ILANG ARAW ang lumipas na hindi ko nakikita ni dulo ng anino ni Kyle. It's weird.
Ni minsan ay hindi ko rin siya nakitang dumaan sa library. Every lunch break naman ay natatanaw ko pa rin ang mga barkada niya sa usual spot ng mga ito sa cafeteria pero nakakapagtakang wala siya doon.
I wonder kung ano'ng nangyari kay Kyle at bakit hindi ko siya nakikitang pumapasok? O baka iniiwasan niya ako?
But why? I thought were okay. Hindi kaya may kinalaman si Levi? Mas lalong akong nabahala sa naisip. Ilang araw ko na ring hindi nakikita ang demon na iyon. Matapos nya akong itali at baliwin nung isang gabi. Pag gising ko ay nawala na siya.
Don't tell me nag-ghosting ang loko-loko? Yan ang term na palagi kong naririnig kay Sam sa mga lalaking dini-ditch niya pag ayaw na niya. Yung bigla ka na lang mawawala at 'di magpaparamdam matapos ang lahat ng paglalandiang ginawa niyo.
~~~
ghost·ing
noun
-the practice of ending a personal relationship with someone by suddenly and without explanation withdrawing from all communication.
~~~
Shit na malagkit! Sasapakin ko talaga yang demonyo na 'yan kapag totoo ang hinala ko. Kapal ng mukha niyang i-ghosting ako! Matapos niya akong itali at landiin ng bonga-bonga. Grrrrrrr!
Anyway, saan naman kaya nagpunta si Levi? Paano kung may ginawa na itong masama kay Kyle. Oh no! I won't let him!
Kaya naman sa pangatlong araw na hindi ko pa rin nasisilayan si Kyle sa school ay hindi na ako nakatiis. Lakas loob kong hinarap ang mga kabarkada nya nang matagpuan ko silang naglalakad sa hallway ng building med tech department.
"Uhm, excuse me," dahan-dahan akong lumapit sa dalawang lalaking nag uusap.
Lumingon sa akin ang lalaking may kahabaan ang buhok. Matangkad siya at malaki ang pangangatawan. Siya ang madalas kong nakikitang kasama ni Kyle pero hindi ko alam ang pangalan niya.
"Yes?"
Napatingin na rin sa'kin yung kausap nitong binata na nakasuot ng salamin at wavy ang kulot na buhok. Isa rin ito sa mga kabarkada ni Kyle.
"A-ako nga pala si Apple. I'm Kyle's... uhm, friend. Napapansin ko kasing parang ilang araw na siyang wala sa school. Alam niyo ba kung ano'ng nangyari sa kanya?"
Saglit na nagkatinginan yung dalawang lalaki na tila nag-u-usap ang mga mata. Ilang sandali bago tumingin ulit sakin si tall and buff guy.
"He's sick. Trangkaso daw, naka-confine siya ngayon sa Makati Med."
Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya.
"Ha? Oh no! Kelan pa? Kamusta naman daw siya? Is he fine?" hindi ko alam kung bakit bigla akong nataranta.
Tipid na ngumiti ang lalaki sa'kin, "Dont worry Apple, he's fine. If you want sumama ka samin after school bibisitahin namin siya."
Natuwa ako sa paanyaya niya at agad na pumayag. Nagpakilala siya bilang si Bryan na ka-blockmate at pinaka-close ni Kyle since 1st year pa lang sila. Ang isa naman na lalaking kasama niya ay si Ethan na ka-block din nila.
Nagpalitan kami ng number bago ako humiwalay sa kanila para pumasok sa susunod na subject. Bryan told me na he will call me later after class para sabay-sabay naming mapuntahan si Kyle sa hospital.
***
NAABUTAN kong nakasibangot si Sam habang masama ang tingin sa phone niya pagpasok ko ng Interior Design 101. Sa tabi niya abala naman naglalaro ng 'Fornite' si Erin at may sariling mundo.
"Oh? Ang aga-aga bakit ganyan agad ang itsura mo? Parang lalapain mo yang cellphone mo, " biro ko kay Sam pag-upo ko sa tabi niya.
Tumingin lang siya sakin nang masama at bumuntong hininga saka inis na pinatong sa ibabaw ng table ang iPhone XR.
"Si Gregg kasi, he's not answering my text and calls kahapon pa!" nakangusong sabi nito.
Napakunot ang noo ko,"Gregg? Who's Gregg?"
She grunted and rolled her eyes, "Si Gregg! Yung cute na varsity player sa San Beda. We were dating since last week."
Napanganga ako sa kanya. Si Erin naman na kanina'y may kausap sa cellphone ay napatingin na rin sa amin.
"Teka! Akala ko ba yung Jacob ang dine-date mo?"
For the second time Sam rolled her eyes again, "Anu ka ba Apple! Wala na si Jacob! I already stopped dating that scammer!"
"Huh? Since when pa? At buti naman narealize mong scammer siya/"
"Oo nga! Don't tell me nag-invest ka talaga dun sa networking company nila? Anu 'di ka yumaman 'no?" singit pa ni Erin na lalong ikinalukot ng mukha ni Sam.
"Pawer! Payaman!" dagdag tukso ko pa na lalong kinainis ni Sam.
"Ha! Ha! Ha! Very funny!" She said sarcastically, "Of course not! Well... honestly, muntik na. Pero buti na lang nalaman ko yung mga hidden agenda nila kaya 'di na ako tumuloy," paliwanag nito.
Nagkatinginan naman kami ni Erin at parehong napailing.
"Buti naman... so since when mo nga siya tinigilan?"
"Edi last week! Nung nagkakilala kami ni Gregg. I texted him na ayoko na makipagdate sa kanya!" she said as if it was nothing to her.
Iba rin talaga ang bilib ko sa kaibigan namin. Kung umayaw sa mga lalaking nakaka-date niya eh parang nagpapalit lang ng sapatos.
Kungsabagay, hindi naman kasi maitatangi ang lakas ng appeal at charisma ni Sam sa mga lalaki. Yun nga lang, ang problema sa kanya walang ni isang lalaking nagtagal o tumagal man lang. Its either aayawan niya ito or may makikita siyang bagong flavor of the month.
Unlike kami ni Erin na parehong NBSB. Well, ako na nga lang pala since may gwapo na siyang boyfriend, si Vlad.
"So ayun na nga, Gregg is actually sweet and gentleman. Okay naman kami last week, lagi niya pa nga akong inaayang mag-movie and dinner. I was actually starting to like him na sana pero bigla na lang siyang hindi nagparamdam! Urg! That scumbag ghosted me. The freaking F! Kapal ng face niya 'di naman siya ganun ka-gwapo, tisoy lang siya at maganda ang kotse niya. Hmp! That's why I hate guys! Pag nakuha na nila yung gusto nila sa
yo iiwan ka na lang bigla!" himutok niya at parang batang nag-a-alburoto sa inis.
Nagkatinginan kami ulit ni Erin at tahimik na napailing. Lagi naman ganyan ang sinasabi ni Sam sa amin.
"Eh anu ba yung nakuha niya sa'yo? Don't tell me na nakipag ANO ka sa kanya ah!"
Pinanlakihan niya ako ng mata. "Of course not! I know he's too hot to handle pero no, sorry na lang siya but I'm not easy to get'"
'Talaga ba?' Pero syempre hindi ko na siya kokontrahin dahil baka lalo lang itong toyoin.
"So anu nga yung sinasabi mong nakuha na niya ang gusto niya sa'yo kaya ka iniwan sa ere?" ulit ni Erin.
Ngumuso muna si Sam bago sumagot sa amin.
"Edi yung pinagawa niya saking research paper," anito na namumula pa.
"Research paper?" sabay kaming napa-face palm ni Erin.
Haaay naku Sam kelan ka ba titigil sa katangahan mo sa mga lalaki?