Chereads / SWEET BOOSTER / Chapter 22 - CHAPTER EIGHT

Chapter 22 - CHAPTER EIGHT

Dad… look at me now. Just like what we always wanted, I am starting to conquer the racing world. And thank you for teaching me everything I know in this racing world. I owe you everything… piping saad ni Violeta habang iginagala ang paningin sa Batangas Racing Circuit kung saan gaganapin ang Southern Series ng National Drag Racing Championship.

Napahinga siya ng malalim ng marinig ang hiyawan ng mga manonood. Tapos na ang elimination round na tatlong araw na ginanap. Ngayon ang pinakahuli, the moment of truth. Halong pananabik at kaba ang kanyang nadarama. Marahil, lahat silang sasabak ay ganoon din ang nararamdaman.

Napangiti siya at naalala kung gaano katindi ang ginawa niyang paghahanda doon. Halos isang buwan siyang nageensayo. Bago pa iyon ay kinondisyon nilang maigi si Milky Way. Hindi biro ang mga makakalaban niyang racers at wala sa bokabularyo niya ang magpahuli.

Salamat sa suporta ng kanyang nobyo na kahit hindi nakakapunta sa mga ensayo niya at mga naunang karera, madalas naman tumawag sa kanya. Abala din kasi ito sa training nito at hindi rin niya ito gustong abalahin. Kuntento na siya sa tawagan nila gabi-gabi. Natutuwa rin siya para kay Cenon dahil tuluyan na nitong hinarap ang pagiging buhay doktor.

"Are you ready? Siguro naman, ganado ka na. Pinapatugtog yung theme song ng Sweet Booster." Untag ni Raz sa kanya kasama niya ito sa lahat ng kanyang karera dahil ito ang Crew Chief. She was the one leading the mechanics or pit crew.

Be cool… be hot… bring out that fierce inside your heart… be wild…be free… Sweet Booster will fill your energy… have the power and let the world what kind of woman you are…

Napangiti siya sa chorus ng kantang pinamagatang Sweet Booster. Hango sa produktong ineendorso at inawit ng sikat na bandang Toasted Candies. It was an alternative pop rock all-girl band. Iyon din ang kantang pinapatugtog sa kanilang commercial.

Nanikip ang dibdib niya. isa na lang ang kulang, si Cenon na nangakong pupunta ng oras na iyon.

Tiningnan niya ang cellphone at napabuntong hininga na lamang ng wala man lang kahit mensahe si Cenon. Wala man lang abiso kung may emergency O.R. man ito o ano. Pero gayunman, inunawa pa rin niya ito.

"Yes! I'm so excited!" masayang sagot na lamang niya at hindi ipinakitang bahagya siyang nalungkot dahil wala pa si Cenon. Inaasahan na lamang niyang pagkatapos ng race ay sasalubungin siya nito. kahit hindi na nito maabutan ang karera, ang mahalaga ay nandoon itong sasalubungin siyang may ngiti sa labi.

Natawa si Raz at saglit pa sila nitong nagkwentuhan hanggang sa tawagin na sila para makapaghanda na. dumagundong ang puso niya sa kaba at antisipasyon. Tinanguan niya si Raz at saglit na tinawagan si Cenon. For the last minute, she wanted to hear his voice. Pampangana lang kumbaga. Napangiti siya sa naisip.

Pero nalungkot siya ng ring lang ng ring iyon. Mukhang busy ang lalaki kaya nagpasya na lamang siyang mag-text para sabihan itong magsisimula na siya sa karera. Pero tumalon ang puso niya ng may sumagot sa cellphone nito kaya hindi na niya nagawang ibaba iyon.

"Violeta? Hello?"

Parang bumagsak ang pakiramdam niya ng mabosesan si Angelo. Huminga siya ng malalim at sumagot. "Angelo? Bakit ikaw ang may hanap ng phone ni Cenon?" usisa niya rito.

"Naiwan niya itong cellphone sa E.R. nagmamadali siyang umalis pagkatapos ng duty niya. ibabalik ko na lang sana pagkagaling niya ng Eternal Garden," imporma nito.

"E-Eternal Garden?" takang tanong niya. wala siyang alam na dahilan para pumunta ito doon. Malayong tiyuhin na ni Cenon ang may hawak noon.

"Ang sabi niya, ililipat ng ibang sementeryo si W-Winona…" ani Angelo at napahinga ng malalim. Dama niya sa boses nito ang panginginig na tila bigla itong nagalangan sa sinabi. "Ah, huwag kang magisip ng iba, ha? Ah, kuwan… iyon lang naman ang sinabi sa akin ni Cenon pagkatapos siyang tawagan ni Michael. Nagmamadali na rin kasi siya kaya hindi na niya nagawang magpaliwanag ng maayos…"

Doon mayroong kabang namuo sa kanyang dibdib. Kasabay ng kabang iyon ay bumangon ang matinding inis sa puso niya. There she was, feeling so nervous and agitated. All she wanted was to hear Cenon's voice and then this!? Ito ba ang maghuhukay at kailangang personal pa itong magpunta doon? What the fuck was that?

Ano ka ba? Baka may problema lang doon at kailangang si Cenon mismo ang kumausap sa mga relatives ni Winona. Come on, sabi nga ni Angelo, huwag ka munang magisip ng kung ano. Dito masusubo ang tiwala mo kay Cenon… anas ng isang matinong bahagi ng isip niya.

Napabuntong hininga na lamang siya at nagpaalam na kay Angelo. She tried to be calmed. May laban siya at hindi makakaganda iyon. Doon niya itinuon ang sarili. She didn't entertain negative thoughts. Gayunman, biglang-bigla, gusto niyang makita si Cenon.

Dahil sa naisip ay lalo niyang binilisan ang patakbo. Gitgitan ang labanan. Hindi siya nakaramdam ng takot. Wala siyang ibang inisip ng sandaling iyon kundi si Cenon. Lalo pa niyang pinaharurot ang sasakyan hanggang sa matapos ang laban. Hindi pa rin niya nakalimutang bracket racing system iyon: na may timbang din ang skill niya bilang driver—pinakita niya iyon simula ng burn out kung saan pauusukin ang gulong ng hindi umaandar ang gulong at drifting— at matapos ang karera sa required na segundo.

And she won! She was the Super Pro Class champion! And hell! She raced like a bullet! Her speed was 9.99 seconds! Mas mabilis siya kaysa sa required speed na 10.99 seconds!

Tuwang-tuwa si Raz at ang buong grupo niya. umugong ang sigawan. Muling pinatugtog ang theme song ng Sweet Booster. She did it! She was happy and sad at the same time…

Dahil wala pa rin ng oras na iyon si Cenon…

"I need to go. Now," aniya kay Raz. Taas baba ang dibdib dahil sa labis na antisipasyon.

"What! Kausapin mo muna sina Mr. Laxamana. They came here to watch and support you," tukoy nito sa mga bosses ng Refreshed Asia.

Napipilitang tumalima siya at sumama sa mga ito. Gayunman, tila sinisilaban na talaga siya. habang tumatagal, gusto na niyang makita talaga si Cenon. Hindi ba niya maintindihan. Something was really bugging her at matatahimik lamang siya kapag nakita ang lalaki.

"I really have to go now," aniya saka dali-daling umalis na. hindi na niya hinintay na magsalita pa sila maging ang tawagin siya para ibigay ang award. All she wanted is to see that man!

Paspas siyang nagtungo sa parking lot at sumakay sa sasakyan. Good thing she brought her modified chevvy. Makakarating siya ng mas mabilis sa Quezon. Tinakbo niya iyon ng kulang dalawang oras lamang. Salamat sa maluwag na kalsada at halos walang pulis na nakapansin sa kanya.

Agad siyang nagtungo sa Eternal Garden. Agad niyang ibinaba ang salamin ng bintana ng makita si Michael sa guard house.

"Si Cenon?" pigil hiningang tanong niya.

"Ay Ma'am, sumama po sa Garden of Peace. Private cementerydin po iyon sa kabilang barangay. Dinala po nila iyong labi ni… ni…"

Nagtiim ang bagang niya. maging ito ay hindi masabi ang pangalang… "Winona,"

Tila nahihiyang tumango ito. mabuti pa ito, nahiya. Samantalang si Cenon! Ah! Bigla siyang nainis sa sitwasyon! At hinatid pa pala nito ang labi? Kailangan nitong mapaliwanag sa kanya!

Nagpaalam na siya rito at nagtungo sa sinabi nitong lugar. Hindi naman siya nahirapang hanapin iyon dahil kilala ang naturang sementeryo. Pagdating doon ay agad siyang nagtanong sa guard at itinuro nito ang mausoleum na pinagdalhan kay Winona.

And her heart crushed that moment. Her hopes suddenly died the moment saw Cenon's eyes. Dumaan ang saglit na pait, ligaya at lungkot sa mga mata nito habang nakatitig sa sinesementong lapida sa nitso ay sobrang sakit para sa kanya…

Minabuti niyang umalis. Mariin siyang napahawak sa manibela habang mabilis na namalisbis ang mga luha sa kanyang pisngi. She was so hurt it was consuming her, it was so hard for her to think straight.

Hindi siya masisisi ng kahit na sino, isang tawag lang! Nagkumahog na pumunta si Cenon samantalang siya, hindi nito nagawang puntahan sa loob ng ilang araw ng karera niya at ensayo. Mahalaga din naman sa kanyang nandoon ito pero inintindi niya itong hindi maaaring sa lahat ng oras, magkasama sila. May kani-kaniya pa rin silang buhay at hindi siya nagreklamo. Pero ang malaman iyon? Nakakagalit! It was so fucking unfair!

Cenon spend twelve years of his life with her before she died. Cenon took medicine because of her. He disregards his dream to become a pilot. Tumira siya sa sementeryo dahil din sa kanya at ngayon, nagtataka ka pa kung bakit siya unfair?

Gusto ng magdilim ng kanyang paningin dahil sa labis na galit at sakit. Nanginig ang baba niya. She was so mad. Nagpupuyos ang kalooban niya at pinaharurot ang sasakyan. Tiim na tiim ang kanyang bagang. Habang diretso ang tingin ay wala siyang ibang maisip kundi kulang pa ba ang mga ginawa niya at pagmamahal niya para hindi makalimutan ni Cenon si Winona?

Ano pa ba ang dapat niyang gawin? She gave all her understanding. Hindi niya ito sinakal. She controls herself asking too much about Winona. Gusto niyang kalimutan nito ang babae at nagtiwala siya sa sinabi nitong nais nitong magsimula na kasama siya.

But at the end, kay Winona pa rin ang bagsak nito… lalong pumait ang puso niya. Mukhang ang puso ni Cenon na akala niya ay hawak na niya ay nanatili lamang sa libingan ni Winona kaya ganoon na lamang kung magkumahog ito noong ililipat na ang labi nito. Maybe he didn't like the idea. Maybe… he wanted Winona in that place forever.

Masyado siyang nagiisip, oo. Pero batid niya ang posibilidad na iyon. Cenon never told her he loved her…

"Shit!" galit na singhal niya at mariing tinapakan ang brake. Salamat at walang sasakyan sa kalsada kaya malaya niyang nagawa ito. Walang nakakakita ng pagdurusa niya sa loob ng sasakyan. Napahagulgol siya sa mga palad. Masyadong masakit ang lahat ng iyon. Hinayaan niya ang sariling magiiyak hanggang sa wala ng mailabas na luha ang kanyang mga mata.

Maging ang puso niya ay tumigas ng sandaling iyon. Ang lamat na nilikha ni Cenon ay siguradong hindi na maghihilom at sumumpa siyang hindi na maniniwala dito.

Dahil batid niyang hinding-hindi na mawawala pa sa puso nito si Winona.

"Ano ba'ng nangyari? Tumawag ang mommy mo, hinahanap ka daw ni Cenon sa inyo. Tumawag silang lahat sa cellphone mo, nakapatay. Tawagan mo nga sila para hindi sila nagaalala. Hindi na kita maintindihan, Bullet. Magsalita ka naman,"

Lalong sumama ang loob niya. One week! Ngayon lang siya naisipang puntahan ni Cenon. Nakuha na niya premyo at tropeyo sa contest, wala pa rin ito. bagaman tumatawag ito ay hindi rin niya iyon sinasagot dahil nabubuwisit siya. Mabuti na rin lang at naunawaan ng Ninong Magno ni Pauline kung bakit siya umalis agad. Nagdahilan na lamang siyang may emergency kaya kinailangan niyang umalis agad. Maging sina Mr. Laxamana ay pinaliwanagan din niya at tinanggap naman ng mga ito iyon.

Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan niya sa sinabing iyon ni Raz. Sa Laguna siya nagtuloy at hindi pa muling lumuwas ng Manila. Isang simpleng mensahe lamang ang pinadala niya sa ina na doon muna siya para sa maintenance ng kanyang sasakyan na agad naman nitong pinayagan. Ayaw niya munang makita si Cenon sa totoo lang kaya kahit anong tawag nito o text ay hindi niya ito sinasagot.

Habang dumadaan ang mga araw ay lalong tumitindi ang galit niya rito. Nakakasama ng sobra ng loob ang mga nakita niya. partida pa iyon dahil handa siyang bigyan ng pagkakataon na magpaliwanag ito. Pero nakakasakit na makita sa mga mata nito ang mga emosyong iyon para sa namayapa nitong nobya.

"Lowbatt ako," malamig na sagot niya saka ito tiningnan. "Tatawag na lang ako mamaya pagkatapos kong i-vaccum itong chevvy,"

Napabuntong hininga ito. "Bullet… hayaan mong gawin na ng mga tao ko iyan. Halika ka. Magusap nga tayo. Pati ako, pinaglilihiman mo na,"

Nanghihinang iniabot niya ang vacuum dito saka nagpatianod dito ng hilahin na siya nito palabas. She was so drained. Kulang siya sa tulog, kulang siya sa pahinga. Wala siyang ibang maisip kundi ang mga nangyari at nauuwi iyon sa pagiyak niya gabi-gabi. Kahit anong kulit ni Raz ay hindi niya ito sinasagot.

"Raz…" anas niya at napaiyak ng tuluyan ng pisilin nito ang balikat niya. sisinghot-singhot niya sinabi rito ang lahat ng mga natuklasan at damdamin. Maging mula simula ng karera at pati pagkausap kay Angelo, lahat-lahat ay wala siyang inilihim dito. Seryoso lamang itong nakikinig sa kanya hanggang sa napabuntong hininga na lamang ito.

"Kausapin mo siya. once and for all, kailangan ninyong pagusapan ito. Maski ako, nabubuwisit din. Pero magusap kayo, okay? Baka papunta na rin iyon dito dahil sinabi na rin daw ng mommy mo na nandito ka."

Tumango siya. Kahit ayaw pa niya ay wala din naman siyang ibang pagpipilian. Sooner or later, kailangan niyang harapin ang hudas. Gagamitin na rin niya ang pagkakataong iyon para tapusin na ang lahat ng iyon.

Lalong sumakit ang puso niya. hinayaan muna siya ni Raz na magpagisa sa bahay nito. ilang oras pa ang lumipas ay dumating na si Cenon.

Bumilis ang tibok ng kanyang puso ng magtama ang kanilang paningin. Pumait ang puso niya sa reyalisasyong iyon. She was mad at him, so hurt but regardless of that, she still loves this man and cares for him…

"Hon… please, let's talk. Nasabi sa akin ni Angelo na tumawag ka at sinabi rin ni Michael na nagpunta ka ng Eternal Garden," agad nitong bungad. Nagsusumamo. Haggard na haggard. Hula niya, magmula ng hindi na niya sinasagot ang mga tawag nito ay hindi na ito nakatulog. Nangingitim na ang palibot ng mga mata nito. pumayat itong bahagya at nagkaroon ito ng mga stubbles.

Pero hindi nakatulong ang mga nakita niya sa galit at tampo niya. "Oo nagpunta ako doon at nakita kita. Ikaw din bang gumagawa ng nitso ni Winona?" nagtitimping tanong niya.

"Of course not…" sagot nitong nagsusumamo ulit.

"Hindi naman pala ikaw ang maghuhukay at gagawa, bakit kailangang personal mo pang puntahan iyon? Alam mong may laban ako… a-alam mong kailangan kita doon. Hindi ka na nga nakapunta sa elimination round at inintindi kita. P-Pero isang tawag lang nila sa'yo, nagpunta ka agad!" naiiyak na sumbat niya rito.

Napayuko ito. he was so guilty. Kita niya ang matinding hiya na bumalatay sa mukha nito. "I'm sorry… I am so sorry. But believe me, I have to be there. Nagkaroon ng problema sa Eternal Garden dahil sa kakambal ni Winona. Wency was drunk. May mga kasama siyang maghuhukay ng labi ni Winona na nakainom din. Pero hinanapan sila ng exhumation permit at wala silang dala. Hindi lang iyon SOP ng Eternal Garden kundi nasa batas iyon. Hindi basta-basta nakakapagpahukay ng patay. Violeta…"

"Nagkagulo doon dahil nagwala si Wency. Maging ang tito ko, hindi na niya pinakikinggan. They called me. Wency and I were good friends. Sinubukan ko siyang kausapin ng maayos at nakinig siya sa akin. Sinabi rin niya na bumili na sila ng mausoleum doon at ibebenta na ang mga lawn lots nila sa Eternal Garden. Nakapagsimula na raw ako dahil nabalitaan nilang may nobya na ako, it's about time na magsimula na rin silang lahat at pinagdesisyunang ilipat si Winona. I personally assisted them dahil wala silang alam sa sistema at para walang gulo." Paliwanag nito at napabuntong hininga. "I'm so sorry for this, hon… Pasensya ka na kung hindi ako nakapunta para suportahan ka…"

Naiyak siya sa lahat ng nalaman. "H-hanggang kailan kita pagpapasensyahan tungkol sa bagay na ito, Cenon?" umiiyak na tanong niya.

"Please, try to understand what happened and I promise you. Nothing like this would happen again. Please, I'm begging you, Violeta…" nagsusumamong saad nito. Halos manlambot na ang puso niya sa mga mata nitong nakikiusap.

"Nothing like this would happen again? Papaano ko iyon mapapaniwalaan? I saw you how you look at the tomb, Cenon… it really broke my heart…" naghihinanakit na amin niya rito.

Tuluyan na siyang napahagulgol sa mga palad. Sinubukan siya nitong hawakan ngunit pumiksi siya. napabuntong hininga ito at hinayaan na lamang siya. Ilang sandali pa ay napatingin siya rito at sumakit ang puso niya sa nakikitang sakit sa mga mata nito.

Doon nag-ring ang cellphone nito. he ignore it. Siya pa rin ang hinarap nito hanggang sa naging sunod-sunod na ang ring. Napabuntong hininga itong sinagot iyon. Napatingin siya rito at kinabahan siya ng makitang nabigla ito sa narinig. Namutla ito hanggang sa nagtiim ang bagang nito. pagkababa nito ng telepono ay muli itong nag-dial at may mga kinausap. Mukhang may binilinan sa case ng isang aksidente na tinakbo sa Zachary Medical Hospital.

Hinarap siya nito matapos ang tawag."Naaksidente si Wency. I have to—"

"Pumunta ka na," nagngingitngit na putol niya rito. Tuluyan ng nilamon ng galit ang gahiblang pagasa niya para sa kanila. She couldn't describe her anger that time. Hindi pa sila nakapagayos, hindi man lumampas ng isang oras ang pangako nito, hayun na naman. Babaliin na nito agad ang pangako nitong 'nothing like this would happen again'. Buwisit!

"Violet, I'm their family doctor. You have to understand that." nagtitimping sagot na rin nito. Mukhang nauubusan na rin ng pasensya at sinisilihan. Na para bang gustong liparin ang papuntang Quezon! Lalong naginit ang ulo niya sa nakikitang pagkaaligaga nito.

"Ako ba ang hindi nakakaintindi dito? I told you to just go! Now!" asik niya rito.

"Violet, be reasonable! Doktor nila ako tungkulin ko siyang puntahan. His case were severe. Nabilinan ko na ang mga residente sa dapat nilang gawin. All they need to do—"

"You know… just go. Stop explains things that didn't mean anything to me at all. Ang dami mong sinasabi, si Winona lang naman ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan sa pamilya niya," naghihinanakit na akusa niya rito.

"Violet…" nabibiglang saad nito hanggang sa napailing-iling ito. He looked so hurt and disappointed. "I couldn't believe I am hearing this from you."

Namula ang mga mata nito. Siya naman ay namasa ang mga mata at pinilit na pakalmahin ang sarili. Saglit siya nitong tinitigan hanggang sa napabuntong hininga.

"I'll be back," anito saka umalis na.

Siya naman ay nanghihinang napaupo na lamang sa sofa at napaiyak. Hindi siya makapaniwala sa tinakbo ng relasyon nila. Isang multo lang pala ang sisira: ang multo ng pagmamahal nito kay Winona.

Pakiramdam niya, lalong nagkadurog-durog ang puso niya ng sandaling iyon.