Hindi naman ako malibog. Curious lang talaga ako sa mga bagay-bagay.
Kagaya ng SEX.
At kung bakit maraming tao ang nahihilig manuod at tumangkilik ng pornography. Kung bakit maraming kabataan ngayon ang dumadaan sa premarital sex at nabubuntis nang maaga. Ano ba kasi talaga'ng meron sa pagsi-SEX??
"Ang pagsi-SEX o pagtatalik ay ang proseso na ginagawa ng isang babae at isang lalaki para makabuo ng buhay," naglakad pabalik-balik sa harapan ko si Levi.
Hindi ko alam kung saan niya napulot yung mga props niya. May suot pa itong salamin sa mata at mahabang stick na pinangtuturo niya sa white board na nasa harapan at may drawing pa ng mga stick figure ng babae at lalaking magkapatong.
Nasabi ko na ba na ang pangit niyang mag-drawing?
"Pero bukod dun, ang SEX intercourse ay ginagawa din para sa sariling pleasure na hinahanap hanap ng katawan. In short... para makaraos sa makamundong pagnanasa ninyong mga nilalang..."
Napanganga ako. Seryoso ba siya sa mga pinagsasabi niya?
"Para masimulan ang pagsi-sex. Kailangan munang mainitan ang katawan. At para mangyari 'yun, may tinatawag na 'foreplay' o pagroromansa sa tagalog, " tumingin sa'kin si Levi at winiggle-wiggle ang dalawang kilay sabay kindat.
Mabilis na nag-init ang magkabilang pisngi ko.
"Kailangan ang foreplay para magkaroon ng spice ang pagtatalik ng dalawang tao at para ma-enjoy nila ang sex. Kumbaga sa pagluluto ang foreplay ay paghihiwa at paghahanda ng mga ingredients. Tapos ang pagsi-sex naman ang pagluluto o proseso at ang ulam ay ang finish product o sa madaling salita. Ang baby, " may pinakita siya ulit na mga drawing.
'Di ko ma-gets bakit meron siyang drawing na hotdog, dalawang itlog + bulaklak = baby
"Okay! Okay! Noted! Pwede ba tama na at gusto ko na talagang magpahinga," tinaas ko ang dalawang kamay.
Salampak na humiga ako sa kama. Haaay. Ang bigat na talaga ng mga talukap ng mata ko. Konti na lang at makakatulog na 'ko. Sigurado pag gising ko mamaya tapos na ang panaginip na ito.
Manika na naging tao? Sex teacher? Sex demon? Lahat ng ito imaginations ko lang.
Naramdaman kong gumalaw ang kama. Naaninag ko sa Levi na humiga patagilid sa tabi ko. Pumalumbaba siya at nakatitig lang sa'kin na may ngisi sa labi. Ang gwapo niya talaga. Sayang at panaginip lang ang lahat ng ito.
"Good night Apple, " malamig at malalim ang kanyang boses. Iyon ang huli niyang salita bago ako tuluyang nakatulog.
****
NAGISING ako kinabukasan dahil sa maingay na tunog ng alarm clock. Kinapa ko ang digital alarm sa side table at agad pinatay. Pero parang hinahatak pa rin ako ng kama at ayaw akong patayuin. Ang sarap matulog.
"Apple... gising na," narinig ko ang isang pamilyar na bulong. Ang sarap pakingan ng boses niya. Ang sexy. Nakakaakit.
"Gising na..." para itong bubuyog na tumutukso sa tenga ko.
Unti-unti akong dumilat. Medyo blurry ang paningin ko dahil hindi ko pa suot ang eyeglasses ko. Bulto ng mukha ng lalaki na nakapalumbaba sa tabi ko at nakatingin sa akin.
"Good morning Apple."
Napakunot ang noo ko. Nanaginip na naman ba ako? Kinapa ko ang salamin ko sa side table at sa ilalim ng unan pero hindi ko makita.
"Ito ba hinahanap mo?" may inangat siyang bagay na hawak ng kamay niya, "Ibibigay ko sayo 'to pero lumapit ka muna."
Napakamot ako sa ulo. Sinu ba ang lalaking 'to? Hindi kaya si kuya Bobby lang at pinagti-tripan na naman ako?
"Kuya Bobby ikaw ba 'yan? Akin na nga na ang salamin ko! At paano ka nakapasok dito sa kwarto ko? Susumbong kita kay mama!" bulyaw ko sa kanya.
"Lapit ka muna," tukso pa rin nito.
Weird. Parang may mali. Parang hindi siya si kuya Bobby. Iba ang boses eh. Saka parang iba din ang itsura niya. Urg! Kainis ang hirap ng far sighted! Tapos 800 pa ang grado ko sa mata.
"Akin na nga na kasi 'yan eh! Bakit ba ayaw mo pang ibigay?" nagsimula na akong gumapang palapit sa kanya.
Kinuha ko ang salamin pero dahil nahihirapan akong makakita kaya 'di ko tuloy maagaw. At itinataas niya pa talaga ang kamay niya para lalong hindi ko maabot. Urg! Epal much!
"Come forward babe, closer..."
Lumapit pa ako sa kanya hanggang sa magkadikit na ang katawan naming dalawa. Naramdaman kong pinulupot niya ang braso sa bewang ko pahapit sa kanya dahilan para magtama na ang dibdib namin na agad nagbigay sa'kin ng bolta-boltaheng kuryente na gumapang sa buo kong katawan. On that moment, alam kong hindi si kuya Bobby ang kaharap ko kung 'di ibang tao.
Shit na malagkit! May masamang loob na nakapasok sa kwarto ko! Sisigaw sana ako nang may mabilis na tumakip sa labi ko. Nanlaki nang husto ang dalawa kong mata at nanigas sa kinauupuan.
What... is... happening?
"Follow my lips Apple," he whispered between our lips.
Gusto kong magprotesta! Mali ito. Pero bakit ayaw kumilos ng katawan ko? Para akong nanigas na parang rebulto. What the...
His soft lips started to suck my lower and upper lip. Holy mother of God! Nakikipaghalikan ako sa taong 'di ko kilala and worst of all, I can't move my body! What the freaking fuck is going on?!
"Move your lips Apple, or else, buong araw kang magiging estatwa," he murmured again.
Bakit ganito? I was like under a spell, this weird yet sweet magic of his mouth. Then oddly, I just found my self obediently moving and trying to follow the move of his lips. I tried to suck it like how he does and then I heard him moaned.
'Di ko napigilan ang mapangiti. Am I doing it right?
Tumagal pa ng ilang minuto ang halikan namin hanggang sa tumutugon na ako sa ritmiko ng mga labi niya. We continue sucking each other's lips for almost freaking five minutes! Freaking Jesus!
Bigla na lang siyang bumitaw sa halikan namin at sinuot ang salamin sa mata ko. Luminaw nang tuluyan ang paningin ko at ganoon na lang ang gulat ko nang makilala kung sino ang kanina ko pa kahalikan.
"Good job Apple. Not bad for your first kissing lesson. I'll give that a grade of seven over ten," aniya sabay kindat.
Pakiramdam ko mahihimatay na ako. Hindi ko alam kung dahil ba naubusan ako ng hininga sa matinding halikan namin o dahil hindi ako makapaniwala kung sino ang nasa harap ko.
"L-levi?"
The demon sexily smiled to me.
"Oh my gosh. T-totoo ka? Hindi ka p-panaginip?"
Amused na umiling ito, "No. I am real."
Natulala pa ako ng ilang sandali bago unti-unting nag-sink-in sa akin ang lahat. At wala sa sariling napahawak ako sa sariling labi. Ramdam na ramdam ko pa ang halik na pinagsaluhan namin kanina lang.
Shit na malagkit! We really kissed! My freaking first ever kiss! And it was sooooo good! Parang SOGO lang. So good, so clean! So... so... Shotabells!!!
Pulang-pula ang mukha ko sa hiya. The fact na nakipagpahalikan ako sa isang stranger ay lalong nakapagdagdag nang pagkukalay kamatis ko. Take note! Sa isang gwapong stranger!
"Tutunganga ka na lang ba dyan? Male-late ka na sa class mo," sabi ni Levi na malaki ang ngisi.
Agad akong napatingin sa wall clock at nanlaki ang mga mata ko nang makitang 6:30 na! Shit na malagkit! Hindi pa ako nakakaligo! Nagmadali akong bumaba ng kama at pumasok ng banyo. Sinara ko ang pinto at sumandal sa likod nito. Sapo-sapo ko ang dibdib dahil pakiramdam ko aatakihin na ako sa puso.
What the heck did just happened?