Blessy's Pov
Bukas na ang school anniversary namin. Nakahanda na kami sa concert. Napagkasunduan na di na kami magpapractice ngayon dahil para maganda daw ang boses para bukas.
Nagpunta ako sa locker room at kukunin ko ang ilang libro ko. Pagbukas ko ng locker ko basa na ang mga libro ko. Hay nakakasawa naman at araw araw na lang. Hindi ko na lang yun pinansin. Manghihiram na lang ako kay Maui o kay Angel.
Lagi na lang nangyayari to sakin. Kung hindi babasain, sisirain naman ito. Nagpunta ako sa classroom para sana manghiram ng gamit kina Maui at Angel. Pagpasok ko nadulas ako at napaupo sa sahig. May naglagay ng balat ng saging sa daan ko.
Masakit ang buong katawan ko kaya naisipan ko na lang umuwi ng bahay. Nakatulog naman ako maghapon. Napaisip naman ako kung sino ang gumagawa sakin ng ganun.
Kinabukasan school anniversary namin. Maaga ako pumasok sa school kasi may mga aayusin pa daw kami sabi ni Lala nung tumawag sya sakin. Narating ko na ang room ng club namin. Nadatnan ko sila na nag aayos maliban kay Leo. Malamang nag aayos yun sa labas. Member ng student council eh.
"Angel labas tayo. Ikot ikot tayo sa mga booth." pag aaya ni Lucas kay Angel.
"Cge bili tayo ng pagkain." sabi nv matakaw na si Angel.
"Ikaw Blessy lalabas ka rin ba? Tara sabay tayo." sabi ni Lala.
"Mauna na kayo. Aayusin ko lang mga gamit ko." sabi ko sa kanila. Lumabas sila ng kwarto tapos isinara ito. Habang nag aayos ako biglang bumukas ang pinto.
"May naiwan ba kayo Lala?" tanong ko pero hindi ako lumingon sa pumasok. Nagpatuloy ako sa paghahanap ko ng wallet ko.
"Sobrang busy mo na ah. Di ka namamansin." napaangat ako ng ulo nang marinig ko ang boses ni Leo.
"Ikaw pala, akala ko sina Lala lang." sabi ko. Ayun sa wakas nahanap ko ang wallet ko.
"Lalabas ka na ba? Sabay na tayo sa baba." aya ni Leo
"Sure!" sabi ko.
Naglibot kami at hinanap ang iba naming barkada. Kaso natigilan ako ng madaanan namin ang isang bilihan ng ice cream. Bumili ako ng ice cream na avocaso flavor.
"Paborito mo ang avocado? Sarap na sarap ka naman kumain nyan." sabi ni Leo.
"Paborito ko talaga to. Kaya pagnakakakita ako ng ice cream o kahit ano na may flavor na avocado ay binibili ko." kwento ko sa kanya.
"Kamusta ka na? May masakit ba sayo kasi parang iika ika ka." tanong ni Leo. Actually masakit pa katawan ko sa pagkakabagsak ko kahapon.
"Ayos lang naman. Natapilok kasi ako. Alam mo na clumsy ko kasi." sabi ko.
Nag enjoy kami ni Leo sa pagiikot sa mga booth. Kakain pa sana kami ng fishball kaso tinawag sya ni Vice president. Napansin ko si Maui na nakatayo malapit sa amin. Pupuntahan ko sana kaso biglang tumakbo. Huh? Ano problema kaya yun?
Sumapit ang hapon at nagsimula na ang concert namin. Panay hiyawan naman ang mga kabataan habang nakanta kami. Natuwa ako kasi maganda ang kinalabasan ng concert. Pagkatapos nagkayayaan na kumain kami sa labas at sagot daw ni Lala kasi sucessful ang concert. Nagpaalam lang ako na may kukunin sa locker ko. Naiwan ko kasi dun yung P.E. uniform ko.
Pagbukas ko ng locker ko may sulat dun na makikipagkita sa akin sa gym. Alam ko kung kaninong penmanship iyon kaya pumunta ako.
Pagdating ko sa gym, nilibot ko ang mata ko. Wala naman dun ang hinahanap ko. Nagulat ako nang may mga lalaki dun na papalapit sa akin. Hinawakan ako nung dalawang lalaki.
"Teka bakit nyo ako ginaganito? Wala naman ako atraso sa inyo ah." sabi ko.
"Wala kang atraso aa amin pero sa kaibigan namin meron. Grabe ka pala mang akit ng lalaki. Pati boyfriend ng kaibigan ko pinatos mo. sabi nung 1 lalaki.
"Teka wala akong inaagaw na boyfriend. Sino ba kayo!" sigaw ko.
"Alam mo sabi sa amin nagtatrabaho ka sa bar. Ang bata mo pa nagtatrabaho ka sa bar. Baka gusto mo kami landiin. Magkano ba ibabayad sayo." sabi pa nung lalaki.
"Mga bastos kayo! Pwede ba pakawalan nyo ako! Wala naman akong atraso sa kahit sino. Baka naman nagkakamali kayo!" sigaw ko.
Natataranta na ako. Hindi ko alam kung sino ang mga ito. Nagulat ako ng wasakin nung lalaki ang tshirt ko. Napahagulgol ako dahil sa nangyari. Pilit kong kumakawala sa pagkakahawak ng 2 lalaki.
"Hawakan nyo maige yan. Ako muna tapos pagkatapos ko kayo naman!" sigaw nung lalaki.
Iyak ako ng iyak at pilit nagpupumiglas. Inihiga ako ng 2 lalaki at pagkatapoa pumatong yung isang lalaki sakin. Pilit nya akong hinahalikan. Kinagat ko ang labi nya kaya dumugo iyon. Sa galit nya sinampal nya ako. Inulit ulit nya pa ang paghalik sa akin pero kinakagat ko ang labi nya palagi. Napikon ata kaya sinuntok ako. Sobrang sakit ng tiyan ko gawa ng suntok nya.
"Ayan ang napapala mo. Wag kang mag alala dadalhin ka namin sa langit." sabi pa nung lalaki.
"Tulungan nyo ako!" sigaw ko kahit nanghihina ako.
Napaiyak ako ng malakas dahil sa nangyayari. Pinipilit kong lumaban. Akmang sisirain nya na ang bra ko nang biglang may humablot sa kanya. Nabitawan naman ako ng 2 lalaki.
Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari. Ang alam ko may yumakap sa akin. Nagpupumiglas ako, kaso nung marinig ko ang boses nya napanatag ako. Niyakap ako ng mahigpit ni Angel. Napahagulgol ako. Iyak ako ng iyak hanggang sa mawalan ako ng malay.