Chereads / Paint Me Red / Chapter 15 - CHAPTER 14

Chapter 15 - CHAPTER 14

NAUNA na sa paglakad ang lalaki. Matangkad ito, mahahaba ang legs, kaya kahit hindi naman mabilis ang lakad nito ay kailangang magmadali ni Ruby para makasabay dito. Sa pagkukumahog niya ay hindi niya napansin ang nilalakaran niya. Nagulat na lang siya nang matisod siya at magsimulang masubsob.

Hindi siya sa wooden planks ng daungan bumagsak pero sintigas na rin yata ng kahoy ang tumama sa nguso niya. Naramdaman siguro ng lalaki ang pagkawala niya ng balanse kaya pumihit ito para alalayan siya. Sa dibdib nito siya nasubsob. Pero agad ding nawala ang pansin niya sa naramdamang sakit nang matukoy niya ang posisyon nila. Nakasandal siya sa matigas na katawan ng lalaki samantalang nakapaikot naman ang mga braso nito sa likod niya.

Dapat ay lumayo na siya agad pero hindi niya magawa. May parte ng pagkatao niya ang masyadong natuwa sa posisyon nila. Unang beses na nagkaroon siya ng ganoong reaksiyon sa isang lalaki. Iyong para bang masyado siyang natakam sa katawan nito. Kung tutoong nakakaamoy ng pheromones ang mga tao ay malamang na langhap na langhap ni Ruby ang nanggagaling sa kasama niya at iyon ang dahilan sa init na bigla at mabilis na kumakalat sa mga kalamnan niya.

She felt the heat building up between her thighs. Iyong magkabilang dibdib niya na napipi sa katawan nito ay nagsimulang humilab. Her body tensed up and she had to fight the urge to raise her face up to him with the hope that he would kiss her.

Tumigil ka nga muna sa kamanyakan mo? Gigil niyang sabi sa sarili. Ang lalaki naman, balak yatang magsamantala. Puwede naman kasi na ito na ang maunang bumitaw pero imbes na iyon ang gawin ay lalo pa yatang humigpit ang pagkakapaikot ng mga braso sa kanya. Nakakatawa pero parang nainis pa siya nang sa wakas ay pakawalan siya nito.

Ilang sandali pa ay abala na ang lalaki sa lantsa. Mabilis, episyente ang kilos nito. Suwabe itong nagmaniobra palayo ng daungan. They were soon out in the open sea. Napakapit sa railing si Ruby nang maramdaman niya ang pag-arangkada ng sinasakyan nila.

Sa kabila ng agam-agam ay hindi niya napigilan ang matuwa. Masarap sa pakiramdam ang paglalaro ng malamig na hangin sa buhok niya at ang bahagyang pagtilamsik ng tubig dagat sa mukha niya. It is envigorating and she couldn't help but feel that she is embarking on a new chapter in her life. Isang kabanata na di hamak na mas exciting kesa sa pinagdaanan niya.

Well, sa wakas ay magkikita na kami ni lola. Exciting talaga iyon. Iyon ang dahilang ipinagpilitan niya sa sarili. Ayaw niyang tanggapin na kasama sa nakakadagdag ng excitement ang ideyang isang kagaya ni Aegen ang makakasama niya sa isla sa loob ng kung gaano man katagal siyang hahayaang manatili roon ng lola niya.

Kulang-kulang beinte minutos lang ang lumipas ay nakarating na sila sa isla. Nahugot ni Ruby ang hininga pagkakita sa luntiang kapaligiran. Hindi niyon kakabugin ang Bora sa ganda pero may ibang atraksiyon para sa kanya ang lugar na halatang hindi pa nahipo ng komersiyalismo. The place has a raw, untamed beauty that took her breath away. Malalaki, mayayabong ang naglalakihang mga puno na nagkalat sa isla, parang matatanda na nga ang marami sa mga iyon. Centuries old probably. Iyong mga niyog na nakahilera sa may dalampasigan ay hitik sa bunga. The foliage is thick and lush, the golden sand is littered only with dried leaves and branches. Hindi kagaya ng mga napuntahan niyang beaches na nagkalat ang mga food wrappers at plastic bottles.

Inalalayan ulit siya ni Aegen sa pagbaba kahit pa sa palagay niya ay hindi na iyon kailangan. Hindi naman na kasi sila tumawid ng andamyo. Pero hindi na rin nag-protesta si Ruby. Aaminin niya, nakakakiliti ang init ng kamay nito na nakadait sa kanya.

Sa isang katamtamang-laking bahay siya dinala ng lalaki. The place is nice, neat and cozy. Gawa iyon sa kahoy kaya napaka-presko at bagay na bagay sa lugar na kinatitirikan niyon. Napapaligiran din iyon ng mga puno at may hardin pa sa harapan kung saan iba't ibang makukulay na bulaklak ang nakatanim. Hindi na halos mapigilan ni Ruby ang pananabik habang naglalakad sila papunta sa front door. Excited na siyang makita ang lola niya.

"About your grandmother..." anang lalaki nang nakatayo na sila sa labas ng pinto. "May...dapat kang malaman."

Napatingin dito si Ruby.

"Well, she's...gone"

"Gone? Anong gone?" Hindi niya maintindihan.

"Patay na siya, Ruby. Mag-iisang taon na."