Chereads / SWEET BOOSTER / Chapter 8 - CHAPTER SIX

Chapter 8 - CHAPTER SIX

"Gusto kitang ilayo sa daddy ko. Naadik siya sa karera at lahat ng lupain namin, naisanla na niya. I investigated about that. Alam kong may negosyo siyang itinayo pero hindi ako naniniwala na doon napunta ang lahat ng pera." Anito saka siya muling tinitingan. "My brother even heard he will give to you the money."

Nagkaroon ng mahabang katahimikan sa pagitan nila. Biglang-bigla siya sa sinabi nito pero hayun siya, hindi makuhang makapagsalita. Inisip niyang maigi mula simula at doon niya napagugnay ang lahat: kaya marahil todo diga ito sa kanya ay iyon ang dahilan nito.

"I was really mad at you, damn it…" anito saka marahas na napabuga ng hangin. "I was thinking… you're using my father. He was too old for you at hindi ako naniniwala na seryoso ka sa kanya. That's why I did everything to caught your attention,"

"At nagtagumpay ka, Elixir," mapait na amin niya. Pigil na pigil ang damdamin. Gusto niyang magwala ng sandaling iyon pero pinamahid na siya ng sakit na nadamarama niya. Labis siyang nasaktan dahil lahat pala ng ipinakita nito ay para lamang pasakayin siya at ilayo sa ama nito dahil sa maling paniniwala. Nakakawasak iyon ng puso. Pakiramdam niya ay gula-gulanit na iyon sa loob ng dibdib niya. Basag na basag ang pantasya niya!

"At ngayon? Wala ka ng mahihita sa akin. Nabawi na ng daddy mo ang mga lupain ninyo. Nakwento rin niyang nailipat na niya ang pinakamalaking pagaari niya sa'yo. Nasaktan mo na ako ng husto. Ano pa ba ang kulang?" aniya saka galit na itinulak ito sa dibdib. Pinigilan niyang huwag maiyak pero peste! Marahas niyang pinunasan ang luhang naguunahang pumatak.

Asang-asa pa siya at todo na sa pangangarap, 'yon pala ay may motibo ito? Natural lang na masaktan siya! Doon niya napatunayang minahal niya ito. Naniwala siya sa mga nakita niya rito. Nangarap siya, inisip ito ng madalas. Nagalala siya rito, naging concern siya rito. Kinilig siya ng todo. Natunaw siya at higit sa lahat, pinasaya siya nito. Tapos ay sasabihin nito iyon? Lalong sumama ang loob niya.

"Please…" pakiusap nito saka desperadong nahagod ang buhok. "I'm sorry for being judgmental… I'm so sorry for everything… I know, I should leave you alone but I can't. Tinatanong mo kung ano ang kulang? Ikaw, Cherry. Ikaw lang ang kulang,"

"Manloloko ka!" masamang loob na saad niya. Pinagtutulak pa rin niya ito sa dibdib dahil ayaw niyang maniwala sa sinasabi nito at doon niya napagtantong malalim ang naging pagmamahal niya dito. Na sa labis na pagmamahal niya rito ay labis din siya nitong nasaktan.

Mabilis nitong hinuli ang mga kamay niya at hinigit siya nito palapit. Pumalag siya pero naging mabilis ang kilos nito at agad siyang naisandal sa pader. Nagkatitigan sila nito at nagkaroon ng matinding lambong ang mga mata nito. Nandoon ang matinding pagsisisi at takot at halatadong nilalakasan lamang nito ang loob.

"Akala mo ba, naging masaya ako?" anitong nagsusumamo. "Hindi, Cherry. Nagiging kuntento lang ako kapag magkasama tayo. Aaminin ko, noong una ay ginawa ko lang para pasakayin ka pero nagbago ang lahat ng makilala kita. Bumawi ako sa lahat ng iyon, Cherry. Maniwala ka… I do really want to take good care of you. I do really care for you… please… believe me…" anitong nagsusumamo. Namumula na ang mga mata nito. Halatadong nais ng maiyak ngunit nagpipigil lamang.

Nanginig ang baba niya para kontrolin ang sariling mapahagulgol. Nanakit ang lalamunan niya at ang hapdi-hapdi ng puso niya. Inipon niya ang lahat ng lakas para kumawala dito at nagtagumpay siya. Pinatigas nito ang kalooban niya at hindi siya nito masisisi. Nasaktan siya at ibang klase pala kapag ganoong klaseng sakit ang tumama sa kanya. Nakakamanhid iyon ng dibdib. Ni hindi siya makapagisip ng tama.

"Lahat ng ipinakita ko at ginawa ko para sa'yo, totoo 'yon. I want us to be formal… I want to be honest… hindi magiging patas kung itatago ko sa'yo ito. I want you to know everything... please, think about this… don't just shut me out…. Please…" pakiusap nito sa kanya.

Pero hindi siya nagpadala sa mga mata nitong todong nakikiusap. Ilang beses siyang naloko noon at sumumpa siyang hindi na magtitiwala rito.

"Uuwi na ako." Matigas niyang saad saka marahas na hinablot ang siko rito. "Huwag ka ng magpapakita sa akin kahit kailan. Naiintindihan mo?" asik niya rito saka ito muling tinulak sa dibdib. "Ang dapat sa'yo, nahihiya na sa mga ginawa mo!"

Napatingin ito sa malayo at napakurapkurap. Nang muli siya nitong tingnan ay tumindi na ang pamumula noon. "I'm really, really sorry for everything…"

Nanikip ang dibdib niya sa nakikitang paghihirap nito. Kung nahihirapan ito, mas lalo na siya dahil nagtiwala siya at minahal ito.

"I understand your anger and I'm so sorry… god… I'm really sorry…" anas nito at pinilit siya nitong niyakap pero hinawi niya ang kamay nito. Halatadong nasaktan ito sa ginawa niya pero hindi siya nagpadala. Mahirap na. Baka mayroon na naman itong pinaplano, mabola na naman siya nito kaya never na siyang makikinig rito!

Isang masamang tingin ang iginawad niya rito bago siya lumabas ng bahay. Taas-baba ang dibdib niya sa labis ang galit! Labis din siyang napahiya sa sarili. Isa siyang tigasin pero nauto siya. Nagtiwala siya agad dito kaya buwisit lang talaga ang walang ganti.

Dahil sa labis na galit ay muli siyang napaiyak hanggang sa marahas niyang pinunasan ang mga luha. Hindi na talaga ito makakalapit pa sa kanya kahit kailan. Sumpa man!

"GOD… SHE'S not answering any of my calls…" anas ni Elixir nang maging out-of-reach na ang numero ni Cherry. Desperadong nahagod niya ang sentido. Magiisang linggo na siyang tuliro dahil sa galit ni Cherry. Hindi siya makatulog kakaisip dito at labis na siyang nagaalala.

Hindi siya nito hinaharap sa bahay at maging sa Sta. Ana. Dama niya ang matinding galit nito sa kanya. Noong simula, sinosopla pa siya nito pero umabot na sa puntong iniignora na siya nito at natuturete siya. Hindi maaaring mauwi sila sa ganoon.

He sighed and thought about her again. Cherry didn't know what she was capable of. She has the capacity to lose every man's sanity. Kahit nakikita niya kung paano ito makipaghuntahan sa mga kabaro niya, sa pagtalikod naman nito'y hinahabol ito ng tingin. Kulang na lang ay mapapitik ang mga kapwa nitong hinente sa labis na panghihinayang. Sa kabila kasi ng angas nito, babae pa rin itong nagtataglay ng magandang tindig at pangangatawan. Isama na roon ang simpleng kagandahan nito. He must admit being one-of-the-boys made her more beautiful. Marahil, kaya nakahiyaan na itong pormahan sa Sta. Ana dahil kapag napalapit na dito'y nakakahiyang ligawan na.

He was so sure he was misled. Nang magsimula na siyang pormahan si Cherry sa unang pagkakataon—para sa simpleng paraan ay maipabatid niya sa ama na hindi bagay si Cherry dito dahil lalo niyang ikinagalit ang tagpong naabutan—ay panay ang bukambibig ng ama na bagay raw sila. That Cherry was the daughter he never had and he found out why.

Napansin niyang habang tinititigan ito ng matagal ay may hawig ito sa namayapa nilang ina. Silang magkapatid ay nakuha ang mukha ng ama. Minsan, nasabi rin nito na kung pinalad lamang itong magka-anak ng babae, siguradong kamukha iyon ni Cherry. At sa mga pagbibida nito sa kanya ay nasisiguro niyang walang halong malisya iyon.

Siya lamang ang sira ulong nagbigay! Aaminin niya, naging judgemental siya at naunahan ng galit at pagaalala. That's why, out of instinct, he went to Sta. Ana and met her. Nang makita niyang hawak ng ama ang kamay nito, nagalit siya at nabulag. Napakabata naman kasi ni Cherry para sa ama at isa pa, talagang hindi niya gusto ang ideyang iyon. It was so sick! Wala sanang problema kung kasing edad lamang nito ng ama niya pero kasing edad niya ito.

Pero kinompronta niya ang ama at natawa ito sa kanya. Ipinaliwanag nitong sa lending napunta ang pera at mababawi na rin iyon. Gayunman, hindi pa rin siya napakali kaya sumige siyang digahan si Cherry. But instead of hating her deeply, he found himself missing her. He wanted to hear her voice, her laughters. He even missed the way she talks. Mala-siga man, it amuses him more. He thought, there was really something in her that really hooked him.

Sa tuwing kasama niya ito ay nalilimutan niya ang lahat ng kanyang plano at galit. Para siyang ibang tao at aaminin niya, nakaramdam siya ng kakaibang kaligayahan sa tuwing nakikita ito. Marahil, nakikita niyang malayo ang personalidad nito sa imaheng naitanim sa isip niya kaya lalo pang nagbago ang pagtingin niya rito.

Lalo na ng maliwanagan siya. Nagkausap na sila ng ama tungkol sa lupa at sa ngayon ay nasa pangalan na niya iyon. Mukhang hindi rin nito pinansin ang pangiintriga niya noon dito at kay Cherry pero iisa lang ang naging mensahe nito noon: na iba si Cherry sa lahat ng babae kaya ibahin rin niya ang trato.

He knows he should stop. Wala na siyang pakay pa pero hindi niya mapigilan ang sarili. He was still thinking about her, missing her so damn much. Hindi niya ugaling alamin ang kinaroroonan ng isang babae lalo na't hindi niya kaanu-ano.

Pero nabago na ang lahat. May mga bagay siyang nasasabi rito na hindi niya sukat akalaing magagawa niya. Sure he knows how to play with words but damn! Saying and admitting what he really felt was never been him. Pagdating kay Cherry, nawawalan siya ng kontrol sa mga bagay na dating alam niyang i-handle at nako-kontrol niya ang mga bagay na dating hindi. He never tried to court any woman. He knows the easiest way but he refuse to go that way. Gusto niyang madama nito na isa itong babae at nais niyang makita nito na isa siyang lalaking handang manuyo dito.

Gaya na lamang ng sandaling iyon. Nasisiraan na siya ng ulo kakaisip kung paano aalisin ang galit nito. Nagpadala siya ng mga bulaklak dito, araw-araw. May kasama rin iyong cards na siya mismo ang nagsulat ng mensahe. How sorry he was… how he misses her… how it hurts him too knowing he hurted her. Pero wala siyang nakuhang sagot mula rito.

Napabuntong hinga siya. Marahil, karma na niya iyon sa hindi pagseseryoso noon sa babae at sa mga ginawa niya kay Cherry. He even dumped Denise. Kahit casual lang ang relasyon nila ay naging pormal pa rin siyang kausapin ito. He was so glad that it was fine. Nabo-boring na rin daw itong kakahintay sa kanya dahil magmula ng makaramdam siya ng kakaiba kay Cherry ay iniwanan na niya ang lahat ng ganoong gawain. Maging ang masidhing kagustuhan niya sa lupa ay tila nilipad na sa langit.

Her simplicity caught his attention. Aaminin niya, kahit kailan ay hindi nag-stand out sa kanya ang tipo nito. He used to date beautiful woman but those doesn't mean anything to him now. Marahil, sa una palang ay nabighani na siya rito pero inignora na lamang iyon dahil sa mga negatibong damdamin. But now he was so sure of it. Although she was so simple, he still found her beautiful. She possessed a kind of beauty that his heart only saw…

Muli siyang sumubok na tinawagan ito at nahigit niya ang hininga ng mag-ring iyon.

"Come on, honey… pick up the phone… I just want to hear your voice…" mahinang pakiusap niya.

Tumalon ang puso niya ng sagutin nito iyon. Pero bago pa siya nakaporma ay tinalakan na siya nito.

"Nalo-lowbatt na ako kakatawag mo, ah. P'wede ba, Elixir? Tantanan mo ako!" asik nito sa kanya at agad na pintay iyon.

Napahinga siya ng malalim at napasabunot sa buhok. Though he felt glad hearing her voice again, na-frustrate din siya sa obvious na galit nito. Kung maaari lang iyong kuhanin sa puso nito ay ginawa na niya at itatapon para huwag itong mahirapan. Alam niyang mabigat iyon sa dibdib nito at dalangin niya na sana ay makuha nitong patawarin siya. He sighed and prayed. Iyon na lamang ang kakampi niya ng oras na iyon: ang magdasal at pagdusahan ang lahat.

He felt desperate more.