IBA PALA yung feeling nang may naghahatid sayo pauwi ng bahay. Yung may kasama kang naglalakad at nakakakwentuhan habang tulak-tulak mo ang iyong bisikleta pauwi. Lalo na kung ang kasama mo ay isang lalaking chinito na may nakakahawang ngiti at masarap sa tenga ang tunog ng tawa.
Isang Kyle Felizarde.
"Thanks Kyle! Nag-enjoy ako sa kwentuhan natin. Thank you din dito sa gulaman at kwekwek!" nakangiti kong inangat ang plastik ng kwekwek na hindi ko naubos kanina. Pati na rin ang baso ng sagot gulaman.
Kanina habang naglalakad kami pauwi ay napadaan kami sa mga street vendor sa labas ng school. Kung saan boluntaryong nag-aya si Kyle para kumain.
Ang pagkakaalam ko'y anak mayaman siya. May sarili rin siyang sasakyan at driver kaya naman sobrang nagulat ako na kumakain pala siya ng street foods at wala pang arte kahit na sinabi kong mas kumportable akong lakarin ang bahay namin pauwi kesa magpahatid sa kanya gamit ang sasakyan.
"No problem! Nag-enjoy din ako Apple. I hope this is not the last time" matamis nitong ngiti sa akin.
Kanina ko pa din napapansin ang magkabilang dimples ni Kyle sa ilalim ng baba niya na lumalabas sa tuwing ngumingiti siya. He is really atttactive and charming. Napakadali niyang makagaanan ng loob at sa tingin ko'y nagsisimula ko na siyang maging crush.
"So... uhm, pasok ka na. Aantayin kitang makapasok."
Nahiya naman ako sa kanya. Gusto ko sana siyang ayaing mag-kape sa loob ng bahay namin kaso lang hindi ko alam kung paano ko siya ipapakilala kela mama at papa, lalong lalo na kay Lolo Carlos. Sobrang matanong pa naman si Lolo. Baka mamaya ay bombahin nila ng kung anu-anu si Kyle. Ayoko naman na ma-hot seat ito ng wala sa oras. Siguro next time na lang.
"Sige. Sure ka bang okay ka lang pabalik? Malayo layo din ang nilakad natin. Nakakahiya tuloy sa'yo. Natext mo na ba ang driver mo?"
Tipid na ngumiti siya at nagkamot sa likod ng kanyang ulo. 'Di ko maiwasang pansinin ang bawat maliliit na gestures niya. I really find him cute and adorable everytime he scratches the back of his head.
And please don't forget that boyish smile. Kyaaaah! Pwedeng kiligin?
"No worries. One call away lang si Kuya Peng."
Ilang minuto pa siguro kaming nagtitigan habang parehong nagkakahiyaan. Madalas ko ding mapansin ang pamumula ng pisngi ni Kyle sa tuwing nagtatama ang mga mata namin.
Sinimulan ko na rin humakbang papasok sa loob ng gate ng bahay namin. Three storey house at may malawak na garden ang aming tahanan. Mas malawak ang garden ni Lolo Carlos sa likuran. Gawa sa bakal ang gate at bakod na napalilibutan ng ibat ibang uri ng mga halaman at bulaklak na si Lolo mismo ang nag-ayos.
Our whole house is painted with white and brown. 'Di nakaiwas sa akin ang pagmamasid ni Kyle sa kabuuan ng maliit naming tahanan.
I waved goodbye to him pagtungtong ko ng pintuan. He waved back at kahit tila ayoko pa ay pinilit kong ipihit ang doorknob at pumasok sa loob. Sumilip pa ulit ako sa kanya at nakitang mas lumapad ang ngiti nito. I smiled one last time bago ko tuluyang sinara ang pintuan.
***
Kakamadali kong umakyat ng kwarto ay nagkan-dapa-dapa na ako sa hagdan hagdan.
"Apple ikaw na ba yan? Ang ingay ng paa mo natutulog si Lolo Carlos baka magising mo!" sabi ni Mama mula sa kusina.
"Sorry ma!" sigaw ko pabalik saka nagmadaling tinungo ang pinto ng kwarto ko sa second floor.
Agaran akong pumasok sabay tinapon kung saan ang dala kong bag at mga libro saka nag-dive pahiga sa kama, nginudngod ang mukha ko sa unan saka nilabas ang kanina ko pa iniipon na sigaw.
"Mmmmmmmm!"
Nagpagulong-gulong pa ako ng ilang beses sa kama pagkatapos sa sobrang kilig na nadarama. 'Di ko maitago ang mga ngiti at impit na pagtili. Sa sobrang saya ko nalaglag tuloy ako sa kama. Pero agad din akong bumangon at bumalik sa kama para magtitili ulit sa unan.
"Hello 911! We have an emergency. May babaeng sinasapian este, na-e-epilepsi. I need an ambulance ASAP!"
Naputol ako sa pag-gulong at nag-angat ng tingin. Naabutan ko si Levi na nakasandal sa likuran ng pintuan at may cellphone na nakadikit sa kanyang tenga.
Kanina pa ba siya dyan? 'Di ko man lang siya napansin.
"Levi!" hindi ko pa rin maitago ang mga ngiti ko sa labi na parang mapupunit na. Kaya naman agad akong umayos nang upo at parang batang excited na nagkwento sa kanya.
"Hinatid ako ni Kyle! Grabe! Sobrang gentlemen niya! Ang sweet niya pa. Dinala niya yung bag ko saka mga books ko. Tapos nilibre niya pa ako ng kwekwek at gulaman. Tapos sinamahan niya pa akong maglakad pauwi kahit na 'di siya sanay sa ganun. Grabe! I think I like him na!" hindi humihingang kwento ko.
Nag-angat lang ng isang kilay si Levi saka binulsa ang props niyang cellphone. Humalikipkip siya sabay nag-poker face.
"Ano'ng sinabi ko sa'yo? Hindi ba pinag-usapan natin na i-tsa-challenge mo siya? Step 3 Apple!" pinakita nito ang tatlong daliri, "Nakalimutan mo na agad? I told you dapat magpa-hard to get ka pero look what you have done!" kalmado pero madiin niyang sabi.
Napasibangot ako nang husto. Inis na hinagis ko sa kanya ang hawak na unan.
"Ang KJ mo! Wala naman masama kung nagpahatid ako sa kanya! Kyle is nice Levi. Hindi niya ako ite-take for granted! At sa tingin ko, he likes me too! So para saan pa yang mga step-step na yan!" ngumuso ako at nagmamaktol na niyakap ang unan.
Kitang -kita ko ang pagbabago ng mukha ni Levi. Mula sa poker face ay mabilis itong nagdilim. Parang bigla akong kinabahan sa kinauupuan.
Uh-oh. You should never piss off the demon.