THE MAN is brutally handsome despite his rugged appearance. May kahabaan ang buhok nito na nakatali. A short, scruffy beard covers his face and her fingers suddenly itched, as though urging her to run them over his sexy stubble. His jaw is hard, his cheekbones stark and high. Pero ang mas kumuha ng pansin ni Ruby ay ang labi nito. His lips are pink and full but in no way did they make him look effeminate. In fact, he has the sexiest lips she had ever laid her eyes on. Patunay lang niyon ay ang naramdaman niya sa pagitan ng hita niya. She is starting to get wet down there. Ang dahilan, ang biglang pagsulpot sa imahinasyon niya ng isang tagpo kung saan ang mga labing iyon ay nananalakay sa labi niya. No, not her upper lips but the lips of her...
"I'm Aegen. Ako ang sundo mo," sabi ng lalaki na pumigil sa akmang pagkaripas niya.
"Sundo ko?" Hindi pa gumagana ng maayos ang utak niya matapos niyang ma-stress nang todo.
"Para magpunta sa isla."
"Ah, oo nga pala."
"Ikaw si Ruby Red Chavez, tama ba 'ko?" anito.
"O-oo naman."
"Ano ang pangalan ng mommy mo?" Nagduda yata ito kung maling tao ang nilapitan nito.
"Rosanna. Rosanna Reynoso."
"Bakit magkaiba ang apleyido niyo?" Katulad ng sa isang abogadong nag-i-interrogate ng nasasakdal ang tono nito.
Si Ruby naman ang nag-alangan. Bukod sa hindi niya gustong ikuwento sa kung sino-sino ang problema nila sa pamilya ay naisip din niya kung tutoo din ba na ang lalaki ang sundo niya.
"Ang lola mo ay si Henrietta Cristobal. Reynoso ang dating apelyido niya pero pinalitan niya iyon nang makapag-asawa ulit siya. Si Evan Cristobal, na namatay halos sampung taon na ang nakakaraan. Doňa Henrie, as she is called by the people who knows her personally, is the head of Cristobal Group of Companies. Naipasa sa kanya ang responsibilidad na iyon nang magkasakit si Don Evan. But almost four years ago she retired and delegated the running of all her companies to people she can trust. Iyon ay para raw ma-enjoy niya ang natitirang oras niya sa mundo habang malakas pa siya. Your turn," anito, may paghahamon ang tono. Hamon na patunayan niyang siya nga ang apo ng taong tinukoy nito.
"I-isinunod ni mommy ang apelyido ko sa daddy ko. H-hindi sila kasal dahil...dahil may asawa si daddy." Walang kasalanan doon si Ruby pero hindi niya maiwasan ang mahiya sa pagsisiwalat niyon. "Hiwalay naman na raw ito bago pa sila magkakilala. Hindi nga lang naipa-annul ang kasal kaya hindi naging legal ang pagsasama nila ni mommy kahit pa gusto sana nila. Ikaw, ano ang kuneksiyon mo kay lola?"
"I am a friend."
"Friend?" Napaisip siya. Nakakaasiwang isipin pero hindi kaya...
"I am not her fuck buddy," hayag nito, nahalata yata sa ekpsresyon niya kung ano ang iniisip niya. "Nagkakilala kami sa isang fund raising event at inalok niya ako na magbakasyon sa isla niya kung gusto ko. Tinanggap ko ang imbitasyon. Natuwa naman yata siya na may makasama roon bukod sa mga kawaksi kaya sinabihan niya ako na mag-stay hangga't gusto ko. I like the place so I stayed. In the meantime, I helped her manage her affairs."
"Hindi ko ba siya puwedeng makausap?"
"She's not into technology. She said she left all that behind when she went to the island. Ano? Sasama ka ba? Kailangan na tayong tumawid ng dagat bago mag-lowtide sa isla. Mahihirapan na tayong makalapit sa baybayin kapag mababa na ang tubig doon dahil masisira ang mga corrals."