"BOYFRIEND???" magkasabay na sigaw namin ni Sam Sung, ang bestfriend ko.
Yup! Sam Sung talaga name niya. Half Korean at half Pinay, dito na sa Pinas lumaki kaya fluent mag-tagalog.
Hindi kami makapaniwala sa narinig. Si Erin, isa pa naming best friend ay may boyfriend na! At take note, hindi lang basta-basta ang pinakilala nitong nobyo.
Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng lalaking katabi ni Erin na tinawag niya sa pangalang "Vlad."
Ang tangkad nito, nasa 6 foot siguro ang height, ang laki ng katawan na hapit sa suot nitong V-neck white shirt. Higit sa lahat, sinasabi ng x-ray visions ng mata ko na may nagmumurang abs ang nakatago doon. Talaga naman makalaglag ng panty at panga ang kagwapuhan ng boyfriend niya. Iyong jawline parang pwede nang makahiwa ng iba't ibang uri ng prutas sa mobile games na Fruit Ninja.
lang minuto lang kami nakatulala sa dalawa hanggang sa hinatak ni Erin palayo ang "boyfriend" niya.
"Erin! May pasok pa tayo!" sigaw ni Sam.
Pero hindi na lumingon si Erin at sinabi na lang na sa classroom na kami magkita.
"Can you believe that Apple? May boyfriend na si Erin!? At yung super-duper-gwapo at super-duper-hot na lalaking 'yon ang boyfriend niya!?" medyo exagerrated na sabi ni Sam. Parang nauubusan pa siya ng hangin habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay.
"Ahh..." hindi ko rin alam ang sasabihin ko.
"Damn it!" sabay kaming napatingin sa lalaking nakatayo sa'ming tabi. Halatang masama ang timpla ng mukha ni Jonathan dahil kagaya namin ni Sam, hindi rin nito inaasahan na may boyfriend na pala si Erin.
"Uhm, Jonatha—" naputol ang sasabihin ko dahil mabilis 'tong nag walk-out.
Nagkatinginan kami ni Sam, "Jelly-jelly ang lolo mo," aniya sabay ngisi.
Weird talaga. Ito kasing kaibigan namin na si Erin, eh matagal nang may pagtingin kay Jonathan na kababata niya mula pa elementary. Noong isang araw lang ay nag-confess na ng feelings si Erin kay Jonathan pero unfortunately, na-basted ang kaibigan namin. Kaya hayun at nang mismong araw na 'yon ay hindi namin alam kung ano'ng nangyari kay Erin. Hindi kasi sumasagot sa mga text at tawag namin.
At ilang araw pa lang ang lumilipas, aba! ang lola mo! biglang nag-dala ng boyfriend. Agad-agad! Daig pa ang instant noodles sa bilis maluto.
Iba talaga nagagawa ng abs at matigas na biceps.
Pag-tapos ng klase ay nagkahiwa-hiwalay na kaming tatlo. Si Sam nagmamadali dahil may family dinner daw. Si Erin naman umuwi na rin. Siguro excited nang makita ang hot niyang boyfriend, palibhasa live in sila.
Nakakaloka talaga! Kakakilala lang nila live in na agad!
Anyway, ako naman tulad nang nakaugalian, magba-bike ako pauwi. Hindi naman kasi ganoon kalayo ang bahay namin. Mga apat na kilometrong padyak lang mula sa University.
Papalubog na ang araw kahit mag-a-ala-sais pa lang ng gabi. Taglamig na kasi. Naisip ko lang, buti pa ang dalawa kong friend luma-lovelife na eh ako? Forever ka-lovelife ko na lang ata sila Sasha Grey at Maria Azawa.
Saklap besh!
Si Erin may gwapong jowa na. Si Sam marami naman dini-date 'yon. Marami din manliligaw. Sa aming tatlo kasi, si Sam ang pinaka palaayos at maporma.
Eh ako? Bukod sa kasing kapal ng mukha ni Vice Ganda ang grado ko sa salamin. Hindi rin naman ako ganoon kagandahan 'di tulad ni Sam na mala-Dyosa ang mukha. Five foot and two inches lang ang height ko, hazel-brown ang kulay ng aking mga mata at maputla ang balat. Bob-cut ang style ng itim kong buhok, medyo payat ang katawan. Late bloomer kasi ako kaya flat-chested. Hindi tulad ni Erin na noong unang panahon at nagtapon ng biyaya ang Diyos, ang ginamit niyang pangsalo ay ang dibdib. Madalas din akong asarin ni kuya Bobby na wala daw pinagkaiba ang harapan at likuran ko.
Pero mas mainam na'ng flat-chested kasi nakakakilos ako ng mabilis. Kaya ko rin tumakbo ng walang umaalog-alog na parang dalawang balloons sa dibdib at higit sa lahat, hindi mahirap maghanap ng size ng bra! Kasi kasya rin sa akin ang pang 'teens' na undergarment. Kaya hindi ako mauubusan ng choice sa mall. LOL!
Naputol ang pag-iisip ko nang may natanaw akong kaguluhan sa isang eskinita 'di kalayuan. Dalawang binatilyong lalaki ang pilit na hinahatak ang bag ng isang matandang babae. Umiiyak at nanlalaban naman si lola.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at agad ginala ang mga mata sa paligid, swerteng nakakita ako ng pakalat-kalat na tennis ball sa malapit na basurahan, saktong dalawang lang.
Agad kong dinampot ang dalawang bola at mabilis na pinaandar ang bisikleta ko. Pababa pa ang daan kaya naman mas bumilis ang takbo ng gulong nito, "Hoy! Hoy! Tumigil kayo! Hoy!"
Sabay-sabay silang napatingin sa'kin. Nanlaki ang mga mata nila. Agad kong hinagis ang dalawang bola at bulls eye! Parehong tinamaan sa ilong ang dalawang gunggong.
Plok! Plok!
Nabitawan nila si Lola at ang bag niya. Dahil dire-diretsong pababa ang bisikleta ko kung kaya't buong lakas ko silang sinagasaan.
Woooosh! Blag!
Natumba pareho ang lalaki. Nauntog sa pader ang isa at nasubsob naman sa sahig ang pangalawa. Panay ungol at aray nila sa sakit. Swerte naman ang pagdaan ng rumo-rondang L600 van na sakay ang mga barangay tanod. Tinawag ko sila at humingi agad nang tulong. Mabilis naman silang huminto at dinampot ang dalawang binatilyo na lasing at amoy alak.
"Imbis na pag aaral ang atupagin niyo, puro bisyo ginagawa niyo. Hindi pa kayo naawa dito sa matanda!" sermon sa kanila ni kuya barangay tanod bago sila tinulak pasakay sa L600. Wala silang nagawa at parehong masama ang tingin sa'kin.
"May araw ka din panget!" seryosong sabi ng lalaking may malaking itim na balat sa bandang baba niya.
"Hmp! Nagsalita ang hindi mukhang bakulaw! Hindi man ako kagandahan at least 'di ko kamukha si Shrek!" singhal ko sa kanya.
"Doon kayo sa barangay magpaliwanag!" binatukan siya ni kuya tanod at kinaladkad papasok ng sasakyan.
Kahit nang umalis na sila ay masama pa rin ang tingin sa'kin ng dalawa habang nakadungaw sa bintana. Napailing na lang ako, tsk mga kabataan talaga ngayon.
"Anak... salamat ah," napaharap ako kay Lola. Maamo ang kanyang mukha at halata na ang katandaan. Di ko napigilang maawa sa kanya. May pagka lolo's girl kasi ako kaya naman malambot ang puso ko sa mga matatanda.
"Okay lang po la, saan po ba kayo umuuwi para ihahatid ko na kayo."
Ngumiti siya. Napakunot ang noo ko. May kakaiba sa kulay ng mga mata ni Lola, color purple.
May ganoon ba na kulay ng mga mata? O feeling millennial at fashionista lang si Lola kaya trip niyang mag-contact lense?
"Hindi na anak... okay na ako. Ito tangapin mo 'to bilang pasasalamat sa kabaitan mo," tangi niya sabay inabot sa akin ng isang kahon ng sapatos.
Tinangap ko naman ito at inalog-alog. May bagay na tumunog sa loob, "Uhm... salamat po lola," ngiti ko sa matanda.
Hinawakan ako nito sa balikat. Medyo kinilabutan ako. Ang weird naman kasi kung paano tumitig sa'kin ang purple niyang mga mata.
"Ibibigay nito ang matagal nang sinisigaw ng 'yong katawan..."
Napalunok ako nang madiin. Bakit feeling ko biglang napalibutan ng itim na aura si Lola? Luuuh, scary.
Muli siyang ngumiti sa akin bago umalis at lumakad palayo.
"Teka, lola!"
Hahabulin ko pa sana siya nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nagtext si Lolo Carlos. Nagpapabili na naman ng bagong paso para sa halaman. Nagreply ako ng "opo, pauwi na ako." Pagtaas ko ng ulo nawala na agad si Lola.