leo.
"Bakit? Bakit ka nag intay? Kahit walang kasiguraduhan na makikita mo ako, bakit ka nag intay?" tanong ko kay Leo.
"Simple lang. Dahil mahal kita. Sapat na bang dahilan yun. Hindi na ako nanligaw sa iba dahil lolokohin ko lang sila. Ikaw pa rin kasi Blessy. Mana nga yata talaga ako kay Daddy. Wala din naging ibang girlfriend yun kundi si Mommy." sabi ni Leo.
"Masaya ako dahil ganun ang nararamdaman mo sakin. Nararamdaman ko naman yun Leo eh. Kaso gusto ko munang malaman kung bakit ako nagkaganito. Nawalan ng alaala at kung sino ba ako." sabi ko.
"Ganun naman pala eh. Kung ang inaalala mo yung sitwasyon mo, sabay nating haharapin yan. Mahal kita at mahal mo ako. So ano tayo na ba?" sabi pa ni Leo.
"Huh! Kelan ko sinabing mahal kita? Your so full of yourself." sabi ko. Napasimangot naman sya.
Natawa naman ako sa reaction nya. Hinawakan ko ang pisnge nya at hinalikan ang nakapout nyang labi. Nakita ko na natulala sya at nagulat sa ginawa ko.
"Namiss din kita boyfriend." sabi ko at bigla akong tumakbo.
"Girlfriend! Bumalik ka dito!" narinig kong sigaw ni Leo.
Napangiti naman ako dahil sa lalaking yun. Magpapakipot pa ba ako eh ang swerte ko na sa boyfriend ko.
Naabutan ako ni Leo. Naglakad kami na magkahawak ang kamay. Pinagtitinginan kami ng pamilya nya at ng mga kaibigan nila. Tumingin ako kay Leo at ngumiti ito.
"Uwi na tayo. Maghanda ka na mamaya sa mga tanong ng pamilya ko" sabi ni nya. Tumango na lang ako.