Chereads / Teach Me (Sexy Monster Series #2) / Chapter 3 - Lola’s gift

Chapter 3 - Lola’s gift

PASALAMPAK akong humiga sa kama pagpasok ko ng kwarto. Pagod na pagod ako ngayong araw. Napa-trouble ako sa kanto, tapos pag-uwi ko agad naman akong inutusan ni Lolo Carlos na magdilig ng mga halaman.

May sariling maliit na garden si Lolo Carlos sa likod ng bahay. Gawa sa e-glazed glass ang mga pader at automatic na nabubukasan ang bubong para sa tuwing kailangan pasikatan ng araw ang mga halaman. Maraming iba't ibang uri ng mga alaga si lolo gaya ng Calotropis gigantea, Cestrum nocturnum, Chamaedorea seifrizii at kung ano-ano pa. Search niyo na lang sa google kung ano ang mga yan kasi 'di ko rin ma-i-pronounce.

Iyon na lang din kasi ang pinagkakaabalahan ng matanda kaya ini-spoiled na rin nila Papa para hindi naman mainip dito sa bahay.

"Haaaaay... ang sakit ng katawan ko!"

Napagawi ang tingin ko sa bag na nasa sahig, nakabukas ang zipper niyon. Lumilitaw ang korner ng kahon na bigay ni Lola. Agad naman akong bumangon at kinuha ito. Ordinaryong kahon lang naman kung pagmamasdan. Pero feeling ko may something weird talaga kay lola kanina. Pag-naalala ko ang mga mata at ngiti niya kinikilabutan talaga ako.

Naisipan kong buksan ang kahon. Hindi ko inaasahan ang nakita.

"Barbie doll?... na lalaki? Sino 'to si Ken?"

Nilabas ko ang manika. Bakit naman ako bibigyan ni lola ng ganito? Mukha ba akong grade one? Ganoon na ba ako ka flat-chested at late bloomer kaya napagkakamalan na akong elementary student?

Pinagmasdan ko si boy barbie doll. Blondie ang buhok niya, grayish ang mga mata, tipikal na matangos ang ilong at perpekto ang mukha. May dalawang black-stud pa siya sa tenga. Weird din ang suot niya, black leather vest, may silver necklace din siyang suot na may palawit na baliktad na triangle at may isang mata sa gitna.

Wala siyang suot na panloob kaya kita ang abs at chest nito. Cool! May abs talaga 'yung manika? LOL. Nakasuot rin ito ng black pants at boots.

"Hmmm... in fairnes cute ka naman kaya sige, itatabi na lang kita. Sayang naman kung itatapon ka."

Pinatong ko ang manika sa ibabaw ng study table na katabi ng aking laptop. At dahil sa sobrang pagod nakatulog agad ako sa kama.

***

NAGISING ako dahil sa kakaibang ingay. Parang may...

"Yeah... yeah... fuck me harder... yeah..."

Napadilat ako. Alam na alam ko ang tunog na yan. Napagawi agad ang mga mata ko sa study table at natagpuan na naka ON ang laptop habang nagpi-play ang isang porn video sa screen.

Mabilis akong bumangon at nagtatakang lumapit, "Bakit naka open 'to? Hindi ko naman 'to binuksan kanina ah."

Pero dahil masyadong nakaka- tukso ang mga nakikita ko sa screen. Hindi ko napigilan ang sarili na manood. Nakagat ko ang sariling labi at naramdaman ang mabilis na pag-init ng aking katawan. Parang may magnet ang mata ko at hindi maalis ang pagkakatitig sa screen.

Kasaluluyang nakatuwad ang isang babae. Sinasabunutan pa 'to ng ka-partner niya while he was spanking her like a naughty child.

"Ahhh.... yeah.... ahhh..."

Wild.

I always wonder kung ano kaya sa pakiramdam 'yon?

"Ano kayang feeling nang ma-spank?"

"Do you want to try babe?"

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na ginala ang tingin sa paligid. Saan nangaling 'yon? Wala naman ibang tao dito kundi ako lang. Hindi kaya pinagti-tripan na naman ako ni kuya Bobby?

"S-sino 'yan?" I swear. May narinig talaga akong bumulong.

May weird na energy ang humatak ulo ko para pumihit sa harap. Pero hindi ang video sa laptop ang una kong napansin kundi ang barbie doll na nasa sa gilid nito.

May weird talaga sa manika. Kinikilabutan ako na 'di ko ma-explain. Inilapit ko ang ulo habang nanliit ang mga mata at pinagmamasdan ko nang mabuti ang barbie doll. 'What is wrong with you?'

Dahan-dahan ko pang nilapit ang mukha at sa gulat ko ay bigla itong ngumiti.

"AAAAAAHHHH!!!!"

Tumalon ako pabalik sa kama ko. Shit na malagkit! Then I heard him chuckled.

"Anak ng..."

Nalaglag ang panga ko sa sahig nang biglang lumutang sa hangin ang manika na parang magic. Mabilis na kinuha ko ang unan at nagtago sa likod niyon.

Imposible! Ano'ng nangyayari? Na-e-engkanto na ba ako? Juice ko Lord! Kailangan ko na atang bumalik sa pagsisimba lingo-lingo. Masyado na ba akong nasusunog sa kasalanan sa kakanoond ng pornographic videos?

Pumikit ako at mariing nagdasal, "Sige na po Lord, patawad na po sa makamundo kong pagnanasa at babawasan ko na ang panunuod ng porn, imbis na three times a day, gagawin ko na lang pong two times a day!"

Matapos ang ilang sandali, dinilat ko ang isang mata, tapos yung isa naman. Pero tuluyang nanlaki ang pareho kong mata nang biglang sumabog ang manika at binalot ng makapal at color purple na usok ang kabuuan ng kwarto.

Napaubo ako sa sobrang kapal nito habang naamoy ang halimuyak ng cinnamon. After a few minutes, unti-unti din nalusaw ang usok. Napansin ko ang isang bulto ng lalaki na dahan-dahang naglalakad papalapit.

"Holy Mother of God…"

Mabilis akong umusog palayo hanggang sa sumalampak ang pwetan ko sa sahig dahil lumagpas na pala ako sa kutson. Umakyat naman ng kama ang lalaki at gumapang papalapit sa akin. Nagmadaling kumilos ako at umusog muli hanggang sa naramdaman ko na ang malamig na pader sa likuran ko.

"W-wag k-kang lalapit...."

Pero parang wala siyang narinig. Patuloy siyang gumapang na parang isang pusa, bumaba ng kama at dumiretso sa akin hanggang sa halos isang pulgada na lang ang layo ng mga mukha namin.

Una kong napansin ang grayish niyang mga mata. Saka ko lang siya nagawang pagmasdan mabuti. His hair is blonde and wavy na hanggang batok ang haba. He has a pointed nose, chiseled cheekbones, perfectly square jaw and pinkish lips.

Napalunok ako nang madiin, teka... bakit parang kamukha niya yung...

"S-sino ka? P-paano ka nakapasok sa kwarto ko?"

Ngumuso ang lalaki at mas lalong nilapit ang mukha sa'kin. Ang puso ko parang malapit nang kumalas sa dibdib ko sa sobrang bilis ng pintig. Ngayon na mas malapit na siya sa akin, mas lalong tumusok sa ilong ko ang amoy niyang cinnamon. Parang sa tuwing pumapasok ako ng Starbucks, ganoong levels. 'Di kaya barista 'to sa coffee shop?

Ngumuso ang lalaki na parang bata, "Hindi mo na ako agad nakilala? Dinala mo ako dito sa kwarto mo, pinakawalan sa box at tinabi sa laptop."

Nanlaki ang mata ko. Imposible!

Ngumisi siya habang amused sa namumutla kong mukha. Pantay-pantay din ang mapuputi niyang ngipin. Siguradong maraming babae ang magiging jelly ang mga tuhod sa isang ngiti pa lang nito. Ito 'yung tipong makalaglag panty na may kasamang napkin.

"Ang dami mo palang porn sa laptop mo... hindi ka rin halatang malibog ha?"

Mabilis na umakyat lahat ng dugo sa mukha ko. Siya! Siya ang nagbukas ng laptop ko! At siya din ang....

"I-ikaw y-yung... m-manika? P-paano?"

Mas lalong lumaki ang pagkakangisi ng lalaki sabay hinawi ang nagkalat na hibla ng gulo-gulo kong buhok. Inayos niya rin ang tabingi kong salamin.

"My name is Levi and from now on, I'll be your sex demon.."

Kumunot nang husto ang noo ko sa sinabi niya, "Se… S-sex… de… d-demon?"

"Yup!" He made the popped sound, "I'll be your sex teacher and I can teach you everything that your body desires. But we only have one rule to follow..."

Pigil hininga ako habang inaantay ang gusto niyang sabihin. Para akong nahihipnotismo sa gray niyang mga mata at malalim na boses.

"Libog lang, walang feelings..."

+++

Dear Diary,

Nasobrahan na ata ako sa panunuod ng hentai sa hanime.tv kaya kung ano-ano na ang napapaginipan ko. Sex demon na nagiging manika? Juice ko Lord! Mukhang kailangan ko nang maligo ng holy water at baka sa susunod may lumitaw na mga tentacles sa kwarto ko.