Blessy's Pov
Ang weird nung lalaki kahapon. Pinipilit nya pa na kilala ko sya eh hindi naman talaga. Pogi nga kaso manyak, nangyayakap eh. Hay naku bakit ko ba pinoproblema yun.
Nasa school ako ngayon at kailangan kong turuan ang mga estudyante ni Ms. San Pedro. Buti na lang i love kids.
"Good morning class!" sabi ko.
"Good morning teacher Blessy" sagot ng mga estudyante ko sa kinder.
"Ok let us pray." sabi ko.
Nagdasal kami tapos kumanta muna bago ako nagturo. Masaya ako kasi napapasaya ko ang mga bata parang matagal ko na ginagawa.
Natapos ang unang klase ko sa umaga. Nagpunta muna ako sa faculty at nakipagchikahan sa ibang guro.
"Nakita nyo ba yung lalaki kahapon? Ang gwapo!" sabi ni Mr. Felipe ang bakla namin guro na kaibigan ko.
"Oo naman nandito kaya ako nang yakapin si Blessy eh. Pinipilit nga na magkakilala sila." sabi ni Mrs. Santos.
"Pwede ba wag nyo na paalala sakin yun. Nababadtrip ako eh." sabi ko.
"Bestie, hindi ka ba kinilig? Ang pogi ni Papa." sabi pa ni Brandon. Si Mr. Felipe si Brandon.
"Shut up! Ang creepy kaya." sabi ko.
"Oo nga pala taken ka na. Kamusta si Denver?" tanong ni Mrs. Santos.
"Hindi ko po alam. Nasulpot lang po iyon." sabi ko.
"Bestie bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya." sabi ni Brandon.
"Ewan ko naguguluhan pa ako. Ang hirap nya saktan eh. Sya ang nagligtas sakin." sabi ko.
Nagpatuloy ang aming kwentuhan. Natigil kami ng pag uusap dahil may dumating na delivery boy.
"Flowers and chocolates for Ms. Blessy." sabi nya.
"Blessy sayo daw." sabi ni Brandon.
"Kuya kanino galing?" tanong ko.
"Hindi ko po alam." sabi nung nagdeliver pagkatapos umalis.
"May card oh bestie." sabi ni Brandon tapos kinuha nya at binasa.
"To my love Blessy, from Leo. Wow bestie sino si Leo?" tanong ni Brandon.
"Yung weird kahapon." sabi ko.
"Wow si Mr. Handsome. Penge ng chocolate." sabi pa nya.
Inilagay ko ang bulaklak sa vase sa classroom ko tapos ibinigay ko sa mga bata ang chocolate.
Kinabukasan namimitas kami ngayon sa strawberry fields. Nagsasideline ako sa pagbubunot kasi kailangan ng gamot nila lolo at lola. Sabi ni Denver sila na lang daw ang natitira kong kamag anak. Sa totoo lang wala kasi akong maalala. Pero hindi naman siguro magsisinungaling ang dalawang matanda.
Sabi din ni Denver na boyfriend ko daw sya. Mabait naman sya kaso hindi ko maramdaman eh. Gusto ko sabihin kaso nde ko sya magawang saktan dahil sa sya ang nagligtas sa akin.
"Blessy may naghahanap sayo!" sigaw ni Manang Lea.
"Sino po Manang?" tanong ko.
"Ako!" napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Leo.
"Anong kailangan mo? Bakit ka nandito?" tanong ko.
"Bibili ng strawberry. Masama ba?" tanong nya.
"Hindi! Pwede ba wag ka munang istorbo." sabi ko. Ang dami ko kasi iniisip dadagdag pa ito.
Tumahimik naman sya buong maghapon. Namitas din sya ng mga strawberries. Naiilang ako kasi panay ang tingin nya sakin.
"Mr. Alam mo nakakailang ang mga titig mo. Bakit ba? Anong problema mo ba?" sabi ko. Nakakailang kasi eh. Hindi ako makakilos ng maayos.
"Miss pasensya na talaga kasi kamukhang kamukha mo si Blessy eh." sabi nya.
"Bakit nasan ba sya?" tanong ko sa kanya.
"Nagkahiwalay kasi kami nung 16 ako tapos nabalitaan ko na tumakas sya sa Papa nya. Ngayon nawawala sya at hindi mahanap. Tapos ngayon makikita kita na kamukhang kamukha ni Blessy ko." sabi nya.
"Ganon po ba. Pasensya na kasi hindi talaga ako ang hinahanap mo." sabi ko.
Madami syang naikwento sa akin habang kami ay nakaupo. Kawawa naman pala ang taong ito. Matagal na nag iintay sa kanyang mahal. Habang nag uusap kami may humalik sa pisnge ko. Tumingala ako at nakita ko si Denver na nakangiti.
"Babe sino sya?" tanong ni Denver.
"Ah siya si Leo, nagdonate sya sa school. Nagkukwentuhan lang kami tungkol sa girlfriend nya." paliwanag ko.
"Ganun ba. Halika na manonood tayo ng sine." sabi ni Denver.
"Ngayon ba yun? May gagawin pa kasi ako." sabi ko.
"Blessy naman ngayon lang tayo nagkita tapos ganyan ka pa." sabi nya. Napalingon naman ako kay Leo na parang galit na galit.
"Leo mauna na muna kami." sabi ko. Di naman ito kumibo.
Umalis kami ni Denver at nanuod ng sine. Naiinis na ako kasi mayat maya na naman sya nagagalit sa akin. Nang matapos ang sine niyaya na naman nya ako ulit sa motel.
"Tangna naman Blessy ang tagal na natin bakit ba ayaw mong pumayag boyfriend mo naman ako." sabi nya.
"Hindi pa ako handa Denver. Gusto ko munang mabalik ang alaala ko bago ko gawin ang mga bagay na yan." sabi ko.
"Tangna talaga! Ano kung hindi bumalik alaala mo, hindi ka papayag? Naghihinala ka pa ba sakin? Hindi pa ba sapat ang mga lolo at lola mo?" sabi pa nya.
"Bakit ba mapilit ka? Bakit hindi ka makaantay?" sabi ko. Hinawakan nya ako sa pulsuhan at hinatak. Pinipilot nya ang sarili nya sakin. Pinilit ko sya na itulak.
"Alam mo Denver kung ganyan ka ng ganyan eh maghiwalay na tayo." sabi ko sabay alis ng kotse nya.
Naguguluhan na ako. Pinipilit nya parati ang sarili nya sa akin. Minsan natanong ko king tama pa ba lahat ito.
Nakarating ako sa bahay ng sobrang gabi na. Thanks to Denver naglakad ako. Pumasok ako sa bahay at magpapahinga na sana ng madatnan ko si Lola na hinihipo ang dibdib.
"Lola okay lang po ba kayo?" tanong ko.
"Hindi ako makahinga apo" sabi naman ni Lola.
"Si Lolo po?" tanong ko.
"Nasa taas inaapoy ng lagnat." sagot ni Lola kahit nahihirapan huminga.
"Tatawag po ako ng tulong. Dadalhin ko kayo sa ospital." sabi ko.
Lumabas ako ng bahay para makahingi ng tulong sa mga kapitbahay. Sa tulong ng mga ito nadala ko sa ospital ang mga matanda.
Naconfine ang mga ito sa ospital. Kukulangin ang pera ko pambayad sa kanila. Tumawag ako kay Denver. Tutulong lang daw sya kung ibibigay ko ang gusto nya. Nagtataka lang naman kung bakit naginv ganyan sya. Dati naman napakabait nya.
Paano ba to saan ako kukuha ng pera panggastos sa Lolo't Lola ko. Wala na nga akong maalala sa nakaraan ko ganito pa ang mangyayari.