HINDI AKO mapakali. Ten minutes before 7am na lang pero hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto. Humarap ako sa kama kung saan kampanteng nakahiga si Levi.
"Dito ka lang ha. 'Di ka pwedeng makita nila mama. Naku sigurado malalagot ako!"
I still can't believe na may gwapong blondie sex demon ang nandito ngayon sa kwarto ko at nakahalikan ko lang naman kanina!
He pouted like a little boy,"Ayoko, sama ako"
"Hindi pwede Levi! Saka tignan mo nga 'yang suot mo. Di ka pwedeng lumabas na ganyan suot mo!"
Pinasadahan niya nang tingin ang sarili. Ganun pa din ang outfit niya mula kagabi. Black vest at walang panloob kaya't kita ang nagmumura nyang eight pack washboard abs at defined chest. Yes, malinaw sa mata ko kasi nakasuot ako ng salamin kaya 1080 ang pixel parang HDTV. Ganern! Black pants, soldier boots at may suot na silver necklace. May palawit iyon na reversed triangle na may isang mata sa loob.
"Ito lang ba? No problem!" pumitik si Levi at bigla siyang pinalibutan ng purple na usok.
Sa isang iglap, biglang nagbago ang suot niya. Now he's wearing a black beannie, black fitted v-neck shirt, dark maong pants and black j's on his feet. He looked normal.
"Ready na ako. Tara pasok na tayo!" He smiled giddily and stood up to reach the door.
Agad akong humarang, "What? Papasok? No way! Hindi pwede! Hindi ka naman naka enroll sa university namin kaya 'di ka makakapasok. May ID ka ba? At sinabi ko nang hindi ka pwede makita nila mama eh..."
"Hmm, madali lang 'yan," pumitik ulit siya at muling binalot ng usok. Bigla na lang itong nag-transform pabalik sa pagiging manika.
Napayuko ako sa sahig kung saan nakatayo si Levi the barbie doll. "What are you waiting for? Put me inside your bag. Hindi na nila ako makikita," narinig ko ang boses ni Levi.
Napairap ako sa hangin. Anu pa ba'ng magagawa ko eh mukhang makulit ang isang 'to. Besides, mas okay na sigurong itabi ko siya sa loob ng bag kesa iwan dito sa kwarto. Mas delikado na baka makita siya nila mama. Agad ko siyang kinuha at nilagay sa bag saka nagmadaling lumabas ng bahay.
Pagdating sa university ay wala naman kaming ginawa sa morning class. Na exempted lahat para manuod nang laban ng basketball ng College of Architecture, where I belong, versus College of Dentistry. Kung saan isa sa mga player si Jonathan.
Obvious na affected pa rin si Erin lalo na nang makita niya si Gretel Kalingay, yung bagong flavor of the month ni Jonathan, habang sobrang sweet nito na pinupunasan ng pawis ang huli.
Haist! Napaka kumplikado naman ng 'peg-ebeg'. Buti na lang at never pa akong na in-love. Never din nagkaboyfriend. Kaya hindi ko iniintindi ang mga ganyang problema.
May mga naging crushes naman ako nung highschool pero hanggang tingin lang. Never akong nag-confess. Isa pa, mas okay na manuod na lang ng porn kesa mag-stalk sa crush mo araw-araw sa school. Atleast sa porn, hindi ka mababasted. Hindi ka mamomoblema. At hindi ka mabo-brokenhearted. LOL
After ng game kung saan nanalo ang college namin ay bigla na naman nawala si Erin.
"San nagpunta si Erin?" nagtataka kong tanong kay Sam na abala sa cellphone nito.
"I dont know nandyan lang siya kanina," sagot nito habang nakangudngod pa rin sa kanyang cellphone.
Napanguso ako. Ka-text na naman siguro niya yung ka-date nya na member ng isang networking company. Sa aming tatlo kasi. Itong si Sam ang medyo aggresive sa lalaki. Hindi ata nababakante ang babaeng ito.
"Sinu na naman 'yang katext mo?"
Agad niyang tinago ang cellphone niya sa loob ng bag, "W-wala.. si Jacob lang yung kinukwento ko sa'yo"
"Yung networker?"
Lumapad ang ngiti niya sabay tungo.
Napabuga ako ng hangin, "Baka iniiscam ka lang niyan tapos pasasalahin ka sa networking. Naku pyramiding! Scammer yan!"
Lumukot nang husto yung mukha niya, "Hindi 'no! Hindi scammer si Jacob, saka sabi niya kaya yayaman ako kapag nag-join ako sa company nila. Open-minded naman ako eh. Pinakita nga nya sa akin yung lamborgini saka ferrari nung mga upline nya. Ang galing! Gusto ko rin ng ganun. Kaya mabuti pa mag-join na din kayo ni Erin at sabay-sabay tayong yayama—"
Napasinghap ako sa sinabi niya, "Paweeeer! Payaman! Hoy! Gising!"
Natahimik sya, "Anu ka ba naman Sam! Naririnig mo ba ang sarili mo? Tumigil ka nga dyan. Baka itakbo pa niyan ang pera natin!"
"Grabe ka naman magsalita kay Jacob! Hindi mo naman siya kilala kung makapaghusga ka!"
Mabilis na binalot ako ng guilt nang mapansing nasaktan ko si Sam.
"S-sorry."
"Alis na ako. Pakisabi na lang kay Erin," agad siyang nagdadabog na lumakad palayo.
"Teka Sam sandali—" hahabulin ko sana siya pero agad itong nawala sa mga dumadaan na tao palabas ng gymnasium.
Napabuntonghininga ako. Matampuhin talaga yun si Sam. Pero na guilty din ako sa mga sinabi ko. Alam kong foul na jinudge ko si Jacob. Mag-isa na lang tuloy ako sa bleacher. Lumabas na halos lahat ng mga tao dahil tapos na ang laro kaya naiwan na lang ako na nagmumukmok.
"Hindi ka ba naiingit sa mga kaibigan mo?"
"Ay puki mo nalaglag!" halos atakihin ako sa gulat nang biglang lumitaw sa tabi ko si Levi.
Tignan mo ang isang 'to, parang kabute!
"Wala akong pussy... pero snake meron ako," pilyong kindat nito.
Mabilis na namula ang tenga ko sa sinabi niya. "Ang bastos mo!"
"Oy! Pa inosente ka masyado. Sinu kayang maraming porn video sa laptop niya—"
Agad kong tinakpan ng kamay ang bibig ni Levi habang inis na pinandidilitan sya ng mata. Luminga-linga ako sa paligid. Wala nang masyadong tao sa bleacher. May iilang estudyante ang nasa tuktok pero mukhang wala naman silang pakielam sa amin.
Nakahinga ako nang maluwag at binitawan siya, "Wag ka nga maingay... nakakahiya kapag may nakarinig sa'yo," inis kong bulong.
Ngumisi sya at dumikwatro. Pumalumbaba sya gamit ang isang kamay, "Ano'ng nakakahiya dun? Lust is part of being a human. Walang taong walang libog sa katawan."
"Meron 'no! Yung mga pari at madre!"
Natawa siya at nailing sa sinabi ko. "Di ka sure..."
Inirapan ko siya.
"So anu na? Hindi ka ba naiingit sa mga kaibigan mo? May mga boyfriend na sila pero ikaw wala pa rin. Aasa ka na lang ba sa youjizz at redtube kung pwede mo naman ma-experience?"
Hindi ako makatingin nang maayos sa kanya. Ang awkward naman kasing pag-usapan.
"O-okay lang ako kahit walang b-boyfriend. Bakit naman ako maiingit?"
"Liar. Iba ang sinasabi ng bibig mo sa sinasabi ng katawan at isip mo. I know you are very curious about sex Apple. Did you forget that I'm a sex demon? We are here because of people like you who have lustful desires."
Kinilabutan ako sa mga sinabi niya. Saka ko lang naisip kung bakit biglang dumating sa buhay ko 'tong si Levi. Kung bakit siya binigay sa akin ni lola.
"Sino ka ba talaga at ano ba talaga'ng kailangan mo sa'kin?"
"I already told you I'm a sex demon. Kung may Cupid para sa mga soulmates, meron ding sex demon para tuparin ang mga secret desires ninyong mga tao. Hindi ako ang may kailangan sa'yo instead you are the one who needs something from me."
Napa "O" nang malaki ang bibig ko, "So you mean... nandito ka talaga para... para..."
"Yup!" he made a popped sound.
Seryoso ba talaga ang demonyo na 'to?
"I'm here to help you get your innermost desires. So the first thing we need to do is to find someone that will manifest your lustful dreams."
Napakunot nang husto ang noo ko sa kanya, "Lalaki?"
"Pwede ring babae."
I rolled my eyes "Lalaki! Straight ako 'no! Eh sino naman? Wala naman magkakainteres sa akin dito sa school."
Just like a miracle from heaven. Na para bang narinig ni tadhana ang tanong ko. May isang lalaking pumasok sa loob ng gym ang nakapukaw ng aking atensyon.
I think I know that guy. Ilang beses ko na siyang nakasalubong sa library. He's tall, skinny but muscled and well toned. He's chinito, wearing an eyeglasses and very boy next door kung manamit. Pang korean din ang style ng buhok nito at may magandang kutis. Parang hindi pinagpapawisan o naha-haggard man lang. There's no doubt the guy is handsome. He looked like Jimin ng BTS.
"That is Kyle Felizarde third year med tech student, 21 years old. He came from a family of doctors. Mayaman, tahimik, matalino at hobby niya ang tennis at running. He's good looking pero walang hangin sa katawan. Gentleman at hindi sya babaero. I believe he is the perfect guy for you. Higit sa lahat... he's a virgin"
Napamulagat ako sa huling sinabi niya. May virgin pa pala talagang lalaki sa mundo? Sa ganyang kagwapong lalaki?
"Weh?"
Napangisi lang sa'kin si Levi at ginulo ang buhok ko, "I'm a sex demon stupid! Legit ang mga info ko. You need to seduce him Apple. You need to fire the flame out of him. Burst his inner desires."
Napalunok ako nang maraming laway sa sinabi niya. Ano ba 'tong pinapasok ko?
"S-seduce him? P-paano ko naman gagawin yun? Saka baka hindi naman niya ako magustuhan."
"Believe me he will like you. Saka 'wag kang mag-alala I am here to help, remember I can provide you all the knowledge and skills. Aba! Kung hindi mo natatanong isa ako sa mga top sex demon agent sa kumpanya namin. Rest assured that you have the best mentor."
"Kumpanya? You mean marami kayo?"
"Of course! Sa bilyon-bilyong malilibog na tao sa mundo tingin mo kakayanin namin yun nang mag-isa?"
Oo nga naman.
"Nabangit mo na isa ka sa mga top sex demon agent and you are working in a company. Ibig ba sabihin nun, may sahod din kayo?" lalo akong na curious na malaman ang tungkol sa background nya. I don't know that demon exist. At akala ko noon ay mga nakakatakot ang itsura nila pero hindi naman pala sila nalalayo sa ordinaryong tao. Sa totoo nyan, mas maganda pa nga sila.
"Kinda like that but not in the terms of money. It's more of powers and magic. Anyway, next time ko na ikwekwento sa'yo okay. Kailangan muna natin magfocus kung paano mo maaakit si Kyle Felizarde."
Muli akong napatingin sa gawi ni Kyle. He is talking with someone. I really wonder kung magugustuhan ako ng katulad niya. Then all of a sudden bigla na lang siyang lumingon sa gawi ko. Nanigas ako sa kinauupuan. Is he really looking at me?
As to answer my questions. I saw him smiled at me. I swear biglang bumilis ang tibok ng dibdib ko.
Tug tug. Tug tug. Tug tug.
Is this the start of something exciting in my life?
+++
Dear Diary,
Today, officialy hindi na ako Virgin… sa lips! Sabi ng sex demon na si Levi, tutulungan niya daw ako na i-manifest ang mga lustful desires ko. Magpa-practice na ba akong bumukaka?