Chereads / Army of True Salvation (TagLish) / Chapter 53 - Ray, Siraulo Ka Ba

Chapter 53 - Ray, Siraulo Ka Ba

>Sheloah's POV<

No'ng lumayo ako sa kanya, may narinig kaming dalawang gunshots. Yung mga parents nagulat pati na rin yung mga iba kong classmates. Tumabi agad si Veon sa akin to make sure I am in proper defense.

No'ng narinig namin yung gunshot, may maitim na lalaki na nag pakita sa gitna ng lugar. Sa harapan ng grupo nila at sa harapan ng grupo namin. Nasa gitna siya. Mukhang seryoso yung itsura niya. Chubby yung katawan niya tapos ang itim pa niya. Ano nanaman ang balak neto?

"Ano'ng kaguluhang ito," tanong ng mataba na maitim na lalaki sa harapan ng grupo namin at grupo nila. Hindi ako nanlalait, ah? Sadyang gano'n yung itsura niya, eh.

Lumapit yung babae na umaway sa akin kanina. "Pinatay ng bitch na 'yan si Paul! Ray, patayin mo nga," sumbong naman ng babaeng kaaway ko kanina at tiningnan siya ni Ray.

So Ray pala ang pangalan ng maitim na mataba na lalaking 'yon.

"Excuse me, but we cannot tolerate this type of attitude. Yung grupo niyo ang nagsimula ng sitwasyong ito. Pinatay niya ang kasama namin," sabi ng isang parent sa kanila at sumabat din naman ang isang parent.

"Tama ang sinabi niya. Of course, may mali rin kami na pinatay ang kagrupo niyo pero most of this was your group's fault. Pinatay niya ang kakampi ng mga studyante, eh nananahimik lang kami rito," sabi ng tatay ni Dannie.

Napabuntong-hininga si Ray. "Understood po," sabi niya sa parents at tiningnan naman niya yung babaeng kaaway ko kanina. "Kathy, kalma lang. Ako na ang bahala," sabi ni Ray sa kanya at tiningnan niya yung grupo namin. "Sila ang mga intruders dito. Ako yung mag aayos nito. So parents, hear us out, too," sabi niya at tinutukan niya ng baril yung iba naming classmates.

Sumingit ako. "Teka nga," sigaw ko at tiningnan nila ako. "Kami, intruder? Pinatay nga ng Paul na 'yan yung kasama namin, tapos kami ang may mali? Kayo nauna sa away na ito," sigaw ko at tiningnan ako ni Ray at bigla siyang tumahimik.

Hindi nakapagsalita si Ray at tinaasan ko siya ng kilay. Ano'ng nangyari sa kanya? Bakit biglang ganyan yung reaction niya?

"Bakit hindi ka makasagot," tanong ko sa kanya at hindi siya makatingin ng deretsyo sa mata ko.

"Kathy… yung boyfriend mo pala ang nagsimula ng away, eh," sabi ni Ray sa kanya at nagulat si Kathy.

"Ha!? Bakit parang sila na yung kinakampihan mo? Grupo mo kami, 'di ba? Bakit hindi mo kami pinagtatanggol? Group leader ka namin, Ray," pasigaw na reklamo ni Kathy sa kanya at natawa yung mga ibang classmates namin dahil kinakampihan kami ni Ray.

"Ano'ng pangalan mo, miss," tanong ni Ray sa akin at nilayuan ko siya. Hindi niya pinansin si Kathy tapos binigay niya ang full attention niya sa akin.

"Bakit ko ibibigay pangalan ko sa'yo, eh kalaban ka namin," sabi ko sa kanya at natawa nanaman yung mga ibang classmates ko.

"Ray, siraulo ka ba," sabi ni Kathy sa kanya at nilapitan niya si Ray. "Bakit parang na-bewitch ka sa babaeng yan, ha? Don't tell me you like her," dagdag sabi pa niya at no'ng sinabi niya 'yan, nag "ahem" si Ray tapos nginitian niya ako. Tinaasan ko nanaman siya ng kilay.

Sa sinabi ni Kathy parang may gusto nga sa akin itong lalaking ito. Galit ako sa kanya kasi kalaban siya at pinatay ng kasama niya yung kasama namin at yung girlfriend ng kasama niya inaway ako.

"Can we get this over with? Basta… kayo ang may kasalanan. Kayo ang nauna. Hindi kami," I said finally and Ray gathered his thoughts bago siya tumango.

"Seryosohan na," sabi ni Ray tapos umubo siya ng onti. "Ano ang future plans niyo," tanong niya sa amin at pumunta sa tabi ko si Veon.

"Pupunta kami sa Manila. Nandito lang kami para magpahinga," sagot ni Veon sa tanong niya at medyo nagulat si Ray.

"Sorry, pero hindi ko kayo papayagan na lumagpas pa rito," sabi niya at nag react kaming lahat.

"Bakit naman? Zombie apocalypse ito, kailangan tumakas," sigaw ni Isobel and Ray just shook his head.

"You don't understand," sabi ni Ray at huminga siya nang malalim. "Since kami lang din ang survivors ng school namin, kami na ang parang may territory rito sa Pangasinan," dagdag sabi niya at tumahimik kami para pakinggan siya.

"At siyempre since territory namin ito, sa amin yung mga nandito. Pati na yang 7-11 na pinuntahan niyo. Sa amin 'yan. Yung mga pagkain na kinakain niyo, yung mga gamit na inuupuan niyo, tinatayuan niyo… sa amin 'yan. Kaya siguro inatake ang isang kagrupo niyo dahil teritoryo namin ito. Kaso siya rin ang may mali dahil pwede naman pag usapan ito ng maayos. So I apologize for his part," he said finally at inirapan ko siya.

Tiningnan ko siya at nakatitig lang siya sa akin. Leader siya ng grupo na nasa harapan namin and because of what he said, his explanations, naiintindihan na namin lahat ang rason kung bakit pinatay ang kakampi namin. Teritoryo kasi nila ito. Kaso tama rin ang sinabi ni Ray. Hindi tama ang ginawa ng kagrupo nila dahil pwede naman kami kausapin. It was right for the leader to apologize on the killer's behalf but I don't know if I should completely forgive him.