ELLE
At dahil maayos na ulit yung pakiramdam ko at magaan na yung kalooban ko dahil nga may closure na saamin dalawa ni Nick, ay napagpasiyahan kong pumasok na sa trabaho kaya heto ako ngayon, naghahanda na..
Lumabas na ako ng unit ko after kong gawin yung mga daily rituals ko sa buhay, sumakay na ako sa kotse ko tsaka pinaharurot ito patungong company. Pinark ko agad pagkarating ko doon.
"Aba-aba, mabuti naman at pumasok ka nang bakla ka! Hindi mo ba alam kung gaano ako nastress kakasagot ng mga RUDE clients mo kahapon? Gosh, bakla!" Bungad agad ni Patty pagkakita niya saakin.
"Wala man lang bang 'Good morning' dyan? Required talaga na yan ang pambungad ninyo saakin?" Kunwaring tampo. Nakatanggap naman ako ng mahinang sapak kay Vanessa kaya napatingin ako sa kanya
"Aray ah! Para saan yun?" Tanong ko.
"Walang hiya kang babae ka! Pinag-alala mo kami ng bongga! Pero mabuti na lang talaga at okay ka na ngayon, kasi kung hindi, baka mapatay ko yung Nick na yun!" Galit niyang sabi.
"Speaking of Nick, kumusta na pala ang kumag na yun? Naaresto na ba?" Pag-uusisa ni Patty saakin. Umupo muna ako sa table ko tsaka sila sinagot.
"Well, binisita ko siya kahapon sa prisinto.." casual na pagkakasabi ko sa kanila.
"WHAT?!!/HUH?!!!" Gulat nilang dalawa saakin. Ang OA nila ah!
"Teka! Bakit mo naman siya binisita ah?! Nakalimutan mo na ba agad yung ginawa ng hayop na yun sayo ah?!!" Inis na sabi ni Vanessa.
"Listen, guys.. Huwag niyo namang husgahan agad si Nick. Oo, marahil gumawa siya ng masama saakin, pero minsan ba inisip niyo kung ano yung rason kung bakit niya ginawa yun saakin?" Tanong ko sa kanila. I saw them shook their heads.. "See? Hinusgahan niyo kasi agad si Nick, kaya nagagalit kayo sa kanya..Pero kung alam niyo lang kung ano yung pinagdadaanan niyo, baka sa halip na magalit kayo sa kanya eh maawa pa kayo.." Sabi ko at nagsimula ng buklatin yung mga folder na nakatambak sa mesa ko. Ang rami naman nito!!
"So anong kuwento babae?" Kahit kailan, tsismosa talaga nitong si Vanessa!
So ayun, kinuwento ko sa kanila ang nangyari kahapon, mula nang puntahan ako ni Tita sa unit ko, hanggang sa prisinto..
"Grabe nuh? Ganoon pala ang naging epekto nun sa kanya? I feel sorry naman kasi pinagsasalitaan natin siya ng masama behind his back..." Biglang sisi naman si Vanessa.
"Oo nga bakla, tsaka sayang ang gwapo niya pa naman sana. Ikaw naman bakla!" Sabay turo niya saakin.. "Sana sinabihan mo na lang si Nick na nandito lang naman ako na handa siyang saluhin at alagaan habang nagpapagaling siya!" Reklamo ni Patty saakin. I saw Vanessa rolled her eyes to what Patty said..
"Ang assumera mo talaga bakla noh? Tingin mo ba gagaling agad si Nick pag ikaw ang mag-aalaga sa kanya?! Baka mas pipiliin nun ang mamatay sa alak or di kaya'y magpapakamatay na lang kaysa makasama ka noh!" Nilapitan naman siya ni Patty tsaka hinila ng mahina ang buhok niya.
"Anong sabi mo bakla ah?! Insecure ka lang saakin kaya ganyan ka ka-bitter ano?! Nako, dalas-dalasin mo ang pagkain ng matatamis na pagkain para naman mabawasan na yang kabitteran mo bakla!!" Sabi ni Patty tsaka tumawa.
"Excuse me, bakla! Una sa lahat, hindi ako mahilig sa ampalaya. Pangalawa hindi ako bitter sayo. Pangatlo, bakit naman ako maiinsecure sayo? Eh meron ako na wala ka! Ano? Kailangan ko pa bang ipamukha sayo yung kakulangan mo ah?!" Pangbwibwisit ni Vanessa kay Patty.
"WAAAAHHH! WALANG HIYA KA TALAGANG BABAE KA!!" Tili ni Patty at pinagpapalo si Vanessa.
"ARAY! HAHAHAHAHA!" Mga sira talaga to. Maya-maya pa'y dumating na si Kyle..Mukhang haggard siya ah?
"Uy, si Papa Kyle.. Good morning.." Pacute na bati ni Patty.
"Shocks! Isa ka talagang malandi! Kanina, si Nick ang iniisip mo, ngayon naman si Kyle na!" Hindi siya sinagot ni Patty at inirapan lang siya nito. Ngumiti naman saamin si Kyle pero parang may mali sa kanya? .
"Parang may kakaiba kay Kyle ngayon, pansin niyo?" Biglang sabi ni Vanessa saamin. Napatingin naman ako sa kinalulugaran ni Kyle, parang may something nga.. Hindi ko lang matukoy kasi abala siya sa kanyang laptop.
"Ayy, mamaya na nating itutuloy itong chikka natin mga bakla! Work muna bago tsismis at baka mapatay tayo ni Boss pag nakita niyang nakikipagtsismisan lang tayo dito!" Sabi ni Patty, tumawa kami tsaka sumang-ayon sa sinabi niya. Pero palaisipan pa rin saakin kung anong meron kay Kyle ngayon or maybe we're just imagining things?
Gaya nga nang sinabi nila, nagsimula na kaming magtrabaho.. Bandang 10 am ng magpasiyang magtungo sa kusina para uminom ng kape.. Habang tinitimpla ko ang kape, nakikita ko si Kyle na parang minamasahe ang kanyang ulo..
'Masakit ba ulo ni Kyle?' Bulong ko sa sarili.
"Huh? May sinasabi ka ba, Elle?" Bigla akong lumingon kay Denise. Katrabaho ko rin dito sa company.
"A-ah, wala. Don't mind me na lang.." Sabi ko sa kanya saka ngumiti. Ngiti lang ang naging tugon niya saakin saka bumalik sa kanyang cubicle..
Bumalik na rin ako sa table ko dahil kailangan kong humabol dahil may mga deadlines na itong nasa mesa ko..
Bandang 12:15pm nang mapagdesisyunan namin na maglunch muna since nagugutom na rin naman ako.
"Oh Kyle! Sasabay ka ba saamin na maglunch?" Rinig kong tanong ni Vanessa.
"A-ah oo. Tara na?" Yaya niya saamin. Tumango naman kami. Saka kaming nagsimulang maglakad papuntang cafeteria. Nasa likod kami ni Kyle, pero kapansin-pansin nga na tila may kakaiba sa kanya. Mukhang matamlay siya ngayon.
"May problema ba si Kyle? Bat parang hindi ka niya kinukulit ngayon, bakla?" Patty asked me. I just shrugged my shoulders to them tsaka muling tinapunan ng tingin si Kyle.
Nakaorder na kami, at hinihintay na lang namin si Kyle. Di nagtagal, natatanaw na namin siya na may bitbit na isang tray. Nilagay niya muna ito sa mesa namin at kumuha ng kutsara't tinidor pero laking gulat namin na habang papalapit siya ulit sa table namin ay bigla siyang natumba.
"Kyle?!!" rinig naming sigaw ng katrabaho naming si James.
"Anong nangyari kay Kyle?!" Gulat na tanong ni Patty. Tumayo kaming lahat at pinuntahan si Kyle..
"Nahimatay si Kyle!" Rinig kong sigaw ni James. Hindi ko na narinig ang sunod niyang sinabi, basta ang tumatak sa utak ko, ay nahimatay si Kyle..
Nahimatay si Kyle....
Hindi agad naabsorb ng utak ko yung narinig ko...
Hanggang sa....
KYLE IS WHAT?...