ELLE
"Bigyan mo naman ako ng isang pad ng napkin bakla!" Suyo ni Patty saakin.
"Seriously bakla?! From assumera to feelingera ka na ngayon ganoon?!" Pangongontra ni Vanessa sa kanya. Nasa cafeteria kami ngayon at kasalukuyang nagla-lunch.
"Kahit kailan talaga bakla, ang laki mong peste sa buhay ko!" Sabi naman ni Patty sa kanya.
"Stop it guys. Patty, aanhin mo ba ang napkin?" Tanong ko. Nagpipigil naman ng kanyang pagtawa si Vanessa. Si Patty naman, tinignan ako ng masama.
"Talagang pinagkakaisahan ninyo akong dalawa ah! Palibhasa inggit na inggit kayo sa ganda ko!" Sabi niya at hinawakan ang mukha niya.
"Nevermind." Sabi ni Vanessa at sumubo ng kanin.
"Nga pala, dadaan ba kayo ng grocery mamaya? May kailangan kasi akong bilhin eh." Biglang tanong ko sa kanila.
"Hmmm.. Kailangan kong umuwi ng maaga babae eh. " Sabi ni Vanessa. Tumango naman ako.
"Ako bakla, hindi rin pwede. May pupuntahan pa ako after ng work natin mamaya" Tumango lang ako sa sagot ni Patty.
"So wala akong kasama mamaya ganoon?" Sabi ko.
"Ako.." Napatingala naman kami sa biglang nagsalita..
"Hi Papa Kyle.." Malanding bati ni Patty. Sinikuhan naman siya ni Vanessa. "Oh ayan babae! May sasama na sayo. Kaya huwag ka nang magdrama diyan!." Inirapan ko naman si Vanessa dahil sa sinabi niya.
Umupo siya sa harap ko since yun lang ang bakanteng upuan dito.
"Baka may pupuntahan o di kaya may gagawin ka pa after ng work, Kyle. Ayoko namang makaabala." Sabi ko. Tumingin siya saakin at umiling tsaka ngumiti.
"Wala ano ka ba. Isang client lang meron ako ngayon. At madali na lang yun tapusin.. Kaya huwag ka ng mahiya saakin. " Sabi niya.
"Oo nga bakla. Tsaka duuh! Binilhan ka kaya ni Papa Kyle ng maraming napkin dyan kaya tigil-tigilan mo na yang kaartehan mo saamin!" Bwisit na sabi ni Patty saakin. Tss.
"Okay.." Sabi ko na lang para matapos na tong usapan na to.
Pagkatapos naming kumain, ay bumalik na kami sa company. Wala pa mang 1pm, ay pinagpatuloy ko na yung trabaho ko.
Marahil marami sa inyo ang nagtataka kung bakit parang gutom na gutom ako sa kakatrabaho. Tipong parang ayaw ko nang magpahinga, ang totoo niyan, may pinapatunayan ako. Gusto kong patunayan sa mga taong hindi naniniwala sa kakayahan ko, na sinasabing walang patutunguhan ang mga plano ko sa buhay, na wala akong mararating dahil nga sa pagiging 'stubborn' ko.
Pero imbis na paghinaan ako ng loob, I use that as my motivation and see to it na hindi ako mafe-fail. I need to prove to all the people na patuloy akong bini-bring down at patuloy akong sinasaksak ng mga masasakit na salita.
Kung sino yung mga taong sinasabi ko? You'll find it out soon.
"Bakla ayos ka lang? Parang ang lalim masyado ng iniisip mo." Naramdaman kong tinatapik niya ako sa balikat ko.
"Oo. May iniisip lang." Sabi ko sa kanya saka itinuon ulit ang atensyon ko sa laptop na nasa harap ko.
Mabilis lumipas ang oras. Hindi pa man sumasapit ang alas 5, ay nakapag-ayos na agad sina Vanessa at Patty.
"Hindi kayo masyadong excited na umalis ano?" Pagbibiro ko sa kanya. Tinawanan naman ako ng dalawang bruha.
"Ikaw naman kasi bakla, huwag mo namang ilaan ang buong buhay mo diyan sa trabaho mo. Baka ikaw rin ang mapaano eh." Sabi ni Patty habang tumitingin sa kanyang maliit na salamin.
"Alam mo babae, minsan talaga iniisip ko kung bakit parang gigil na gigil ka sa trabaho mo. No wonder, top 9 ka sa board exam ng mga architects kasi mukhang ginugol mo talaga yung buong buhay mo sa pag-aaral babae!" Dagdag pa ni Vanessa. Nagkibit-balikat lang ako sa sinabi nila.
Dahil tapos ko naman lahat gawin ang mga drawings ng mga kliyente ko, nag-ayos na rin ako ng mga gamit ko.
"Mga bakla! 5pm na! Dali na, at nagmamadali ako!" Si Patty.
"Oo na bakla, hindi mo na kailangang sumigaw pa dyan." Sabi ni Vanessa kay Patty.
Tumayo na rin ako at naglakad na kasama nila Patty.
Naglalakad na kami papuntang parking lot.
"Babush mga bakla! See you tomorrow!" Paalam ni Patty saamin at nagbeso na kaming tatlo. Pasakay na dapat ako sa kotse ko nang biglang may nagsalita.
"Sandali Elle!" Lumingon ako. Si Kyle.
"Oh Kyle? Bakit ka nandito? Di ka pa ba uuwi?" Tanong ko sa kanya.
"Di ba sabi ko sayo, sasamahan kita sa grocery? Nakalimutan mo na ba?" Paalala niya saakin.
"Ahh, so sasamahan mo ko?", "Oo, kaya halika na." Sabi niya..
"Huh? Di mo ba dala ang kotse mo?" Tanong ko ulit sa kanya. Umiling siya. "Hindi eh. Pinaayos ko muna." Sabi niya. Tumango lang ako at pumasok na kami sa kotse ko.
"Nga pala Elle, nasaan pala mga magulang mo? Since ikaw lang mag-isang nakatira sa condo unit mo, nagtataka lang ako.. " Napatigil ako sa sinabi niya.
"Elle?" Tawag niya muli saakin.
"Mga magulang ko? Nasa states sila." Sabi ko na lang. At pinaandar na ang kotse ko.
Naramdaman niya sigurong ayaw kong pag-usapan yung bagay na yun kaya hindi na siya muli pang nagtanong. After 10 minutes nang makarating kami sa grocery store.
Pumasok kami sa grocery store, at kumuha ng push cart.
Nasa sanitary section ako, at mukhang may hinahanap si Kyle.
"Ah Elle, may titignan lang ako sandali ah? Saglit lang to." Paalam ni Kyle saakin. Tumango naman ako at nagtungo sa stall ng lotion. Nagtingin-tingin ako doon at kumuha ng lotion na sa palagay ko ay gusto ko naman..
Lumipat ako sa ibang stall, nasa whitening soap ako ngayon. Kumuha ako ng soap na gusto ko at nilagay ito sa pushcart at nagsimula ng maglakad papuntang ibang stall.
"Elle?" Napatigil ako sa paglalakad dahil sa boses na yun. Parang nanghina bigla ang mga tuhod ko dahil sa boses na yun at parang bumalik ako sa nakaraan ko. Sa nakaraan namin. I missed his voice, his hug, his kiss, I missed him.
"Elle ikaw ba yan?" Tawag ulit saakin. Unti-unti akong lumingon. He's looking at me.. smiling.....
"Nick." Mahinang tawag ko sa kanya. Of all the places na pwede kaming magkita, dito pa sa grocery. What a nice timing!
"Kumusta ka na? Naging maayos ka ba?" Tanong niya saakin habang nakangiti. Huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti sa kanya.
"Since the day you abandoned me? I feel good. Ikaw?" Sabi ko. Take note of the sarcasm.
"I'm sorry, Elle. I'm sorry kung nasaktan kita. Gusto kong malaman mo na walang gabi na hindi ako umiiyak at pinapatay ng konsensya ko dahil sa ginawa ko sayo.. Sorry for being a jerk. Sorry for being an immatured boyfriend ---" i cut him off. I gathered all the strength to say these words to him..
"Ex-boyfriend." I cleared him out.
"Please forgive me, Elle. Please. Nagkamali ako nang pinili. Sorry kung hindi ako nakontento sayo, sorry kasi naghanap ako ng iba at sorry kasi tinapon ko lang yung limang taong relasyon natin. Please, bumalik ka na ulit saakin, Elle. Pangako, mamahalin kita higit pa sa makakaya ko. Basta bumalik ka lang ulit saakin, Elle. Please." Pagmamakaawa niya. Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod saakin.
Hindi pa man din ako nakakasagot, nang biglang dumating si Kyle.
"Anong nangyayari dito, Elle?" Tanong saakin ni Kyle. Tumingin naman siya kay Nick na nakaluhod.
"Sino ka at bakit ka nakaluhod dyan?" Matapang na tanong ni Kyle kay Nick. Biglang nag-iba ang ekspresyon ni Nick sa tanong ni Kyle. Bigla siyang tumayo at nagkasubukan ng tingin sa isa't-isa.
"Bakit pre? Ikaw ba sino ka? Sino ka sa buhay ni Elle?" Maangas na sabi ni Nick kay Kyle. Magsasalita pa sana si Kyle nang pigilan ko siya.
"Enough. Nick, pwede bang tigilan mo na ako. Hiwalay na tayo, ikaw ang hindi nakontento, ikaw ang naghanap, kaya wala nang rason para bumalik pa tayo sa dati." Sabi ko kay Nick. At nagsimula nang maglakad palayo sa kanya.
"Elle, please..." Tawag ni Nick saakin at hinawakan ako sa braso ko. Lumingon ako sa kanya at tinanggal ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.
"We're over now, Nick. Totally over.." Sabi ko at iniwan siyang magisa doon.