>Sheloah's POV<
"Survival ito. Gagamitin lang natin kutsilyo. Melee attack. One versus one. Kung sino'ng mamamatay sa atin, siya yung panalo. Kung ikaw yung nanalo, we can share the land and you can have our things and go further," sabi ni Ray and Veon folded his arms.
"At kung ikaw yung nanalo," tanong niya at ngumiti si Ray ng masama.
"Sa amin parin ito. Hindi kayo lalagpas dito at isa pa… I want to have whatever resources you guys have," sabi niya at nagulat kaming lahat.
"Take it or leave it. Kung gusto niyong makaalis o hindi," sabi ni Ray tapos hindi kami makasagot. Ano na gagawin namin?
Huminga ng malalim si Veon. "Gagawin ko itong challenge na ito. Basta gawin mo lang totoo yung sinabi mo," sabi ni Veon at nagulat kami.
"What's the name of your group," tanong niya kay Veon at nginitian niya kami nang masama.
"Army of True Salvation," sagot niya at nag shake hands sila ni Ray.
"Tomorrow. 7AM sharp. Dito mismo. Your group versus Weapons of Massive Destruction," sabi ni Ray and Veon nodded at him.
Umalis na yung grupo nila tapos umalis na rin si Veon. Nagulat ako sa sudden events na nangyayari ngayon. Maraming parents ang hindi nag agree sa usapan pero wala silang magagawa. It has already been decided.
"Veon, wait," sigaw ko at sinundan ko siya kung saan man siya pupunta. Hindi siya tumigil para kausapin ako.
Naglalakad kami sa forest tapos napadpad kami sa may waterfalls. "Uy, Veon," sabi ko sa kanya at hinawakan ko yung kamay niya at sa wakas tumigil siya.
"Ano," tanong niya at lumingon siya para tingnan ako.
"Talaga bang gagawin mo 'yon? Yung challenge," tanong ko sa kanya to make sure and he nodded at me.
"Wala tayong choice. Hindi niya papalitan yung rules. For sure, kukunin niya lahat ng mayro'n sa'tin. He will take this advantage," sabi ni Veon and I sighed in exasperation.
"That desperate guy," reklamo ko at sinipa ko yung pebble na nasa harapan ko.
"Pagbubutihan ko bukas," sabi niya at tiningnan ko siya.
"Paano kung matatalo ka," tanong ko at tiningnan niya ako. "Paano kung namatay ka? Ayaw ko ng gan'on," dagdag sabi ko pa at nginitian niya ako.
"Hindi 'yon mangyayari. Basta… ako ang bahala," sabi niya at naglalakad na siya pabalik sa classmates ko pero hindi ko siya sinundan.
Ayaw ko na mawala siya. Bakit kasi kailangan pa ng ganito? Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko at kung ano ang gagawin ko.
Tumakbo ako kay Veon at agad kong hinawakan yung kamay niya. "Saglit," sabi ko sa kanya at bumilis tibok ng puso ko. Lumingon siya at tinitingnan niya ako pero hindi ko siya kayang tingnan ng deretsyo sa mga mata niya.
"May…"
Hindi ko alam kung sure ba talaga ako sa gagawin ko. Tiningnan ko siya nang seryoso kahit bumibilis yung tibok ng puso ko.
Kailangan ko 'tong sabihin sa kanya. Paano kung mawawala siya, edi hindi niya na malalaman. I need to speak sooner.
"May sasabihin ako sa'yo," I said finally at tiningnan ako ni Veon nang seryoso, hinihintay kung ano man ang sasabihin ko.
I will finally tell him what I really feel.