Chereads / No Strings Attached / Chapter 18 - Rain + Umbrella + Knight in Shining Armour

Chapter 18 - Rain + Umbrella + Knight in Shining Armour

ELLE

My mind's empty. Wala akong maisip. Hindi ko alam kung paano ko haharapin yung nangyari saakin. I wanted to escape, but escaping won't do anything, neither resolve everything. I've been staring at the window pane dito sa unit ni Kyle. Tumayo ako at tanaw na tanaw ko ang mga building mula rito.

Hindi ko alam kung nagiisip pa ba ako ng matino, pero bigla akong tumayo at lumabas sa kwarto niya. Nadatnan kong nagluluto si Kyle ng itlog, kaya I grabbed this opportunity para lumabas.

Gusto ko sanang pumasok sa unit ko at doon ikulong ang sarili ko, pero hindi ko nadala ang susi at naiwan doon sa table sa kwarto niya.

Hindi ko alam pero kusang kumikilos ang mga paa ko at nadatnan ko ang sarili ko sa isang bus stop malapit sa condominium. Umupo ako doon sa bench tsaka tumingala.

'Bakit kailangang mangyari to saakin? Bakit kailangang pagdaanan ko ang bagay na to? Bakit sa dinami-dami ng tao, si Nick pa na minahal ko?' So many questions ang bumabagabag sa isipan ko.

Biglang tumunog ang cellphone ko, pagtingin ko kung sino, Si Kyle. Hindi ko sinagot kasi nahihiya ako sa kanya. Nahihiya ako sa kanila.

Maya-maya pa'y nakareceived ako ng text galing kay Kyle

I opened his message.

'Elle, nasaan ka? Sagutin mo ang mga calls ko sayo please. Bumalik ka dito sa unit please, Elle.' Hindi ko siya nireplayan at sa halip ay in-off ang cellphone ko.

Masama ang panahon ngayon, tila ba nakikisama rin sa nararamdaman ko ngayon. Bigla akong pumikit dahil bumigat ang pakiramdam ko.

"Elle..." Namulat ako dahil sa tawag saakin ng isang pamilyar na boses. Paglingon ko, tama nga ako.

"Kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala!" Sabi niya at niyakap ako.

"May masakit ba sayo? Anong gusto mo?" Tanong niya saakin.

"Si Nick..." Biglang sabi ko habang tinitignan siya ng seryoso.

"Huh?" Naguguluhang tanong niya. "Si Nick.." Pag-uulit ko sa kanya.

"Nasa Pulis Station siya ngayon, nakakulong dahil sa ginawa niya sayo." Sabi niya. Humarap ako sa kanya, at muling tinignan siya ng seryoso.

"Palayain niyo na si Nick." Sabi ko. Bigla naman siyang tumingin saakin na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Are you out of your mind, Elle? Seryoso ka ba sa sinasabi mo? Palalayain mo ang taong muntik ka ng gahasain?!" Galit niyang sabi saakin. Tumingin ako sa malayo, at ngumiti ng mapakla.

"Nick was my first boyfriend." Panimula ko. "Huh?" Nagtataka niyang sabi.

"Hindi naman ganyan si Nick dati eh. Ang Nick na nakilala ko't minahal ko, mabait, malambing, at hindi ako sasaktan kaya nga kami umabot ng limang taon eh. " Napabuntong hininga ako habang inaalala yung nagdaan saamin.

"Pinaglaban ko siya kahit hindi siya gusto ng mga magulang ko. Mas pinili ko siyang makasama kaysa kila mama't papa. Masaya naman kami dati eh. Nagmamahala't naguunawaan sa isa't-isa." Sabi ko. Taimtim siyang nakikinig saakin.

"Pero isang araw bigla niyang sinabi saakin na ayaw niya na, na hihiwalayan niya na ako. At first, hindi ko maintindihan kung bakit, kung nagkulang ba ako, or dahil sa hindi ko binibigay yung 100% na pangangailangan niya. " Mukhang nagets niya naman ang ibig kong sabihin doon.

"Pero kagabi, habang lasing na lasing si Nick, doon ko nakita kung gaano siya kamiserable. Doon ako nakaramdam ng awa sa kanya at yung ginawa niya saakin? Hindi ako nagalit sa kanya, pero naiinis lang ako kasi sana tumawag ako ng makakasama ko papunta doon sa unit niya. " Dagdag ko

"But hindi pa rin tama ang ginawa niya sayo, Elle. Sinaktan ka niya, muntik ka na niyang gahasin, pero here you are, siya pa rin yung iniintindi mo!" Hindi makapaniwalang sabi ni Kyle saakin.

"You don't understand, Kyle. Inabandona siya ng kanyang mga magulang, at iniwan na rin siya ng kanyang girlfriend. Iniisip niya na napakawalang silbi niya bilang isang tao. Kaya please, palayain niyo na siya." Sabi ko sa kanya.

"Pero paano ka? Hindi ka ba nun babalikan?" Tanong niya saakin.

"Hindi. Nararamdaman ko na andoon pa rin yung Nick na minahal ako at minahal ko. Kaya, please Kyle.." Pagmamakaawa ko..He sighed at tumingin saakin na parang alien ako.

"You're really unbelievable, alam mo ba yun?" Tanong niya ulit. "I know now." I fake a laugh. Tumayo ako at naglakad palayo sa kanya.

"Wait, saan ka na naman pupunta?" Tanong niya saakin.

"Gusto kong mapag-isa, Kyle. Iwan mo muna ako." Sabi ko na hindi humaharap sa kanya.

"Kailangan mo ng makakasama, Elle!" Sigaw niya at nararamdaman kong nakasunod siya saakin.

"Kyle, I said, I want to be alone." Pag-uulit ko sa kanya.

"Hindi kita iiwan, Elle." Sabi niya at hinablot ang kamay ko

"Pero lahat ng mga nagsabi niyan saakin, iniiwan pa rin ako." Sabi ko.

"Elle...." Tawag niya saakin.

"Bitawan mo na ang kamay ko Kyle. Gusto ko lang talaga mapagisa." Sabi ko.

"Bakit ka ba ganyan? Bakit ba ang hilig-hilig mong mag-alala ng mga taong nakapalibot sayo? Bakit sinasarili mo yung nangyari sayo? Walang may kagustuhan yang nangyari sayo, Elle. Tandaan mo lagi na may mga kaibigan ka na handa kang alalayan sa muling pagbaon mo!" Sabi niya at biglang umulan. Wow! Great timing!

"ANO BANG PAKIALAM MO SA BUHAY KO KYLE?! BAKIT ANG HILIG MONG MANGHIMASOK SA BUHAY KO?!" Sigaw ko sa kanya.

"DAHIL ALAM KONG MAHINA KA, ELLE! DAHIL KAHIT ANONG TAPANG NG PINAPAKITA MO SA MGA TAONG NAKAPALIBOT SAYO, PERO HINDI MO MATATAKPAN SAAKIN NA MAHINA KA PA RIN. NA MADALI KANG MASAKTAN!" Sigaw niya saakin at hinawakan ako sa magkabilang braso.

"ANONG ALAM MO SA BUHAY KO KYLE? EH WE'RE JUST F*CKBUDDIES LANG!" Galit na sigaw ko sa kanya.

"Marahil nga na yan ang tingin mo saakin, pero iba ang tingin ko sayo, Elle. Kaibigan ang tingin ko sayo, at wala akong pakialam kung anong tingin mo saakin!" Sabi niya.

"Gusto kong mapag-isa, Kyle.." Utos ko sa kanya. Pero umiling siya.

"No.. Kahit anong gawin mo, hinding-hindi kita iiwang mag-isa." Matigas niyang sabi.

"BAKIT BA ANG KULIT-KULIT MO?!!!" Sigaw ko sa kanya.

Ngumiti siya at umiling saakin.

"KASI GAYA NG MAMAHALING BABASAGIN, KAILANGAN KANG INGATAN KASI MADALI KANG MADUROG AT MASAKTAN." May pagsusuyo sa kanyang sigaw. Para na kaming sira dito. May dala-dala siyang payong pero hindi niya ginagamit saamin, kahit kailan talaga to!

"BAKIT NAGDALA KA PA NG PAYONG KUNG HINDI MO NAMAN PALA GAGAMITIN?! SIRA KA BA?!" Inis na tanong ko sa kanya.

"Ito ba? Edi gamitin natin." Sabi niya at binuksan na nga ang payong at itinapat saaming mga ulo.

"Bakit ka ba ganyan, Kyle? " Tanong ko sa kanya.

"Kasi alam kong kailangan mo ng kaibigan ngayon." Sabi niya at ngumiti saakin. A sincere smile.

"Daming mong alam." Sabi ko tsaka ngumiti ng konti.

"Ayan, ngumingiti ka na. Mas maganda sayong nakangiti. Huwag ka nang magdrama, di bagay sayo!" Pang-aasar niya sakin. Tumingin siya saakin, ganoon rin ako.

"Kyle...." Tawag ko sa kanya.

"Elle...." Tawag niya saakin. Maya-maya pa'y unti-unting lumalapit ang kanyang labi sa labi ko. Napapikit ako..

Kasi...

While the heavy rain is pouring down.....

And under the umbrella he's holding on....

With this Knight in Shining Armour in front of me..

Our lips abutted..