Chereads / SWEET BOOSTER / Chapter 16 - CHAPTER TWO

Chapter 16 - CHAPTER TWO

NAPAISIP SI Cenon habang pinagmamasdan ang babaeng natutulog sa kama. The woman just came into that place uninvited with many bruises last night. She was obviously involved in a crime. Wala lang siyang ideya kung ito ang biktima o suspect. Gayunman, atas ng dating tungkulin ay ginamot niya ito, nilinis at doon niya nakilala ito.

She was no other than Violeta Ortega, a Sweet Booster icon. Batid niyang maganda ang babae dahil madalas niyang mapanood ito sa telebisyon pero hindi niya sukat akalaing ganoon ito kaganda. She possessed a heart-shaped face. Unat ang buhok nitong itim na itim hanggang balikat at pantay. Walang bangs man o ano. Hindi rin ahit ang kilay nito ngunit maganda at maayos ang pagkakaarko. Matangos ang ilong nito at namumula ang mga labi. She looks like Camilla Belle. Isang Hollywood actress na gumanap sa 10,000 B.C.

May mga galos ito sa pisngi, leeg at braso. The moment she entered Eternal Garden at that condition, he knew where she finds her way. Matagal na niyang pinapaputol ang sanga ng mangga sa likuran ng E.G. dahil hindi lang ang babaeng ito ang nagtangkang pumasok doon kundi ang mga kabataang naghahanap rin ng thrill. Kaninang umaga ay matagumpay na niyang naipaputol iyon para maiwasan ang mga ganitong pangyayari.

Eternal Garden is a private cemetery. His family owned that. Doon na siya tumira at naging caretaker. Kapag maraming libing at halos sunod-sunod, nagiging sepulterero na rin siya o tumutulong sa interment. Walang kaso sa kanya iyon. Digging graves doesn't matter to him anymore. Five years na siya roon kaya balewala na sa kanya iyon. Bukod doon ay mayroon naman siyang nakakasama: sina Trini—ang matandang babaeng nagmamantini ng mga mausoleum at opisina doon, sina Joel at Jojo na kapwa sepulturero. Uwian ang mga ito. Guwardya lamang ng sementeryo ang nakakasama niya doon tuwing gabi.

"Hmm…" ungol ng babae. Doon siya biglang tila natauhan sa pagiisip at agad itong nilapitan. Marahan siyang naupo sa tabi nito ngunit muli, naging mahimbing ang tulog nito. Mukhang pagod na pagod.

Sa isang panig ng puso niya at base sa nakitang itsura nito kagabi ay mukhang nanganganib ang buhay nito. Isang bagay din kung bakit hindi siya nagdalawang isip na tulungan ito ay alam niya ang pinagdaanan nito. He knew exactly how it feels to be a victim. The terror is way beyond imagination.

Napabuntong hininga siya at pinilit na iwaglit ang mga pangit na alaala. Nang makitang payapa na ang pagtulog nito ay lumabas na muna siya at naupo sa sofa. Binuksan niya ang TV. Hoping that he might watch some news related to Violeta. Pero hindi nangyari iyon dahil nakita niyang muli ang commercial nito sa TV.

His heart suddenly stops from beating when he saw a goddess came out of a racing car. Ang buhok ni Violet ay tila slow motion na inilipad ng hangin palayo sa mukha nito at tumambad sa kanya ang pinakamagandang babaeng kanyang nakilala…

Doon nito binuksan ang isang bote at nilagok ang karga. Napalunok din siya. The way she slowly swallowed the Sweet Booster Energy Drink, Violet Dew flavor made him thirst too. After she drank, she licked her lower lip and God forbid… his mind right now was thinking something naughty to her lips!

"Drink Sweet Booster Energy Drink, Violet Dew and race like a bullet!"

Napakurapkurap si Cenon sa sinabing iyon ni Violeta. He was indeed amazed. Naipilig niya ang ulo para kalmahin ang imahinasyon. He was really captivated to her beauty. Gusto niyang batukan ang sarili. When was the last time he felt that? Ah, limang taon na rin. Tahimik ang kanyang mundo. Walang babaeng dumaan sa buhay niya kaya marahil ganoon kadaling magsiklab ang nadarama niya.

He sighed. Muli, binalikan niya ang babae at siniguro ang kalagayan nito bago lumabas. Dalawa ang silid ng kubo na iyon. Ang silid na ginagamit ng babae ay ang silid na ginagamit ni Angelo—ang kanyang pinsan—kapag nagpapalipas ng gabi doon. Simple lang ang kanyang tinitirhan ngunit kumpleto sa gamit. He made it sure that even he stayed in a cemetery, he would still live comfortably.

Lumabas na siya para magikot sa E.G. ng masigurong maayos itong natutulog. Pero napakunot na lamang ang kanyang noo ng makitang mayroong kausap na limang lalaki ang guwardya ng E.G. kapwa nakaitim ang mga ito na pangtaas. Malalaking tao ang mga ito.

Lalong napakunot ang noo niya ng makitang lumapit sina Jojo at tila umaawat. Bigla siyang kinutuban sa nasaksihan at agad na nilapitan ang mga ito.

"What's going on in here?" maawtoridad na singit niya. Nagsipaglingunan sa kanya ang mga kalalakihan at agad siyang nilapitan ni Michael, ang guwardya doon.

"Sir, sinita ko kasi kanina ko pa sila napapansing ikot ng ikot. Tinanong ko kung anong puntod ang hinahanap pero hindi daw puntod ang hanap nila kundi babae. Pinapaalis ko pero mukhang gustong pumalag, boss," sumbong nito.

Pasimple niyang pinagmasdan ang mga kalalakihan. Halatadong goons ang mga ito. Balbasarado, may kaiitiman at naglalakihan ang mga katawan. May tattoo pa ang tatlo sa mga ito sa braso. Hindi man armado ang mga ito—na marahil ay hindi ipinahalata—sa hilatsa pa lang ng mga mukha nila ay wala ng gagawing maganda ang mga ito.

"Ang babae lang dito, si Manang Trini. Are you looking for her?" madiplomasyong tanong niya t nagpakahinahon pero sa loob-loob niya ay kinukutuban na siya. Kailangan niyang maging maingat. Kaunting aberya lang, lahat ng mga tao niya ay madadamay.

Itinuro niya ang matanda sa hindi kalayuan pero umiling ang pinakamatangkad na lalaki. Hula niya'y ito ang pinaka-leader ng grupo. "Si Violeta Ortega ang hinahanap namin. 'Yung endorser ng Sweet Booster. Nagkahiwa-hiwalay kami kagabi at baka naligaw na iyon. Hindi siya tagarito kaya hinahanap namin siya. Siguro naman, nakikilala ninyo siya. At siguro naman, alam ninyong mahalagang makita naming siya agad para na rin sa kapakanan niya. Baka kuyugin siya o ano dahil matuturing na rin siyang celebrity, hindi ba?" paliwanag nito. Mukhang nagpapalusot at nagpapakahinahon ding tulad niya. Mukhang umaasa din na hindi siya makakatunog kaya nagtahi na ng kwento.

Kwentong hinding-hindi niya paniniwalaan. Kung naiba lang, baka naniwala na siya rito at baka makipagtulungan pa. pero nakita niya ang itsura ni Violeta. Isa pa, iba ang pakiramdam niya sa grupo kaya hindi talaga niya makuhang magtiwala.

Umiling siya. "Wala kaming napansing babae. Kung wala kayong puntod dito at iyon lamang ang pakay ninyo, makakaalis na kayo. You clearly have no business here. Kung ipagpipilitan ninyo ang gusto ninyo, mapipilitan kaming tumawag ng pulis." Maawtoridad at determinadong sagot niya sa mga ito. Tinitigan niya ito sa mata at pinakitang hindi siya apektado sa kung anong kaya ng mga ito. Hell… he'd been through a lot and not some small time crook could put him down.

Nang makitang hindi siya masisindak ng mga ito ay napipilitang umalis ang mga kalalakihan. Doon lamang siya nakahinga ng maluwag. Kasabay noon ay lalong nabagbag ang damdamin niya sa babae. She was in grave danger!

"Tumawag ka agad ng pulis kapag nagpilit ang mga 'yan, okay?" mahigpit na bilin niya kay Michael. Hindi naman problema ang komunikasyon doon dahil may telepono sa opisina ng E.G.

Agad itong tumango. Siya naman ay agad na binalikan ang babae at hinintay na magising. Kailangan niya itong tulungan. Mariin niyang naikuyom ang kamao habang nagiisip ng mga susunod na hakbang. Hindi siya basta-basta mananahimik na lamang. Tutulong siya. Buo ang kanyang loob dahil… minsan sa kanyang buhay ay naging tulad din siya ni Violeta.

***

"HMM…" ungol ni Violeta. Lumulutang pa rin ang pakiramdam niya. Pinilit niyang imulat ang mga mata pero naliyo pa rin siya. Muli siyang napaungol at pilit na gumalaw. Pero napangiwi na lamang siya ng madama ang sakit sa kanang paa.

Doon niya naalala ang nangyari ng nagdaang gabi. Bigla siyang muling sinalakay ng takot at pagaalala. Agad siyang nagmulat ng mga mata at tumalon ang puso niya ng makitang mayroong lalaking tiim na nakatitig sa kanya.

"Sino ka?" kabadong tanong niya saka napasiksik sa head board ng kama. Napalunok siya sa takot. She wanted to cry that moment. The idea that the kidnappers got her scares her.

Bahagyang kumunot ang noo nito at napaurong siya ng lumapit ito. Napatitig siya rito at bumilis ang tibok ng puso niya ng mapansing pamilyar ito sa kaya. Guwapo ito. Mukhang anghel dahil maamo ang mukha o… naging maamo dahil nababanaag ang lungkot sa mga mata nito?

"You're safe here. I own this place. You trespassed in Eternal Garden property," malumanay na saad nito at ipinaliwanag ang lahat. Baritono ang tinig nito at may kalamigan. Dahilan para bumilis ang tibok ng puso niya. It was her damn first time in history. Never pa siyang makaramdam ng pangingilag sa kahit na sino. Or maybe, what really happened to her last night affect her.

"E-Eternal Garden?" takang tanong niya. Napatingala siyang muli para siguraduhin ang lahat. Hanggang ngayon ay lumutang pa rin ang isip niya hanggang sa natigilan siya. "Sa pagkakatanda ko, kubo ang papasukin ko at—"

Nahigit niya ang hininga ng maupo ito sa tabi niya at pinagmasdan siya. Doon niya napansing hawig nito si Ashton Kutcher. Tisoy ito. His hair was brown. Makakapal ang kilay nito na halos ganoon din ang kulay. Light brown ang mga mata nito na nababanaagan niya ng lungkot. Ang ilong nito'y matangos.

Bumaba ang tingin niya sa labi nito. Napalunok siya ng makita ang labi nitong mapupula. Bahagyang may kakapalan iyon ay halatado ang lambot. There was a mystery on his lips: how she wanted those lips to smile at her… tease her until she kissed it.

"Papalabas ako kagabi para magikot at pagbukas ko ng pinto ay doon ka hinimatay." Paliwanag nito at seryoso siyang tinitigan. "May mga naghahanap sa'yo. If I were you, we should report this to authority. I believe you are in grave danger." Walang ligoy na saad nito.

Napakurapkurap siya sa sinabi nito. Tila iyon ang gumising sa diwa niyang tila nangangarap sa mga labi nito. Gusto niyang kutusan ang sarili. Nasa peligro ang kanyang buhay pero nakuha pa niyang pangarapin ang labi nito!

"Diyos ko…" napasinghap siya ng mapagtanto ang lahat. Halos pumutok na ang ulo niya sa mga nangyayari. Hindi pa niya nasasabihan ang kanyang ina at ate. Walang nakakaalam ng mga nangyari sa kanya! "A-Ano'ng gagawin ko?" nanghihinang saad niya at namasa ang mga mata. Ilang beses siyang huminga ng malalim at kinalma ang sarili. Doon niya sinabi ang kinasusuungang problema para ganap nitong maunawaan ang lahat. She was in deep shit. Mariin niyang naipikit ang mga mata ng hindi ito magsalita. Inaasahan na niyang itataboy na siya nito dahil ayaw nitong masabit sa kanyang problema.

"Tutulungan kita."

Napamaang siya rito. Saglit na hindi iyon nai-process ng utak niya. Nakakabigla para sa kanya: alam nito kung anong klaseng gulo iyon pero handa pa rin itong tumulong? Nang makita niya ang kaseryosohan sa mukha nito at namangha siya. "Bakit mo ako tutulunga? Ni hindi mo ako kilala…"

Napabuntong hininga ito. "Naging biktima din ako ng kidnapping. Alam ko kung gaano kahirap para sa isang biktima ang pagtakas para iligtas ang buhay. Ngayon nakatakas ka, pagkakataon mo na ito para isuplong sila sa lalong madaling panahon. Wala na silang oras para magtago. Matutulungan ka ng mga taong tumulong sa akin noon. Magtiwala ka lang," pangungumbinsi nito.

Kinabahan pa rin siya. Mr. Chui was a monster. Maisip pa lang ang matandang huklubang intsik na iyon, nanginginig pa rin siya. hindi niya mapigilan dahil alam niyang kaya siya nitong patayin. "P-Pero—"

"You can trust me. I'm Cenon Randall. Here's my Voter's ID, linsence…" anito habang iniaabot ang mga pagkakakilanlan nito. Napipilitan siyang inabot iyon dahil aaminin niya, dahil sa nangyari ay kailangan niyang magpakasigurong mapagkakatiwalaan ito.

Marahan siyang napatango habang pinagmamasdan ang mga ID's. Thiry five years old na ito. Eleven years ang tanda nito sa kanya dahil beinte kuwatro anyos na siya.Gayunman, nakakabigla na hindi iyon halatado dito. He looked younger than his age. Mukha lang itong treinta kung tutuusin.

Napaisip siya at pinilit na maupo ng maayos. Inalalayan siya agad nito. Agad na dumaloy ang kuryente sa kanyang balat dahil sa init ng palad nito. Tila mayroong mahika ang init nito dahil may hatid na kapanatagan iyon sa puso niyang binabalutan ng takot.

Pero napangiwi siya ng sandaling itapak ang paa sa semento. Tila tinamaan ng kidlat ang kanang paa niya dahil na rin sa pinsala noon.

"A-ang paa ko, n-natapilok ako—" naluluhang saad niya rito.

"What?" agad nitong tiningnan ang paa niya at buong ingat na kinapa. Nahigit niya ang hininga sa paghawak nito. Muli niyang nadama ang pamilyar na init ng palad nito. Dahilan para lalong manayo ang mga balahibo niya sa katawan.

Hindi niya masisisi ang sarili. She can say that he was nice. Kung hindi ito mabuting tao ay hindi siya nito patutuluyin doon lalo na sa kaso niya. Baka ipinagtabuyan pa siya nito o ano. Sa pagkakahawak naman nito ay walang bahid iyon ng pananamantala. Actually… he looked professional doing that. Seryoso ito sa pagsalat at tila alam at aral kung ano ang dapat na hawakan nito.

"Are you a doctor?" hindi mapigilang usisa niya rito.

Natigilan ito ng ilang segundo hanggang sa tumango sa huli saka maingat na sinuri ang paa niya. Lalong naantig ang kuryusidad niya. Kung doktor ito, bakit nakatira ito sa loob ng sementeryo?

Ngunit lahat ng iyon ay naiwan sa kanyang lalamunan. Tumayo na kasi ito at iniwanan siya. Siya naman ay matyagang naghintay hanggang sa muli itong bumalik. Sa pagkakataong iyon ay may dala na itong ointment at benda. Hindi na siya nagtaka pa kung bakit mayroon itong stock na gamot. Bilang doktor ay mukhang sinisiguro nitong kumpleto ang medicine cabinet nito sa lahat ng oras. Ilang sandali pa ay hinarap na nito ang paa niya at ginamot.

"Parang… nakikita ko ang sarili ko sa'yo dalawang taon ng nakararaan. Hindi sa tinatakot kita, ayoko lang mangyari sa'yo ang nangyari sa akin noon na… may namatay pa ng dahil sa akin." Komento nito habang nilalapatan ng lunas ang paa niya.

Dumagundong ang kaba sa dibdib niya. Posible ang sinasabi nito. May pamilya siyang maaaring madamay kundi siya kikilos agad. Saglit na tila nablanko siya at takot ang umiral sa pagkatao niya. Doon niya napagtanto kung bakit may mga biktima na takot na magsumbong: dahil hindi ganoon kadali ang magsumbong.

Halang ang kaluluwa ng mga taong dumukot sa kanya. Handang patayin ang isang walang labang babaeng tulad niya para lamang sa pera. Pero buhay siya ngayon at nakatakas. May pagkakataon pa siya para baguhin ang lahat.

Doon hinawakan ng lalaki ang kamay ni Violeta saka pinisil. Naghatid iyon ng kakaibang init sa kanyang puso. Pakiramdam niya ay hindi talaga siya nagiisa ng sandaling iyon at hindi nito pababayaan. Dahil doon ay unti-unting humupa ang kanyang takot sa puso…

"S-Sige, magpunta na tayo sa presinto." Pigil hiningang sagot niya rito. Kumislap ang mga mata nito na saglit na nakapagpatanga sa kanya. Tila natuwa sa kanyang sagot. Nagbago ang kulay ng mga mata nito. Tumingkad iyon at napakagandang titigan…

Agad itong tumango at may tinawagan. Siya naman ay nagdasal ng taimtim. Halos maiyak na siya sa labis na pasasalamat sa diyos dahil dininig nito ang panalangin niya: nagpadala ito ng anghel na tutulong sa kanya.

***

"'Mom! Ate Venus!" tuwang tawag ni Violeta sa kaanak at niyakap ng mahigpit ang mga ito. Kasalukuyan siyang nasa presinto at katatapos lamang magbigay ng statement. Ilang oras lamang siyang naghintay at nandoon na agad ang kaanak dahil na sa tulong ni Cenon.

Hindi siya nagkamaling nagtiwala dito. Pagdating nila doon ay agad silang inasikaso. At doon niya masasabi na talagang may puwang kahit papaano ang estado ng isang tao. Kilala ang pamilya ni Cenon doon. Bukod doon, pinsan ng ama nito ang hepe ng pulis doon kaya mabilis kaysa sa inaasahan ang naging pagtulong sa kanya doon. Kilala din ito sa presinto dahil dati itong doktor sa Zachary Medical Hospital sa bayan ng Quezon. Kilala ito dahil madalas itong sumama sa mga medical missions na ini-sponsor ng ilang kilalang politiko at maraming natulungan.

Marami itong koneksyon. Maging ang abogadong hahawak ng kaso niya ay kaibigan nito. Habang tumatagal ay lalo niyang hinahangaan ito. Lalong tumaas ang tingin niya rito dahil na rin handa itong tumulong sa isang taong tulad niya.

"Kumusta ka na?" naiiyak na tanong ng mommy niya.

"I'm okay now, mom." Naluluhang sagot niya at ipinaliwanag ang lahat dito. Paiyak na rin ang ate Venus niya sa nangyari.

"Okay… we should go home now. Kung wala na silang kailangan sa'yo, umuwi na tayo at nang makapagpahinga ka na. God… you look so exhausted," anang ina niya saka hinaplos ang buhok niya.

Naluluha man, napangiti na siya. Saglit lang sila nagkhiwalay ng ina, missed na agad niya ito. right there, she realized she did the right thing: ang hindi na patagalin pa iyon. Tama si Cenon, maaaring madamay ang pamilya niya agad kundi pa siya kumilos agad.

"Yes, 'Ma. Kakausapin ko lang sandali si Cenon," naiiyak na saad niya sa ina. Gusto pa rin niyang pasalamatan ang lalaki sa lahat ng tulong nito. Kundi dahil dito ay siguradong nagiiyak pa rin siya sa takot at tuliro sa kung ano ang gagawin.

Paika siyang lumabas siya at hinanap ang lalaki. Bahagya ng humupa ang sakit noon at muli, salamat kay Cenon. Gayunman ay hindi pa rin niya mapwersa ng husto. Natagpuan niya itong kausap ang isang pulis at nang makita siya ay agad itong nagpaalam sa kausap saka siya nilapitan.

"Umuwi ka na muna. Magiging maayos din ang lahat," salubong nito.

Napatango siya. "Maraming salamat, Cenon," taos pusong pasasalamat niya rito.

Napatango ito. "Don't worry, Atty. Devin Ethan Magtanggol is a damn good lawyer. They will surely rot in jail. Non bailable ang kidnapping at frustrated murder. Everything will be okay, Violeta. Sa ngayon, kailangan mo munang magingat dahil pinaghahanap na sila ng pulis." dagdag na paliwanag nito.

Napatango siya. Nakausap na rin niya si Mr. Magtanggol. Kasing edad ito ni Cenon. Guwapo. Edukado. Bakas ang kasupladuhan ngunit nandoon at hindi maitatanggi ang katapatan.

Saglit siya nitong tinitigan hanggang sa bahagyang namula ang pisngi niya. Wala siyang kaayos-ayos. Ang suot niya ay iyong suot pa rin niya ng nagdaang gabi. Saglit lamang siyang naghilamos kanina at nagsuklay. Ngayon, bigla siyang nagalangan sa kanyang itsura dahil na rin napakaguwapo ng kanyang kaharap. Guwapo, malinis at mabango. Samantalang siya…

"Here. Kapag dumating ka sa Manila, look for Dr. Ferdinand Supnet in St. Lukes. Orthopedic siya. He's my friend. Mas magandang isang espesyalista ang titingin sa paa mo para makitang maigi pa kung nagkaroon pa ng problema. Base on your profession, you needed to be always fit, right?"

"Thank you," she sincerely said. Niyakap niya ito para iparamdam ang taos pusong pasasalamat na iyon. Hindi na niya inisip pa ang kanyang itsura ng sandaling iyon. She wanted to hug him. She wanted to make him feel how grateful she was. Hindi niya naisip ang bagay na iyon pero si Cenon…

Ah, ang lalaking ito. Lalo niyang hinangaan talaga.

Mukhang nabigla ito sa ginawa niya. Saglit na tumigas ang katawan nito pero ilang sandali pa ay tumugon ito. Marahan din siya nitong niyakap at hinaplos ang kanyang likuran. Haplos na nais siyang tumahan… haplos na humahawi sa kanyang mga agam-agam…

"Thank you for everything," taos pusong pasasalamat niya rito at tiningala ito. Kumibot-kibot ang labi niya. Marami pa siyang nais na sabihin dito pero hindi niya magawa. Naunahan na siya ng hiya sa lalaki.

Bahagya itong natawa sa sinabi niya at napasinghap siya ng marahan nitong punasan ang pisngi niya. "You're welcome."

Doon naman dumating ang mga kaanak niya at nagpasalamat din ang mga ito sa lalaki. Isang sinserong ngiti ang ginanti nito sa kanila bago ito nagpaalam.

"Take care, okay?" anito.

"You too," aniya rito. Ngumiti na ito at tuluyang naglakad na palayo sa kanila.

Napahinga siya ng malalim habang nakatanaw dito. Sa kasuluksukan ng puso niya ay nakaramdam siya ng panghihinayang sa saglit na pagtatagpo nila nito. Gayunman, hindi maitatanggi ang labis niyang pasasalamat sa anghel na iyon.

Because she was definitely lost without him…