Chereads / SWEET BOOSTER / Chapter 13 - CHAPTER ELEVEN

Chapter 13 - CHAPTER ELEVEN

"Thank you po sir sa lahat.Hindi niyo naman ako kailangang bantayan pa dito. Dadating naman po ang kuya Calvin ko." Nakangiting saad ni Cherry pero sa loob-loob niya ay naiilang na siya rito. Dalawang linggo ng nakararaan ay nagtapat ito sa eroplano. Naloka siya! Kaya pala ganoon na lamang ang concern nito sa kanya dahil may lihim pala itong pagtingin sa kanya.

"It's okay, Cherry. Alam kong ngayon mo kailangan ng makakasama," anito saka hinawakan ang kamay niya. Kasaluykuyan silang nasa cafeteria ng Braunschweigh Rehabilation sa Germany. Isang kilalang rehabilitation center para sa mga orthopedic cases. Nagsasagawa din sila ng surgery doon. Karamihan sa mga kasabayan niya ay mga kilalang sport personalities din na na-injury sa laro.

At hindi biro ang ginastos doon ni Sir Arturo. Ngayon ay nauunawaan na niya kung bakit at nahihiya siya rito ng labis. Hindi niya kayang tapatan ang pag-ibig nito dahil iisang lalaki lang ang mahal niya.

Nalungkot siya. Oo. Mahal niya pa rin si Elixir sa kabila ng lahat ngunit nakakatakot sumugal. Kaya nga rin siya sumama kay si Sir Arturo ay para palipasin ang lahat ng dapat na lumipas. At sana, maubos din ang damdamin niya kay Elixir. Sa totoo lang, mas lalo palang mahirap kung nasa ibang bansa siya. Pati pamilya niya ay namimiss niya. Mabuti na lamang ay pupunta doon ang kuya Calvin niya at ito ang nagboluntaryong sumama sa kanya.

Nang pisilin ni Sir Arturo ang palad niya ay awtomatiko niya iyong nahila. Hindi kasi siya kumportable at doon niya napagtantong iisang palad lang ang gusto niyang hawakan… ang palad ni Elixir…

"Cherry—"

"S-sir… sorry talaga. Naiilang po ako," amin rito. Kahit magkasing edad sila nito ay ginagalang pa rin niya ito. Iyon ang mas nakalalamang ng damdamin niya rito. Paggalang at respeto kaya hindi rin niya kayang suklian ang damdamin nito.

"I understand," mapangunawang saad nito pero umiling siya at napabuntong hininga.

"Sir, malaking bagay po itong ginawa ninyo sa akin pero… sorry po talaga. Tatapatin ko na po kayo. Hindi… hindi ko po kayo gusto," aniya saka nahihiyang napayuko.

Napabuntong hininga ito at ilang sandali pa ay natawa na ito saka napailing. Napatingin siya rito at nagulat na lamang siya ng i-tap nito ang ulo niya na para siyang bata. Ang laking tao pa naman nito kaya lalo tuloy siyang nanliit. "Mahal mo pa rin si Elixir?"

Muli siyang yumuko tanda ng pagamin dito. Muli itong natawa. Hindi kababakasan ito ng galit bagkus, isang mapangunawang ngiti ang iginawad nito sa kanya. "Bakit kayo nagkahiwalay?"

Napahinga siya ng malalim. Saglit siyang nagisip kung sasabihin ang lahat dito hanggang sa natagpuan na lamang niya ang sariling inilalahad ang mga bagay na itinago niya sa pamilya. Nang matapos ay doon siya nakaramdam ng kakaibang gaan ng dibdib. Marahil, iyon ang isa sa mga kailangan niya. Ang magkaroon ng isang taong makakausap.

"Cherry, if you love Elixir, you should learn to accept everything in him, right? You couldn't change his past. It was him. Was. Tapos na 'yon. But I understand your point, his pasts gave you doubts. Pero tatanungin kita, papaano kung mahal ka naman talaga niya? You should understand that the baby was his child. Hindi mo siya mailalayo doon,"

Napahinga siya ng malalim. "Iyon nga ho ang hindi ko matanggap. Wala akong magawa sa bagay na 'yon… dapat ako lang, hindi ba? Dahil sa akin… siya lang naman ang magmamayari sa akin." Mapait niyang amin.

Napabuntong hininga ito. "You have a point but… are you sure you are going to survive? Sure you are going to live your life but how about your heart? I'm sure, Elixir was still holding that. I can see it in your eyes every time you're saying his name."

Napayuko siya at napabuntong hininga ito. "I can see the guy loves you. Noong pumasyal kayo sa Rancho Villegas, I saw how he looked at you and right there, I gave up. Kasalanan ko dahil ang bagal ko. Pero sumubok ako noong wala na kayo at gusto kong batukan ang sarili ko. I saw how you looked at each other. Paano ko nakalimutan na matagal na akong walang pag-asa?" anito saka natawa ng bahaw. "Ang sa akin lang, happiness is a choice, Cherry. If you are happy being with him, chose it regardless of what happened."

"Pero papaano 'yung anak niya?"

"Hindi mo ba talaga matatanggap?" nanantiyang tanong nito. "Walang kinalaman ang bata, Cherry. Always remember that."

Para siyang ginising sa sinabi nito. Bigla siyang nanlulumo at napapahiya sa sarili. Kahit kailan ay hindi niya nakita ang anggulong iyon. Ang nakita niya sa lahat ng iyon ang ginawa ni Elixir noon at ang takot na mahahati ang atensyon nito sa kanya. Ang matinding paninibugho niya kay Denise. Ang galit niya sa sitwasyon. Ang pagkakaasidente niya. Naging makasarili siya.

Labis siyang nahiya ng maisip iyon. Napainom siya ng tubig ngunit parang kulang pa. Biglang-bigla gusto niyang bumalik ng Pilipinas at humingi ng sorry kay Elixir. Kung tutuusin, iniwan niya ito sa ere at napakasakit ng ginawa niya. Masyado siyang nakinig sa takot niya at galit.

Nangilid ang luha niya sa labis na pagsisisi. Ilang beses siyang uminom ng tubig hanggang sa inawat siya ni Sir Arturo at ngumiti ito sa kanya.

"At least, I know you made up your mind. All I want to see in you is to be happy again, Cherry…"

Pati rito ay hiyang-hiya siya. Ang lalaking amo at binasted niya ay nagbigay pa ng payo sa kanya. "Thank you, sir… sana… sana… nandoon pa siya pagbalik ko…" nanghihinang saad niya at napakurapkurap. Binaha ng matinding takot ang puso niya sa kaalamang mawawala na si Elixir sa kanya ng tuluyan. Paano kung naisip nitong ayusin ang relasyon nito kay Denise? Paano na siya?

"Let's finished your session. Ilang linggo rin naman, makakabalik ka na. I'll stay here until Clavin arrives, okay?" tukoy nito sa panganay nilang nasa Greece. Noong nakaraang gabi ay tumawag ito sa kanya nang mabalitaan nitong nagpunta siya sa Germany. Agad daw itong nagpaalam sa amo para puntahan siya roon at pumayag naman ang amo nito. Sa nayon ay hinihintay na lamang nila ang pagdating ng kuya niya para ito ang magasikaso sa kanya.

Tumango na lamang siya rito at tumalima na sila. Muli siyang sumailalim sa theraphy hanggang sa matapos iyon. Kinabukasan na ang balik niya at umuwi na sila sa villa ng pamilya nito. Tahimik siya sa buong oras dahil iniisip niya si Elixir. Kinagabihan ay nagpasya siyang tawagan ito pero tuluyan na siyang napaiyak ng hindi niya ito makontak. Ilang beses siyang nagtangka pero sa huli ay hindi niya ito nakausap.

Iyak siya ng iyak. Muli niyang sinisi ang sarili. Ilang beses niyang pinagalitan ang sarili hanggang sa nakatulugan iyon. At sa pagtulog niya ay dinalaw siya ng napakagandang panaginip. Kasama daw niya si Elixir at dahil sa labis na pananabik niya rito ay hindi niya ito pinakawalan. Niyakap daw niya ito ng mahigpit at ilang beses niyang sinabi kung gaano ito kamahal. Na handa na siyang tanggapin ang lahat dahil gusto niya itong makasama.

Pero sa pagising niya ay muli siyang napaiyak dahil alam niyang isa lamang iyong panaginip. Nahigit na lamang niya ang hininga ng may yumapos sa baywang niya at agad niya niyang nalanghap ang pamilyar na amoy ni Elixir. Pagmulat niya ng mata ay nandoon ito sa tabi niya at bigla siyang napahagulgol sa mga palad!

"Elixir!"

Bigla siyang bumangon at nang masiguro nga niyang si Elixir ito—na nakasuot pa ng damit-panlakad na mukhang nakatulugan na nito—ay lalong lumakas ang iyak ni Cherry at sinunggaban ito ng yakap. Sumubsub siya sa dibdib nito at lalo pang hinigpitan iyon. Halatadong nabigla ito sa inasal niya pero tumugon din ito makalipas ang ilang segundo. Napapikit siya para namnamin ang init na matagal niyang inasam na muling madama.

"What happened? Kagabi ka pa naiiyak. Ilang beses kitang ginising pero niyakap mo lang ako at hindi na pinakawalan. Is it a bad dream?" nagalalang tanong nito at panay ang hagod nito sa likuran niya.

Agad siyang umiling habang nakasubsob sa dibdib nito. "Hindi… napakagandang panaginip noon dahil… dahil ikaw ang kasama ko…" naiiyak na amin niya rito. Ah… hindi mapatid-patid ang iyak niya dahil sa labis na kaligayahan. Mukhang hindi panaginip ang lahat dahil totoo na itong kasama niya.

"Sana… hindi ka na galit sa panaginip mo," anas nito saka hinawakan ang mukha niya. Nagtiim ang bagang nito nang makitang hilam na siya ng luha at marahang pinunasan iyon. "Please… stop crying…"

Naginit ang puso niya sa gawi nito. Ah… miss na miss niya ito. Sobra. Kaya hayun siya, habang nakatitig dito, kahit hilam ng luha ay bahagya siyang natawa. Napakunot ang noo nito pero bago pa nito nagawang makapagtanong ay agad na niya itong hinalikan sa labi.

Mukhang nabigla ito pero tumugon din agad. Mainit. Mapaghanap at bago pa sila kapwa madarang ay kumalas na ito sa kanya at pinakatitigan siya. Natunaw ang puso niya sa nakikitang kaligayahan na nahahaluan ng pagkalito hanggang sa nginitian niya ito.

"Na-miss kita," amin niya rito at malambing na hinaplos ang mukha nito. Ah… namiss niya talaga maging ang hawakan ang mukha nito. Na-miss niya ang init nito sa palad niya.

Napangiti ito at kumislap ang mga mata. "I miss you too. Kaya nga hindi na ako makapaghintay pa at sumunod na rito. By the way, I'm with kuya Calvin. Nagkita na lang kami sa airport at sabay na dumating dito."

Naiyak siya sa sinabi nito. Ginawa nito ang lahat para makita siya. Wow… hindi na pala niya ito kailangang hanapin pa. Marahil, nasa biyahe ito kaya hindi niya matawagan.

Napahinga siya ng malalim at saka umayos ng umupo. Tinigan niya ito at hinawakan ang kamay nito. "Hon, gusto kong malaman mo na pinipili kita at handa akong tanggapin ang lahat."

Napaupo ito at namamanghang napatingin ito sa kanya. Muli siyang huminga ng malalim at kumuha ng buwelo. "Mahal kita at kahit ano ang mangyari… hindi na kita ulit iiwanan. Sorry, ha?" aniya saka nangilid ang mga luha ngunit pinigilan niyang pumatak iyon. Huminga siya ng malalim para mapagaan ang namimigat na dibdib. "Sorry dahil naging makasarili ako…" anas niya at habang umiiyak ay sinabi niya ang lahat ng naging dilemma dito. "Alam ko, hindi mo na ako dapat pang sinundan dito dahil ako mismo ang humiwalay sa'yo pero… p-pero salamat dahil nandito ka pa rin… sorry talaga… ang dami kong sinabing masama sa'yo… sana mapatawad mo ako…"

Namasa ang mga mata ni Elixir at namula iyon. Gayunman, nandoon ang matinding kaligayahan nito at hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya saka nito masuyong pinahid ang mga luha niya. "Cherry, susundan kita kahit nasaan ka dahil mahal kita. I love you… I will always love you. Aaminin ko, sumama ang loob ko pero naiintindihan kita. It was just really so unlucky…" anito saka nito sinabi ang lahat ng pangyayari kung bakit siya nito hindi nagawang masabihan agad at napabuntong hininga nito. "But I found out the truth, the baby wasn't mine."

Napanganga siya. Pakiramdam niya ay nagmanhid ang utak niya hanggang sa napakurapkurap siya. "A-anong sinabi mo?"

Ngumiti ito sa kanya at ipinaliwanag nito kung paano at bakit iyon nangyari. Nagngitngit siya sa Denise na iyon hanggang sa napabuga siya ng hangin. Gayunman, bilang isang babae ay nauunawaan niya ang pagganti nito. Nagmahal lamang ito at umasa kaya nito nagawang gumanti.

"I am really happy knowing that despite of everything, you still find to your heart to love me again. Thank you so much, Cherry." Anito saka siya hinalikan ng matagal sa noo at nang muli itong kumawala sa kanya ay inilabas nito ang isang itim na kahita. Naluha siya ng buksan nito iyon at makitang naglalaman iyon ng isang maganda, simple ngunit eleganteng engagement ring. "Marry me, Cherry Lou Ronquillo, the Wild Cherry. Marry me and I'll make it sure that nothing like this would happen anymore. It's not a promise, Cherry. It's an oath."

Napahagulgol na lamang siya at niyakap ito ng mahigpit. Ang buong akala niya ay hindi na mangyayari iyon. Sa lahat ng mga ginawa niya at sinabi niya, nandoon pa rin ito na handa siyang pakasalan. Labis iyong nakasaya sa puso niya.

"Stop crying honey. Pati ako naiiyak," anito saka napakurapkurap. Bahagya siyang natawa at pinunasan din niya ang luha nitong pumatak. Damang-dama niya ang kaligayahan nito dahil nababasa niya iyon sa mga mata nito. "Let's get married. Be my wife… please?"

"Oo, magpakasal tayo, Elixir. Ipinapangako ko rin sa'yo… hindi na kita basta-basta pakakawalan." Madamdaming sagot niya saka ito hinalikan ng ubod suyo at pagmamahal. Nang tumugon ito ay tuluyan ng nawala ang lahat ng negatibong damdamin sa puso niya.

"I love you. So… damn… much…" anas nito sa pagitan ng mga labi nila.

Napangiti siya. "Sabihin mo naman ng madalas." Request niya rito at muling napangiti. "Masarap na nararamdaman ko iyon sa gawa pero… mas masarap kapag sasabihin mo lagi."

"Your wish is my command," anas nito at muling nagsanib ang mga labi nila. Ibang-iba ang halik na iyon kaysa sa mga nauna. Hindi lang iyon puno ng pagmamahal kundi puno rin iyon ng tiwala, respeto, pananabik at antisipasyon. Ah… wala na siyang mahihiling pa ng sandaling iyon. Habang magkasanib ang mga labi nila ay isinuot ni Elixir ang singsing sa kamay niya at pinagsalikop iyon. Tulad ng mga puso nila ng mga sandaling iyon na hindi na mapaghihiwalay pa kahit kailan.

After one year…

"Hon, sorry talaga… napuyat ka na naman…" hininging paunmanhin ni Cherry kay Elixir habang sinisimsim ang strawberry shake na ginawa nito. Gabi-gabi ay nagigising siya at iyon ang hinahanap niya sa paglilihi. At ang kanyang butihing asawa ay tila hindi man lang napapagod. Nakangiti itong umupo sa tabi niya at pinagmasdan lamang siya.

Magmula ng magkaayos sila ni Elixir sa Germany ay nakasama nila ito ng kuya Calvin niya na asikasuhin siya sa theraphy. Nang gumaling siya at nakabalik ng Pilipinas ay agad namanhikan ang pamilya nito. Tuwang-tuwa si Mang Kanor dahil nagkatuluyan sila nito. Agad silang nagpakasal ni Elixir at ipinagpatuloy niya ang pagiging endorser. Nakasaad sa contract na isang taon iyon hanggang sa tuluyang natapos.

Gayunman, umere pa ang commercial nila matapos ang tatlong buwang kontrata noon. Dahil malakas ang sales ng Sweet Booster Energy Drink, muli iyong umere ng tatlong buwan sa telebisyon. Sa ngayon, bagaman tapos na iyon ay nanatili ang tatak nila bilang mga endorser. May mga nagpapa-picture pa rin sa kanya sa Sta. Ana—dahil nagpatuloy pa rin siya noon na maging hinete bagaman hindi na iyon madalas na sinuportahan ni Elixir—ay nanatili siyang isa sa mga icon ng Sweet Booster.

Nabibilib din siya kung paano nito hinarap noon ang galit ng pamilya niya. Nang umalis pala siya noon ay kinulit nito ang pamilya niya para sa address niya at bago ibigay iyon ay pinaamin muna ito sa nangyari. At dahil masyado itong honest ay sinabi nito ang lahat. Natural, nagalit ang pamilya niya. Ang punto doon ay pinaiyak daw siya nito kaya inabot ito ng ilang linggo bago nito napahinuhod ang pamilya niya.

Nakatikim din ito sa kuya Calvin niya ng sermon habang papunta ang mga ito sa villa na tinutuluyan niya. Kung tutuusin, kahit wala naman talaga itong atraso ay hinarap nito ang lahat para lamang makita at makasama siya. Dahil doon ay lalo niya itong minahal.

Agad nilang inasikaso ang kasal pagkauwi nila at sa loob ng dalawang buwan ay kinasal sila sa simbahan. Dumating ang pitong babaeng naging kaibigan na niya sa commercial na mukhang masaya para sa kanya. Maging siya ay walang masidlan ng kaligayahan dahil ikakasal siya sa lalaking pinakamamahal niya.

Matapos iyon ay doon na rin siya tumira sa bahay ni Elixir at paminsan-minsan ay dinadalaw nila ang pamilya niya o pamilya niya ang dumadalaw sa kanila doon.

Si Denise naman ay nabalitaan na lamang nilang kinasal na kay Henry. Wala na rin silang balita rito. Nakuha na rin nila itong patawarin at sa huli ay kinalimutan na nilang lahat ang nangyari. Ang atensyon nila ay ang bata sa sinapupunan niya. Excited na sila ni Elixir at aaminin niya, natutuwa siya sa pagaasikaso nitong tumindi pa matapos silang ikasal at nagbuntis siya.

Nang mabuntis siya ay tuluyan na siyang tumigil sa pagkakarera at nag-concentrate na sa lending. Tuluyan na rin niyang binago ang pananamit at pananalita. Bagaman sinasabi ni Elixir na gusto siya nito at minahal sa kahit ano siya ay naisipan pa rin niyang gawin iyon. Para na rin iyon sa kanyang sarili at masaya pa rin siya sa piniling buhay.

At ang lahat ng iyon ay nauunawaan ni Sir Arturo. Sa kabilang banda, nanalangin siyang sanay makahanap ng babaeng si Sir Arturo na tunay na magmamahal dito. Nagpapasalamat siya sa kabaitan nito at batid niyang deserve nitong maging maligaya din.

"Ano ka ba? It's for our baby," masuyo nitong saad saka siya hinaplos sa buhok.

Napangiti siya sa kalambingan nito. Lalo siyang natuwa ng makitang hindi ito naiinip habang hinihintay siyang ubusin ang strawberry shake. "Hon," untag niya rito at nang tumingin ito sa kanya at malambing siyang ngumiti rito.

"What? Poging-pogi ka na naman sa akin?" biro nito sa kanya at inusog pa ang upuan palapit sa kanya. "You want more?" masuyo nitong saad saka siya hinalikan sa sentido.

"I love you," lambing niya rito.

"And I love you always." Nakangiting saad nito saka siya pinagmasdang maigi. "Do you remember the very first time I went to your house?"

Napatango siya rito at ngumiti. Masuyo siya nitong hinalikan sa noo at pinakatitigan siya. "The truth is… I was awe to see you that time. Katatapos mo lang maligo noon. Your hair was wet. You have no make up. You wore a simple shirt and pants but I found you really beautiful that time. And I'm glad I married someone like you, Cherry. I married the most wonderful woman in the whole world. I love you forever, honey…"

Nanikip ang dibdib niya sa kaalamang iyon. Alam niyang nagsasasabi ito ng totoo dahil dama niya ang sinseridad at pagmamahal nito. Kaya ng bumaba ang labi nito sa labi niya ay tinugon niya iyon ng buong pagmamahal…. Katulad kung paano nito ipadama kung gaano siya nito kamahal.

********