"ANO?" Pakiramdam ni Ruby ay biglang gumuho ang lupang kinatutuntungan niya at anumang sandali ay babagsak siya sa kawalan. "Kung biro 'yan ay hindi nakakatuwa."
"I'm serious."
"Hindi ko maintindihan. Iyong...email na nagsasabi sa 'kin na pumunta ako sa isla ay kailan lang ipinadala. Ano? May internet connection sa hukay?"
"Ako ang nag-reply doon. Pasensiya na at natagalan bago ako sumagot. Kailan ko rin lang nabuksan ang email na ipinadala sa kanya ng kumpanya. Nang sagutin ko iyon, asking about your whereabouts, ay hindi ka na nag-reply."
"What the fuck, man!" Nagpanting ang tainga ni Ruby. Asang-asa siya na makakaharap na niya ang lola niya. Na-excite siya nang husto na makita ito. Iyon pala ay wala na ang matanda. "So, ano 'to? Lokohan? Trip mo lang? Paasa ka ah. Kailangan mo talagang gumawa ng gimik na bulok?"
"I'm sorry. Gusto lang sana kitang makausap..."
"At hindi mo puwedeng gawin iyon sa telepono?"
"Mas maganda kung personal kong sasabihin sa iyo ang pakay ko."
"Lumuwas ka sana at nang nakaharap mo 'ko." Hindi pa rin humuhupa ang inis niya. Sobrang disappointed siya sa nadiskubre. Disappointed at nalungkot. Hindi man niya nakilala ang lola niya ay kadugo pa rin niya ito at ito na rin lang ang nag-iisang kaanak niya na kahit paano ay may nararamdaman siyang katiting na kuneksiyon.
"May dahilan ako kaya hindi ako makaluwas."
"O, 'yan, magkaharap na tayo. Sabihin mo na kung ano ang sasabihin mo pagkatapos ay ihatid mo na ako pabalik sa pinanggalingan natin."
"I can't do that. Not just yet. Gusto ko ay malinaw sa iyo ang magiging pasya mo."
"Pasya ko? Tungkol saan?"
"Look, galing ka sa mahabang biyahe. Malamang na pagod at gutom ka na. Mas maganda na magpahinga ka muna pagkatapos ay saka tayo mag-usap."
"Hindi kita kilala at wala akong balak makasama ka ng matagal so tell me already."
Humugot ng malalim na hininga si Aegen na para bang nauubusan na ito ng pasensiya.
"You have no choice. You'll have to stay. Huwag kang mag-alala. Hindi ka mapapahamak habang nandito ka. Treat this as a vacation. You deserve one anyway. Halika na at nang makapagpahinga ka." Tinalikuran na siya nito saka ito naglakad na palayo.
Well, screw you! Walang balak si Ruby na maging sunud-sunuran dito. Kaya imbes sumama sa lalaki ay nagtatakbo siya papunta sa maliit na daungan kung saan nandoon ang lantsa. Wala siyang ideya kung ano ang gagawin niya. Hindi rin naman siya marunong magpaandar ng sinakyan niya at malamang na kay Aegen ang susi pero sumige pa rin siya. She just wants to show the guy that she is no pushover.
Malapit na siya sa daungan nang marinig ang yabag na humahabol sa kanya. That spooked her. Bigla siyang inatake ng panic. Tumingin siya sa tubig. May kalaliman iyon, natukoy niya base sa kulay niyon. Pero hindi niya iyon inalintana. Taking a deep breath, she got ready to jump into the water. But before she could launch herself a strong arm snaked around her waist and pulled her tight. Maya maya ay naramdaman in Ruby na umangat siya sa ere. Ilang sandali pa ay nakasabit na siya sa balikat ng lalaki. Binitbit siya nito, caveman style.
"Ibaba mo 'ko. Ibaba mo 'ko sabi!" Panay ang palag niya.
Hindi umimik ang nagbubuhat sa kanya. Patuloy lang ito sa paglakad. Pinagbabayo ni Ruby ang dibdib nito. Isinikad niya ang mga paa para magpatihulog siya. The guy just tightened his grip on her thighs. Parang hindi man lang ito nahihirapan sa pagbuhat sa kanya kahit ang likot niya.