"How's the handbook?"
Nalipat ang mga tingin nito sa hawak-hawak ko.
I smiled awkwardly at him.
"I have not read it yet, but I'm about to take a look."
"Oh, I'm sorry to interrupt you. I hope what you will find on that handbook will not surprised you very much. It's kind of trash, anyway. "
"You've already read all of this?"
Kahit na may idea na ako na nabasa na nga niya itong handbook pero nagtanong pa rin ako. Halata naman na dati na siyang nag-aaral sa school na ito. Medyo duda kasi ako sa awra niyang hindi ko feel. Pakiramdam ko kasi ay mapanganib siya.
"Not all of it pero sabihin na natin na alam ko na kung ano ang nasa loob niyan kahit hindi ko pa basahin."
Napatitig nalang ako sa kanya. Sa sinabi niyang ito parang kinumpirma na din niya na alam nga niya ang mga nangyayari.
"I just want to share you a tip to survive here."
Bigla nitong inilapit ang mukha sa mukha ko. Namilog nalang ang mga mata ko nang magtama ang mga mata namin. Whoahhh... Napakapit ako sa aking upuan. Inihanda ko ang aking mga kamao at buong lakas ng aking katawan kung sakaling halikan niya ako ay makapalagag man lang ako at mailigtas ang aking puri. Good heavens! Virgin pa mga lips ko, noh.
"Befriend the demon, befriend me."
Parang nanigas ang buong katawan ko nang maramdaman ko ang malamig na hininga ni Jairus. Lalo pa sa paraan ng pagkakabulong niya sa akin. Mahina pero parang nanunuot sa kailaliman ng aking kalamnan at isipan. Para akong nabingi na tila bai sang malakas na tambol ang dating sa akin ng mga sinabi niya. Akala ko hahalikan niya ako pero mas nakakatakot pala isipin yung bulong niya keysa sa halik na iniisip ko.
Nagkatitigan kami ng mga ilang minuto na tila ba hinalungkat niya mula sa aking pagkatao ang takot at pagkasindak. Kahit na nanghihina ako sa presensya niya, lakas-loob ko pa ding sinalubong ang kanyang mga titig. Hindi ako nagpatalo.
Hindi ko alam kung nanalo ako sa titigan pero siya ang unang umiwas. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan, tinalikuran niya ako, at tinungo ang pintuan. Pero bago pa man siya lumabas, lumingon muna siya sa akin.
"It's already 12 O'clock in the afternoon. The Distressed Day is through based on the handbook, page 99. It's safer to roam around but be aware, the coast is not yet clear. See you around, Alexis Reine Casamere."
Binilinan pa niya ako ng creepy niyang ngiti bago tuluyang lumabas sa classroom. Napapansin kong medyo maingay na sa labas. Hindi katulad kanina na iilan lang ang nasa paligid at sobrang tahimik. Ganito ba ang ibig sabihin ng safe? Kabaliktaran ng giyera. Sa giyera, magulo at maingay pero kapag tapos na ay malinaw na ang paligid at tahimik kahit na may mga aftershocks pang naiiwan.
Pero dito iba. Kapag tahimik, ibig saihin may panganib. Kapag maingay, safe na pero may aftershock pa din. Napabuntunghininga nalang ako na napatingin sa handbook.
Naalala ko yung page na binanggit ni Jairus. Binuksan ko ang handbook at dumiretso sa page 99. Mababasa sa header ng page ang mga nakabold, undelined, and italicized letters na DISTRESSED DAY.
Ito po ang nakalathala sa page 99 ng handbook:
DISTRESSED DAY
In order to promote a stress-free environment, empowered by the approval of the School Admin, Student Affair Office, and Supreme Student Government, Distressed Day is established and executed to be celebrated every Tuesday and Friday starting from seven in the morning until 12 0'clock in the afternoon. By definition of the school, this is the day in which every individual in the premises of the school will be given a chance to unwind themselves in order to release or relieve pressure, anxiety, depression and of any kinds or forms of stress.
Any means of action from the parties involved, whatever will be the result will be considered legal. Any means of interruption or intervention from any of the individual in performing such actions is a violation that will result to punishment through whatever means of torture or death depending upon the choice of the party being interrupted or intervened.
Classes will resume at 1:30 PM. Enjoy distressing, Royalties!
Nasa tatlong paragraph lamang ito. Pinasadahan ko ito ng basa. Totoo nga ang mga sinabi sakin ni Margaux. Any crime, immoral actions, illegalities, and other ways just to distressed oneself is considered legal. The main purpose is to promote emotional wellness of every individual in the school especially those who suffer anxiety and depression. This is celebrated every Tuesday and Friday, from seven in the morning up to 12 O'clock in the afternoon. After that is lunch break and by 1: 30 PM, classes will resume.
Alas dose y media pa lamang, so nasa lunch break pa siguro ang mga classmates ko kasi wala pa ni isa sa kanila ang nandito na. Hindi ako sigurado kung ako lang ba ang naninibago sa lugar na ito. Ewan! Gulong-gulong na ang isip ko.
Biglang kumulo ang tiyan ko. Parang nagutom ako sa kakaisip. Naisip kong umuwi nalang muna sa dorm at mananghalian. Ayoko na munang pumasok. Gusto ko munang basahin ang lahat ng nandito sa handbook about sa school na ito bago pumasok ulit. Bahala na! Mukhang hindi naman importante dito ang attendance. Sabi nga ni Margaux, if I can pay then I can study here. Si Mrs. Magdalene Ruiz naman ang nagpapaaral sa akin dito.
Speaking of her, nahihiwagaan na din tuloy ako tungkol sa kanya. Sa pagkakakilala ko sa kanya, isa siyang mabait na amo ni Mama na nagmamalasakit sa akin mula ng mamatay ang aking ina. Nakilala at nakita ko lang siya noong libing ni Mama kung kalian binigay niya sa akin ang scholarship na makapag-aral dito. Isa siyang mabait na amo. 'Yun lang at wala na akong ibang alam sa kanya. Hindi ko talaga siya lubusang kilala. Buo ang tiwala ko na mabuti siyang tao pero ngayon hindi ko na alam. Nagdadalawang-isip na ako.
Bakit niya ako pinasok sa school na ito? Bakit kilala siya ni Margaux at Stefan? Anung connection niya sa kanila? Nagrurumble na yata sa utak ko ang mga tanong. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang una kong aalamin.
Bigla akong napahawak sa gilid ng pader ng hallway nang bigla akong ma-out of balance. May natapakan akong madulas sa sahig. Mabuti nalang hindi ako tuluyang bumagsak. Napatingin ako sa tinatapakan ko.
Nanlaki ang aking mga mata nang sumalubong sa aking paningin ang tila bumabahang dugo sa sahig.
Hindi ko alam kung paano magrereact. May isang bagay lang akong nakumpirma ngayon. This school is insane!