"Huwag mo ng kulitin si Violet," awat ni Cenon kay Angelo dahil tanong ito ng tanong kay Violet. May interment ngayon pero hayun si Cenon, hindi sila maiwan na dalawa sa kubo nito dahil na rin sa walang tigil na interview ni Angelo. Para itong batang nage-enterntain ng bisita. Kulang na lang ay itanong nito kung doon siya matutulog o ano.
Halos sabay lamang sila nitong dumating doon ng tanghalian. Pagkagaling niya sa Hotel Manila dahil sa isang presscon ng Sweet Booster ay doon na siya dumiretso. Dumaan lamang siya sa palengke para mamili ng lulutuing tanghalian. Pagdating sa bukana kanina ng Eternal Garden ay doon na nagkasunod ang mga sasakyan nila ni Angelo.
Habang nagluluto siya ay tumutulong ito at naguusisa tungkol sa kanya. Hindi rin nito tinago na bilib ito sa kanya dahil sa propesyon niya. Panay ang sabi nito na cool daw siya at ang husay daw niya. Ilang beses daw kasi nitong napanood sa youtube ang karera nila ni Choi.
"What? I just wanted to know kung may magagalit ba kung popormahan siya. Sa ganda ba naman ni Violeta? Hindi imposibleng may boyfriend na siya. Every man would be dying to be her man," painosenteng sagot nito.
"Bakit gusto mong malaman? Liligawan mo siya?" seryosong tanong ni Cenon.
Ngumisi si Angelo. "Bakit? Ayaw mo?"
"Manahimik ka na nga lang kung ayaw mong magpahinga sa kuwarto." Nagtitimping sagot ni Cenon. Mukhang nainis na hindi niya mawari. Gusto niyang mapamaang! Totoo ba ang nakikita niya? Affected si Cenon! Bahagya ng namumula ang mukha nito!
"Alam ko kung bakit ka nandito," tudyo ni Angelo kay Cenon. Hindi pa rin tumitigil sa pangaasar. "Dati, maghapon ka sa sementeryo. Ngayon…"
Nagsalubong ang kilay ni Cenon. "Kubo ko ito baka nakakalimutan mo,"
Natawa si Angelo. "Ayaw mo pang umamin."
"Just shut up, will you?" Iling ng iling si Cenon. Siya naman ay napabungisngis sa dalawa.
"What are you grinning at?" ani Cenon sa kanya. Medyo nangangasim na ang mukha dahil kay Angelo.
"Wala akong boyfriend," naaliw na sagot niya. Kinikilig na talaga siya. Kung ganoon ba naman ka-transparent si Cenon? Aba'y nagdiriwang ang puso niya sa saya.
"Narinig mo? Walang boyfriend! 'Insan naman…" angal ni Angelo. Mukhang ito pang naatat!
Natigilan si Cenon. Saglit na kumislap ang mga mata nito hanggang tumikhim. Siya naman ay nakapagpapibilis ng tibok ng puso! Lalong humigpit ang dibdib niya ng tila nagusap ang dalawa sa mata hanggang sa napabuntong hininga si Cenon.
"So… if you have no intention on courting her, p'wede ko siyang ligawan?" seryosong tanong ni Angelo. Biglang-bigla, gusto niyang kutusan si Angelo! Parang baliw! Anu-ano ang naiisip na sabihin!
Pero natensyon siya ng hindi makapagsalita si Cenon. Umusal siya ng dasal na sana ay magsalita ito at awatin si Angelo. Pero nagsukatan ng tingin ang dalawa. Kapwa seryoso, gusto ng manginig sa nerbyos ang kanyang puso!
"I didn't say anything but it doesn't mean I have no plans. Just shut up, Angelo. Let me do this my way," naiinis na sagot ni Cenon. Base sa namumula nitong mukha ay hindi na ito natutuwa sa pinsan.
Doon ngumisi si Angelo. Tila nagtagumpay sa isang misyong hindi niya alam. Tumayo na ito. "Just exactly what I thought… " marahang saad nito saka siya nginitian. "Matutulog na ako. Napuyat ako sa duty ko kagabi." Paalam nito. Pagkatango niya ay pumasok na ito sa isang silid ng kubo.
Siya naman ay hindi mapakali. Paulit-ulit na tumatakbo ang mga sinabi ni Cenon. Paulit-ulit din nagkakandaletse ang tibok ng kanyang puso. God… she was so excited about Cenon's plan. She was so glad to hear that he wanted to do that on his own way. She was thinking, will he be romantic? Ah, that thought made her heart felt giddy…
"Pasensya ka na talaga," ani Cenon at napabuntong hininga. Nahagod nito ang noo. Parang na-toxic sa pinsan ng todo.
"It's okay." Nakangiting sagot niya.
Pinagmasdan siya nito. Doon nawala ang ngiti niya at kinabahan siya sa titig nito. Her mind was screaming that moment. She wanted to know what inside his mind. But she controlled her feelings. She waited for this man to say something.
"Can I ask you out?" seryosong tanong nito kapagdaka.
"Yes." Pigil hiningang sagot niya. Diyos mio! Halos mahimatay na siya sa kakulangan ng hangin sa baga! Hindi na yata siya humihinga dahil sa labis na tuwa at pananabik! Ni hindi na niya ito pinatapos magsalita. Aba, baka biglang magbago ang isip nito kaya napa-'yes' na siya agad!
Doon na umaliwalas ang mga mata nito. Huminga ito ng malalim at nangingiti na sa kanya. he looked excited but trying to hide it. "Really?"
"Yes! Kahit saan pa 'yan, sasama ako." Nakangiting sagot niya. Kahit nga yata nasa deck lang sila, okay na sa kanya. Cenon didn't have any idea what kind of contentment she had when she was with him. Na tipong kahit naguusap lang sila nito ay hindi siya nakakaramdam ng pagkabagot. She enjoyed every minute with him… every minute with him was so special to her…
Tumango ito. He looked happy. His happiness was written on his eyes. The sparked never faded… "Okay. But this time, give me your address and I will be the one fetching you."
"R-Really?" halos hindi na siya makapaniwala sa sinabi nito! God! She wanted to shout for joy! Mukhang tunay na ang kanilang magiging paglabas. Tunay at pormal. Oh, anong saya niya na halos nais na niyang magdiwang!
"Yes. Isulat mo na lang dito," anito saka iniabot sa kanya isang maliit na papel.
Siya naman ay kinakabahang tumalima. Halos manginig na ang mga kamay niya sa pagsusulat. Letsugas lang! Gusto na niyang kurutin ang sarili. Pambihira. Sa karera ay never siyang nanginig sa takot man o labis na tuwa. Pero kay Cenon ay halos manginig na siya!
"Here," aniya saka iniabot ang papel dito. Binasa nito saka ito tumango. "M-Maghihintay ako,"
His eyes beamed in happiness. "Magtatampo ako kapag hindi mo ako hinintay,"
Diyos mio! Ayaw niya itong magtampo! Ang tagal kaya niyang hinintay ang pagkakataong iyon? Kahit gusto pang ipagdiinang pakahihintayin niya ito ay pinigilan niya ang sarili. Masyado na siyang mahahalata noon kaya isang ngiti na lang ang tinugon niya rito. "Hihintayin kita, Cenon. Promise,"
Napangiti na ang simpatikong lalaki. Siya naman ay lihim na kinilig. Hindi pa siya kuntento, nagpaalam siya kay Cenon na magbabanyo at doon pinakawalan ang isang impit na tili. Finally! He asked her out! P'wede na siyang mamatay bukas!
Gusto niyang matawa sa huling naisip. Ganoon ang epekto ni Cenon sa kanya. Right there and then, she realized how she liked Cenon. It was intense and pure. She wanted him to be hers… soon.
"PARE NAMAN, dumaan ka naman sa flower shop. Huwag mong sabihing hindi mo man lang bibigyan ng bulaklak si Violeta?" seryosong tanong ni Angelo. Napailing siya rito at inayos na lamang pagkakabutones ng polo shirt niya. Nang matapos ay sinuklay niya ang buhok na bagong gupit. Nawala ang mga nagtitikwasang kulot sa dulo niyon at luminis siyang tingnan. Nilagyan niya ng wax ang buhok para mas presentable. Nagahit din siya kaya umaliwalas ang kanyang itsura.
"Tinamaan ka kay Violeta, ano?" untag ni Angelo. Gusto niyang matawa dito. Para itong babaeng teenager na nanonood sa paghahanda ng isang kaibigan para sa isang date. Kanina pa ito panay suhestyon sa mga gagawin niya na parang hindi naman niya alam kung papaanong umakyat ng ligaw.
God! He was thirty five years old! Sometimes, Angelo seemed forget that. Gusto niyang mapailing dito. "Angelo, ang ingay mo. Mula noon hanggang ngayon, maingay ka. Hindi ka na ba magbabago?"
Napahalakhak ito. Mukhang hindi minasama ang mga sinabi niya. Nagulat na lamang siya ng tapikin siya nito sa balikat at bahagyang pinisil iyon. "Finally."
"Finally what?" takang tanong niya.
Nagkaroon ng lamlam ang mga mata ni Angelo. "Sa wakas. Bumalik ka na sa dati, Cenon. Kailan ba ng huli mo akong sermunan at pagalitan ng ganyan? It was five years ago. It was before Winona died."
Napatango. Hindi na niya naalala pa ang bagay na iyon dahil tuluyang naging okupado ang kanyang isip. He worked in Eternal Garden and at the same time, he always visted Winona's grave. Sinisiguro niyang maayos ang libingan nito at laging malinis. That's the only thing he could do to her and fulfill his promise. Nang dahil sa kanya, namatay ang kanyang fiancée. The trauma of what happened five years ago wasn't the only thing holding him back to that place. Maging ang guilt sa pagkamatay ng nobya ay isa sa mga dahilan.
Pero sa pagdating ni Violeta ay unti-unting nagbago ang lahat. Marami siyang bagay na nagawa na dating hindi ginagawa. Una, the time that they went to Taiwan was Winona's fifth year anniversary. Kaya nagpunta rin si Angelo sa sementeryo noon dahil marahil ay nasabihan ito ng pamilya ni Winona.
Pero, hindi niya nakayanang tiisin ang lungkot ni Violeta. He knew, the moment he said 'no' to her, the sadness was intense. Pinigilan lamang nitong ipakita iyon pero sumingaw pa rin ang lungkot sa mga mata nito. And her sadness haunted him.
The day of the flight, lalo siyang hindi mapakali hanggang sa inamin niya sa sarili na gusto niyang makasama si Violeta. He was missing her terribly. Ilang araw niyang hindi narinig ang masayang boses nito. Ilang araw niyang hindi ito nakita. Hindi lang siya basta nasanay sa presensya nito kundi hinahanap talaga niya. Ang mga kwento nito… ang mga tawa nito… ang mga pasimpleng paguusisa nito sa kanya…
Hindi siya makapag-concentrate sa Eternal Garden dahil doon. It seems that his heart and mind left that place too. Violeta brought those two important parts of him. Ang dalawang bagay na ipinangakong ipapahawak lamang kay Winona…
I'm sorry, Winona… his heart whispered. Ilang beses na niyang ibinubulong iyon. Napakarami na. Walang saysay ang ilang oras na paglalagi niya sa puntod nito magmula ng dumating si Violeta hanggang sa dumating sa puntong nahihiya na siyang dumalaw sa puntod nito. Magmula ng makabalik sila buhat Taiwan ay madalang na niyang puntahan ito bagaman sinisiguro niya kina Jojo ang kalinisan noon.
"Natulala ka na. Iniisip mo ba s'ya? Believe me, hindi niya ikakagalit na nagmahal ka ng iba, Cenon. She's gone now. Alam kong nasaan man siya ngayon, iyon din ang hihilingin niya: ang makahanap ka ng bagong pag-ibig." Seryosong saad ni Cenon. "I'm happy that Violeta came here. Pare, ngayon lang kita ulit nakitang tumatawa at ngumingiti. Noon, kahit magingay ako dito maghapon, parang hindi mo ako naririnig. Pero ngayon…"
Doon siya natawa. Hindi niya napapansin, ganoon na pala kalaki ang ipinagbago niya sa loob ng maigising panahon. Kung masaya ito na dumating si Violeta, gayundin siya. Dahil sa mga ngiti nito at simpleng pagpisil nito sa mga palad niya, pakiramdam niya ay hindi na siya nagiisa. At ang yakap nito… pakiramdam niya ay muli nitong binuo ang mga bagay na winasak ng isang kasakiman: puso at pangarap.
"Winona… would always have a special space in my heart. Lumipas man ang pagmamahal ko sa kanya, mananatili siya dito. Winona would always be my first love." Seryosong saad niya saka huminga ng malalim. Ilang beses niyang tinimbang ang bagay na iyon. Kung mahal pa rin ba niya si Winona. His feelings for her became shaky. Dahil na rin sa pagdating ni Violeta na pumukaw sa interes niya.
Una, akala niya ay naawa lang siya kay Violeta dahil nakikita niya ang sarili noon dito. But everything became clear to him when Angelo came. Sukat magpahaging na gusto nito si Violeta!
Ah, the anger he felt that time was intense. It almost consumed him. Noon lamang siya nainis ng todo sa pinsan. Batid niyang tototohanin nito ang bantang liligawan si Violeta. Si Angelo ang tipo ng lalaking gustong nacha-challenge. Kaya inis na inis siya. Noon din siya nakaramdam ng matinding takot. Angelo was a risk. Papaano nga kung ligawan nito si Violet? Papaano na siya?
So he finally got his answer…
"And Violet... The space she created inside my heart wasn't special, but a tough one. Matigas. Safe. Mahihirapang matibag ng kahit na sino pang babago ng damdamin ko. Kahit pa ako ang gumawa noon, hindi ko 'yung basta mababago. Because Violet didn't just a woman who came here and will just go. She meant to stay here," amin niya kay Angelo at tinuro ang puso.
Napatango si Angelo at tinapik ang balikat niya. He looked happy too. Siguradong kapag nalaman ng pamilya niya iyon at lahat ng mga plano niya ay matutuwa din ang mga ito. But first thing's first. Dapat na siyang umalis at nakakahiya naman kung male-late siya sa unang date nila ni Violet.
"'Yung bulaklak, huwag mong kakalimutan. Pare naman…" bilin ulit ni Angelo.
"Oo na," natatawang sagot niya saka lumabas na. Agad na siyang nagtungo sa garahe at sumakay sa itim niyang BMW. He drove off and headed to Manila. Sa St. Benedict Subdivision ang address ng babae at doon na siya nagtungo.
At s'yempre, hindi niya nakalimutan ang mahiwagang bulaklak. Two dozen of tulips. Napangiti siya ng mabayaran iyon. Again, he headed out and went to Violet's address. Pagdating niya roon ay agad niyang nakita ang chevvy ng babae. Napalunok siya. Bigla siyang kinabahan. Habang tumatagal, patindi ng patindi iyon na halos umaakyat na sa kanyang lalamunan. Pambihira. Sasakyan pa lang nito ang nakikita niya, ninenerbyos na siya. Papaano pa kung si Violet na ang kaharap niya?
Doon bumakas ang pinto ng modernong bahay. Napanganga siya. The racing goddess came out wearing a yellow summer dress. Hanggang bago tuhod iyon kaya litaw ang mapuputi nitong binti at tuhod. Litaw din ang braso nito, leeg at collarbone. Ni walang bahid ito ng make up. God… once again… his heart was captivated by Violet's beauty.
"Wow! Ang pogi mo naman Cenon!" bulalas nito ng sandaling makita siya nito. Hindi pa ito kuntento, yumukod pa para magkakitaan sila. Nakahawak ito sa dibdib nito para hindi tuluyang makita ang dibdib nito. He felt proud. Maingat sa katawan ang babaeng napupusuan. Sa kabilang banda, gusto niyang mapapitik sa panghihinayang!
Naughty again… bastard… kantyaw ng isang bahagi ng isip niya. Gusto niyang batukan ang sarili dahil doon.
Lumabas siya at pinagbuksan ito ng pinto. Ngiting-ngiti ang babae habang hinahagod siya nito ng tingin. Bahagya siyang nailang. Bumilis ang tibok ng puso niya sa titig ng babae. Her pure admiration was there. Ang sarap tuloy nitong pupugin ng halik!
Nang makuntento ito sa paghagod ay ngumiti ito ng matamis. Lumabas pa ang dalawang mababaw na biloy nito sa itaas ng pisngi nito na gusto niyang titigan. That was his favorite part in her face. Her dimples… then he would stare on her lips… her chin… face… ah, every part of her… he was dying to touch and kiss…
"Let's go," nakangiting saad nito. Agad niyang inalalayan itong makaupo. Ilang sandali pa ay pumasok na siya sa loob ng sasakyan at inabot na ang bulaklak dito. Napalumagat ito! Bigla siyang kinabahan! Hindi niya naisip na baka hindi mahilig sa bulaklak si Violet!
"I-I'm sorry. Next time, I'll buy something unique… err…"
"Thank you!"
Nagulat siya ng hagkan siya ni Violet sa pisngi at muli nitong binusisi ang bulaklak. Mukhang siyang-siya sa tulips. Inamoy-amoy pa nito. "Totoo siya?" namamanghang tanong nito.
Bahagyang napakunot ang noo. "Yes. Why?"
"Cool! This is my first time!" natutuwang amin nito hanggang sa namula ang pisngi nito. She looked happy and delighted. Naginit ang puso niya. Masaya siya na na-appreciate nito ang bigay niya.
Napangiti siya. Siya ang unang lalaking nagbigay ng bulaklak dito. Ah, nakaramdam siya ng kakaibang yabang para sa sarili. "Hindi ka binibigyan sa mga presscon?"
"Binibigyan pero 'yun ganito? No man tried to give me flowers."
Nagtaka siya. "But that's impossible. Walang nagtangkang manligaw sa'yo sa Taiwan?" umiling ito. Doon siya napalatak. "Man in Taiwan wasn't on their right mind."
Napahagikgik ito. "Parang ang ganda ko naman sa paningin mo,"
"But it's true. You are beautiful, Violet." Seryosong amin niya rito. Wala siyang makitang dahilan para itago pa ang bagay na iyon. Noon pa man na hindi niya ito nakikilala ng personal, sa TV pa lang niya ito unang nakita, maganda na ito sa panginin niya. Bakit siya ngayon magkakaila?
"Ikaw yata ang wala sa right mind," Nakagat nito ang ibabang labi. Pulang-pula ang mukha at hindi mapakali. God! He was really dying to kiss her and made her feel special. She was so lovely, really. What made her more beautiful was, she didn't have any idea about it. And he on the other hand wanted to remind her every now and then by kissing her until they both catch their breath…
Ipinilig niya ang ulo. He was thinking of kissing her again on their first date. Nakakahiya siya. Napailing na lamang siya sa sarili at minabuting mag-concentrate na lamang sa date na iyon.
"Isang kontra mo pa, hahalikan na kita Violet,"
Itinikom nito ang bibig! Bahagya siyang natawa sa reaksyon nito pero nakadama din ng panghihinayang. Sana ay kumontra pa ito para nahalikan na niya!
Napailing siya sa sarili at minabuti na lamang na lumakad sila. Sa isang mamahaling restaurant sila humantong at doon kumain. They talked somethings. Mga safe topics hanggang sa humantong iyon sa pagkakarera nito.
"You told me, fourteen ka nagsimulang magmaneho." Usisa niya. there. he found the courage to asked this time. Madalas na si Violeta na lang ang usisera sa kanilang dalawa.
Tumango ito. "Honestly, salitan kami ni dad noon sa mga racing spot. Bago siya lumaban, ako muna ang nagmamaneho. He memorize the curves, the hairpins, the downfall. Technique ni dad iyon. like he wants to become an navigator first before he drive. Tinted ang sasakyan kaya hindi naman ako nakikita sa labas."
Napatango siya. aaminin niya, bilib na bilib siya. siya nga ay eighteen natutong mag-drive noon. Wala siyang amor noon sa pagmamaneho. Nagaral lamang siya dahil bibigyan na siya ng sariling kotse noon.
"I see. Your dad must be really proud of you,"
Uminom muna ito ng juice bago napalaktak. "Naku, masasabon ako noon kapag nalaman niya ang nangyari kay Mr. Chui. Never sumama iyon sa mga underground activities. They provoke him. Pero walang nakapagpa-oo sa kanya."
Nabilib naman siya sa ama nito sa pagkakataong iyon. "But I know, if he's alive right now, he would be really worried. Magagalit siya pero iisipin at uunahin pa rin niya ang kaligtasan mo."
Tumango ito at umayon. Siya naman ay napabuntong hininga. Base sa mga kwento nito tungkol sa pamilya, ganoon ang ama nito. responsible and he loves his family.
Nang matapos silang kumain ay saglit lamang silang nagpahinga bago ito inayang umuwi na. pagdating nila sa tapat ng bahay nito ay hindi muna ito bumaba. Siya naman ay natetensyon! Gusto na talaga niyang batukan ang sarili!
"Good night." Anito at lumingon siya rito para gumanti ng bati.
Pero nagkasalubong ang mga labi nila! Kumabog ang dibdib niya sa saglit na paglalapat ng mga labi nila ni Violeta. Her lips were soft. Her sweet scent didn't just stay on his nose but travels throughout his system. And he knew, her lips will haunt him… day and night… every minute and every second… god… he wanted to sigh in desperation!
"Sinasadya mo," nagba-blushed na akusa nito.
Hindi tuloy niya alam kung mapapakamot ng ulo o ano. Hanggang sa nagpasya na lamang siyang magpakatotoo. "Hindi ko sinasadya. But I really love to kiss you. May I?"
Mukhang nalito ito hanggang sa nahihiyang tumango. Gusto na talaga niyang sibasibin ng halik ang makulit na babae. But he wanted to savor that moment.
Iniangat niya ang mukha nito at ginawaran ito ng isang halik. Magaan. Masuyo. Pinigilan niya ang sariling palalimin iyon dahil ayaw niya itong biglain. Kahit pa matinding panghihinayang ang nasa puso niya ay kusa na siyang kumalas dito. "Good night, Violet," he whispered and kissed her cheeks.
Tumango ito at pinagbuksan na niya ito ng pinto. Hinatid niya ito hanggang gate at hinintay na makapasok. The moment she shut her door, he sighed. And smiled. God… he was really happy! After five years, ngayon lang siya muling sumaya ng ganoon. Kaligayahang may halong kakuntentuhan. He smiled at the thought.
"TULIPS AGAIN. Baka masanay ako, Cenon. Ito ang gagawin kong password sa tuwing nagpupunta ka dito," biro ni Violeta sa lalaki. But she enjoyed it really. Hindi siya mahilig sa bulaklak pero dahil kay Cenon, she started appreciating it. Basta galing kay Cenon ay ikalulugod niyang tanggapin.
Natawa si Cenon at pinatuloy na niya ito. Linggo ang araw na iyon. Wala ang kanyang ina at kapatid. Kapwa nagpunta sa salon ang mga ito, bagay na hindi niya nakahiligan. Tama na sa kanya ang simpleng gupit na iyon ng buhok. Pinapabawasan niya lamang iyon kapag lumampas na ng kanyang balikat. Sa shooting lamang nakatikhim ng ayos ang buhok niya dahil kailangan iyon para maganda ang kanyang kuha sa camera.
"Nagluto ako ng pansit," nakangiting saad niya kay Cenon habang paupo sila sa sofa. Pinaghandaan niya talaga ang oras na iyon dahil nais niyang magpa-impress sa kanyang manliligaw.
Gusto niyang mapahagikgik. Bagaman wala man pormal na sinabi si Cenon na manliligaw ito, dama naman niya iyon sa kilos nito. Ano ang dahilan ng pagbibigay ng bulaklak nito kundi ba naman siya nais nitong digahan? Hindi na niya nakuha pang tanungin ito dahil nakahiyaan na rin niya. First time niyang maligawan at wala siyang ideya sa sistema noon. Iyon na marahil ang sinasabi ni Cenon na 'Let me do this my way'.
Bukod pa sa pagbibigay nito ng bulaklak, marami pang nagbago magmula ng ipakita nito sa kanya ang paraan nito. Hindi na rin siya nagpupunta pa sa Eternal Garden dahil ito na mismo ang nagbibigyahe kapag walang interment. Kapag dumadalaw naman ito, lagi itong may dalang tulips. Minsan ay may kasama iyong pagkain gaya ng… pizza.
Gusto niyang matawa dahil talagang maging siya ay nahihilig na doon. Particularly, Hawaian pizza. Bukod doon ay natuklasan niyang mahilig din ito sa pansit miki. Iyon ang pinagaralan niyang lutuin na rin at ipapameryeda dito. Umalon ang puso niya. Sana lang ay magustuhan iyon ni Cenon. Ilang beses siyang nagtangka na lutuin iyon pero maalat. Sana sa pagkakataong iyon ay perpekto na iyon. Sa panlasa niya kasi ay hindi. Pero papaano sa panlasa ni Cenon?
"I love that," anito saka pinisil ang ilong niya.
Natawa siya. "You love what? Pansit or my nose?"
Napangisi ito. "Both."
Natawa siya ng kintalan nito ng magaang na halik ang ibabaw ng ilong niya. Bumilis din ang tibok ng puso niya. Madalas nitong gawin iyon sa kanya: ang halikan siya nito sa noo, pisngi, ilong o sentido. She found it really romantic. Pero minsan, nakakabitin! Hindi na kasi naulit ang paghalik nito sa kanyang labi. Hays.
"Parang natutuwa ka talaga sa ilong kong maliit," komento niya rito.
"It's cute." Nakangiting sagot nito.
"Sana, puro ilong na lang ako para cute na ako talaga,"
Napahalakhak ito. Siya naman at nakangiting napatiting na lamang sa simpatikong lalaki. Habang tumatagal ay mas lalong gumagaan ang awra nito. Mas lalong sumasaya, mas sumasarap pang pagmasdan.
"Ang dami mong alam," tatawa-tawang komento nito.
"Racing goddess, right? Marami akong dapat na alam,"
Siya naman ang pinagmasdan nito. Siya naman ang nailang at siniko na lamang niya ito ng hindi makatiis. "Hayan ka na naman sa mga titig mo,"
"I love to stare at you. Habang tinitingan kita ng matagal, lalo kang gumaganda."
Naginit ang pisngi niya sa hayagang papuri nito. His sincerity was written on his eyes. Nasa tono din nito ang katapatan. Nagkaroon tuloy ng nagliliparang paruparo sa kanyang sikmura. "Bola,"
"Violet…" anas nito at hinawakan ang pisngi niya. Lalong naginit ang pisngi niya ng pinagkatitigan siya nito hanggang sa masuyo siya nitong titigan. "Violet… hindi mo kailangan maging isang malaking ilong o dumami ang ilong para maging cute. You are simple but lovely. And I love that,"
"T-talaga?" nahihiyang tanong niya. Love daw! Grabe! Halos mangisay ang puso niya sa kilig ng sandaling iyon! Seryoso si Cenon sa sinabi. Nasa mga mata nito ang paghanga at katapatan. She on the other hand was totally speechless! Ang puso niya ay nagririgodon sa tuwa at hirap siyang makahuma.
Bahagya itong natawa. "You're still asking me that? Hmm… let me think of other way how to make you believe me. Ah, this,"
Siniil siya nito ng halik! At tila may mahika ang labi nitong matagal na niyang pinapangarap, agad na nawala siya sa kanyang sarili. Wala siyang ibang naiisip ng sandaling iyon kundi paano matutugunan ang sensasyong agad na binuhay ni Cenon.
Napaungol siya ng kumilos ang labi nito. Kakaiba ang halik na iyon kaysa sa una nitong pinalasap. Naghahanap na iyon ng kasagutan at eksperto si Cenon. He easily taught her how to kiss him back. Tila nagkaroon ng ritmo ang mga labi nila sa pagkilos at paghinga. Soon, she was moaning in delight.
"C-Cenon…" anas niya sa pagitan ng mga labi nila. God… she couldn't feel her lips! Ang init na ng labi niya. Hindi niya alam kung ilang minuto nitong inangkin iyon. Tila lutang pa rin siya ng sandaling iyon. Ang mga balahibo niya ay nanayo pa rin dahil sa kiliting hatid ni Cenon sa kanyang sistema.
"Do you believe me now?" anas nito habang nilalaro nito ang ibabang labi niya.
"Oh, that? Make me believe again," tudyo niya rito at napakagat sa ibabang labi dahil sa antisipasyon.
Napaungol ito at siniil siya ng halik. Mainit niya iyong tinugon. Habang magkasanib ang kanilang mga labi ay doon niya napagtanto ang isang bagay: tuluyan ng hawak ni Cenon ang kanyang damdamin.
Both of them were cathing their breath after that mind blowing kiss. Itinukod nito ang noo sa noo niya at pinagkiskis ang kanilang mga ilong. Naginit ang puso niya sa kalambingan nito.
"'Yung pansit, baka lumamig na," tila wala sa sariling paalala niya rito habang nakapikit pa ang mga mata.
He chuckled. "Okay then."
Magkahawak kamay na nilang pinuntan ang kusina at agad niya itong inistima. Napangiti siya ng magana itong kumain. Sinabayan na niya ito at habang kumakain ay nakukwentuhan sila nito.
"I love this," anito saka uminom ng tubig.
Napahagikgik siya. "Hindi halata," kantyaw niya rito dahil ito ang may pinakamaraming nakain. Halos maubos na nito ang niluto niya.
Natawa na rin ito. Ilang sandali pa ay hinalikan nito ang sentido niya at hinaplos ang likuran niya. Agad na tumawid ang init mula sa palad nito at dumiretso sa kanyang puso. Tila nilipad na sa hangin ang katiting na pagod na nadama niya sa paghahanda ng pansit miki.
"Are you tired?" masuyo nitong tanong sa kanya.
Ngumiti siya rito at umiling. Napangiti na rin ito at pinisil na ang balikat niya. That was enough for her. Ang alamin ang pakiramdam niya ay sapat na para hindi na siya makaramdam ng pagod sa lahat ng iyon.
At na-realized niyang napakaswerte niya dahil isang Cenon ang nagustuhan niya. She was indeed touch un everything he does and said. God was really good. Her angle could be also her love of her life…
"I'm starting to work in Zachary Medical Hospital again,"
Nagkandasamid-samid si Violet sa pinasabog na balita ni Cenon. Agad siya nitong dinaluhan at nang mahimasmasan ay tinitigan niya ito. Ngumiti ito sa kanya at natutop niya ang bibig sa tuwa! Gusto niyang mapatili pero pinigilan lamang niya.
"Talaga? Tiyak na matutuwa ang parents mo!" natutuwang saad niya saka niyakap ito. Napangiti siya ng agad nitong tinugon ang yakap niya. Hindi pa mandin niya nakikilala ang parents nito ay alam niyang matutuwa ang mga ito. Ibig lamang sabihin noon ay handa na si Cenon na harapin ang mundo sa labas ng Eternal Garden. Maging siya ay masaya dahil doon.
"Nakausap ko na sila kahapon pa. Kaya ako hindi nakadalaw nitong nakaraang araw ay inayos ko muna ang mga gamit ko sa dati kong tinitirhan. Lumipat na rin ako. Hindi na ako titira sa Eternal Garden. May bahay ako malapit sa Zachary Medical Hospital. May caretaker akong tumitingin doon. Kaninang umaga, ang clinic ko naman sa Zachary ang pinaayos at pinalinis ko kaya medyo gabi na akong nakarating dito ngayon," paliwanag nito.
"Ang daya mo," angal niya rito. Gusto rin naman niyang tumulong dito. Si Cenon noon ay tumulong sa kanya noon na harapin ang AXA. Samantalang ito ay tila nag-solo flight.
"Huwag ka namang magtampo. I will explain to you everything, okay? Kain ng kain." Anito saka dinagdagan ang pagkain sa pinggan niya. Kasalukuyan silang naghahapunan. Nauna ng kumain ang pamilya niya at nasa sala na. Sila lamang ni Cenon ang nasa hapag ng sandaling iyon.
Napabuntong hininga na lamang siya. Pilitin man niya ay nakakaramdam pa rin siya ng tampo. Isang malaking bahagi ng buhay nito ang ginawa nito at gusto niyang nandoon. Dama niyang may mga bagay itong tinatago sa kanya kaya pakiramdam niya minsan ay ang layo nito sa kanya. Pero hindi siya nagrereklamo at umaasang isang araw ay magbubukas ito ng saloobin sa kanya. Sana nga ay iyon na ang pagkakataong pinakahihintay niya: ang tuluyang magtiwala ito sa kanya.
Nang matapos silang kumain ay nagaya itong maglakad. Lumabas muna sila ng bahay at naglakad sa hardin. Kapwa sila tahimik na naglalakad at magkahawak kamay. Tahimik lamang siyang naghihintay sa mga paliwanag nito. Hanggang sa tumigil ito sa paglalakad at hinarap siya. Pigil hininga niyang sinalubong ang mga tingin nito.
Ngumiti ito ng masuyo sa kanya. "First, I want to thank you for coming into my life."
Ah, her heart melted. Masuyo siyang ngumiti dito. Hinaplos niya ang pisngi nito at bumilis ang tibok ng puso niya ng halikan ni Cenon ang palad niya. Pakiramdam tuloy niya ay hawak niya ng sandaling iyon ang kaligayahan niya… si Cenon.
"Second, I want to share to you the biggest part of my life. Violet, I want you to know me more." Anito saka huminga ng malalim. Napatango siya at inudyukan itong magpatuloy. Halos manikip ang dibdib niya sa mga sasabihin nito sa kanya.
"Akala ko noon, kasama ng nalibing ang puso ko sa puntod ni Winona. The reason why I live in Eternal Garden was… her remain was there. It was my promise to her: to be with her forever. Pangako ko sa kanyang babawi ako sa lahat ng pandaramay ko sa kanya kahit wala na siya…"