Napasinghap si Violeta sa sinabi ni Cenon. Natutop niya ang bibig. Nasaktan siya kahit pigilan niya. His promised to Winona broke her heart. Napakalaking sakripisyo na sumumpa ito ng ganoon sa babae. It only means Cenon loves Winona more she could imagine… ngayon niya ganap na naunawaan kung bakit ito nasa Eternal Garden. Parang sinuntok ang dibdib niya at hirap na huminga.
Nagpatuloy ito. "She was a family friend and eventually, I fell in love with her when we were eighteen. Naging kami sa loob ng twelve years. Magmula ng maging kami, nag-shift ako ng kurso. Pangarap niyang maging doktor. What I really want is to be a pilot, bagay na hindi gusto ng mga magulang ko. Pero dahil mahal ko s'ya, nagdoktor na rin ako. I wanted to be with her all the time."
Huminga ito ng malalim. Nagpatuloy ito sa pagbubukas ng saloobin na siyang nakapagpawasak ng damdamin niya kahit pigilan niya…
"Nagtanong ako ng throwback sa'yo at hindi mo siya binanggit," naghihinanakit na saad niya.
Nagkaroon ng lamlam ang mga mata nito. "I'm sorry. I hope you understand that I wasn't ready to talk about her. Hindi ko pa alam kung papaano ko sasabihin sa'yo. Please, believe me… wala akong balak na itago sa'yo ang tungkol kay Winona. That's why I am saying these to you now. I am ready to leave everything behind. I am ready to be with you, Violet," pagsusumamo nito.
Naantig ang puso niya sa huling sinabi nito. Sa kabilang banda, nakuha niya ang punto nito. Kung siya man ang nasa katayuan nito ay ganoon din ang madarama niya. Maninimbang siya. Napabuntong hininga siya. "A-Ano bang nagyari noong na-kidnap kayo?"
Napatingin ito sa malayo. Saglit na dumaan ang takot sa mga mata nito at lungkot. Nang tumingin ito sa kanya ay malamlam na ang mga mata nito. Muli itong napahinga ng malalim. "Sumama siya sa medical mission sa Sitio Tuba. Isang liblib na pook iyon sa Quezon. Pero papunta pa lang kami sa Sitio, dinukot na ako. Nanlaban ako at tumakas. Pero sa pagtakas ko, dinukot nila ang limang doktor na kasama ko. It... It was tragic."
"I was so mad. Ako ang puntirya ng mga kidnappers dahil sa yaman ng angkan ko. Isa-isa nilang pupugutan ang mga doktor. Ang gusto nilang kapalit ay ako. My family didn't want to give me. Of course they wouldn't…" mapait nitong saad saka napailing. "I asked them to pay the ten million ransom. Kahit hindi nila ako ibigay, basta bayaran ang apat na buhay na naiwan sa mga kidnappers, including Winona. Hindi ganoon kayaman ang pamilya niya kaya gusto kong kami na ang sumagot sa kanya."
"But my father didn't want to. Ayaw nilang makialam. Ang mahalaga daw ay ligtas ako… damn it. I was so mad. Pati sa sarili ko, nagalit ako dahil ibenta ko man lahat ng ari-arian ko, hindi ko matutubos si Winona. I was so helpless that time." anito saka napahinga ng malalim.
Biglang-bigla siya sa mga sinasabi ni Cenon. She couldn't imagine how hard it was for him. Mas masalimuot pa ang nangyari dito kaysa sa kanya! Kung siya ang nasa katayuan nito ay magagalit din siya. Her heart broke into million pieces to this man. She wanted to erase those painful memories in him but she knows she couldn't… ah, maging siya ay nagagalit na sa kanyang sarili dahil wala siyang magawa.
Hinawakan niya ang balikat nito. Hoping it will console him. "C-Cenon…"
"Pero gumawa ako ng sarili kong paraan. I went there. I made an agreement. Sabi ko, pakawalan na ang lahat at ako na lang ang kunin. Pumayag sila. But damn it… Winona came back… galit na galit ako dahil ayaw na nilang tumupad sa usapang ibalik sa kapatagan si Winona. Binihag nila kaming pareho at ako lang ang binayaran ng mga magulang ko." salaysay ni Cenon at paulit-ulit na napailing. Ilang beses itong napabuga ng hangin na tila kinokontrol ang sarili ng sandaling iyon.
"Cenon—"
"They killed her. Right in front of me. God… dalawang hakbang lang ang layo niya, sa ulo pa siya binaril… Violet… I-I'm sorry… I'm sorry if took me so many months to say this to you… I'm sorry…"
"Cenon… how could you?" umiiyak na saad niya saka niyakap ito ng mahigpit. "Bakit mo kinimkim ang lahat ng ito? Hindi ko lubos maisip kung papaano mo kinaya ang lahat… god… I'm so sorry to hear this…"
Napahagulgol siya sa dibdib nito. She could feel his pain… his agony… it was traumatic. It could almost make this man insane. Pero kinaya ni Cenon. Sinarili nito at kinulong ang sarili sa isang lugar na sa tingin nito ay doon ito nagkaroon ng katahimikan.
She finally understood him and she was thank full she listen to him. Labis siyang nagpapasalamat na hindi siya nakinig sa tawag ng selos at tampo sa puso niya. "Naiintindihan kita, Cenon… S-Sana, may magawa ako para sa'yo. Para hindi ka na nahihirapan ng ganito…" masuyo niyang saad dito habang hinahaplos ang pisngi nito. Napakurapkurap siya para pigilang mapahagulgol muli sa harap nito.
Ngumiti ito sa kanya. Namamasa man ang mga mata nito pero nandoon pa rin ang kislap ng tuwa sa mga sinabi niya. "Violet—"
"Cenon, nandito ako. You will never be alone again, I promise," pangako niya rito. Isang pangako na nais niyang tuparin kahit na anong mangyari.
Napangiti ito. "Yes. Thank you, Violet. Thank you for hearing me out. I will never be alone again because you are here now. Hindi rin naman ako papayag na mawala ka pa sa akin,"
"Cenon…" anas niya. Halos hindi na siya makahinga sa sinabi nito.
"I'm ready, Violet. My five years of agony vanished the moment I realized my feelings for you. Normal lang na galit ako sa nangyari. It was a nightmare, right? Pero hanggang doon na lang iyon. Nakakulong na ang mga suspect dahil nahuli din sila pagkatapos noon. Atty. Magtanggol did everything para hindi na sila makapaminsala pa. Nag-reconcile na rin kami ng parents ko nitong huling araw. Aaminin ko, nagalit ako sa ginawa nila pero nakuha ko ng patawarin ang mga sarili namin. Kaya babalik na ako sa hospital. Babalikan ko na ang buhay ko at nakahanda na akong magsimula kasama ka," paliwanag ni Cenon.
Napatango siya. Sa kabilang banda ay natuwa siya sa mga sinabi nito. Tama ito. Normal lang na magalit ito sa mga nangyari. Pinunasan ni Cenon ang mga luha niya sa pisngi. "Let's start, Violet. Will you let this old man be part of your life?"
Natunaw ang puso niya sa pakiusap nito. Kung handa na ito, nakahanda na rin siya. She appreciated everything he said. Hindi lang saloobin nito ang binuksan nito kundi tinawid nito ang napakalaking hakbang na iyon para magsimula at siya ang kasama. She was so glad so say the least.
"Old man? Hindi naman halata… bata ka pa ngang tingnan," aniya habang sumisinghot-singot.
"Stop crying, please…" anas nito at niyakap siya ng mahigpit. Hindi siya nito pinakawalan hangga't hindi siya tumitigil sa pagluha. "Hindi ko inaasahang malulungkot ka para sa akin."
"I couldn't help it. It was just that…" naiiyak na saad niya. Hindi man lang niya magawang masabing nasaktan siya sa lahat ng nangyari para dito.
"Shh… everything is okay now, Violet. Let's start, god… I really want you to be mine…"
Napangiti siya rito at pinisil ang ilong nito. His eyes filled with tenderness while staring back at her and her heart completely surrender to his stares… "Yes, Cenon. Let's start now. You can finally call me honey. You can kiss me… right here, right now,"
His eyes beamed with happiness. Saglit pa siya nitong tinitigan bago nito tuluyang sinelyuhan ang lahat ng iyon ng isang matamis na halik. And right at that moment, she felt something different with their kiss. Puno iyon ng pangako. Puno iyon ng kaligayahan dahil sa kanilang pagsisimula.
Her heart smiled with that thought.
"Ano ka ba? Baka makita tayo ni mommy. Tatapusin ko lang itong message at ise-send ko sa email. Apurado ka, ha?" asik ni Violeta kay Cenon dahil panay ang nakaw nito ng halik habang nagta-type siya ng mensahe. Napaungol na lamang siya ng puntiryahin naman nito ang balikat niyang nakalantad sa suot na spaghetti strap na blouse.
Nasa terasa sila. Araw ng linggo at tinatapos niya iyon agad para makapagsimba pa sila nito. Ang aga nitong dumating at nakasalo nila itong magiina sa agahan. Naipakilala na niya si Cenon bilang nobyo sa ina at ate Venus niya. Mukhang tuwang-tuwa naman ang kanyang kaanak.
Siya naman ay ipakikilala ni Cenon sa susunod na linggo sa partido nito. Birthday iyon ng ama nito. Hindi pa man din ay kinakabahan na siya. Hindi niya maiwasang maisip na dahil sa propesyon niya ay hindi siya magustuhan ng mga ito. Base sa kwento ni Cenon ay pamilya ito ng overachievers. Panay doktor ang mga ninuno hanggang sa kaapu-apuhan.
"Naman…" mabuway na angal niya sa harot na lalaki.
"It's your fault. Nagsuot ka ng ganyan. Natural na matukso ako. Ayaw mo bang natutukso ako?" tudyo nito at pinadaanan pa ni Cenon ang balikat niya sa pamamagitan ng tungki ng ilong nito. "You really smell so good, honey," anas nito.
Napahagikgik na siya dahil nakikiliti siya! Nanayo ang mga balahibo niya sa katawan at agad na hinimas ang braso para humupa iyon. Napangisi si Cenon. "Maghintay ka lang, ha. Tatapusin ko lang ito at ikaw naman ang kakagatin ko," banta niya rito.
Of course, isang lambing na kagat lamang iyon. Sa balikat din nito ang puntirya niya. Natutuwa kasi siyang kinakagat iyon dahil nakikita niya ang balbon nitong tumatayo. His Goosebumps fascinated her.
"Makita ka ni mommy," biro nito.
Natawa siya sa panggagaya nito ng linya niya. After she send the message, hinarap niya ito at kinagat ang balikat nito. Natawa siya ng makita ang pananayo ng balahibo nito. "Mr. Balbon, hindi ko titigilan 'yan kapag hindi ka rin tumigil,"
"Look what you did!" angal nito at hinimas ang braso. Tawang-tawa siya dahil ayaw ng humupa noon.
Napaungol ito at siniil siya ng halik! Napamulagat siya! Bigla siyang kinabahan na baka makita sila ng mommy niya. Kaya bago pa siya mawala sa sarili ay marahan niyang kinagat ang ibabang labi nito. Natawa siya ng mapaungol ito saka siya pinakawalan.
"You're biting my lips now," reklamo nito.
Napangisi siya. "Ikaw kasi. Baka makita tayo ni mommy,"
Natawa na ito sa pauulit-ulit na linya nila. Maging siya at natawa na rin hanggang sa napahinga siya ng malalim. Halos isang buwan na ang relasyon nila at wala siyang ibang mahihiling pa. Kuntento siya sa takbo ng relasyon nila nito.
Four or three times a week sila nagkikita nito. Sa tuwing may O.R. ito ay nababawasan iyon pero bumabawi ito. Hanggang ngayon ay lagi pa rin itong may pasalubong na bulaklak. Kung minsan ay kung anu-anong pagkain na rin na galing pa ng Quezon.
It was a long drive. Kaya ngayon niya ganap na nauunawaan na kailangan ni Cenon na umalis ng maaga para hindi ito gabihin sa daan. Natatawa na lamang siya kung minsan dahil halatado kay Cenon ang matinding panghihinayang. Nagkapalit na sila ng sitwasyon nito: ito na ang pinauuwi niya ng maaga ngayon.
Kaya ginawan nito ng paraan iyon. Bumili ito ng condo malapit sa St. Benedict Subdivision kaya kapag malakas ang loob nitong magpagabi sa kanila. Hindi pa siya nakakapunta sa tinitirhan nito at napausapan nilang papasyalan niya iyon sa mga susunod na araw.
"Ayos na ba ang pinadala mo sa email?" tanong ni Cenon kapagdaka.
"Yes. Purchase approval lang naman iyon para sa mga bibilhin pang gamit sa puwesto. Nakita ko naman ang inventory. Pagkatapos ng product launching namin, pupunta ulit ako ng Taiwan para tingnan ang negosyo,"
Umarko ang kilay nito. "At wala kang balak na isama ako?"
"May balak. Ang honey ko naman… nagtatampo?"
Napangisi siya ng makitang gusto pa nitong magpalambing. Paismid-ismid pa ang herodes at natawa na lamang siya. Gayunman, pinagbigyan niya pa rin ito. "Honey naman…" anas niya at humilig sa balikat nito.
Napaigtad ito ng bahagya niyang isagi ang ilong sa gilid ng leeg nito. Bahagya siyang natawa. "Honey… huwag ka ng magtampo. Ano'ng gusto mo? Kiss sa cheeks o sa lips?"
"Sa lips," anito sabay tikhim.
Natawa siya bagaman tumalima. Ang lakas lang nito sa kanya kaya pagbibigyan niya ito. Gayunman, saglit lamang ang halik na ginawad niya. It was only smack. Mukhang bitin na bitin ito!
Minulagatan niya ito. "Maliligo na ako para makapagsimba na tayo,"
Natawa siya ng mapaungol ito. Siya naman ay pumasok na at iniwanan ito ng isang ngisi. At nasisiguro niya, patay siya mamaya kay Cenon. Malamang na pupugin siya nito ng halik!
Naligo na siyang mayroong ngiti sa mga labi. Pagkatapos ay naghanda na siya. Simpleng bestida ang suot niya. Pulbos at lip gloss lamang ang nilagay niya sa mukha. She was never been fan of a make-up. Tama na sa kanya ang ganoon.
Paglabas niya ay nakahanda na ang mommy niya at ate. Napangiti siya ng makitang naguusap ang mga ito. "Let's go?" aya niya.
"Okay. Si Cenon na lang ang magmaneho. Naku, ninenerbyos ako kapag si Violeta ang may hawak ng manibela," reklamo ng kanyang ina sabay paypay. Napangiwi siya dahil totoo iyon.
"I told you to be careful, right?" seryosong saad ni Cenon.
"Oo naman. Maingat naman ako…" aniya sa maliit na tinig.
Natawa ang ate niya. "Kaskasera 'yan," gatong nito.
"That's not true!" angal niya dahil alam niyang kinakantyawan lang sila ng ate niyang masungit. Mukhang sa pagkakataong iyon ay nasa mood itong asarin siya. "Cenon, you know I am careful,"
Tinitigan siya nito. Napaungol siya. Doon naman ito natawa saka siya malambing na inakbayan. "They are just worried. Pinapalalahanan ka lang namin,"
"Wait. Okay lang sa'yo na makipagkarera pa rin si Violeta?" nakaarko ang kilay na tanong ng ate Venus niya.
Tila tumigil sa pagtibok ang puso niya ng sandaling iyon. Hindi pa nila napaguusapan ni Cenon iyon at doon niya napagtanto na gusto pa rin niyang maging drag racer. Sooner or later, she needed to go back to that place and defend her title. It was her dream too.
"C-Cenon—"
"It's okay. Alam kong iyon ang pangarap ni Violet. Hindi pa man din kami magkakilala, drag racer na siya. Sino ako para patigilin siya sa bagay na gustong-gusto niya? That's not fair right? Ang sa akin lang, lagi siyang magiingat," ani Cenon saka siya kinindatan.
Gusto na niyang tumili sa kilig! She wanted to hug this man so tight but she controled herself. Baka maiskandalo ang mommy niya kaya ibayong pagtitimpi ang ginawa niya.
"Magiingat ako, hon," ngiting-ngiti niyang saad kay Cenon. Her eyes were sparkling in happiness. She was so lucky to have Cenon. And she realized too that she fell in love more with this lovely man. Hard and deep.
"Then we don't have a problem with that, hon," masuyo nitong saad saka siya hinalikan sa noo.
"That was so sweet…" anang mommy niya at malambing na yumapos sa braso ng ate niyang nakangiti na rin habang nakatitig sa kanila. Mukhang kapwa kinilig sa sinabi ni Cenon.
Napahagikgik na siya sa kilig. Mukhang ang nakuha ng tuluyan ni Cenon ang loob ng supladita niyang ate. Kilig na inihilig niya na lamang ang ulo sa balikat ni Cenon habang palabas sila ng bahay.
"Parang nasusuka na ako sa kaba," anas ni Violet kay Cenon. Todo kabog ang dibdib niya sa kaba. Pambihira. Never siyang nakaramdam ng ganoong uri ng takot sa karera pero iba pa rin pala kapag haharap na siya sa kaanak ni Cenon.
Huminga siya ng malalim. Kinalma niya ang sarili. Sa labas pa lang sila nakaparada at dinig na ang musika sa loob ng bakuran ng mga Randall. Base sa laki at lawak ng bahay ng mga ito sa isang eksklusibong subidivision sa Quezon ay halatado ang rangya. Nagsisipagtaasan ang bakal na bakod doon na kulay ginto. Ang landscape naman sa labas ay halatadong alaga sa mantini dahil malulusog ang mga bermuda grass at mga bulaklak.
Kahit sabihin pang may kaya sila, iba pa rin ang lebel niya sa mga ito. Overachiever kumpara sa isang graduate ng Mechanical Engineering sa isang unibersidad sa Taiwan na hindi naman ganoon kamahalan. Degree holder man, hindi niya maiwasang makaramdam ng panliliit. Pakiramdam niya, labanan ng diploma ang susuungin niya at hindi simpleng meet-the-parents.
"You're shaking. Relax, hon," ani Cenon at hinawakan ang kamay niya saka pinisil. Hinalikan pa siya nito ng matagal sa sentido para pakalmahin siya. Naghatid iyon ng init sa palad niya na umabot sa kanyang puso. Bahagya siyang kumalma dahil doon.
"Baka hindi nila ako magustuhan dahil hindi ako doktor…" kinakabahang amin niya.
"And where did you get that idea? They are nice, okay?" namamanghang tanong ni Cenon saka napabuntong hininga. "Hon, kung sakaling hindi ka nila magugustuhan dahil doon, I don't care okay? What important is us. Smile now, honey…"
Napangiti siya sa huling sinabi nito. Tama nga naman ito. Sila ang mahalaga. Isang tumataginting na 'us'. Kaya hinawi niya ang mga mala-telenovelang senaryo sa isip niya. Gusto niyang batukan ang sarili sa naisip.
"Sagot mo ako, ha," nakangiting saad niya kay Cenon.
Natawa ito. "Yes. Ako ang bahala sa'yo. Trust me and kiss me,"
Napahagikgik na siya at tuluyang nahawi ang kaba niya ng sandaling maglapat ang kanilang mga labi. Ilang sandali pa ay lumabas na sila at pumasok. Nahigit niya ang hininga ng makitang napakaraming tao doon.
Nailang siya ng magsipaglingunan sa kanila ang mga tao. Doon siya muling kinabahan. Napalakas ang pisil niya sa kamay ni Cenon.
"You're so beautiful, honey." Anas nito. Nanayo ang mga balahibo niya sa katawan sa init ng hininga nitong dumapo sa tainga niya. Napatingin siya rito. Kahit isang simpleng black halter dress ang suot niya ay halatadong nagagandahan si Cenon sa kanya. His admiration was written in his eyes.
"Ikaw rin naman…" nakangiting sagot niya rito at totoo iyon. Napakasimpatiko nito sa suot na black suit. Para itong si Ashton Kutcher sa movie na Killers. "You look gorgeous,"
Bahagya itong natawa at namula ang tainga. Napangisi siya. "Ayaw mo ng pinupuri? Araw-arawin ko kaya para masanay ka?"
"And if you didn't stop, I'll kiss you. Right here in front of many people. Right this very moment."
Napasinghap siya at naginit ang pisngi niya ng titigan nito ng mataman ang labi niya. Desire was written in his eyes! Ang lalaking ito! Mukhang tototohanin ang banta! Unti-unting bumaba ang mukha nito habang papalakas ng papalakas ang tibok ng kanyang puso…
"Good evening, love birds!"
Napaungol si Cenon sa pagkabitin at siya naman ay nakagat ng mariin ang ibabang labi. Gusto na niyang kurutin sa pisngi si Angelo dahil sa matinding panghihinayang na nadama. Sabay nilang hinarap ito at ngising-ngisi ang herodes sa kanila.
"Bagay na bagay talaga," natutuwang komento nito habang pinagmamasdan sila. Tuluyan na itong lumapit sa kanila at kinamayan sila. "You really looked good together. Nakakainggit! Kung may kapatid ka naman, pakilala mo naman sa akin," ungot ni Angelo at natawa siya. Naku, sa kakulitan nito ay siguradong hindi ito papasa sa ate niyang nuknukan ng kasungitan. Super hate nito ang maiingay.
"Sina dad?" tanong ni Cenon kapagdaka.
"Inside. Let's go,"
Sabay-sabay na silang tumalima. Ilang sandali pa ay nasa loob na sila ng mansion. Halos malula na si Violeta sa nakikitang rangya. Ang mga muwebles ay halatadong sa ibang bansa pa binili. Ang mga chandeliers ay mukhang mamahalin din. Ang mga naglalakihang painting ay gawa pa ng isang sikat na pintor sa Italy. Tingin niya ay milyon ang halaga ng mga iyon.
"Are you okay?" tanong ni Cenon.
"D-Dito ka tumira?" tila wala sa sariling tanong niya habang iginagala ang paningin.
Bahagya itong natawa. "Of course. Dito ako lumaki. Bakit?"
"Parang bawal ang bata dito." Hindi mapigilang komento niya. Parang isang mortal sin kapag nagkalat doon. Parang hindi niya ma-imagine si Cenon noong bata. Hindi kaya nakakurbata pa ito kapag kakain noon?
Gusto niyang mapangiwi sa naisip. Ganoon siya magisip dahil hindi siya na-expose sa ganoon klaseng rangya. Masasabi niyang lumaki siyang cowboy. Hindi siya sinanay sa luho kundi sinanay sa harapan ng manibela. Doon niya lalong napagtanto kung gaano kalayo ang agwat nila ni Cenon.
"Ang kuya Drew, panganay sa amin, apat ang anak noon. Lahat sila, dito tumira para may kasama ang hipag ko sa tuwing nanganganak. Ayaw kasi ni ate na kumuha ng katulong para sa mga bata. Hands on kasi siya sa mga anak. My parent loves kids too. Minsan, sila pa ang nagaalaga sa mga bata. At kapag nandito sila, parang palengke sa ingay at gulo dito," nangingiting paliwanag nito saka pinisil ang ilong niya. "Bakit? Gusto mo na ng baby?"
"Cenon!" nabibiglang saad niya at kinurot ito sa tagiliran. Bigla tuloy namula ang mukha niya sa biro nito. Hindi rin niya mapigilang maglakbay ang imahinasyon. If she wants a baby, of course they needed to make love. Papaano kaya siya aangkinin ni Cenon?
Bigla siyang napasinghap sa tinatakbo ng isip. Dahil doon ay lalong namula ang mukha niya at pinagdiskitahan si Cenon. Muli niya itong kinurot. Ito ang salarin kaya biglang naging mahalay ang isip niya! "Nakakainis ka!"
Natawa ito. "I'm just trying to make you smile. Masyado kang kinakabahan. Honey, relax, okay?"
Napabuntong hininga na lamang siya. "Hon… ang yaman ninyo. Hindi ko sukat akalaing ganito kayo kayaman. Nakakahiyang tumabi sa'yo…" amin niya saka sinabi ang lahat ng dilemma. "Isa lang akong hamak na drag racer, hon,"
"I never thought you look at yourself this way." Ani Cenon at napailing. Sumeryoso na ito. "You already forgot who you are because of this? Well, let me remind you. You are Violet Dew, the racing goddess, right? God… how come you forget you're that powerful?"
Natawa tuloy siya sa sinabi nito. "Naman, eh…" angal niya at napakamot ng ulo.
"Hindi ka isang hamak na drag racer, hon. You are my racing goddess. My own goddess. Don't you ever forget that, okay?"
Napangiti siya sa mga sinabi nito. Tama naman ito. Makalimutan na niya ang lahat, huwag lang ang damdamin nito sa kanya. Lalo siyang napangiti sa naisip.
"So this is the beautiful lady behind my son changes,"
Sabay silang napalingon at muli siyang kinabahan ng makita ang mga magulang ni Cenon na kapwa nakatingin sa kanila. May mga ngiti sa mga labi. Katabi ng dalawang matanda ang dalawang kuya ni Cenon at si Angelo na nakangisi. Doon niya natuklasan kung kanino nagmana ng kaguwapuhan si Cenon: sa ama nitong mukhang may lahing American. Older version ito ni Cenon.
"She's lovely in person, right?" nakangiting saad ni Angelo sa mga matatanda.
"Oo naman. Look at her. Finally, sa TV lang kita nakikita, iha. Ngayon nandito ka na. You are so pretty, iha," nakangiting bati ng matandang babae.
"My parents honey. This is Mr. Cedric Randall and Mrs. Maye Randall," pakilala ni Cenon. "Mom, Dad, my girlfriend, Violeta Ortega,"
"I-I'm very pleased to meet you. Happy birthday, sir," agad na bati niya sa mga matatanda at humalik sa mga pisngi nito. ibinigay din niya ang munting regalo dito at natawa ito saka nagpasalamat.
Nakahinga siya ng maluwag ng hindi umiwas ang mga ito bagkus, bineso pa siya ng matandang babae. Ilang sandali pa ay pinakatitigan siya nito habang nakabakas ang ligaya at pasasalamat doon.
"Kumain ka na ba, iha?" tanong nito.
"H-Hindi pa ho," alanganing saad niya.
Napamulagat ito. "Cenon! Bakit hindi mo man lang estimahin si Violeta? Naku, halika ka na. Ako na ang bahala. Let's go," akag ng mommy ni Cenon at hindi na siya nakapalag. Halos malula siya sa atensyong pinakikita nito. "This is my specialty, kare-kare. Kain ng kain, iha," anito habang panay ang lagay nito ng pinggan mula sa buffet table.
Tuluyan ng nabura ang kahit na anong agam-agam sa puso niya dahil na rin sa magandang pakikitungo ng matanda. Inestima siya nitong mabuti. Walang matinding question and answer portion katulad na lamang ng inaakala niya. Gusto tuloy niyang matawa sa sarili dahil nagpakapraning lamang siya sa wala.
Doon niya natuklasan kung kanino namana ni Cenon ang pagiging maasikaso at maalalahanin: kundi sa ina nito.
"Thank you ho," nakangiting pasasalamat niya rito ng matapos kumain.
"No, iha. Ako dapat ang magpasalamat sa'yo. Kundi dahil sa'yo, nasa sementeryo pa rin ang anak ko." anito saka napabuntong hininga. "I know, you heard his story."
Napatango siya at seryosong tinitigan ito. "Kahit ano pa po ang pinagdaanan niya, wala pong nagbago sa pagtingin ko sa kanya," matapat niyang saad dito.
Napangiti ito at namasa ang mga mata. "Thank you, iha. Nagsisi din kami ng matagal na panahon na magasawa dahil sa nangyari. Kundi dahil sa desisyon naming si Cenon lang ang tubusin, baka buhay pa si Winona." Nagsisising saad nito.
"P-Pero bakit po ba hindi ninyo siya tinubos?" hindi mapigilang usisa niya.
Napabuntong hininga ang matanda. "Because we thought she's not our daughter. Noong oras na iyon, si Cenon lang ang mahalaga sa amin. Magulo ang isip namin noon at wala kaming pakialam kay Winona. Don't get me wrong, we love her too… it was just that… it was just too unfortunate that she's not ours…" nahihiyang amin ng matanda sa kanya at tuluyang naluha.
Nabagbag naman ang damdamin niya. She can feel her guilt was genuine. Hinawakan niya ang palad nito at pinisil. Nauunawaan niya ang puntong nitong higit kaninuman, sadyang uunahin talaga nito ang sariling anak. It was really just too unfortunate for Winona.
"Ma'am, nangyari na ho ang nangyari. Patawarin niyo na rin ho sana ang sarili ninyo," masuyo niyang saad dito.
Doon na ito napangiti at pinunasan ang luha. "I am really glad you came into our lives, iha. Kung ibang tao ka lang, hinusgahan mo na kami. Maraming nagalit sa ginawa namin, including Winona's family who happened to be one of our dear friends. We deserve their anger. Hanggang ngayon ay hindi na nila kami kinausap ulit. Si Cenon lang ang kinakausap nila. Marahil ay nauunawaan nilang hindi iyon kagustuhan ng anak namin."
Tumango siya rito at ngumiti. Muli niyang pinisil ang palad nito para iparating dito na sincere siya sa lahat ng sinabi niya.
"Kung ganoon, mabuti po at pinayagan nilang ilibing si Winona sa Eternal Garden,"
Napatango ang matanda. "Nandoon din ang lahat ng memorial lots ng pamilya ni Winona kaya doon na rin siya inilibing," paliwanag nito.
Siya naman ang napatango at napahinga ng malalim. Kung gayon ay hindi pala sole decision ni Cenon kung bakit doon inilibing si Winona. Ganap na niyang nauunawaan ang lahat.
"Welcome to our family, iha," anang ginang kapagdaka at niyakap siya. Ang kung anumang negatibong damdamin niya para sa pamilya ni Cenon ay tuluyan ng nahawi dahil na rin sa pinaramdam nitong pagtanggap sa kanya. Malugod iyon at mainit.
"Thank you po," nakangiting pasasalamat niya rito. Saglit pa sila nito nagkwentuhan hanggang sa namataan nila si Cenon. Ngiting-ngiti siya sa lalaki.
"Done with your girl's talk?" nakangiting tanong nito saka siya hinalikan sa noo.
Natunaw ang puso niya sa aksyon nito. This man really knows how to melt her. Just one kiss is enough.
"Oo, iho. Alagaan mo si Violet, anak. Napakaswerte mo sa kanya," anang ina nito bago sila nito tuluyang iniwan.
"See? They are nice,"
Tumango siya rito at malambing na niyakap ito sa baywang. Tiningala niya ito. "Yes. I love your mom. Para siyang si mommy. Malambing at mapagmahal,"
Nagkaroon ng lamlam ang mga mata nito. "Yes and I understand her in all her actions. It was a natural reaction of a parent to have an undying love to their children. Naiintindihan ko na kung bakit nila nagawa iyon kay Winona. Besides, it was five years over. It's about time that we all move on, right?"
Nabigla siya sa lahat ng sinabi nito. "You knew…"
Tumango ito. "Sinabi ni dad lang ang tungkol doon kanina." Anito saka napabuntong hininga. "I finally understand now. It made me sad but it was way over. Wala ng rason pa para magalit ako. Tama na sa aking pinagsisihan na naming lahat ang mga pagkukulang namin sa nangyari,"
Namasa ang mga mata niya sa sobrang kaligayahan dahil sa sinabi nito. Nakakatuwang marinig iyon mula kay Cenon. She was indeed glad that this man completely healed and accepts everything. "I'm so happy, hon,"
"Really? Kiss me then,"
Natawa siya ngunit tumalima pa rin. She gladly obliged to his wish. And for that, he warmly responds to his kisses. It was such a great night. It was lovely and she was happy. Wala na siguro siyang mahihiling pa ng sandaling iyon.