"Violet?"
Halos mapatalon pa siya sa pagkagulat. Pero agad naging eratiko ang tibok ng puso niya sa taguri nito. Violet… ah, napakasarap pakinggan. Taguri na alam niyang si Cenon lang ang tumatawag sa kanya. Ngayon lang siya nito natawag ng ganoon at naghatid ng kakaibang kiliti sa kanyang puso iyon. It became an instant endearment to her.
Hoy! Anong endearment? Ang grasa ang mahalaga! Huwag munang lumandi! Paalala ng isip niya.
"Cenon! Ang mukha ko… may… may…" natatarantang saad niya at hindi maapuhap ang sasabihin. Awtomatikong naghanap siya ng makikitaan ng repleksyon. Agad siyang nagtungo sa bintana ng kubo at doon na nagsalamin. Napangiwi siya dahil may bahid na ng grasa ang kanyang noo!
Oh no…
Nasundan na lamang niya ng tingin si Cenon ng pumunta ito sa gripo at binasa ang towel nito saka siya nilapitan. "Come here," anito saka siya marahang pinaling paharap dito.
Napalunok siya ng hawakan nito ang mukha niya. Maingat. Magalang. Gayunman, nagawa nitong pagsirkuhin ng bongga ang kanyang puso. Muli, namangha siya sa aksyon ni Cenon.
Isang bagay iyon na kanyang hinahangaan kay Cenon. Parang cool na cool itong gumalaw. Parang hindi marunong mataranta o matuliro. Gaya na lamang ng oras na iyon. Natataranta siya pero ito ay balewalang pinupunasan ang noo niya.
"There." anito saka kuntentong pinagmasdan ang mukha niya.
Biglang naginit ang mukha niya. Sanay na siyang matitigan ng mga lalaki pero ang mga mata ni Cenon ay natatanging nakakapagpailang sa kanya. Tumatagos iyon sa kaibuturan niya. Titigan lang siya nito, batid niyang mapapalambot nito ng husto ang kanyang mga tuhod.
"W-Why are you staring at me like that?" naiilang na tanong niya. Her heart was beating so wild. Her mind was racing. She wanted to know what Cenon saw in her to look at her that way… ang mga mata nito ay tumitingkad ang kulay. It really fascinated her.
Mukhang nalito ito sa tanong niya at tila napapasong binitawan ang mukha niya. "Wala. I'm just… ugh… nothing." Anito saka napahinga ng malalim. Mukhang kinalma ang sarili. Napakunot na lamang ang noo nito ng makita ang ice box hindi kalayuan sa kanila. "Dala mo?" tumango siya. Napabuntong hininga ito. "Sabi ko naman sa'yo, huwag ka ng magabala hindi ba?"
Gusto niyang mapasimangot. Lagi na lang itong ganoon. Pero mientras na pigilan siya nito, mas lalo siyang nagpupursige na pumunta doon at gumagawa ng paraan para ipakitang hindi totoo ang sinasabi nito. Na hindi ito abala sa kanya at masaya siya sa kanyang ginagawa.
"Ikaw naman… personal pa akong nagpunta sa bagsakan para bumili ng mga sariwang tilapia. Matagal ko ng hindi nasusubukang magihaw-ihaw magmula ng mamatay ang daddy ko," aniyang nagtatampo dito. Nakaka-hurt na rin kasi.
"What happened to your dad?" tanong nito kapagdaka.
Napabuntong hininga siya at sinabi ang pagkamatay ng ama. Dinagsa siya ng pangungulila sa ama ng sandaling iyon. Nabuhay muli ang lungkot. She was a daddy's girl after all. "Istrikto si dad pagdating sa driving skills ko. but he was a great father. Hindi man niya nagawang maging buo kami, he was still great. Supportive siya sa amin ni ate,"
Lumambot ang mga mata nito. "Violet, I'm sorry to hear about your dad," anito saka siya pinagmasdan. Saglit na dumaan ang lungkot sa mga mata nito na tila nakaka-relate ito sa kanya. May soft spot para sa kanya ang ganoong bagay. May mga tao kasi na kapag narinig na namatay ang kanyang ama, kaunting tanong lamang o usisa, kapag nasagot na niya ay hanggang doon na lamang. Pero iba si Cenon. Nandoon ang simpatya na hindi niya inaakalang ibibigay nito ng ganoon.
"Don't worry, after this, hindi muna ako pupunta dito. I need to go to Taiwan. Kailangan ko ng ayusin ang problema sa AXA," aniya at ngumiti na rito.
"Ganoon ba? May kasama ka ba? Kailan ang alis mo?" sunud-sunod na tanong nito.
Napangiti siya. "Bakit? Gusto mong sumama?"
Natigilan ito hanggang sa bahagyang natawa at nailing. "No. Natanong ko lang naman,"
Tila nagkaroon ng bumbilya sa utak niya. It was a very brilliant idea! "Sama ka na. Babalik naman tayo agad dahil may mga lakad pa naman kami ng Refreshed Asia," aya rito at para pumayag ito ay naisip niya itong lambingin. Hinawakan niya ang kamay nito at pinisil. Pinalungkot niya ang mga matang tinitigan ito. "Please? Three days lang naman tayo. Please? Pretty… please?"
Tumaas baba ang Adam's apple nito. Parang nalito na hindi mawari. Gusto niyang mapabungisngis. He looks so adorable! Ang mga nakakamangha nitong mga mata ay tila lalong tumingkad pa sa ganda dahil sa pagbabago ng kulay niyon. Ang labi nito… naku! Parang ang sarap kagatin dahil tila lalong namula na bahagya pang nakaawang.
"Cenon?" lambing niya rito.
Napakurapkurap ito at nabuga ng hangin. Mukhang kinalma ang sarili. "May mga schedule ng interment dito next week at hindi ako pwedeng umalis. Pasensya na talaga,"
Totoong nalungkot na siya sa pagkakataong iyon. Bagaman magalang naman ang naging pagtanggi nito ay nalungkot pa rin siya. She couldn't descrbibe her sadness. Parang bumagsak ang pakiramdam niya na hindi mawari.
Tumango na lamang siya rito. Pinilit niyang pasiglahin pa rin ang sarili. Baka sabihin ni Cenon ay ang arte niya. Hindi naman sila nito para maginarte siya ng ganoon. Lalo siyang nalungkot sa naisip.
Tinuloy pa rin nila ang pagiihaw. Gayunman, pinipilit na lamang niyang maging masaya. Napabuntong hininga na lamang siya ng pauwi na siya matapos ang hapunan.
****
"Mount Hakuna is the best racing spot here in Taiwan. My father held the fastest downhill record and the best racer here. We called this Hakuna Highway and also known for its seven hairpins turn. Kaya gustong-gusto ng mga drag racer dito dahil sa thrill na hatid noon. And my father used to be the king of this highway. Of course, he was the best before me," Proud na paliwanag ni Violeta. Napangisi siya ng matawa si Cenon sa huling sinabi niya. "That's the truth! Next to my father is me, the racing goddess,"
Doon na napahalakhak si Cenon at nakangiti lamang siyang pinagmasdan nito. It was such an achievement to see someone like Cenon laugh that way. Madalang lang niya itong makitang tumawa. Madalas na simpleng ngiti o tango lang bilang acknowledgment ang ginagawa nito.
Three days ago ay akala niya ay hindi na talaga ito sasama. Tumawag ito at sinabihan siyang magiingat na lamang sa kanyang biyahe. She was so sad. Gayunman, malugod niyang tinanggap ang pasensya nito dahil kahit papaano ay tumawag ito para pagingatin siya sa byahe niya. Siya na mismo ang nagpaalam agad. Sinabi na lamang niyang alas syete ang flight niya at maaga pa siyang matutulog.
Pero labis siyang sumaya ng makita ito sa airport. Lalo siyang napangiti sa naalala…
"Why?" pigil hiningang tanong niya kay Cenon pagkababa niya ng sasakyan. Maging si Raz ay nagulat din dahil kapwa nila alam na hindi ito makakapunta. Si Raz ang boluntaryong naghatid sa kanya. Kay Raz na rin kasi siya tumuloy noong nakaraang araw pa.
"I'm coming with you. I got my own ticket,"
"But I thought you were busy…" namamanghang tanong niya rito.
"Yes. But… I did something about it so here I am," anito habang napapakamot sa batok. Astang nahihiya pa. Maigsi man ang sagot nito at nabitin siya ay ayos lang. She didn't want to spoil that moment. Sapat na sa kanya na nakahabol ito at gumawa ng paraan para sumama sa kanya. Mabuti na lamang pala ay nasabi niya ang oras ng flight niya. Nakahabol ito!
"Yes!"
Sinugod niya ito ng yakap na ikinabigla ni Cenon. Saglit na tumigas ang katawan nito bago nito nagawang tugunin iyon. Uminit maging ang puso niya ng madama ang pagtugon nito. There was his touch again. It was warm that could almost touch her heart and soul…
"Ipapasyal kita. Susulitin natin ang tatlong araw natin doon," pangako niya rito,
He pinched her nose. Napahagikgik siya. Pakiramdam niya ay pinisil din nito ang puso niya at nakilit siya."First thing's first. Let's go to AXA. Tutulungan kitang makipagusap doon. Okay?"
"Okay…" nangingiting sagot niya. Kilig na pasimpleng hinawakan ang ilong. God… she couldn't believe how her heart beating so wildly that time! Isang pisil lang sa ilong, muntik ng mahimatay ang puso niya.
"Guys, baka mahuli kayo." Untag sa kanila ni Raz. Mabuti na lang at sumingit ito dahil baka nakalimutan na niya ang lakad nila. She was too happy and she couldn't understand. Daig pa niya ang nanalo sa loto.
Ah, dahil may kakaibang ligayang hatid si Cenon sa kanya kaya maging ang maliit na bagay na iyon ay labis ang hatid na tuwa sa kanya…
"Racing goddess…" ani Cenon habang pinagmamasdan siya na muling nakapagpailang sa kanya. May bahid iyon ng paghanga at tuwa na siyang nakakapagikot ng kanyang sikmura.
"I was just kidding. Joy ride?" alok niya rito saka pinasibad ang sasakyan.
Ang bilis-bilis ng tibok ng puso niya! Ilang beses niyang kinalma ang sarili hanggang sa muling napanatag na siya. Mula sa ibaba ng bundok, tinalunton nila ang kahabaan ng Hakuna Highway hanggang sa kabilang exit noon. Normal lamang ang kanyang patakbo para sa normal niyang sasakyan.
She's not using Milky Way—her heavy modified racing car. Modified din ang sinasakyan nila na G-TR pero hindi kasing bilis ni Milky Way. Pang-stroll-stroll niya iyon na ginawa din ni Raz.
"Always take care, okay?"
Bahagya siyang natawa. "What are you talking about? I maybe a racer but I know how to be careful in driving," saad niya bago lumiko pakanan. They were running 60 kmph, ayon sa speedometer. Hindi pa iyon ganoon kabilis sa tantya niya kaya wala siyang makitang dahilan para magalala ito. "I've been driving since I was fourteen. No accidents involved. Ni wala akong nauurungang paso," imporma niya rito.
"What I am saying, always take care. Accidents do happen. Maingat ka man, minsan ang ibang nagmamaneho ay hindi,"
Napatingin siya rito at napangiti siya. She gets his point. Mas lalong nakapagpangiti sa kanya ang point of view nito. She appreciates his concern. "I will, doc,"
"And here we go again…" anito at napakamot ng ulo. Kapag tinawag na niya itong ganoon ay napapakamot ito na ikinatatawa na lamang niya.
"Bakit? It's true. May lisence ka pa rin, hindi ba? So you are still a doctor. Don't tell me, you really give up your profession,"
"It wasn't like that. It was just… too complicated to elaborate."
Napatango siya. Gusto pa sana niya itong ulanin ng tanong ngunit hindi muna siya sumige. Mahirap na. Makulit siya pero minsan ay marunong din maghinay. May mga bagay na alam niya kung kailan bibigyan ng atake. At ang pagtatanong ng ganoong kapersonal na tanong ay hindi niya dapat gawin sa ngayon.
They were enjoying their vacation. Sapat na sa kanya muna ang ganoon.
Nang makarating sa ibaba ng Mount Hakuna ay pumarada sila sa isang convenience store. Marami na ring nakaparada doon. Agad na umugong ang bulung-bulungan noong pumasok sila ni Cenon.
"They are staring at you," anas ni Cenon. Nanayo ang balahibo niya dahil sa pagtama ng mainit at minty na hininga nito sa kanyang tainga.
Ipinilig niya ang ulo sa sensasyong binuhay nito. "Let them be." Aniya saka ito kinindatan. Balewala sa kanya iyon. Sanay na siyang pinagtitingninan doon. Magmula ng maging sunod-sunod ang panalo niya sa Mount Hakuna at talunin ang manok ni Mr. Chui ay naging matunog ang pangalan niya.
Kumuha siya ng kape sa cooler at mga kukutkutin. Plano niyang pumarada sa isang magandang bahagi ng Hakuna Highway at pihadong mage-enjoy si Cenon. She thought Cenon love woods and view. Isang bagay kaya nanatili din ito sa Eternal Garden ay dahil doon. Kung siya man ay nage-enjoy din sa tanawin ng Eternal Garden.
"Look who's here. Buhay ka pa pala."
Nagpakatimpi-timpi si Violeta ng marinig ang nanguuyam na boses ni Choi. Isang half- Filipino, Half-Taiwanese na racer. Ito ang tao ni Mr. Chui na tinalo niya sa karera. Ang lalaking hindi maka-move on. Tingin niya ay hindi pera ang pinagmamarkulyo nito kundi dahil labis niyang nakanti ang ego nito. Ni hindi na siya nito ginagalang dahil doon at ganoon na lamang ang mga salita nito kung patutsadahan siya.
"Buhay naman talaga ako. Hindi ako nagawang patayin ng amo mo," maanghang niyang balik dito. Nagtiim ang bagang nito. gigil na gigil. Sa sobrang gigil, naging speechless! Tinalikuran na lamang niya ito at taas noong lumapit sa counter kay Cenon.
"Why? You look so mad." Salubong sa kanya ni Cenon. May bahid ng pagaalala ang mukha nito.
"Oh, new boyfriend. How about a race, man? Just a friendly race." Hamon ni Choi na mabilis na nakalapit.
Nagtiim ang bagang niya at tiningnan ng masama si Choi. Wala talagang magawang magaling ang lalaking ito.
"I'm sorry. I'm not a racer." Magalang na tanggi ni Cenon saka siya hinawakan sa kamay at marahang inilipat sa likuran nito.
Namangha siya sa inaksyon nito. Agad nabura ang inis niya dahil kay Cenon. Lihim siyang napangiti sa huli. Ah, Cenon… was acting like a true blooded hero again. Sa gitna ng pagkainis ni Choi at pagiging kalmado ni Cenon, hayun si Violeta. Kinikilig sa likuran ng kanyang hero na mukhang handang protektahan siya mula kay Choi…
Gusto niyang mapabungisngis sa naisip.
"'Everything okay in here?"
Bigla siyang napatingin sa entrance ng convenience store at napasinghap siya ng makita si Vince Tan. He was Half-Filipino, half-Taiwanese too. Ang siyang presidente ng AXA na nakausap nila ni Cenon. Sa ngayon ay binigyan siya ng pagkakataon muli ng grupo na makasali sa mga karera doon. Nalaman kasi ng mga ito ang lahat at nagkaroon ng timbang iyon para pagbigyan siya. Bilang parusa, bawal siyang makipagkarera sa loob ng anim na buwan at nagmulta. Malugod niyang tinanggap ang parusa dahil alam niyang may kasalanan din siya. Balita niya ay ganoon din ang parusang ipinataw kay Choi.
"Everything is fine," si Cenon na ang sumagot at hindi na muli pang pinansin ang nagngingitngit na si Choi.
Pormal na tumango si Vince. "Good. Dahil kung sakaling mai-involve na naman ang dalawang ito sa isang karerang ipinagbabawal ng AXA, wala ng pangalawang pagkakataon pa para sa kanila," maawtoridad na saad ni Vince. Palibhasa ay iniingatan nito ang organisasyon para magamit pa nila ang Hakuna Highway. Minsan ng muntikang maipagbawal iyon dahil na rin sa mga akisdente at underground activities. Pero dahil sa AXA, nalinis ang ganoong gawain. Kumpleto din sila maging sa medic team. Mga volunteers iyon na beinte kuwatro oras na nandoon para umantabay sa mga aksidente at makapagbigay ng first aid.
Napatango silang lahat sa sinabi ni Vince. Napuno ng kakaibang tensyon ang loob ng convenience store kaya nagpasya sila ni Cenon na lisanin na lamang ang lugar. Matapos magbayad ay agad na silang lumulan sa sasakyan at bumalik. Pagdating nila sa kalagitnaan ng Hakuna Highway ay naghanap silang muli ng mapaparadahan.
"Let's drink coffee here," aya niya rito at lumabas. Hindi naman bawal iyon dahil tourist spot din ang lugar. Tumalima naman ito at naupo sila sa damuhan. "Pasensya ka na kanina, ha." Aniya kay Cenon at ipinaliwanag ang lahat kung bakit ganoon si Choi.
Napatango ito. "You crushed his ego, that's why,"
Napahalakahak siya hanggang sa napailing siya. "Wala siyang laban sa akin. I am the racing goddess, right?"
Si Cenon naman ang napahalakhak. Wala sa sariling pinagmasdan niya ito at nagiinit ang puso niya sa nakikitang pagbabago nito sa bawat lumilipas na araw na nakakasama niya ito. Unti-unting nawawala ang lungkot nito sa mga mata at nagkakaroon iyon ng kislap. Lalo itong bumabatang tingnan kapag maganda ang awra nito.
"You should smile often. Bagay na bagay mong tumawa. Lalo kang nagiging guwapo,"
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi! Biglang naginit ang mukha niya sa lantarang pagpuri dito. Halos matakpan niya ang mukha sa labis na hiya at napaungol siya ng makitang ngiting-ngiti si Cenon sa kanya.
"O, huwag lalaki ang ulo. Honest lang ako," aniya para hindi na lubusang mapahiya pa. Nasabi na niya iyon ng harapan at hindi na rin naman niya mababawi pa. Kaya minabuti na lamang niyang iyon ang sabihin.
Natawa itong muli at lalo naman siyang namula. Napabuga na siya ng hangin. "Huwag ka na ngang tumawa. Naiilang na nga…"
"You are blushing. Bagay na bagay mo rin. You're so lovely, Violet. Do you know that too?"
Maging leeg na yata niya, namula na! Ang init-init na ng pakiramdam niya. Parang gusto na niyang lagukin ng minsanan ang ice cold coffee hanggang sa humupa ang init na iyon.
"Sira," sagot na lamang niya kay Cenon. Iyon lamang ang naisip niyang sabihin! Pambihira! She couldn't think straight too!
"Sira pala ang pagiging honest?" ani Cenon at natawa. Ilang sandali pa ay tinitigan siya nito at nagkaroon ng lambong ang mga mata nito. "You are really beautiful, Violet. Not just outside but also inside. You have a beautiful heart, always remember that. Okay?"
Okay… her heart automatically answered. Bakit naman hindi niya aayunan ito? Honest ang taong nagsasabi sa kanya kaya walang dahilan para hindi niya ito paniwalaan. Gayunman, hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang kinikilig sa lalaking ito.
Napatingin siya rito. Nakatitig pa rin ito sa kanya. Muli siyang kinilig. Ano ba 'yan! Hindi na talaga mauubos ang kilig niya. Mata pa lang ni Cenon ay may kakayahan na siyang pakiligin nito.
"Tama na nga!" saway niya sa titig nito. Hindi na siya mapalagay sa kinauupuan, tititig pa ito! Ah, ang bilis ng tibok ng kanyang puso.
Natawa ito at tumingin na lamang sa tanawin. Napabuntong hininga siya at gumaya rito. Ah, she enjoyed their silence. Kapwa sila umiinom ng kape habang nakatitig sa magagandang tanawin. And that place became more beautiful because she was with Cenon. Her angel. Her hero.
*****
"Hi! I'm Angelo,"
Gumanti ng ngiti si Violeta sa lalaking bagong dating. Kasalukuyan silang nasa club house at katatapos lang nilang kumain lahat ng dumating ang lalaki. Matapos siyang kamayan nito ay umupo na rin ito sa tapat niya at nagtimpla ng sariling kape. Hindi naman kinakitaan ng inis si Cenon. Tahimik lamang itong kumakain ng cinnamon na dala niya at umiinom ng kape.
"I'm Violeta Ortega," pakilala niya sa sarili.
Ngumiti ito. "I know, The Violet Dew. May celebrity pala dito,"
Bahagya siyang natawa. "Hindi naman,"
"A humble celebrity. Ang swerte mo naman, 'Insan," biro nito kay Cenon. Ilang sandali pa ay bumaling ito sa kanya. "Magpinsan kami. Ang tatay namin, magkapatid. Doktor din sila sa Zachary Medical Hospital. Actually, lahat kami sa pamilya, doktor. By the way, Zachary Medical Hospital owned by our great-grandfather Zachary. It was family owned hospital, that's why," paliwanag ni Angelo.
Gusto niya itong palakpakan sa pagbibigay ng isang bagsakang impormasyon. Obviously, madaldal ito. He looks carefree. May hawig ito kay Cenon pero masasabi niyang mas guwapo si Cenon dito. She can describe Cenon as mysteriously handsome. Si Angelo naman ay mailalagay niya sa kategoryang cute.
"Kaya pala magkamukha kayo," komento niya rito.
"Mas guwapo naman ako," birong angal nito. Nang makita nitong seryosong nakatitig sa kanila si Cenon ay mabilis nitong itinaas ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. "Of course, I was just kidding," biglang kambyo ni Angelo.
Natawa na lamang siya kay Angelo. Magaan agad ang loob niya sa lalaki. Tulad ng pinsan nito, halatadong mabait din ito kaya sa tingin niya ay makakasundo niya ito.
"Why are you here?" tanong ni Cenon.
"Well… you know…" natatawang sagot ni Angelo at napakamot ng ulo.
"Hinahanap ka na naman ng daddy mo." Dugtong ni Cenon at napailing.
"Come on! Napagod akong mag-duty. He wants me to meet someone. You know I hate arranged dates. Baka mauwi iyon sa arranged marriage. God… baka magbigti na ako sa pakikialam nila sa buhay ko. Please, let me stay here for a few days. Let me enjoy this… cinnamon bread,"
Napangiti siya sa dalawang naguusap. Matapos makiusap ni Angelo, nilantakan naman nito ang tinapay na dala niya. Hinayaan naman ito ni Cenon. Mukhang naaawa din ito sa pinsan kaya hinayaan na.
"Hindi ko alam na may girlfriend ka na," ani Angelo habang ngumunguya.
Nagkadasamid-samid siya. Agad naman siyang dinaluhan ni Cenon. Bumilis ang tibok ng puso niya. The idea of Cenon's girlfriend made her pleased.
"Angelo, nakakahiya kay Violeta. She's not my girlfriend," pagtatama ni Cenon dito.
Napamulagat ito. "Really? I thought kayo na. Sumama ka kasi sa Taiwan sa kanya. Alam ko dahil sinabi sa akin ni Jojo noong nagpunta ako dito. Three days pala kayo doon. Akala ko pa naman…" anito saka napailing.
"Nagkamali ka sa akala. Kumain ka na ng makapagpahinga ka na sa loob," putol ni Cenon.
Pero hindi nagpaawat si Angelo. "Violeta, don't you like my cousin?"
"Angelo!" suway dito ni Cenon. Agad na itinaas ni Angelo ang dalawang kamay tanda ng pagsuko.
"I just wanted to ask…" mahinang saad nito. Parang bata lang. Parang hindi doktor kung umasta. Hindi tuloy niya ma-imagine kung papaano ito maging doktor.
"Kumain ka na," giit ni Cenon. Mukhang nais ng mapikon at hiyang-hiya na napatingin sa kanya.
"Okay…" ani Angelo saka ngingiti-ngiting kumain na. "You admire him?" pahabol na tanong nito sa kanya. Gusto na rin niyang matawa sa kakulitan nito.
"All right. That's it. Let's go, Violeta,"
Napasinghap siya ng hawakan ni Cenon ang kamay niya saka siya hinila paalis. Narinig na lamang nila ang paghalakhak ni Angelo. Napailing na lamang si Cenon sa pinsan na matabil.
"I am not done yet!" pahabol nito. "Violeta! Come on! Do you like my cousin? That's good!"
"Pagpasensyahan mo na talaga si Angelo." Hinging paunmanhin nito habang palabas sila ng clubhouse.
"It's' okay," aniya at ngumiti. It doesn't really matter to her. Naaliw pa nga siya sa dalawa. Parang magkapatid lamang. They look cute really. Napabuga ito ng hangin pagdating nila sa parking lot. "Doktor din siya?" paniniguro niya.
Tumango ito at napahagod ng buhok. "Yes but he didn't like to be one. He really wants to be an Architect. But his parents well… hindi naman sa sinisiraan ko pero mahilig nga silang makialam. Napilitang maging doktor si Angelo dahil mawawalan siya ng mana at share sa ospital kundi siya susunod." Paliwanag nito.
Napatango siya at napabuga ito ng hangin. Mukhang nahihiya pa rin. Hinawakan niya ang kamay nito at pinisil. "It's okay."
Napabuntong hininga na ito at napailing. "Drive safely okay?"
Napamulagat siya. "Ang aga pa. Four o'clock pa palang naman. Ayoko pang magbiyahe. Lagi mo na lang akong pinauuwi ng maaga,"
Bahagyang namula ito at parang napahiya. Napabuntong hiniga ito. "It wasn't like that, okay. I'm sorry. I didn't mean it that way,"
Napangiti na siya dahil mukhang natuturete lamang ito kaya Angelo. Hinawakan niyang muli ang kamay nito. "Come on. Let's go somewhere else. May deck naman itong Eternal Garden, hindi ba? Let's stay there. Kuwentuhan mo ako,"
"What?" namamanghang tanong nito. Mukhang hindi inaasahan ang ipapagawa niya. Ngayon lang din kasi siya nangahas na magpakwento dito. Madalas na siya ang nagtatanong at matyaga naman siyang sinasagot.
"Kuwentuhan mo ako. Mga throwback,"
"What? Seriously?" natatawang tanong ni Cenon.
Hinila na niya ito. Baka marami pa itong 'what' na sabihin, hindi pa sila matuloy. Bahagya itong natawa sa pagmamadali niya hanggang sa makarating sila sa view deck ng Eternal Garden. May pagkabulubundukin ang lugar kaya kitang-kita ang magandang view ng ilang luntiang bundok. Mahangin din at napakapreskong maupo sa isang bench doon.
"Let's sit here. This is nice, away from your nosy cousin," biro niya rito.
Napahalakhak ito. Hayun. Napatawa din niya itong muli. Napangiti na rin siya at naupo sa tabi nito. "Binibiro lang kita. Alam kong mabait din si Angelo," aniya.
"Yes but sometimes… well, he's nosy."
Napahalakhak naman siya sa pagkakataong iyon. Ilang sandali pa ay siniko niya ito. "Ano? Throwback na,"
Napakamot ito ng ulo. "Wala akong alam na throwback,"
Napaisip siya. "Hmm… let's say ten years ago. Ano ang ginagawa mo noon? Come on. Tell me something about you ten years ago,"
Pinagbigyan siya nito. She was indeed amazed and pleased. Hindi siya matiis nito. Kahit noon sa Taiwan ay ganoon ito. Katunayan, kaya nga ito sumama ay hindi siya nito natiis.
Sa Taiwan naman noon ay madalas siya nitong paunlakan. Bukod sa Mount Hakuna ay dinalaw din nila ang puntod ng ama. Dinalaw din niya ang negosyo na ipinagkatiwala sa isang kaibigan at kasama niya si Cenon sa lahat ng iyon. Bagaman ipinagkatiwala niya ang ilang branches ng tindahan ng mga car accessories sa isang kaibigan ay siya pa rin ang may huling salita doon. Thru email na lang ang transaksyon nila sa tuwing nasa Pilipinas siya.
Pumasyal sila sa Formosan Aboriginal Culture Village, isang sikat na amusement park sa Nantou County, Yuchi Township. Nag-enjoy sila sa pagsakay sa mga rides doon. Bukod doon ay sumakay pa sa cable car at kapwa sila nag-enjoy sa view.
"Residente na ako noon sa Zachary Medical Hospital." anito habang iniisip ang lahat.
"Twenty five ka na noon, hindi ba?" usisa niya rito.
Tumango ito. "Yes. Katatapos ko lang makapasa sa board. After three years, nag-training naman ako para mag-specialized ng General Surgeon."
Pinanliitan niya ito ng mga mata. "Siguro… marami kang naging girlfriend noon." Usisa niya rito. Aba, hindi malayong mangyari iyon. Good catch ito. Mayaman, edukado at guwapo.
Bahagya itong natawa. "Is this the reason of this throwback? Sana tinanong mo na lang ako agad," biro nito.
"Of course not!" bawi niya agad at napakamot sa pisngi. "G-Gusto ko lang naman malaman ang ibang past mo dahil hindi ka makwento. Kailangan tinatanong pa…" agad niyang paliwanag dito. Naturete siya at nagisip pa ng paliwanag hanggang sa napabuga ng hangin. Pulang-pula ang mukha niya sa hiya. "I'm just—"
"Isa lang ang naging girlfriend ko,"
"T-Talaga?"
Doon na nagkaroon ng tunog ang ngiti nito. Napasinghap siya at halos takpan na ang mukha sa hiya! Ready siyang magtalak pero ng marinig niya ang kumpirmasyon ay nawala lahat ang mga sasabihin niya.
"Isa lang?" pigil hiningang paniniguro niya. Tumango ito at gusto niyang mabilib dito. Tingin niya ay totoo iyon dahil sa loob ng mga panahon pumupunta siya roon ay wala siyang nakitang babaeng dumadalaw dito na ex nito. Wala din siyang naririnig na usapan ng mga tao nito tungkol sa bagay na iyon.
Kung isa lang ang naging girlfriend nito, mukhang pihikan ito. Sa kabilang banda, paano nga naman ito makakahanap ng girlfriend kung nasa Eternal Garden ito sa loob ng limang taon? Bago pa iyon ay puspusan ang pagaaral marahil nito sa kolehiyo at nawalan na ng oras para sa mga ganoong bagay…
At libre siyang pangarapin dahil wala siyang girlfriend! Oha!¬ ¬tili ng isip niya.
Lagi mo naman siyang pinapangarap, ah! Kantyaw ng isang bahagi ng isip niya na may bahid ng katotohanan. Kapag galing siya roon at nasa biyahe ay nagsisimula na ang kanyang pantasya kay Cenon. Bago matulog at pagkagising, ganoon uli ang tumatakbo sa isip niya: pawang pangangarap at pantasya!
"Oo. Isa lang," nangingiting sagot nito.
"Okay…" simpleng sagot ni Violet. Ni hindi malaman kung ano pa ang sasabihin na hindi maglalagay sa kanya sa alanganin ng oras na iyon. Kinakabahan siya na hindi niya mawari! God! Sa karera, never siyang ninerbyos! Pero pagdating kay Cenon… hay! Ang puso niya, hirap pumirmi.
"That's it? Just… 'Okay'?"
"Bakit? Ano pa bang gusto mong isagot ko?" aniya.
Ito naman ang natawa at bahagyang namula. Gusto niyang matawa sa kanilang dalawa. Para silang mga bata na nagde-date sa isang sulok ng sementeryo. She couldn't believe she found it romantic though. Gusto niyang matawa sa sarili dahil sa naisip.
Saglit pa silang nagkuwentuhan ng throwback at matyaga naman siyang nakinig sa lahat ng kwento nito.
"Kukuha sana ako ng sub-specialization ko five years years ago. Oncology sana kaso nga, nakidnap ako sa isang medical mission," anito saka napahinga ng malalim.
Napatango siya. Doon na naputol ang pagiging doktor nito at naging tagapamahala ng Eternal Garden. "Bakit? Ayaw mo na ba talagang bumalik sa pagiging doktor?" usisa niya rito.
Matagal bago ito sumagot. "I just don't know yet. Maybe one day?"
Natunaw ang puso niya sa mga sinabi nito. She really appreciates that. Nakakatuwa na nag-open ito ng ganoon kapersonal na bagay sa kanya. Hinawakan niya ang kamay nito at umasa siya na sana, maramdaman nito na hindi na ito nagiisa ng oras na iyon. Sana ay napakalma niya ang puso nito na kagaya ng madalas nitong maipadama sa kanya.
And right there and then, she felt something for Cenon. Something deeper. Because she felt she wanted to stay beside him forever... Gusto niyang gamutin ang trauma nito sa pamamagitan ng presensya niya. Gusto niyang siya ang maging dahilan kung bakit nito makakalimutan ang lahat ng pangit na nakaraan nito. At batid niyang nagbago ang pagtingin niya kay Cenon ng sandaling iyon.
Because she wanted to be part of his life…