Castiel was Apple's first love. Matagal na siyang may gusto rito kaya ng pansinin siya nito at makipaglapit ay kinilig siya ng todo. Naging makulay ang kanyang high school life dahil kay Castiel.
Pero nagkalayo sila dahil kinailangan niyang bumalik sa Pennsylvania at nawalan sila ng communication, dahilan para magtampo siya. At sa pagbabalik niya sa Pilipinas para maging endorser ng Sweet Booster, nagkatagpong muli ang landas nila.
Malaki na ang pinagbago nito. Lalong gumuwapo ito. But he was no longer the fifteen year old guy she used to adore. He became an asshole. Lagi na sila nitong nagaaway at inakala niyang wala na sila nitong patutunguhan.
Pero may natuklasan siyang masakit na katotohanan kung bakit nagbago si Castiel: it was her father's fault. Right there and then, she wanted to make him hers again.
Pero papaano? Sagad hanggang langit ang galit nito sa kanya. May pagasa pa ba sa kanila?