AFTER CLASS ay agad na akong nagpaalam sa dalawa. Saktong tumawag si Bryan at may isang itim na Fortuner ang pumarada sa tapat ko habang nag-a-antay ako sa labas ng school gate. Bumaba ang bintana sa drivers side at nakita ko sila Bryan at Ethan na nakaupo sa loob.
"Apple tara, hop in."
Inabot din kami ng isang oras sa byahe dahil sa traffic bago kami nakarating ng Makati Med. Sa 8th floor ang kwarto ni Kyle. Bumili muna kami nila Bryan ng fruits at healthy food sa supermarket para kay Kyle kaya may dala-dala kaming paper bags.
Naabutan namin si Kyle na nanonood ng TV habang nakahiga sa hospital bed sa loob ng private ward nito. He's wearing a blue lab gown at may dextrox na nakatusok sa kanang kamay.
"Hey sick boy, how are yah?" masiglang bati ni Bryan.
"Sup man!" Si Ethan.
Sabay na nakipaghand-shake ang dalawang lalaki kay Kyle. Nang mapalingon naman ito sa gawi ko ay biglang lumiwanag ang mukha niya.
"Apple! You're here!" He was shocked at first then he smiled at me.
Ginantihan ko din siya ng matamis na ngiti at unti-unting humakbang palapit sa kama, "Hi.. I heard about what happened to you kaya nandito ako ngayon. Kamusta na ang pakiramdam mo?"
Kung kanina ay parang bored na bored si Kyle habang nanonood ng TV. Hindi maipagkakaila ang tuwa sa mga mata niya ngayon.
Is it because his friends are here? Or... is it because I'm here?
'Okay Apple, hinay-hinay ka lang mahirap maging assumera ng taon.'
"I'm doing good. Sabi ng Doctor kailangan ko lang magpahinga at magpamonitor dito sa hospital for a few days," sagot nito sabay napangiwi sa huling sinabi.
Napansin ko agad ang lalim ng mga mata niya at medyo bumaon ang magkabila niyang pisngi. Marahil hindi siya nakakaain nang maayos dahil sa sakit. Hindi ko mapigilan ang sariling makaramdam nang labis na pag-a-alala. Kahit maiksing panahon ko pa lang na nakilala si Kyle. I already cares for him.
"I'm really glad you're here Apple. Hindi ko inexpect na makikita kita dito," Kyle said while we are watching a movie sa HBO channel.
Sila Bryan at Ethan naman ay lumabas para daw mag-yosi kaya naiwan kaming dalawa ngayon ni Kyle sa kwarto.
"Sa totoo niyan, nag-a-alala ako nung 'di kita nakikita sa school this past few days. Buti na lang nakausap ko si Bryan kaya nalaman kong andito ka. Akala ko kasi..." naiwan sa ere ang dila ko.
Nahihiya akong sabihin sa kanya ang totoo. Kumunot ang noo niya habang nakatitig sa akin at inaantay na duktungan ko ang sinasabi.
"Akala mo ano?"
Nakagat ko ang ibabang labi. Hindi ko siya matignan nang diretso dahil biglang nag-init ang dalawang pisngi ko lalo na't nakatitig sa'kin ang gwapo niyang mukha.
"Err... akala ko kasi ano... ahh, iniiwasan mo ako."
Kulang na lang ay itago ko ang sarili sa ilalim ng hospital bed sa sobrang hiya
Kyle chuckled. Amused na tumitig sa'kin ang chinito niyang mga mata. He's not wearing his eyeglasses kaya naman mas nakikita ko ngayon ang kagwapuhan niya.
Looking at him smiling like this makes my heart skip in a beat. At hindi ko alam kung bakit ganito ako maapektuhan ng mga ngiti at tunog ng tawa niya. I missed him.
"Silly girl. Why would I do that? Dapat nga ikaw ang tanungin ko niyan kasi I feel na parang palagi kang naiilang sa akin. Am I making you feel uncomfortable?"
Mabilis naman akong napailing sa tanong niya kahit mentally sinisigaw ng puso ko na 'yes naiilang ako sa'yo kasi palagi akong kinakabahan pag nandyan ka!'
"Hindi naman pala. That's good to hear. Akala ko kasi ayaw mo sa'kin eh. You know, baka nakukulitan ka na sa lagi kong pagsunod sa'yo," tumawa ito na tila nahihiya.
"Hindi 'no! Ang totoo nga niyan gustong-gusto kita—" naurong ang dila ko nang marealize kung ano'ng muntik nang lumabas sa bibig ko.
Natigilan si Kyle at napatulala sa mukha ko. Patay! Parang gusto ko na tuloy magpalamon sa lupa ngayon sa kahihiyan. Pwedeng mag-crack na yung semento at mahulog na ako sa ilalim ng planet earth?
"Ah… ano… I mean, g-gusto kitang kausap. Saka gusto kitang maging k-kaibigan."
Napakurap si Kyle ng ilang beses tapos ay yumuko sabay nagtakip ng bibig gamit ang likod ng kamay.
Wait, is he blushing?
Oh my...
"Akala ko yun na," narinig ko siyang bumulong pero hindi ko sure kung yun ba talaga ang sinabi niya.
"Ha?"
Pagharap niya sa'kin ay nakangiti na siya, "Wala, I said you're so cute."
Mas lalo tuloy akong namula.
"At gustong-gusto ko rin na mas makilala ka pa Apple. I hope you can give me a chance to know you more."
Shit na malagkit! naiihi na ako sa kilig! #LandiIsReal