Chereads / SWEET BOOSTER / Chapter 12 - CHAPTER TEN

Chapter 12 - CHAPTER TEN

"Huwag kang magkikilos dito sa bahay, anak. Hindi bale, kapag natapos na naming ayusin ang mga papeles mo, makakaalis na kayo ni Sir Arturo," anang ama ni Cherry at tinakpan ang ilang pagkain sa mesa.

Napahiga siya sa sofa. Lalabas ito para ayusin ang ilang papeles niya. Ang dalawang kuya niya ay nagpunta na sa Sta. Ana at gabi na ang balik. Siya lamang ang matitira sa bahay. Nakakabagot man, alam niyang wala naman siyang ibang choice kundi ang huwag pwersahin ang kaliwang kamay niya.

Hindi pa rin niya iyon masyadong naitataas at normal lang daw iyon. Ang sabi ng doktor niya, lubusang gagaling daw iyon kapag sumailalim na siya sa theraphy. Ilang araw palang naman siyang nakakalabas ng ospital at sakto lamang ang itatagal niya habang hinihintay ang papeles niya.

"Pinabibigay ni Elixir," untag nito sa kanya at inilapag ang ipod sa mesa. Namasa ang mga mata niya at napakurapkurap siya. Ngayon naman, gadget ang binibigay nito? Matapos siya nitong paulanan ng bulaklak, mukhang nakaisip ito ng panibagong gimik? "Para hindi ka daw mainip, makinig ka daw muna ng music. Anak… ano ba talaga ang nangyari?"

Nakabuntis siya 'tay at gusto niyang magpakasal kami… pero hindi ko kaya… hindi ko matanggap… masakit sa akin at pakiramdam ko, nasa alanganing sitwasyon ako… paano ko tatanggapin ang ganoon 'tay? Piping sagot ng puso niya pero hindi niya magawang sabihin iyon. Walang alam ang mga ito dahil nanahimik lamang siya sa kabila ng paguusisa ng mga ito.

Napabuntong hininga ito at malungkot na umalis. Alam niyang nalulungkot ang mga ito sa sinapit niya pero nanatiling tikom ang bibig niya. Mas maigi na ang ganoon para wala ng problema.

Nag-movie marathon na lamang siya sa bahay. Nakailang palabas siya hanggang sa nagsawa siya. Bigla siyang napatingin sa ipod na nasa mesa. Wala sana siyang balak na galawin iyon pero na-curious siya sa mga laman na kanta. Napahinga siya ng malalim ng madinig ang mabining kanta ng 98 degrees. Nakakarelax iyon at hinayaan na lamang niya iyong tumutugtog.

Napatingin siya sa kisame at hindi niya maiwasang isipin si Elixir. Ang mga ginawa nito para sa kanya… ang masasaya nilang sandali. Ang mga harutan nila at biruan. Ang mga pagaasikaso nito sa kanya…

Napakurapkurap siya at pinagalitan ang sarili. Hindi na niya ito dapat na iniisip sa ganoong paraan. Ni ang isipin niya ito ay hindi na dapat. Wala na sila nito at dapat niyang pagaralan na kalimutan ito. Hindi na niya hahayaan pang saktan siya nitong muli. Kahit sabihin nitong mahal siya nito, hindi pa rin noon mabubura ang sakit, pait at sama ng loob na nadama niya sa sitwasyong iyon.

Nakatulugan na niya ang pagiisip. Nagising na lamang siya ng maramdamang nakakumot na siya at dinig niya ang pagtunog ng ilang kubyertos sa kusina. Iignorahin na lamang sana niya iyon ngunit muli siyang napamulagat dahil hindi pa oras ng paguwi ng mga kasama niya sa bahay.

Napabangon siya at agad na nagtungo sa kusina. Nanikip ang dibdib niya ng makitang naghuhugas si Elixir at dinagsa siya ng matinding damdamin. Bigla niyang naalala ang birthday niyang ito ang halos lahat nagasikaso. Mula sa pagising niya ng umaga, sa pamamalengke, pagluluto at paghuhugas ng pinggan.

Namasa ang mga mata niya at napakurapkurap siya. Lalong sumama ang loob niya dahil hindi na iyon mangyayari. Balewala na ang lahat ng iyon dahil tapos na iyon. Hiniwalayan na niya ito dahil masakit para sa kanya ang makasama ito. At habang pinagmamasdan itong ginagawa muli ang mga bagay na nakapagpatunaw sa kanya noon ay sumumpa siya na hindi na muli pang magpapadala sa lahat ng iyon.

"Nandito ka na naman," gigil niya itong nilapitan at pilit na hinablot ang hawak nitong pinggan gamit ang kanang kamay. "Papaano ka nakapasok?" asik niya rito.

"Nakabukas ang pinto at pumasok na ako dahil nakikita ko mula sa bintana na parang giniginaw ka. Did you like the songs?" anito saka ngumiti. Alam niya ang ganoong klase nitong ngiti. Ngiting nagpapatunaw ng inis niya. Ngiting mabait para kumalma siya. Pero bago pa siya maapektuhan ay pinilit niyang ignorahin iyon.

Muli niyang hinablot ang pinggan at sa dulas noon ay kapwa nila nabitawan iyon at nabasag. Sabay silang yumukod para kuhanin iyon at sa kakamadali niya ay nasugat siya.

"God… I'm sorry…" tulirong saad nito saka nito agad na hinawakan ang kamay niya ngunit agad niya iyong hinila.

Taas baba ang dibdib niya sa sobrang hinanakit dahil habang tumatagal na nakikita niya ito, lalo niyang naalala ang mga maliligaya nilang sandali at sakit sa pangyayari. "Kung wala ka dito, hindi sana mangyayari ito. Lumayas ka nga!" asik niya rito saka agad na nagtungo sa sala para kuhanin ang bandaid sa medicine kit. Hindi naman malalim ang sugat niya pero sapat na para dumugo iyon.

"I'm sorry," apologetic na anas nito at dama niyang nasa likuran niya ito.

Pinigilan niya itong huwag lingunin. Ayaw niyang salubungin ang mga mata nito dahil baka maniwala siya at mawala sa sariling samahan ito sa kinasusuungan nitong problema. Baka piliin niyang makasama ito kahit masakit.

"Ang dapat sa'yo, si Denise ang binabantayan mo," mapait na sagot niya saka ito galit na hinarap. "Ang kapal mo rin. Nakabuntis ka at ako ang gusto mong pakasalan?"

"Dahil ikaw ang mahal ko!" anito saka napabuga ng hangin. Frustrated na hinagod nito ang buhok hanggang sa nanghihinang napatitig ito sa kanya. "Kinakapalan ko na lang ang mukha ko, Cherry dahil gusto kitang makita…"

Nanikip ang dibdib niya at nagiwas ng tingin. Ayaw niyang magpaapekto sa nakikitang kalungkutan nito. "Nakita mo na ako kaya umalis ka na," malamig niyang sagot dito saka binuksan ang pinto para palabasin ito.

"Cherry…" pakiusap nito sa kanya.

Tiningnan niya ito ng malamig. "Kung ako sa'yo, sa halip na ako ang ginugulo mo, ayusin mo 'yang problema mo. Wala kang mahihita sa akin dahil ayaw kitang samahan sa problema mo,"

Nanlumo ito at pinili niyang huwag magpadala kahit napakahirap. Wala sa sariling isinara niya ang pinto ng lumabas itong lulugo-lugo. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nakatanga sa hamba hanggang sa unti-unting nakaramdam din ng matinding panlulumo para sa sariling puso. Nakapanlulumo sa kanya iyon dahil doon niya nadama kung gaano ito kamahal. Gusto niyang sabihin na sasamahan na niya ito at huwag na itong malungkot…

Pero alam niyang hindi iyon ang pinakamatalinong gawin. Siguradong siya ang kawawa sa lahat ng iyon dahil aamot lamang siya ng kaunting panahon nito. Siya ang lalabas na dakilang extra sa lahat ng iyon at hindi niya matatanggap iyon…

NANGHIHINANG NAIHILAMOS ni Elixir ang dalawang kamay sa mukha matapos mapanood ang commercial ni Cherry. Ilang linggo na niya itong hindi nakikita dahil hindi na siya nito hinaharap. God… he really missed her so much that it hurts. Binitawan siya nito kung kailan niya ito kailangan. Aaminin niya, malaki pa rin ang naging kasalanan niya rito dahil nasaktan niya ito sa dumating niyang problema. For him, there's nothing more painful seeing her so mad at him.

God knows he didn't want to hurt her. Iyon ang pinakahuling bagay na gagawin niya rito. Kahit nakasasama ng loob ang naging desisyon nito ay hindi niya makuhang magalit dito. After all, it was his own messed that he really needs to take good care off. It was really hard for him. Lalo na at nagiging demanding si Denise. Hindi niya ito matanggihan dahil sa takot na makunan ito. Noong nagtalo sila dahil pinilit niya itong kumuha ng makakasama ay dinugo ito at pinagsabihan siya ng doctor. Stressing Denise wasn't a very nice idea. Kaya sa lahat ng iyon ay hindi niya magawang tumanggi. Hindi pa rin naman siya ganoon kasama para pabayaan ang anak niya.

It was really killing him. He was taking good care other woman instead of Cherry. Higit kaninuman, ito lang ang gusto niyang gawan ng ganoon pero wala siyang magawa. Kung kailan naman siya nagbago, doon naman dumating ang matinding dagok sa buhay niya: ang mawala ng ganoon na lang si Cherry.

Damang-dama niya ang matinding galit nito sa kanya. But instead of giving up, tinitigasan na lamang niya ang mukha makita lang ito. Aaminin niya, hindi naging tama na hindi siya nagparamdam dito pero sa tuwing nagtatangka siya, nagkakataon na kailangan niyang puntahan si Denise. Hindi naman magandang sabihin niya ang lahat sa telepono kay Cherry kaya humanap siya ng magandang pagkakataon.

Nandoon pa rin ang honesty niya rito pero nagkataon lang na hindi niya iyon nasabi agad. But the accident happened. Kahit nagngitngit si Denise na pinuntahan niya si Cherry ay hindi na siya nito nagawang pigilan. Hindi rin niya naiintindihan si Denise sa puntong iyon. Inamin nitong ayaw nitong makasal sila basta tulungan lang daw niya ito sa pagbubuntis nito pero taliwas iyon sa pinakikita nitong pananakal sa kanya.

Napabuntong hininga siya. Nakita rin ni Cherry ang side na iyon at aaminin niya, may punto ito. Isang masakit na puntong nakawasak ng puso niya ngunit nauunawaan niya ito. He would still love her regardless of that.

Natutop niya ang mga mata upang pigilang maluha. Nanikip ang dibdib niya at hirap siyang huminga. Ganoon niya ito kamahal. Whatever her reasons are, whatever decision she'll made and whatever she'll do to him… he will still love her no matter what. Marahil, karma na niya iyon sa mga nagawa niya noong hindi pa siya nagseseryoso at tatanggapin niya iyon basta sa huli ay makasama niya ito.

"Pinapanood mo na naman ang babaeng tibong 'yan," matabang na untag ni Denise.

Napabuntong hininga siya at nilapitan ito para bumangon. Hindi niya ito kinibo dahil baka may masabi pa siyang hindi maganda, ma-stress na naman ito.

"Ihatid mo ako sa banyo," demand nito at tahimik lang siyang tumalima. Tiniis pa rin niyang huwag magsalita.

Lumabas na siya ng makitang ayos na ito at isinara ang pinto. Doon naman tumunog ang cellphone nito sa mesa at nakita niyang number lang iyon. Sasagutin niya sana pero bigla rin iyong huminto. Ilang sandali pa, bago niya ilapag ang cellphone ay muli iyong tumunog. Awtomatikong napatingin siya roon at nahagip ng tingin niya ang unang bahagi ng mensahe nito na 'kumusta na ang baby natin…'

Tila nagmanhid siya sa nabasa. Bigla siyang hindi mapakali hanggang sa tuluyang kinain na siya ng kuryusidad. Kumakabog ang dibdib niya sa nakita. Nanginginig ang mga kamay niyang muling kinuha ang cellphone saka binasa ang mesaheng… 'kumusta na ang anak natin? Pauwi na ako next week. I hope you're doing fine…'

Natagpuan na lamang niya ang sariling galit na galit! Halos madurog na ang cellphone sa kamay niya sa sobrang higpit ng hawak niya! Gusto niyang magwala! Gusto niyang pasukin si Denise at sumbatan ito pero nanatili siyang nagpupuyos ang kalooban! That bitch really tricked him! Paniwalang-paniwala siya sa lahat dahil aaminin niya, sapat ang bilang niya ng araw upang isiping siya nga ang ama ng bata. At isa pa, wala naman siyang alam na iba nitong sinasamahan!

God forbid… sana ay huwag niya itong magawang saktan!

"Kanina pa kita tinatawag. What's eating you? That girl again?" anitong nakakaloko sa likuran niya.

Hinarap niya ito at galit na ipinakita ang mensahe rito. Namutla ito at ilang beses na napalunok. "Tell me, why the hell you did this!"

"Because you're an asshole! Nakilala mo lang ang babaeng iyon, nakalimutan mong may babaeng naghihintay sa'yo!" singhal din nito sa kanya at natutop nito ang matris. Saglit siyang nagaalala rito pero ng muli siya nitong tingnan ng masama ay hindi niya ito nagawang lapitan. She suddenly turned into a bitch he wanted to crushed! "FYI, I'm three months pregnant. You didn't got me pregnant. It was Henry, the contractor. Pero dapat lang naman na samahan mo ko. Dapat lang na pagbayaran mo na pinagmukha mo akong tanga! Umasa ako, Elixir! Minahal kita pero ano ang nangyari? I did everything to make you love me! Dumating lang siya sa buhay natin, nakalimutan mo na ako…" naghihinanakit na sumbat nito.

Natigilan siya sa mga rebelasyon nito. Hindi niya inaasahang mamahalin siya nito. Maliwanag ang usapan nila nito. Gayunman, nauunawaan niya ang nararamdaman nito at nalulungkot siya para rito. "I'm sorry… Denise, there are things didn't happen the way we want them too…" malungkot na saad niya rito. Batid niyang may partisipasyon siya kaya umasa ito. Pero kailangan niyang manindigan sa pagkakataong iyon at tapusin na ang lahat. "I'm so sorry if I hurt you… I love Cherry and there's nothing you can do to make me stop loving her. Maikulong mo man ako sa isang obligasyong hindi akin, you will always find me loving her and longing for her." Determinadong amin niya rito.

Nanginig ang baba nito at nanlulumong napayuko. "B-But I love you. U-Until now… I do. Kahit na kami ni Henry, mahal pa rin kita…" umiiyak na ito sa pagkakataong iyon.

Hinayaan niya itong pagbabayuhin ang dibdib niya hanggang sa hawakan niya ang dalawang kamay nito at inawat ito. He didn't want to be an asshole but he needed to make her stop. "Hintayin mong dumating si Henry. Wala ng saysay pa na manatili pa ako rito. Nakabawi ka na. You hurt me. You hurt Cherry and she hated me. I hope it will end here." aniya saka ito pinakawalan.

Ngunit bago siya makarating sa may pintuan ay napaungol ito sa sakit. Nagtiim ang bagang niya ng makitang nahihirapan itong nakatutop sa puson. Alam niyang kailangan niya itong tulungan kaya kahit galit siya rito ay binalikan niya ito saka binuhat.

Agad niya itong dinala sa ospital at habang nilalapatan ito ng lunas ay tinawagan niya si Henry na sinasabi nito. Naging ka-team niya rin ito sa construction pero sa pagkakatanda niya ay nilipat ito ng destino. Sa ngayon ay nasa Sagada, Mt. Province ito.

"S-sir," nabibiglang sagot nito.

Napahinga siya ng malalim at kinontrol ang boses. "Denise is in hospital. You should know what to do."

"Y-Yes, sir," kinakabahang sagot nito.

Napabuntong hininga siya. That was his clear resolve. Alam niyang nagkaroon siya ng kasalanan kay Denise and he feel sorry for her. Tama na ang lahat ng iyon at kailangan na niyang harapin ang problema kay Cherry. Sana lang ay lubayan na siya ng mga ito.

"Sir, ako na po ang humihingi ng sorry. I tried to stop her but—"

Nagtiim ang bagang niya. Alam din pala nito ang lahat hanggang sa napabutong hininga. There's no use on getting mad now. Hindi rin naman niya masisisi si Denise sa ginawa nito. And now their quits. Sana lamang ay tama na dahil nagkasira na sila ni Cherry.

"Just be here. Magpapunta ka na lang ng taong titingin sa kanya. I need to go," putol niya sa sinasabi nito at tinapos ang tawag.

Umalis na siya ng dumating ang kapatid ni Henry. Pagsakay niya sa sasakyan ay hindi pa niya agad na napasibad iyon. He was still shaking! Halos hindi pa rin siya makapaniwala sa itinakbo ng pangyayari. Gayunman, mayroon isang bahagi ng puso niya ang gumaan dahil tuluyan na siyang nawalan ng problema kay Denise. Saglit niyang pinahupa ang nadarama hanggang sa nagawa rin niyang lisanin ang lugar.

Agad niyang pinuntahan si Cherry. Nakita pa lang niya ang bubong ng bahay nito ay agad siyang nakadama ng pananabik. He was so excited he could almost cry. Wala na sila nitong problema. Handa siyang suyuin itong muli hanggang sa mapasagot niya ito. Kapag napasagot niya iyon ay muli niya itong liligawan para pumayag na itong maikasal sa kanya.

Matagal na niya iyong plano. Ayaw na niyang patagalin ang lahat. He always saw himself being married to her. Ganoon na kalaking hakbang ang naitawid ng isip niya para sa babae sa igsi ng panahon. Noong gabing tinawagan siya ni Denise, balak na sana niyang mag-propose dito at naunsyami ang lahat. Gayunman, labis siyang nagpapasalamat dahil nagkaroon siya ng pangalawang pagkakataon at hindi niya iyon sasayangin pa.

Huminga siya ng malalim at lumabas ng sasakyan saka kumatok sa gate ng mga ito. Nakailang katok siya ngunit walang nagbubukas. Sumilip siya at napansin niyang nakapatay ang ilaw. Napabuga siya ng hangin. Parang mayroong dagang naghahabulan sa dibdib niya at para mapanatag siya ay tinawagan niya si Cherry.

Napakunot na lamang ang noo niya ng out of reach iyon. Nakailang pagtatangka pa siya hanggang sa pumarada ang sasakyan ng mga ito at lumabas ang pamilya nito.

"O, napadaan ka? Kahahatid lang namin kay Cherry sa airport. Umalis na sila ni Sir Arturo papuntang Germany…" anang kuya Cadi ni Cherry saka siya tinapik sa balikat. "Excuse me, pare. Ipapasok ko lang 'yung sasakyan,"

Para siyang namatay ng sandaling iyon at saglit na nawala sa sarili. She's gone! God… Cherry left him just like that! Naiiyak siya sa pananakit ng puso niya pero pinigilan niya. Labis na sama ng loob ang nadama niya pero mas nanaig ang damdamin niya rito.

Just like he said… he would still love her no matter what… no matter how she hurt him…

"Pare, hayaan mo muna ang kapatid ko," untag sa kanya ng kuya Colin nito saka siya nginitan ng tipid. "Siguro, ito ang makakabuti para makapagisip siya. Hayaan mo muna siya sa Germany. Uuwi naman iyon."

Nanlulumong naiwan siyang nakatayo sa labas ng gate. He knows he have a point but damn! He wanted to see her. Kahit sa malayo lang… god… he felt lost all of a sudden and didn't know what to do.