Leo's Pov
Pinauwi muna kami ng tita ni Blessy para makapag usap sila. Sa bahay muna pinatulog ni Lucas si Angel. Napapaisip pa din ako sa nangyari kahapon. Hindi ko akalain na isang maharlika si Blessy.
Tulala lang ako habang kumakain. Wala akong gana dahil madami akong iniisip.
"Kuya may problema ka ba?" narinig kong tanong ni Lala. Inangat ko ang ulo ko at tumingin kay Lucas at Angel. Di ako makapagsalita. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.
"Kuya what happened? Nag aalala ako sayo." sabi ni Mommy.
Kinuwento ni Lucas ang lahat ng nangyari. Di ako nagsalita pinabayaan ko lang syang magkwento.
"Leo can i talk to you? Tayong dalawa lang." sabi ni Daddy.
Pumunta kami sa private room nya. Office nya yun sa bahay. Naupo ako at nagsimula nang magsalita si Daddy.
"Anong problema kuya Leo?" tanong ni daddy.
"Dad hindi ko po alam ang nararamdaman ko para kay Blessy. Masaya ako kapag kasama ko sya. Hindi ko napapansin na pumupunta ako kung saan sya nandun. Di maalis ang ngiti ko pagnakikita ko ang pagkaclumsy nya." sabi ko.
"Oh eh bakit ka malungkot?" tanong ulit ni Dad.
"Kasi Dad hindi na ako to eh. Nawawala na ako sa focus ko. Yung pangarap ko nag iba simula nakilala ko si Blessy" sabi ko.
"And so? Napapasama ka ba?" tanong ni Dad.
"No! Kaya lang dad paano ko pagpapatuloy yun kung aalis na sya. Gusto ko syang pigilan pero isa syang maharlika at may tungkulin sa bansa nila. Anong gagawin ko Dad." sabi ko. Di ko namamalayan na tumutulo na ang luha ko. Tinapik ni Dad ang balikat ko.
"Your in love son. Bata pa kayo hayaan mo muna syang umuwi. If kayo talaga para sa isat isa ipaglaban mo sya. Pero sa ngaun magpalakas ka muna. Pagkagraduate mo at may narating ka na at kung mahal mo pa sya puntahan mo sya." sabi ni Dad.
Umiyak ako ng umiyak sa bisig ni Daddy. Naramdaman ko ngayon na bata pa pala ako at kailangan ko pa rin ng mga payo ni Dad. Hindi nagsalita si Dad at hinayaan nya akong umiyak.
Pagkatapos ng pag uusap namin ni Dad nagpunta ako sa kwarto. Natulog muna ako dahil wala akong gana na kumilos.
Nagising ako sa katok. Dumilat ako at napansin ko madilim na.
"Kambal gising na! Tawag ka ni Mommy sa baba." sigaw ni Lala.
"Sige susunod na ako." sabi ko. Nag ayos muna ako ng sarili ko bago bumaba.
Pagkatapos namin kumain ng pamilya ko, tumambay kami sa salas. Kumpleto ang pamilya ko. Si mommy at daddy nanunuod kay Liam na nagsasasayaw. Si Lily nag cecellphone. Si Lala, Angel at Lucas naglalaro ng boardgames. Nagtaka si Dad ng may nagdoorbell.
"May bisita ka ba My?" tanong ni Dad kay Mommy. Umiling naman si Mom. Lumabas si Daddy at nang bumalik kasama si Blessy at si Noah.
"Good evening po. Sana po hindi ako nakaistorbo." sabi nya. Nakatitig lang ako sa kanya.
"Maupo ka iha. Ano ka ba wag ka mag alala hindi ka istorbo samin. You're always welcome here iha. Ay! ano ba dapat naming itawag sayo? Lady Blessy ba?" sabi ni Mommy.
"Blessy lang po. Wala naman po ako sa Netherlands. Nagpunta lang po ako para magpaalam sa inyo. Babalik na po kasi ako sa bansa namin. Gusto ko din po magpasalamat sa lahat lahat at sa pagtanggap nyo po sa akin." sabi pa nya.
"Wala yun iha. Tatandaan mo welcome ka lagi dito sa amin." sabi ni Daddy.
"Blessy magkikita pa ba tayo? Mamimiss kita. Wag mo ako kakalimutan ha." sabi ni Angel. Iyak na sya ng iyak.
"Of course not. Sister pa rin kita okay." sabi ni Blessy.
"Pwede ka bang bisitahin sa inyo? Mamimiss kita sisteret." sabi naman ni Lala.
"Oo naman. Magsabi ka lang at ipapasundo kita kay Noah." sabi nya.
"Mag iingat ka palagi." sabi naman ni Lucas. Tumango naman si Blessy at pagkatapos humarap sya sa akin.
"Leo pwede ba kitang makausap?" tanong ni Blessy.
"Sure dun tayo sa garden." sabi ko. Pumunta kami sa garden at naupo sa bench.
"Gusto ko lang magpaalam sayo ng personal. Gusto ko kasing magpasalamat sayo sa lahat ng ginawa mo sa akin. Masaya ako na nakilala kita." sabi nya.
"Pwede bang wag kang nang umalis?" tanong ko.
"Gustuhin ko man eh hindi na ako papayagan ni Papa." sabi nya.
"I like you Blessy thats what i feel for you. Alam kong bata pa tayo pero i know i've fallen for you. Gaya ng sabi ni Daddy magtatapos ako at pagmay pagmamalaki na ako susundan kita." sabi ko.
"Pero Leo ayokong umasa kasi bata pa tayo. At baka magbago pa ang nararamdaman mo." sabi nya.
"Sigurado ako. At sana mahintay mo ako. I will let you go for now but i'll make sure i will get you. Here! Its my my necklace, na may pendant na L." sabi ko pa at sinuot ko sa leeg nya ang kwintas ko.
Nagkwentuhan pa kami. Hindi ko namamalayan na oras na para sya ay umalis. Lumapit si Noah samin at yumuko.
"Mijn dame we moeten gaan." sabi ni Noah.
"Anong sabi nya?" tanong ko.
"Sabi nya My lady we need to go." nakangiting sabi ni Blessy.
"Cge na alis na kami." sabi nya at tumalikod na ito.
"Blessy....." di ko masabi sa kanya na wag na sya umalis. Humarap sya sa akin at hinawakan nya ang dalawang pisnge ko. Idinikit ang noo nya sa noo ko.
"Ik zal je missen Leo. Tot ziens en bedankt. Ik hou van jou." sabi nya na hindi ko maintindihan tapos biglang tumakbo paalis.
Gusto ko pa sana syang makasama. Gusto ko syang ihatid pero baka kasi paghinatid ko sya sa airport eh baka pigilan ko pa sya. Ang sakit ng nararamdaman ko kasi wala na sya. Nakatulala lang ako sa langit habang nag iisip kay Blessy. Hindi ko namamalayan na nasa tabi ko na pala si Lala. Tinitigan ko lang si Lala.
"Kambal nandito lang ako." dun na ako humagulgol. Yakap yakap ako ng kambal ko. For the first time naramdaman ko ang maging mahina.
Hindi nagsalita si Lala. Pinabayaan nya ako umiyak. Gusto kong magsalita pero walang lumabas sa akin. Alam ko na mahirap umasa dahil sa sitwasyon namin pero gusto ko. Gusto ko na magkasama ulit kami ni Blessy. Natapos ako ng pag iyak at pinunasan ng kakambal ko ang luha sa mata ko.
"Kambal, maging matatag ka ha. Lagi lang akong nasa tabi mo. Hahanap tayo ng paraan para makausap sya. Wag kang mawawalan ng pag asa. Magtapos muna tayo ha. Para pagmay trabaho ka na pwede mo na sya sundan. I love you kambal." sabi ni Lala.
"Salamat kambal." ngumiti ako sa kanya.
"Tara na pasok na tayo." pag aaya nya sa akin.
Pumasok kami sa loob. Nakita ko na malungkot din ang pamilya ko. Sa loob ng maikling panahon ay napamahal na din sila kay Blessy. Lalo na si Mommy. Paano ko kaya sisimulan ang buhay ko ng wala sya. Sana sa susunod na pagkikita natin maging tama na sana ang lahat.