ELLE
"Sigurado ka bang kaya mo nang mag-isa dyan sa unit mo? Handa naman akong samahan ka dyan tutal wala naman na akong gagawin." Pag-uulit na tanong ni Kyle saakin. Yes, nasa unit na ako ngayon.
"Ano ka ba Kyle, okay lang ako. Tsaka ilang years na rin akong magisang nakatira dito kaya carry ko na to." I said more convincing to him. Tinignan niya ako tsaka nagbuntong hininga.
"Fine. Kung yan ang gusto mo pero in case na kakailanganin mo ng makakasama, huwag kang mahihiyang tawagan ako ah?" Sabi niya ulit saakin. Tumango ako tsaka pumasok na sa unit ko.
Pumasok ako sa bathroom ko at nagbabad doon sa bathtub tsaka pumikit. Nagstay ako doon ng mga 10 minutes tipong patulog na ako, tsaka naisipang magbanlaw. Pagkatapos ay nagbihis na ako tsaka bumaba para maghanda ng makakain. Hindi nga pala ako nakapagbreakfast kanina dulot ng kadramahan ko.
Pagkatapos kong magluto, nilapag ko agad ang niluto ko sa mesa at inumpisahan ng kumain. Maya-maya pa'y may nagdoorbell sa unit ko. Tumayo ako para tignan kung sino to. Nagulat ako dahil ang mama ni Nick ang nandito.
"Elle...." Tawag saakin ni Tita Violeta. Tsaka niya ako bineso.
"Tita? Napadaan po kayo? Nga pala, samahan niyo na po akong kumain." Yaya ko sa kanya.
"Dinalhan kita ng paborito mong pizza.." Sabi niya tsaka iniabot saakin yung box ng pizza. Kinuha ko ito tsaka nilagay sa mesa.
"Sabay na po natin itong kainin, Tita..Hindi ko po ito mauubos ng ako lang mag-isa eh. Hahaha." I tried to laugh just to cover up the awkwardness. Ngumiti naman si Tita tsaka umupo sa harap ko.
"Kumusta ka na? Nabalitaan ko yung nangyari sayo kagabi, gusto kong humingi ng tawad sa ginawa ng anak ko sayo, Elle." Sabi ni Tita. I shook my head and held her hand.
"No Tita, wala po kayong kasalanan kaya you don't have to say sorry.." Sabi ko tsaka ngumiti ng kaunti. Tinignan ako ni Tita at hinawakan rin ang kamay ko na nakahawak sa kamay niya.
"No Elle. Kasalanan ko ito. Kasalanan namin to ng Tito mo dahil pinabayaan namin na magkaganoon si Nick. Hindi namin siya ginabayan ng maayos kaya please Elle. Forgive us. Kami ng Tito mo.." Malungkot na sabi ni Tita Violeta saakin. Huminga ako ng malalim tsaka ngumiti sa kanya.
"Ganoon naman po ata ang buhay, Tita. Kung nagkulang ka, may consequences yun, pero kapag sumubra ka, may consequences pa rin ang darating sa buhay mo. Kaya huwag na po kayong malungkot Tita. Okay lang po iyon saakin." Sabi ko sa kanya at ngumiti. Ngumiti naman si Tita pero may halong kalungkutan iyon.
"Nagsimulang magkaganoon si Nick simula nang maghiwalay kayo Elle." Naguluhan naman ako sa sinabi ni Tita.
"Ano po yun Tita?" Tanong ko ulit. "Nagbago si Nick simula nung maghiwalay kayong dalawa. Tinatanong namin siya kung bakit kayo naghiwalay, ang sabi niya lang, hindi daw siya deserving sa pagmamahal mo. Parang hindi niya gustong pag-usapan yun kaya hindi na kaming muli pang nagtanong sa kanya. Pero...." Nakita kong nagbuntong hininga si Tita at naging malungkot.
"Okay lang po, Tita. Kung hindi niyo po kayang magsalita, okay lang po saakin.." Sabay ngiti ko kay Tita pero umiling siya.
"No, may karapatan kang malaman ito, Elle." Sabi ni Tita.
"Tubig po, Tita? Gusto niyo?" Sabay abot ko ng isang glass of water sa kanya. Kinuha niya naman ito saka ininom.
"Salamat." Sabi niya. "Pero akala namin, hindi ganoon yung magiging epekto ng hiwalayan ninyo ni Nick. Naging lasingero siya, at kadalasan, inuumaga na siya ng uwi.. Laging galit at medyo hindi na namin nakakausap ng maayos.." Mas lalo naman akong naguluhan sa sinabi ni Tita.
"Pero Tita, nakita ko po siya isang araw sa bar na may kasamang babae, at nagpost rin po siya ng picture nilang dalawa ng bago niyang girlfriend.." Saad ko.
"Si Martha Diaz ba ang tinutukoy mong bagong girlfriend ni Nick? Tama ba ako?" Tumango ako sa tanong ni Tita.
"Yun din ang pagkaka-alam namin ng Tito mo. Pero one day, pinuntahan kami ni Martha. Umiiyak at parang may pasa pa sa kanyang braso..." Napatakip naman ako ng aking bibig sa narinig ko kay Tita Violeta.
"May pasa? Tita, sinasabi niyo po bang ---" Nagulat ako nang biglang umiyak si Tita sa harap ko. Nilapitan ko naman siya tsaka niyakap at niyugyog ang kanyang likod.
"Hindi ko alam kung bakit nagkaganoon si Nick. Naging bayolente siya, tipong pati kaming mga magulang niya, sinasaktan niya. In a way na hindi na siya nakikinig pa saamin kaya siguro gumawa kami ng pinakamabigat na decision...." Biglang tumigil si Tita sa pagkukwento tsaka huminga ng malalim...
"We abandoned him as our son. Mabigat at mahirap man gawin, pero ito lang ang nakikita naming way na kung sakaling, marealize ni Nick ang ginagawa niyang kamalian, eh bumalik siya saamin. Pero hindi pala. Tsaka namin malalaman yung nangyari sayo. Kaya humihingi ako ng kapatawaran sayo Elle, patawarin mo kami sa kapabayaan namin, at sa ginawa na rin ni Nick..." Saka umiyak si Tita.. Nagulat ako pero niyakap ko siya.
"Pinapatawad ko na po kayo ni Tito, Tita. Pupuntahan ko po si Nick mamaya..." Sabi ko saka ngumiti sa kanya.
"Maraming salamat, Elle. Napakabait mo talagang bata ka.. Salamat talaga" Sabi ulit ni Tita saka ako niyakap ng mahigpit. Di nagtagal, nagpaalam na si Tita saakin at umalis na sa unit ko...
Ako naman, tumayo at kinuha ang cellphone, tsaka ang susi ko. Pagkatapos ay lumabas ako sa unit ko at dumiretso sa parking lot..
Hindi na ako nag-abala pang tawagan si Kyle or si Patty at si Vanessa. Makaraan ang ilang minuto, pinahinto ko na ang kotse ko. Bumaba ako sa kotse ko tsaka pumasok sa prisinto. Tama, nasa prisinto ako ngayon.
"Good morning. I came here for Mr. Nick Javier.." Sabi ko doon sa police officer na nakaupo sa mesa.
"Pangalan po nila Ma'am?" Tanong niya saakin.
"Elle Lavender.." Tugon ko sa kanya. Tumango naman siya tsaka tumayo. "Sumama po kayo saakin Ms. Elle." Formal na sabi niya. Tumango naman ako tsaka sumama sa kanya.
"Upo muna kayo dito Ma'am. Sabihan ko lang po kayo kung pwede na po kayong pumasok." Tumango lang ako sa sinabi niya tsaka umupo sa labas.
"Ma'am Lavender?" Tawag niya ulit saakin.
"Yes?" Tugon ko sa kanya.
"You can come in na po." Sabi niya. Tumayo ako at nagpasalamat sa kanya.
Pagpasok ko sa office, nakita ko ang isang lalaking nakatalikod at nakayuko. Kahit hindi siya humarap saakin, kilalang-kilala ko na kung sino ang lalaking ito.
"Nick.." tawag ko sa kanya nung nasa harap niya na ako.
Unti-unti niyang iniangat ang kanyang mukha saakin at bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
"Elle! Salamat at dinalaw mo ako! Hindi mo lang alam kung gaano mo ko pinasaya ngayon!" Masiglang sabi niya. Hinawakan ko ang kanyang braso tsaka itinulak dahilan para matanggal ang pagkakayakap niya saakin.
"Elle, tungkol nga pala sa nangyari kagabi, gusto ko lang sabihin sayo na hindi ko sinasadya yun. Dahil siguro sa kalasingan ko kaya ko nagawa yun sayo. Please, forgive me Elle. Please.." Malungkot niyang sabi.
"Anong nangyari sayo, Nick? Bakit ka nagkaganyan?" Tanong ko sa kanya. Lalong nalungkot ang kanyang mukha.
"Actually, it's all my fault. Because of selfishness and being a jerk, kaya nagkakaganito ang buhay ko ngayon. Kahit ang mga magulang ko, sinusuway ko yung utos nila." He said while looking away.
Hindi ako kumibo, nakikinig lang ako, alam kong may mabigat pa na pinagdadaanan ang isang to.
"Elle, yung time na naghiwalay tayo, labis ang pagsisising naramdaman ko. Sising-sisi ako kung bakit kita hiniwalayan. Sising-sisi ako kung bakit binitawan ko ang babaeng walang ibang ginawa kung hindi ang mahalin ako, ipinaglaban mo ako sa mga magulang mo kahit ayaw nila saakin, pero ang ginawa ko lang ay sumuko..Sinukuan agad kita.." May biglang pumatak na luha sa mga mata niya pero agad niya itong pinunasan.
"Bakit mo ko hiniwalayan, Nick? Bakit?" Bakas sa boses ko ang galit at sakit. Tinignan niya muna ako bago sumagot.
"Bakit kita hiniwalayan? Dahil hindi ako nakuntento sayo. Hindi ako nakuntento sa ano lang ang pwede mong ibigay saakin. Iniisip ko dati na, limang taon na tayong magkarelasyon, pero bakit ayaw mo pa rin ibigay yung bagay na yun, gayon normal na lang naman yun sa panahon ngayon. Pero kamakailan lang bago ko narealize ang katangahan ko. Hindi ako nakuntento, binalewala kita at yun ang masakit." Sabi niya at muling nagpunas ng luhang kanina pang pumapatak.
"Hanggang sa sumama ako sa mga barkada ko, uminom, nagpakalasing, hanggang sa umabot ako sa pag-iinom ng pinagbabawal na gamot.." Napatakip ako ng bibig sa pag-amin niya
"A-anong ibig mong sabihing ipinagbabawal na gamot? You mean...." Tumango siya sa sinabi ko kaya literal na napanganga ako. I can't believe this!
"Tama ang iniisip mo, Elle. Kagabi, sabog na sabog ako sa ipinagbabawal na gamot, maliban sa kalasingan. Gusto kong tapusin na ang buhay ko dahil pakiramdam ko, wala nang silbi kung itutuloy ko pa tong buhay ko. Kaya siguro tinawagan kita at nagawa ko yung bagay na yun sayo." Biglang tumulo ang mga luha ko dahil sa mga sinabi niya.
"I'm so sorry, Elle. I'm very sorry.. Please,.kahit ito na lang ang maibibigay mo saakin. Ang mapatawad mo lang ako, sapat na yun saakin kahit hindi na tayo kahit wala ng tayo at wala nang magiging tayo.." Bigla siyang tumingin saakin. Yung tingin ni Nick na minsan kong minahal, nakita ko muli ang Nick na minahal ko dati. Umiiyak siya kaya tumayo ako at niyakap siya.
"It's okay. I understand. Tsaka, hindi ka pa man humihingi ng tawad saakin, pinatawad na kita, Nick." Sabi ko at ngumiti ako sa kanya. Ngumiti siya saakin kaya niyakap rin niya ako.
"Magpa-pa-rehab ako, Elle. Para sa pamilya ko, at para na rin saakin." Sabi niya. Muli akong ngumiti.
"Mabuti naman kung ganoon. Masaya ako dahil iniisip mo pa rin sila Tito at Tita.. I'm so happy for you, Nick.." Sabi ko sa kanya. Nagyakapan ulit kami.
"Paano, Nick. May closure na tayo ah?" Pagbibiro ko sa kanya. Tumawa naman siya pero halatang pilit.
"Elle, if ever.. If ever lang ah? If ever ba na, muling magkrus ang mga landas nating dalawa, at pareho tayong hindi pa pagmamay-ari ng iba, may chance ba na maging tayo ulit?" Bigla niyang tanong saakin.
"Who knows, Nick. Who knows..." Sabi ko na lang.
"I hope that it'll happen, Elle. I'm hoping..." Sabi niya.
Ngumiti lang ako sa kanya tsaka nagpaalam na.
"Goodbye, Nick.." I bid my goodbye to him.
"Goodbye, Elle..." He said but pain is very visible sa kanyang boses.
Umalis ako sa prisinto na magaan ang loob. Finally, may closure na rin kami ni Nick...
I wish nothing but the best for him..
Kahit hindi na kami...
Kahit wala ng kami....
At....
Kahit hindi na magiging kami....
Ayos lang yun saakin.....
Kasi.....
Hangad ko ang kaligayahan niya....
Kahit hindi na ako ang dahilan nun.....