TUMULOY sa loob ng bahay ang lalaki dire-diretso papunta sa isa pang pinto. Binuksan nito iyon. Natanaw ni Ruby ang kama na nasa gitna ng silid. Doon siya ibinagsak ng lalaki.
"At ano sa palagay mo ang ginagawa mo?" hamon niya rito.
Hindi siya sinagot. Ni hindi nga ito nag-react. Tinalikuran siya basta saka ito naglakad na palayo na para bang walang nagsalita.
"Hoy, ano'ng balak mo..."
Bago pa matapos ni Ruby ang sinasabi ay nakarating na sa may pinto ang lalaki.
"Magpalamig ka muna. Kapag nasa tamang pag-iisip ka na eh saka na kita palalabasin." He stepped out the door and pulled it shut. Umakmang babangon si Ruby para habulin ito pero hindi pa man siya nakakatayo mula sa kama ay narinig niya ang tunog ng isinarang kandado.
Hindi siya makapaniwala sa ginawa nito. Ikinulong siya nito? Nagtatakbo siya papunta sa pinto at pinihit ang seradura. The knob turned but she couldn't pull the door open. Parang may kandado sa kabilang side niyon.
"Hindi mo puwedeng gawin 'to. Palabasin mo 'ko dito. Hoy!" Kinalampag niya ang pinto pero nanakit na ang mga palad niya sa kakahampas doon at namaos na siya sa kakasigaw ay wala pa rin siyang napala. The door remained tightly shut.
Only then did she realize how badly she misjudged the situation. Sa pananabik niyang makita ang lola niya ay mukhang nailagay niya ang sarili sa panganib. Ano ang balak gawin sa kanya ng lalaki?
Pabagsak siyang nahiga sa kama. Nagulat siya. The mattress is so soft it was like lying on a bed of clouds. Humulma sa katawan niya ang kutson at sa konting pagkilos niya ay naaalog siya, parang ipinaghehele. Dala siguro ng napakaramig gabi na hindi maganda ang tulog niya, idagdag pa ang pagod sa biyahe, nang sandali niyang ipikit ang mga mata para sana mag-isip ng dapat gawin ay tuluyan na siyang nakatulog.
MAINGAT ang pagsuksok ni Aegen ng susi sa lock, pati na ang pagpihit niya sa knob. Nag-alala siya nang wala siyang marinig na tunog galing sa loob ng kuwartong pinagkulungan niya kay Ruby. Mamaya niyan ay kung ano na ang naisipan nitong gawin. But he also didn't want to let her know just yet that he would open the door. Para hindi ito makapaghanda kung balak man nitong tumakas. She would have nowhere to go but he didn't want her to hurt herself while trying to escape him.
He slowly pushed the door open, waiting for a surprise attack. Pero siya ang nasorpresa nang makita ang dalaga. Nakahiga ito sa kama, nakatulog na pala.
Suddenly, she shot out of the bed and pushed him away. Hindi naman na ito hinayaang makalayo ni Aegen. Wala siya sa mood maghabol at ayaw nga niyang masaktan pa ito sa pagtatangkang tumakas. He reached out and hooked her around the waist with one arm. Hinila niya ito palapit sa kanya. Napalakas nga lang yata iyon dahil nang tumama ang likod ng mga tuhod nito sa gilid ng kama ay napahiga ulit ito. Pero agad din itong umakmang babangon.
Para mapigilan ang pagtatangka na naman nitong tumakas ay dinaganan ito ni Aegen. And he instantly realized his mistake when he felt his response to her soft, warm body. Namilog ang mga mata ni Ruby. Naramdaman sigurado nito ang response niya. Natakot yata ito, masigasig na nagpapalag sa ilalim niya, nagpipilit makawala.