Chereads / SWEET BOOSTER / Chapter 23 - CHAPTER NINE

Chapter 23 - CHAPTER NINE

"Thank's for everything, man. Sayang. Patay na ang kakambal ko, ang swerte niya sana kung nagkatuluyan kayo," ani Wency. Nakangiti ito kay Cenon ng sandaling iyon sakabila ng daming nakasaksak ditong apparatus. Finally, Wency woke up. One week itong comatose at kaninang umaga lamang ito nagising.

Isang himala na nabuhay nito. sa dami ng internal hemorrhage nito at nakainom pa ito habang nagmamaneho. Bumangga ito sa isang truck. Namatay ang mga apat na kasama nito sa sasakyan at ito lang ang nabuhay. Isang dahilan doon ay maagap itong nalapatan ng lunas at na-operahan. Walang inaksayang sandali ang team niya para iligtas ang buhay nito. matapos iyon ay kapwa nila pinagpasadiyos ang kaligtasan nito. they did everything they could anyway.

Close monitoring ito. Kung wala siya, itine-turn over niya sa isang magaling na doktor ang pagtingin-tingin dito. Kailangan niyang suyuin si Violeta: ang babaeng wala na yata siyang balak pang kausapin…

Napabuntong hininga na lamang. Tapos na ang clinic hours niya at si Wency ang huling pasyente niya sa rounds. Ilang beses niya itong dinalaw sa Raz Motors pero hindi siya nito hinarap. Nakailang message na rin siya at tawag ngunit gaya ng dati ay hindi nito sinasagot iyon. It was really frustrating him. Sa kabila ng lahat, hindi pa rin nito magawang unawain. O baka nagsawa na itong umintindi sa kanya?

"May problema?" untag sa kanya ni Wency. Wency was Winona's everything. masasakitin noon daw ito kaya mahal na mahal ito ng babae. Ganoon din ito sa babae kaya ng mamatay si Winona, sa buong pamilya, si Wency ang sobrang nagalit at nasaktan na halos ikasira na nito.

"Si Violeta ba?" mahinang tanong nito. nakwento na niya rito ang tungkol kay Violeta at masaya ito para sa kanya. Napalunok siya. tila nagkaroon ng bara doon at hirap din siyang huminga. Labis na nakaapekto sa kanya ang mga sinabi ni Violeta. Maging siya ay nasaktan sa mga paratang nito.

Pero hindi niya ito masisisi. Ibinigay nga naman nito ang lahat at wala siya sa pinakaimportanteng araw nito. He even broke his promise right after he made it. He was a jerk and he was cursing himself.

"Nagiging problema ninyo ba si ate?" marahang untag nito at napabuntong hininga.

"No. it wasn't like that," agad niyang pagtatama dito at napabuntong hininga rin. Para gumaan ang dibdib, sinabi na rin niya lahat dito. Wala siyang nakikitang masama. Wency was his friend too.

Napatango ito. "Naiintindihan ko si Violeta. Bigyan mo muna siya ng kaunting oras. Magpalamig ka muna." Payo nito sa kanya.

Siya naman ang napatango at sabay pa sila nitong napabuntong hininga. Ilang sandali pa ay nagpaalam na siya ng dumating ang mga magulang nito. natagpuan na lamang niya ang sariling nagmamaneho palabas ng Quezon.

He missed Violeta so much. At iyon ang tinatahak ng kanyang sasakyan: patungo sa babaeng nais niya. Ilang beses niyang pinakaisip ang pangyayari. Sobrang nalulungkot siya dahil nagawa siya nitong akusahan ng ganoon.

Never siyang nagsabi ng tungkol kay Winona dahil ayaw niyang iparamdam dito na mahal pa rin niya ito. Winona was part of his past now. Malinaw na malinaw na iyon sa kanya dahil mahal niya si Violeta. He wouldn't fix himself if he didn't.

Lahat ng ginawa niya ay para rito. Hinarap niya ang mundo, ang mga magulang at ang pagdodokto. Hinarap niya ang mga bagay na tilakuran niya noong mamatay si Winona. Gusto niyang tapatan ang lahat ng effort ni Violeta o higitan pa. hanggang ngayon ay nais niyang gawin iyon.

Kung ginagawa ni Violeta ang lahat, gayundin naman siya. kaya na-disappoint siya at nainsulto sa mga sinabi nito. tao lang siya na nasasaktan. Sa kabila ng lahat ng ginawa niya, nakuha pa siyang pagsalitaan ni Violeta.

Pero ganoon marahil kalalim ang pagmamahal niya sa babae, na kahit nasaktan nito ang damdamin niya, nandoon pa rin siya sa tapat ng Raz Motor. Hinihintay ang paglabas nito para makita ito. kahit sumama ang loob niya, hindi pa rin siya susuko. Makaramdam man siya ng mga negatibong damdamin, hindi pa rin sapat iyon para tumigil siyang mahalin ito.

Tumalon ang puso niya ng makitang bumukas ang pinto ng opisina ng Raz Motors. Agad ding bumagsak ang pakiramdam niya ng makitang si Raz iyon. Iginala pa niya ang paningin para hanapin si Violeta pero hindi niya ito nakita.

Nagpasya na lamang siyang bumaba ng sasakyan at nilapitan ito. maging ito ay mukhang naiinis din sa kanya. nagpapakatao lamang na harapin siya dahil tao siyang nagpupunta doon.

"Good afternoon. Can I talk to Violeta?" untag niya kay Raz na may tangang mga tools.

Agad itong humarap sa kanya at naningkit ang mga mata. Obviously, naiinis din pero nagpipigil lang. "Wala siya. Nagpunta ng Qatar."

Nagulat siya. saglit na naguluhan kung pinagloloko siya nito hanggang sa naniwala siya ng makitang seryoso si Raz. "Ano'ng gagawin niya roon? Kailan pa? Sinong kasama niya? hanggang kailan siya roon?" sunud-sunod na tanong niya. halos hindi makapaniwalang umalis na lang ng ganoon si Violeta. Nakakapagtampo talaga. Pero gaya ng ginawa nito noon, siya naman ang uunawa dito.

Napabuntong hininga si Raz at ibinaba ang maliit na kahon saka siya seryosong tinitigan. "Lalaban siya sa National Street Drag Championship. Nauna na siya para kabisaduhin ang track at susunod kami ng crew ko doon mamayang gabi. Wala siyang kasama. Hanggang kailan? Pagkatapos siguro ng contest at lilipad ulit siya papuntang South Africa. She will conquer the racing world. Pangarap iyon ng kaibigan ko at alam kong alam mo iyon,"

Napatango siya. Lumong-lumo. Violeta will conquer the racing world without him. His heart shattered into million pieces. Nakadama siya ng matinding pagsisisi kung bakit hindi niya nagampanan ng husto ang pagiging nobyo dito kaya ito lumayo.

Wala siyang ibang naiisip ng sandaling iyon kundi ang makabawi sa lahat ng pagkukulang niya. nagtiim ang kanyang bagang. His heart was beating so wild that time. Nakuha siya nitong iwan ng ganoon na lang, puwes, hindi siya makakapayag na maiwan doon!

"Sasama ako," determinadong saad niya.

Napatanga ito. saglit na natulala hanggang sa nagkadailing-iling ito. "Alam mo bang segundo lang ang lamang ni Violeta sa ibang racer sa Batangas Circuit noon. She was distracted that time because of you. Pakiusap, huwag mo namang guluhin ang kaibigan ko ngayon. She needed to focus. Magagawa lang niya iyon kapag wala ka,"

Para siyang sinampal sa sinabi nito. tila pinisil ang sikmura niya. napahiya siya ng husto sa sinabi ni Raz. Instead to Violeta's inspiration, makakasira pa siya. ah, it hurts him so bad he couldn't breathe anymore…

"God… I'm so sorry… I did everything I could not to lose her… this is all my fault…" nanghihinang anas niya. namasa ang kanyang mga mata at napakurapkurap. Sadyang napakahirap sa kanya na tanggapin na ganoon na lamang sila ni Violeta.

Papaano niya tatanggapin iyon? Uuwi siya ng Quezon, ipagpapatuloy ang buhay habang nasa ibang bansa si Violeta na hindi niya alam kung babalik pa. How could he possibly accept he was alone now?

Pero sa kabilang banda, may punto si Raz. Mahal niya si Violeta at walang mahalaga sa kanya kundi ang matupad ang pangarap nito. Kahit sobrang sakit sa kanya, kailangan niyang maiwan doon at hintaying humupa ang galit nito.

Napabuntong hininga si Raz. "Mauuna na ako. Maghahanda pa ako ng gamit," anito.

Wala sa sariling tumango siya at nagtungo sa sasakyan. Parang puputok na ang ulo niya. he really wanted to see Violeta. Kahit sa malayo lang, kahit saglit lang… it was maddening him. He was really going crazy this time…

"Concentrate, okay? Pagkakataon mo na para agawin ang tropeyo sa hambog na John Mcdowell na 'yan. Iniidolo pa naman natin, hambog naman pala!" gigil na saad ni Raz kay Violeta. Inayos na niya ang headset sa tainga at napailing na lamang dito.

Relax lang siya ng oras na iyon. Lahat ay pinagpapasadiyos na niya maging ang kaligtasan. She did everything she could to reach that point: the final lap of National Street Drag Championship. Puspusan ang kanyang ensayo. Halos doon na siya tumira sa race track para kabisaduhin iyon at salamat dahil ni minsan, sa loob ng buong apat na araw na elimitation round ay wala siyang sablay.

Close fight sila ni John Mcdowell. Kilala ito sa Qatar dahil ito ang tinaguraing racing king doon. Pero sa nakikita niyang skills nito, hindi naman sa minamaliit niya ito, malayo ito sa kanyang ama. At patutunayan niyang siya ang magpapakain ng alikabok dito—dahil iyon ang iniwan nitong salita sa kanilang magkaibigan bago ito sumakay sa Subaru nito.

"Hayaan mo. Magkakaalam kami mamaya," simpleng sagot niya at inayos ang racing gear na suot. Nakahanda na siya. maging si Milky Way na dinala pa niya doon. Hinding-hindi rin niya hahayaang matalo siya ng kahit na sino.

Doon na niya hinanda ang sarili. She thought, she was destined to race forever. At marahil, hindi niya makakasama si Cenon. She realized their worlds were apart. Ito sa larangang, medisina at siya naman ay sa kalsada.

Napabuntong hininga siya. She was really sad. gayunman, idinaan niya ang lahat ng lungkot at pangungulila kay Cenon sa ensayo. She worked her ass off. Her determination to penetrate the racing world became intense. Doon na niya halos pinaikot ang mundo magmula ng dumating siya sa Qatar.

Dahil kung iisipin pa niya si Cenon ay malulungkot lamang siya ng husto. Sa Qatar niya naramdaman ang kalungkutan at walang hangganang kahungkagan. Ilang beses niyang pinigilan ang sariling tawagan ito at sabihang nandoon na siya sa Qatar at sasabak muli sa karera.

She realized that time that she still love him. She always have. Nasaktan man siya nito, hindi iyon nangangahulugang wala na siyang damdamin dito. It was too sad that her doubts and pains were more than to make her stay…

Ni hindi rin siya nito kinumusta. Nagpunta doon si Raz na wala man lang balitang galing kay Cenon. Mukhang tumigil na marahil ang lalaki sa pagpunta doon. Maraming beses din niyang pinigilan ang sariling harapin pa ito. wala man sila nitong pormal na hiwalayan, parang ganoon na rin iyon dahil hindi na rin niya magagawa pang magtiwala dito. She love him, yes. Ngunit ang tiwalang nawala ay sadyang napakahirap na sa kanya para ibalik pa.

"Okay then. Ready?" untag nit matapos ianunsyo ang simula ng karera.

Tumango siya at nagtungo na sa racing track. She performed a splendid burn out. Naghiyawan ang mga tao. Sumunod si John na nag-burn out, tila hindi padadaig ang ingit ng tambutso.

Ni burn-out ko, hindi man lang nakita ni Cenon…

Napabuntong hininga siya sa tinatakbo ng utak. Cenon naman! Napailing na lamang siya sa sarili at itinuon ang tingin sa 'Christmas Tree'—ang electronic counting machine sa race—at nang matapos iyon ay pinahururot niya agad ang sasakyan.

Muli, gitgitan ang laban at ang sasakyan ni John Mcdowell ay hindi papatalo sa kanya. she didn't mind. Sabi nga ng kanyang ama, sa karera hindi ang kapwa racer ang kanyang kalaban kundi ang kanyang sarili. She should focus on her skill and driving techniques. Her speed would always depend on her. Driver would always bring out the potential of her own car.

Ilang sandali pa ay nagawa na niyang makalayo kay John Mcdowell. Umugong ang mga hiyawan ng mga tao. Halos pangapusan siya ng hininga pagdating sa finish line.

And she won again! She was the Qatar National Street Drag Championship winner under Quick Rod class! Her speed were 7.99 seconds! Sumunod sa kanya si John Mcdowell sa speed na 8.90.

Halos hindi tumigil ang tawanan ng sandaling iyon. Ngiting-ngiti si Raz sa kanya pagbaba niya sa sasakyan. Ginantihan naman niya ito ng simpleng ngiti at tango. She couldn't believe it. Tinalo niya ang five-time champion na si John!

"Bakit ang lungkot mo? Ano k aba? Nanalo ka! You should be proud!" natatawang untag sa kanya ni Raz ng papunta na sila sa maliit na entablado kung saan ibibigay ang kanilang tropeyo matapos magayos.

Napabuntong hininga siya sa tanong ni Raz. Masaya siya pero bakit ganoon? Kulang ang nadarama niyang ligaya? Pangarap niya iyon pero may hinahanap pa rin siya…

"Congratulations,"

Napasinghap siya ng marinig ang pamilyar na tinig ni Cenon. Agad siyang pumihit sa kaliwa at bumilis ang tibok ng puso niya ng makita ito mula sa bukana ng entrance papasok sa garage nila. May-ID na nakasabit dito kaya pinapasok ito ng guwardya. Biglang-bigla siya ng makita ito.

Tangan nito ang isang bungkos ng bulaklak. Tulips! Namasa ang kanyang mga mata. Bigla siyang nalito hanggang sa napahinga ng malalaim. Ayaw man niya, sa kabila ng pangungulila niya rito, dinagsa siya muli ng kanyang sama ng loob dito.

"Bakit ka nandito?" malamig na tanong niya saka inalis ang gloves saka iyon isinuksok sa bulsa.

"I am here to watch you. I've been here the whole time. From the elimination until this time. Sinubaybayan ko ang laban mo, hon." Anito saka nagkaroon ng lamlam ang mga mata nito na siyang nakapagpatunaw ng kanyang puso. Hindi nakabawas sa kaguwapuhan nito ang bahagyang pagbagsak ng timbang nito. maayos man ito sa pananamit, bagong gupit ito at bagong ahit, halatado pa rin ang epekto ng pagkakalabuan nila nito.

Naantig ang puso niya. malaking bagay din na nagpunta ito doon. gayunman, hindi pa rin iyon sapat para tuluyang maalis ang lahat ng hinanakit niya rito.

"You've been here the whole time…" malamig na ulit niya saka umismid. "Pagkatapos ay ano?"

Napabuntong hininga ito. "I left Wency's case to another doctor. Nag-turn over ako ng maayos para makapunta ako dito. Hindi lang ako nagpakita sa'yo dahil ayokong makasira sa ensayo mo."

"Papaano mo nalaman ito?"

"Raz."

Napalingon siya sa kaibigan at gusto niyang mapaungol ng makitang wala na ito sa kanyang likuran. Bruha talaga! Binenta siya nito kay Cenon!

"She gave this to me too. Kapalit ng ID na ito na hindi ako manggugulo sa lahat ng pagsasanay mo. I was contented. Napapanood kita kahit sa malayo lang, malaking bagay na iyon sa akin,"

Shit… he's starting to say this things to me again! Hiyaw ng puso niyang nanlalambot na dito. Huminga siya ng malalim. She calmed herself. "You're missing the whole point here, Cenon,"

Umiling ito. "No. I get it. Iniisip mong mahal ko pa rin siya. I don't love Winona anymore. Tandaan mo, si Winona, she's part of my past and she will remain there forever. Maisip ko man siya, hindi ko na nararamdaman ang pagmamahal ko sa kanya noon. It faded right after we've been together. You're the one I love now. If you saw some emotions in me while looking at her tomb, it was pure sadness. I was sad not for us but because of what's happening to her brother Wency…" anito saka ipinaliwanag ang lahat.

Napabuntong hininga ito. "Wency is okay now. Nagpapagaling na lang siya sa ospital at sinabi niyang babalik na siya sa trabaho niya. Naisip niyang hindi ikatutuwa ni Winona kung ganoon siya. Ang lote nila sa Eternal Garden ay tuluyan na ring nabenta." Imporma nito sa kanya. "I'm so sorry for everything. let me at least make it up to you by giving this flowers. Give me a chance to prove to you that I love you. So much that you could really drive me insane, hon…" anitong nagsusumamo. His eyes were pleading! How could she say no this time? He said he loved her! He said those words that would really make her doubts crumble…

"R-Really?" naiiyak na tanong niya rito. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso niya.

"Really. I love you. I'm not really good at words, honey. I'm just always see to it to make you feel loved. Pero kulang pa pala ang ganoon," anito saka ito marahang lumuhod sa harapan niya at inilabas sa isang bulsa ang itim na kahita. Nang buksan nito iyon ay nalula siya! it was a platinum engagement ring! Simple ang disenyo pero elegante. "Will you marry me?"

Natutop niya ang bibig sa sinabi nito at nagsipaghiyawan ang mga tao. Naigala niya ang paningin at halos takpan na niya ang mukha dahil nasa electronic billboard sila! Nakatutok sa kanila ang camera ng oras na iyon at hindi niya sigurado kung ilang minuto na silang kinukuhanan!

Para siyang nasa racing track. Mabilis ang ikot ng kanyang mundo ng oras na iyon. Halos mahilo siya sa effort ni Cenon. Halos malula siya sa mga pinagtatapat nito sa kanya. Tunaw na tunaw ang puso niya sa lahat ng iyon…

"You still want to marry me after what happened?" nahihiyang tanong niya rito habang lumuluha. Doon niya ito ganap na naunawaan at nagsisi rin siya dahil nagpadala siya sa mga nakita niya. Kahit papaano, may kasalanan din siya kay Cenon. "I'm sorry kung napagod akong intindihin ka… I'm sorry for not understanding you completely… I'm so sorry…"

Hindi niya maipaliwanag ang paggaan ng dibdib ng sandaling iyon. Right there and then, she realized what would really make her happy and set her free from that god damned agony… it was forgiveness and understanding.

"Shh… don't cry, okay? You what I really hate most? I hate seeing you cry. It breaks my heart, honey…" masuyong anas nito saka pinahid ang mga luha niya.

Niyakap siya nito at pinatahan. Gaya noon, hinaplos nito ang likuran niya. pakiramdam niya, hinaplos din nito ang puso niya at tuluyan ng nahawi ang lahat ng tampo niya ng sandaling iyon.

Hinalikan siya nito. Sh gladly responds. Ni hindi na niya pansin pa ang hiyawan ng mga tao sa kilig ng sandaling iyon. All she wanted to do is to kiss him back and her misery totally vanished…

"I love you so much, Violeta. The Violet Dew. The racing goddess…Bullet or whatever it is, I love you and I am willing to be your husband. Just say yes to me, honey. And I will be the happiest man alive." Masuyong anas ni Cenon.

"Yes! I love you too and I will marry you. I'll be happy too, honey." Anas niya saka masuyong hinaplos ang pisngi nito. "I'll be happy because I will Mary a wonderful man and that is… you,"

And she sealed that with a mind blowing kiss. Lahat ng negatibong damdamin niya ng sandaling iyon ay tuluyang naglaho na. Wala ng mahalaga pa sa kanya kundi si Cenon. Isang tumataginting na 'us' para sa kanila.