Chereads / My Clumsy Girl / Chapter 12 - Good to see you again

Chapter 12 - Good to see you again

Leo's Pov

Its been 10 years since i last saw Blessy. Nawalan na ako ng contact sa kanya. Nabalitaan ko na lang sa tita nya na naglayas ulit ito at hindi ito mahagilap. Hinanap ko sya kaso nabigo ako. Simula ng nagpaalam sya sa akin nung 16 years old palang ako, nagfocus lang ako sa pag aaral ko. Grumaduate ako with flying colors. Ngayon ako ang namamahala ng ibang kompanya ni Daddy.

"Good morning sir. Eto na po yung kape ninyo." sabi ng sekretarya ko.

"Ilapag mo na lang dito at lumabas ka na." sabi ko.

"Wala na po ba kayong iuutos sir." sabi pa nito. Tinignan ko ito, kung hindi lang ito magaling na secretary ay tatanggalin ko na to.

"Miss Diaz di ba sinabi ko na sa iyo lumabas ka na at isa pa please wear a proper dress pagnandito ka sa opisina ko. Hindi magandang tignan ang itsura mo." sabi ko. Padabog naman itong lumabas. Gusto pa akong akitin kung makasuot ng damit halos iluwa na ang dibdib nya.

Bumukas ulit ang pinto pero hindi ako nakatingin. Nakafocus kasi ako sa computer ko.

"Di ba sinabi ko lumabas ka na?" sabi ko.

"Huh kambal ang init init ng ulo mo. Bakit ba?" sabi ni Lala. Akala ko yung sekretarya ko.

"Wala. Ano kailangan mo?" tanong ko.

"Grabe ka naman ang cold mo. By the way kambal magbabakasyon ka sa Baguio?" tanong nya.

"Hindi may ka meeting ako. Bakit?" tanong ko.

"Pakicheck na rin yung donations na ibibigay ko sa Baguio. Tapos bili ka na din ng strawberry sabi ni Mommy. Pitasin mo daw sa farm hahaha." sabi ni Lala.

"Saan ko dadalhin yung donations mo?" tanong ko.

"Sa maliit na school malapit sa strawberry farm. Hanapin mo si Mr. Marquez. Kelan alis mo?" tanong pa nya.

"Mamaya. Uuwi muna ako sa bahay." sabi ko. May kumatok naman sa pinto ng office ko.

"Pasok!" sabi ko.

"Sir may meeting po kayo mamayang 11am kay Ms. Smith." sabi nung secretary ko.

"Okay you may go." pero bago makalabas ang secretary ko inawat ni Lala. Here we go again. Ang pagdedesiplina ni Lala sa mga secretary ko. Di naman ako naiinis natutuwa pa nga ako sa kambal ko kasi overprotective sa akin sa mga nang aakit  hahaha.

"Wait! Ibutones mo nga yan! Ano ka ba dito? Sexsitary? Kasi parang naghahanap ka ng makakasex mo. Gosh paghindi ka umayos, i will fire you." sabi pa ni Lala.

"You can't fire me. Sir oh." pagsusumbong nung babae sakin.

"Tingin mo hindi ko kayang gawin yun? Tingin mo din kakampihan ka nya? Well tanga ka hahaha!" sabi ni Lala.

"Ms. Diaz binalaan na kita di ba? So kung nag aantay ka ng sagot sakin ay oo kaya ka nya sibakin sa trabaho. Naintindihan mo?" sabi ko.

"Palitan mo na nga yan bago ako mainis." sabi pa ni Lala. Tumawa lang ako at nakita kong nagdadabog na lumabas yung sekretarya  ko.

"Halika na kambal sabay tayo maglunch." aya ko sa kambal ko.

Umuwi muna ako sa bahay bago pumunta ng Baguio. Sa Golden Hotel ako mag iistay. Ang hotel na pagmamay ari ng pamilya. Nagmakarating ako sa hotel, nagpahinga ako at natulog dahil na rin sa haba ng biyahe ko.

Nagising ako ng 9am. Ang sarap ng tulog ko buti nagising ako. Naghanda na ako para sa pagpunta ko sa strawberry field at para ibigay ang donations ni Lala. Gabi pa naman ang meeting ko kaya uunahin ko ito.

Nang makarating ako sa school hinanap ko agad si Mr. Marquez kaso wala pa dun at papunta na daw. Sinabi ko sa tao dun na maghihintay ako.

Lalabas ako ng pinto sana kaso natigilan ako nang makita ko ang babaeng matagal ko nang hinahanap. Nilagpasan nya ako na para bang hindi ako kakilala.

"Teacher Blessy, maaga ka ata. Mamayang hapon pa ang klase mo ah." sabi nung isang babae.

"Tinawagan ako ni Ms. San Pedro, hindi daw sya makapagturo ngayon. Kaya ako muna ang hahalili sa kanya." sabi ni Blessy. Narinig ko na naman ang boses nya.

Tinalikuran nya ako at pumunta sa classroom. Bakit ganun hindi nya ako nakilala? Nakalimutan nya ba ako? Nagmatured lang naman ako pero paanong hindi nya ako makilala. Baka binibiro lang ako. Sinundan ko sya sa classroom.

"Okay children, ang lesson natin ngayon ay tungkol sa mga numbers. Sino ang marunong na magbilang?" sabi ni Blessy.

"Teacher ako po!" sigaw nung isang bata.

Pinagmasdan ko si Blessy magturo. Napakalambing pa din nito sa mga bata. Lalo syang gumanda nung magmatured sya.

Natapos ang klase nya at bumalik sa office ng school. Sinundan ko ulit sya. Nakikipagkwentuhan sya sa isang teacher. Hindi ko na matiis kailangan ko sya makausap.

"Blessy." malumanay kong tawag sa kanya.

"Huh? Sino po kayo?" tanong ni Blessy.

"Wag mo naman akong biruin ng ganyan. Nakalimutan mo na ba ako? sabi ko.

"Sir pasensya na pero ngayon ko lang po kayo nakita." sabi pa nya.

"Ako to si Leo. Anak ni Mr. at Mrs. Jeon." sabi ko.

"Sino po si Mr. at Mrs. Jeon. Sir kilala nyo ako?" tanong nya. Hindi na ako makapagsalita. Hindi ko alam kung nagbibiro ba sya o hindi.

"Sir baka naman napagkamalan nyo lang ako. Sige po alis na ako." sabi nya. Tatalikod na sana sya ng pigilan ko at niyakap ko sya.

"Sir bitawan mo ako! Hindi kita kilala!" sigaw nya. Hindi ito maaari alam ko si Blessy ko ito. Hindi ako pwedeng magkamali. Pinalo palo nya ako hanggang sa ako ay makabitaw.

"Sir ang manyak nyo ah! Di ko nga kayo kilala tapos mangyayakap kayo." sabi ni Blessy.

"Hindi mo ba talaga ako natatandaan" tanong ko ulit. Gusto ko kasing makasiguro.

"Ang kulit mo noh. Paulit ulit." sabi pa nya.

"Bakit anong nangyari sayo?" tanong ko.

"Malay ko sayo! Hoy mister sinabi nang hindi kita kilala. Umalis ka na nga. Bakit ka ba nandito." sabi ni Blessy.

"Ms. Perez umayos ka ng salita. Bakit mo pinaaalis ang magdodonate satin. Gusto mong tanggalin kita sa pagiging guro." sabi nung lalaki. Mukhang eto si Mr. Marquez.

"Ikaw naman sir joke lang yun. Cge mag usap na kayo ni Mr. Manyak ay este Mr. Pogi. Sige boss alis na ako. Magtuturo pa ako eh hehehe." sabi pa ni Blessy.

Sinundan ko lang ng tingin ang papaalis na si Blessy. Hindi ko na talaga alam. Teka nagka amnesia ba siya?

Umalis muna ako pagkabigay ko ng mga donations. Ayoko pa sanang umalis kaya lang may meeting ako. Bukas na lang din ako bibili ng strawberries. Wag ka mag alala babalik ako Blessy at sisiguraduhin ko na maaalala mo ako. Napangiti ako atleast nakikita ko na siya. Its good to see you again Blessy, my love.