Chereads / Teach Me (Sexy Monster Series #2) / Chapter 13 - The real Levi [1]

Chapter 13 - The real Levi [1]

NANININGKIT ang mga mata niya nang lumapit sa'kin. Dinantay niya ang dalawang kamay sa dulo ng kama at yumuko para pumantay sa mukha ko.

"How can you be so sure Apple? Gaano ka nakakasigurado na gusto ka talaga niya at hindi ka isa sa mga babaeng maaring pi-ni-flirt din niya?" His words were so dark it gave me scary goosebumps. Ngayon ko lang nakita na ganito ka-pissed off si Levi. I suddenly felt anxious in front of him. For the first time since we met, ngayon ko lang napatunayan na isa nga siyang demon.

Napalunok ako at hindi agad nakasagot.

"How can you be so sure that he's nice and gentle kung ni dulo ng daliri mo, eh 'di niya pa nahahawakan? What if he's a saddist? A maniac or what if his too aggressive and the moment his fingers laid to your skin he will turn into a monster and spank you hard in the bed like a sex slave?"

Mabilis na umakyat lahat ng dugo ko sa ulo! I can't keep quiet! Nakakainis na ang devil na ito! How could he bad mouth Kyle!

"Kyle is not like that! You even told me na he's still a virgin!" namumula na ang mukha ko sa inis at hindi maitago ang iritasyon.

Ngumisi si Levi at bahagyang tinagilid ang mukha. Mas lumapit siya ng ilang pulgada na halos maduling na ako sa mga titig niyang bumabaon sa balat ko.

"You're as fragile as what I expected you to be Apple. Mabilis kang mapaniwala."

"What do you mean?" napakunot ang noo ko, naguguluhan na ako sa kanya. He's starting to become scary with that dark aura.

Mas lumapit pa siya lalo sa'kin, and I crawled backwards until I felt my back touched the bed header. He moved closer and pinned me with his dangerous gray eyes.

"I lied about Kyle being a virgin. He's not a virgin. He already laid with few girls before. He got his first experience when he was still in grade 9 with their 22 year old student teacher!"

I gasped in disbelief! He lied to me!

Sa inis ko'y tinulak ko si Levi palayo sa katawan ko pero masyadong matigas ang mga balikat niya para matinag.

"Sinungaling ka! Bakit mo kailangan mag-sinungaling sa'kin? Pinaglalaruan mo ba ako!?"

He answered me with his evil chuckled, "Nakalimutan mo na ba, Apple? I'm a demon, and devil loves to lie."

Nagkuyom ang mga palad ko sa labis na inis. I knew it! This guy is a monster! Sa una lang siya mabait pero ngayong hindi na niya ako napapasunod sa mga gusto niya at sumusuway na ako ayan at lumalabas na ang totoo niyang anyo.

Ang mga sungay ni Levi ay walang kasing tulis!

"I hate you! Ayaw na kitang makita kaya umalis ka na sa buhay ko! You're a monster! I hate you Levi!" I shrieked as I'm in verge of crying.

Mula sa nakakalokong ngiti ay mabilis pa sa hangin na nagdilim ang mukha ni Levi. Napalunok ako sa intesidad ng tingin na binibigay niya.

"Why? We're just starting the game. We're not even close to the climax."

"Stop it Levi! Ayoko na sabi! Ayoko na sa mga steps-steps na tinururo mo! Sinungaling ka eh! Kaya bakit pa ako magtitiwala sa'yo!?"

Ngumuso siya at umarte na tila nasasaktan sa mga sinasabi ko, hinawakan niya pa ang dibdib. Pwe! If I know wala naman siyang pakiramdam dahil demonyo siya.

"Sinu sa tingin mo ang mas sinungaling sa'ting dalawa? Nakakalimutan mo na ba? I'm here because of your inner desires. And now that you had admitted to yourself that you desires Kyle, mas lumakas ako ngayon. Hanggat may makamundong pagnanasa ka sa katawan mo Apple, hinding-hindi ako mawawala. So don't pretend that you dont want me anymore dahil iba ang sinasabi ng katawan at isipan mo... you need me more than anything else in this world."

Nagsitaasan lahat ng balahibo ko sa buong katawan dahil sa mga binitawan niyang salita. Bigla akong nanlamig at nanigas sa kinauupuan.

Inner desires?

Pagnanasa?

Ako ba ang bumubuo at bumubuhay kay Levi? Totoo ba lahat nang sinasabi niya? Is he part of me?

Parang umiikot na ang paningin ko sa mga nalalaman. Hindi na magawang i-proseso ng utak ko ang lahat. He's evil. He's a demon. Imposibleng nandito siya dahil sa kagagawan ko. Imposible!

"I don't believe you! Anu ba talaga'ng gusto mo? Anu ka ba talaga? Tigilan mo na ako!"

"You really want to know?" He pierced me with his dark eyes, I shivered under it.

Hindi na ako makahinga nang maayos. Naninikip ang dibdib ko. Sa ilalim ng mga tingin niya sa'kin pakiramdam ko unti-unti akong natutunaw na parang yelo.

"This is me..." Levi let out a low growl.

Nagulat na lang when he's suddenly on top of me while pinning me harder in bed as he crushed my lips with his. I tried to protest but Levi was too strong.

"S-stop it Le—" sinubukan kong itulak siya palayo sa mukha ko pero masyado siyang matigas. Sa bwisit ko, kinagat ko ang labi niya.

Napa-aray siya sabay bumitiw. I tasted his salty blood on my tounge. His lips were bleeding.

Nagulat siya sa ginawa ko pero mas naging agresibo lang siya dahil doon, "Naughty, huh?"

Pinitik niya ang dalawang daliri at may pwersang bigla na lang humatak sa dalawa kong kamay paangat sa ibabaw ng ulo ko. Nagulat na lang ako nang makitang nakatali na ang mga kamay ko sa magkabilang dulo ng kama gamit ang isang umiilaw na tali. Pati ang dalawa kong paa ay nagapos na rin.

"Damn you Levi! Anu 'tong ginagawa mo!? Pakawalan mo ako?!" nagsisigaw at nagpumilit na makawala pero masyadong matibay ang mga lubid.

Sa totoo lang ay hindi ako nagmumura o nagsasalita ng masasama sa kapwa pero dahil hindi naman tao itong kausap ko siguro naman ay okay lang!

I hate him to the core!

Levi swayed his head as if telling me na hindi niya ako papakawalan. Ginalaw-galaw niya pa ang hintuturo at lalo akong iniinis habang may pilyong laro sa mga mata nito.

"You asked for this Apple."

"No!" I angrily snapped back. Kapag nakawala ako dito kakalmutin ko talaga sa mukha 'tong demonyo na ito!

"Oh yes you do. You want to know who I am? Now I'm showing you!"

Mabilis niyang nilapit ang mukha sa'kin at binugbog ulit ako gamit ng kanyang agresibong mga halik. Unti-unti na akong nanghihina dahil kahit manlaban ako, wala pa rin akong magawa dahil na rin sa pagkakatali ko sa kama.